70

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Isang linggo simula ng makipagbreak si Tzuyu kay Seulgi.

 

“Putangina. Putangina talaga.” Lasing na si Seulgi at kanina pa umiiling. “Ang sakit. Ang sakit sakit.”

 

“Bakit ganun, tol? Bakit ganun ganun na lang niyang tinapos ang lahat?”

 

Wala nang sinasagot si Lisa at Rosé dahil paulit ulit lang naman si Seulgi. Kinabukasan, kapag sila Wendy naman ang inaya niya mag inom, alam nilang ganun lang din ang sasabihin niya.

 

 

 

 

 

 

 

Araw araw na umiiyak si Seulgi. At gabi gabi siyang nag iinom. Madalas na sa room ni Lisa sila pumupuslit ng inom at nung isang beses na nagwala si Seulgi sa kalasingan, nahuli sila ng dorm manager at napatalsik si Lisa. Dahil sa katabing room lang si Wendy at Yves, at kasama sila ni Seulgi nung gabing yun, pati sila ay nadamay.

 

 

 

 

 

Isang buwan simula ng makipagbreak si Tzuyu kay Seulgi.

 

Kakalipat lang nila sa bago nilang apartment at dumalaw si Rosé at Yeri para binyagan.

 

“Ganda nito ah!” Nagikot ikot si Yeri. “Ang lawak!”

 

“Unit 420.” Natatawang sabi ni Rosé. “Mga adis pala kayo eh!”

 

“Na saan na si Seulgi?” Tanong ni Yves.

 

“Na sa taas, nagmumukmok na naman.” Sagot ni Wendy.

 

“Yaan niyo na muna.” Sabi ni Lisa. “1st monthsary ng break up nila, baka umiiyak yun.”

 

“Sabihin mo, inom na lang.” Umupo si Yeri sa couch.

 

“Ano pa nga ba.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Tatlong buwan simula ng makipagbreak si Tzuyu kay Seulgi.

 

Intercol na at hindi umattend si Seulgi sa lahat ng event dahil iniiwasan niya si Tzuyu. Kahit sa basketball ay nagmatigas siya kahit anong pilit ni Lisa at Rosé. Kaso nga lang, championship game na at kalaban nila ay CE. Hindi na talaga papayag yung dalawa na magmukmok pa rin siya sa apartment.

 

“Subukan mo lang talagang hindi pumunta mamaya, sinasabi ko sayo.” Pagbabanta ni Lisa.

 

“Susunod ako.” Nakahiga si Seulgi sa couch.

 

“Hindi. Nagtext sa akin si Jinsoul, may quiz daw sila bigla. Sakto lang tayong lima. Made-default tayo kapag late ka. Magbihis ka na. Sabay sabay na tayo punta.” Hinila siya ni Rosé.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagsh-shooting si Seulgi sa court at medyo gumaan gaan naman ang pakiramdam niya.

 

“Seul, tropa pakuha ng bola!”

 

Nung lumingon si Seulgi, rumolyo na ang bola palabas ng court. Nakuha ito ng isang lalaki at agad naman niyang inabot.

 

“Thank you po.”

 

Tatalikod na sana si Seulgi nang biglang magsalita ang lalaki. “Tzuyu!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Parang inugat yung paa niya dahil hindi niya magawang humakbang palayo kahit na yung buong pagkatao niya ay gusto nang kumaripas ng takbo. Lumapit si Tzuyu sa lalaki at saka lang napansin na si Seulgi ay nandun din pala.

 

“S-Seulgi?” Nanlaki ang mata ni Tzuyu at walang boses na lumabas sa bibig ni Seulgi. Di man nga lang siya sure kung humihinga pa ba si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
885 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
885 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
885 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹