40
Elesi
Monday. Nagla-lunch si Irene at Seulgi sa restaurant kung saan unang nakita ni Seulgi na kasama ni Irene si Bogum. Natawa siya bigla.
"Bakit ka tumatawa?" Taas kilay na tanong ni Irene sa kanya. "Share naman."
"Wala ka na dun."
Dalawang araw matapos silang maghalikan sa resort, hindi pa rin pinaguusapan ni Irene at Seulgi ang nangyari.
"Hell week na naman, pucha." Mabagal na nag exhale si Seulgi. "Sunod sunod na naman exam ko next week."
"Kami rin eh." Comment ni Irene. "Gabi gabi na naman akong maglalakad pauwi galing dept."
"Nagpaparinig ka ata eh." Pangaasar na sabi ni Seulgi. "Gusto mo bang ihatid kita?"
"Sira, I'm just making conversation."
After nilang maglunch, nag paalam na si Irene dahil kailangan niya nang pumunta sa Engineering lib para mag acads. Mabibigat ang mga susunod niyang exams kaya maaga na siya magsisimulang mag aral.
"Hahatid na kita." Sabi ni Seulgi dahil walang dumadaan na jeep papunta sa Eng lib.
"Hala, wag na."
"Wag ka na pumalag."
Pag hatid niya, nakangiting kumakaway si Irene nang biglang sumama ang mukha niya dahil may lalaking lumapit sa kanya.
Narecognize ni Seulgi na yun yung lalaking kasama ni Irene dati.
"Ah so ito pala si bebe mo ha," Sabi ni Seulgi dahil sinundan ng tingin ng lalaki kung sino ang kinawayan ni Irene. "Mukha namang lawayin."
"Irene!" Tumawag si Seulgi dahil sabay na silang naglalakad papasok ng Eng lib nung lalaki.
"Oh?"
"Lunch date tayo ulit bukas ha!" Malaki ang ngiti ni Seulgi at nagulumihanan si Irene dahil hindi naman sila usually naglalunch kapag Tuesday dahil wala silang bakante.
Naguluhan din yung lalaki at masama na ang tingin sa kanya na parang nag tatanong.
Nag drive na paalis si Seulgi. "Tingin pa, bugok." Sabi niya habang tumatawa.
From: Naeun
Hoy. Hindi ka na nag paramdam
From: Naeun
Tampo ka?
"Tol, may sasabihin ako sa inyo."
Pag oras talaga ng lecture nung tatlong Vet Med, ibig sabihin nun most of the time ay chismisan. Tanging si Rosé lang ang may tiyagang makinig at mag notes. Si Seulgi ay napipilitan dahil kinokonsensya siya ng orange na filler galing kay Irene. Si Lisa ay talagang walang kahiya hiyang aminin na pumasok lang siya para mag attendance at mag maganda.
"Sinasabi ko na eh." Umiling si Lisa.
"Alam mo na?" Nag taka si Seulgi. Obvious ba sila?
"Alam ko na, Seul." Nakasimangot si Lisa. "Pero, I'm sorry. Ang sagot ay hindi."
"Ha?"
"Hindi kita kayang mahalin pabalik. I'm sorry." Acting ni Lisa.
"Punyeta ka wala kang kwenta kausap kahit kailan."
"So ano nga yun, tropa?" Udyok ni Rosé.
Huminga ng malalim si Seulgi. "Ready na kayo?"
"Ay, Seul." Napakapit si Rosé sa balikat niya. "Okay lang na aminin mo."
"Talaga?"
"Matagal na naming alam." Seryosong sabi sa kanya ni Rosé. "Matagal na naming alam na bobo ka. At tanggap ka namin."
"Putang ina niyo, wag na nga." Nag notes na lang si Seulgi habang nag tatawanan yung dalawa.
"Joke lang, Seul game na talaga." Sabi ni Lisa.
"Oo nga, bitaw mo na." Dagdag ni Rosé.
"Bhie, kapit kayo ah." Sabi ni Seulgi. "Baka mayanig mundo niyo."
Tumingin sa kanya yung dalawa.
"Nagkiss kami ni Baechu." Nakangiting sabi ni Seulgi.
Nandilat mata nila parehas.
"Ulol?" Sabay nilang sabi.
"Oo nga."
"Sure ka, di yan sa ano, panaginip mo?" Dudang tanong ni Rosé.
"Oo. Nung birthday ko lang." Ngumiti ulit si Seulgi. "O di ba, happy na.
Comments