93

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

“Best friend ba talaga ni Seulgi yung Moonbyul?” Tanong ni Irene habang kumakain sila ng barbeque.

 

“Nung high school.” Sagot ni Wendy.

 

“Eh bakit parang galit na galit si Seulgi sa kanya?” Udyok ni Irene. “Saka, bakit di man lang niya nabanggit sa akin?”

 

“Eh bobo yun si Black Hole eh.” Tumawa si Wendy. Magsasalita pa sana si Irene pero inunahan na siya. “Kaya Black Hole kasi kinain nun yung lahat ng malapit kay Seulgi. Like for example, nung high school sila, sinulot lahat ng bebe ni Seulgi. Kahit yung mga manliligaw niya na lalaki, puta, inagaw. Sa mga awards, agawan sila sa 1st and 2nd. Sa sports, captain si Seul, tapos bigla siyang magiging co-capt.”

 

“Pero mabait yun si Byul, sandalan niya dati nung bata pa sila. May pagka tarantado lang talaga minsan kasi pag alam niyang gustong gusto ni Seulgi, kukunin niya. Wala, nambuburat lang.” Nagkibit balikat si Wendy. “Medyo ganon lang talaga yung dynamics ng friendship nila. Di na sila close ngayon kaya nagulat din ako nandun siya. Imagine mo yun, kung tropa pa rin sila? Malamang conyo rin yung si Seulgi.”

 

Tumango na lang si Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hell week na naman. Antok na antok na pumasok si Irene sa Eng lib. Punuan. Pero ayaw na niyang umalis dahil ang layo na ng nilakad niya. Nakahanap siya ng mauupuan sa tabi ng isang taong mahimbing ang tulog at nakataklob sa ilalim ng hoodie niya. 

 

Maingat na umupo si Irene sa tabi niya para hindi makaistorbo. Pero biglang may nakalaglag ng manual malapit sa kanila napabangon yung katabi niya. 

 

"Irene?" 

"Tzuyu?" 

 

Agad namang ng nag ayos ng gamit si Tzuyu. "Irene.. Uhm.. sorry. I can leave naman kung.. kung di ka comfortable." 

 

"Wag na." Kalmadong sagot ni Irene. "It's fine. Ikaw din naman nauna dito."

 

"Irene.. gusto ko lang na.. na mag sorry." Mahinang sabi ni Tzuyu. "Malamang sinabi na ni Seulgi sayo yung nangyari nung na sa Hong Kong kami.. sorry. And wala talaga akong  balak na manggulo sa inyo, I promise."

 

"Okay lang." Tumawa na lang si Irene. "Ano rin kasi.. break na kami."

 

Nanlaki naman ang mata ni Tzuyu. "Ha? B-bakit?" 

 

"Wala, hindi nag work out." Nagkibit balikat na lang si Irene. 

 

"Irene.."

 

"Tzuyu, okay na. Naiintindihan ko naman na malalim yung pinag samahan niyo ni Seulgi." Napabuntong hininga si Irene. 

 

"Irene. Sorry. Kung yung nangyari yung reason ng break up niyo—”

 

"Wag ka na masyado mag worry." Ngumiti si Irene. "Okay na."

 

"I'm so sorry. May magagawa ba ako?" Worried na tanong ni Tzuyu. "Kahit ano, Irene. You name it. Anything to make it up to you. Gusto mo bang lumayo ako sa inyo, or kausapin ko si—" 

 

"Libre mo na lang ako ng isang bucket after hell week." Tumawa si Irene. "Dun natin pag usapan ang lahat."

 

"Sige."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ikaw na naman." Nakangiting bati ni Moonbyul nung nagkita sila sa may canteen ng CSA building. "Goddess of Peace."

 

"Pwede bang Irene na lang?"

 

"Oo naman, kung pwede rin na hingin ko number mo."

 

"Hindi." Matipid niyang sagot.

 

"Alright." Nag labas si Moonbyul ng wallet niya. "Libre na lang kita."

 

"Wag na." Umiling si Irene pero nakapag abot na ng bayad si Moonbyul.

 

Mag katabi silang kumain. Worried na nakatingin si Irene sa langit dahil nagbabadyang bumagsak ang ulan. Wala pa naman siyang payong. 

 

"Slow down, bakit ang bilis mo naman kumain?" Takang tanong ni Moonbyul.

 

"Sa IE yung next ko na class," Nagmamadaling sabi ni Irene. "10 minutes na lakaran yun. Kung di ko bibilisan, malelate ako."

 

"Hahatid na lang kita." Pagoffer ni Moonbyul.

 

"No, thanks." Tinapon na ni Irene yung pinag kainan niya at mabilis na uminom ng C2. "Thank you sa libre, una na ako."

 

Pagtayo niya, agad siyang napasimangot dahil bumuhos na ng todo ang ulan. Napailing na lang siya habang naghahanap sa bag niya ng pwedeng gamitin pang cover.

 

"Hatid na kita." Mariing sabi ni Moonbyul.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Thank you." Nahihiyang sabi ni Irene habang papunta sila sa department. "Sorry sa hassle."

 

"It's fine." Ngumiti si Moonb

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
885 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
885 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
885 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹