51

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

“Pucha, di na tayo nakapag sem ender.” Panghihinayang na sabi ni Lisa.

 

Tapos na ang hell week. Tapos na rin ang finals week. Naigapang nila ang lahat ng iyon, at masaya na rin si Seulgi dahil sumabit pa sila ng kwatro ni Lisa dun sa subject na puro chismisan lang ang ginagawa nila. Nahihiya pa nga na sabihin ni Lisa na may kwatro siya kay Jennie na laude standing.

 

Proud na proud si Seulgi kay Irene dahil naitawid niya ang mga subjects niya kahit panay Engineering Science yun, ang pinakamadugong series na pagdadaanan ng isang studyante sa College of Engineering. Si Irene ang nanalo sa pustahan nila sa Physics at nag samgyup date sila after ng last exams ni Seulgi. 

 

Medyo magkalapit lapit lang sila ng standing si Seulgi at Lisa dahil aminado naman sila na hindi sila masyadong nakikinig. Si Rosé ay pasado na lahat at magbabaksyon sa pamilya niya sa Australia. Si Wendy, as usual, laude standing at nakaalis na rin siya pa-Canada, finals week pa lang. Si Yves, sa kasamaang palad, ay may uulitin na Eng Sci. Si Yeri ay naitawid din ang lahat ng mga subjects niya, pero hindi niya na nahandle nang maayos ang exec duties niya.

 

 

“Kasi naman, bakit ang aga niyong aalis?” Nakangusong sabi ni Yves kay Rosé.

 

“Eh, excited sila eh.” Nagkibit balikat si Rosé. “Isang buwan kami dun, pag balik ko may accent na ulit ako.”

 

“Puta magiging annoying ka na naman,” Sabi ni Seulgi at ginaya niya kung paano magsalita si Rosé nung una silang magkita. “Panay ‘naurrrrr’ ka na naman, di muna kita kikitain hangga’t di nawawala yun sayo ah.”

 

 

 

 

 

“Plano niyo ni Baechu?” Tinapik ni Lisa si Seulgi.

 

“Wala, aalis na rin yun mamaya pa-Davao.” Sagot niya.

 

“Hatid mo sa NAIA?” Tanong ni Yves.

 

“Hindi, isasabay daw ng tito niya.” Tumingin si Seulgi kay Lisa. “Bhie, magmukmok din kaya ako, parang ikaw?”

 

“Tangina naman kasi,” Naiinis pa rin si Lisa pag naalala niya. “Isa’t kalahating buwan sila sa New Zealand, magaaway pa kami sa last day niya dito, parang wilab eh.”

 

“Ang arte arte mo kasi.” Tumawa si Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Nom tonight?” Biglang sumulpot si Yeri. “Nom? Nom nom?”

 

“Hoy, bansot! Kala ko sabay tayo uwi?” Tanong ni Yves.

 

“Di na, may gagawin pa pala ako. Sa weekend ako byahe.” Sagot niya.

 

“Nom! Nom!” Masayang sagot ni Lisa. “Di pa rin kami naguusap ng baby ko, sad na is me.”

 

“Ssap, 5 am ako daanan sa dorm ni Dad.” Sabi ni Rosé.

 

“Bounce na ako maya maya eh.” Umiling si Yves.

 

“Tayong tatlo lang?” Nagtatakang tanong ni Seulgi. “Long quotes naman nun.”

 

“Libre ko.” Ngumiti si Yeri.

 

“G, wala na rin akong pera eh.” Tumango si Lisa. “Kaw, Seul?”

 

“Paalam muna kay bossing.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
887 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
887 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹