46

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

"Seulgi, kung ano ano naman yung pinagkukuha mo." Comment ni Irene habang nagtutulak ng shopping cart.

 

Kasalukuyang na sa Savemore sila para mag grocery ng pang lunch.

 

"Eh bakit ba," Nag lagay sa cart si Seulgi ng spaghetti sauce na pang isang kilo. "Need ko 'to lahat. Ikaw nga tignan mo. Need ba yan pang lunch?"

 

Tumuro siya sa isang pack ng Wiggles na pinuslit ni Irene.

 

"Bakit ba," Defensive na sabi ni Irene. "Pang dessert ko yan."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nag talo pa sila sa pagbili ng bawang at sibuyas. Ayaw ni Irene na sa Savemore bumili dahil mahal daw. Ayaw na ni Seulgi mag lakad papunta sa malapit na tindahan para bumili ng tingi.

 

"Maniwala ka sa akin, Seulgi." Mariing pilit ni Irene. "Mas mura dun sa ale sa gilid. Lagi ako bumibili dun."

 

"Ang layo ehhhh."

"Napakatamad mo."

 

"Sige na nga," Bumigay na si Seulgi. "Ikaw naman magluluto eh."

 

"Di ka naman kasi marunong bumili." Ininspect ni Irene yung baboy na kinuha ni Seulgi. "Tignan mo nga, adobo cut 'tong pinili mo. Maling parte pa ng baboy. Vet Med ka ba talaga?" 

 

"Para kang si Wendy alam mo."

 

"Kawawa siguro si Wendy sa inyo." Napailing na lang si Irene.

 

"Kami kaya ang kawawa sa daming utos nun ni Mommy Wends." Natatawang sabi ni Seulgi. 

 

"Masanay ka na. Uutusan kita ng marami mamaya, tuturuan kita mag luto ng Caldereta para hindi naman panay si Wendy at Rosé ang tagaluto." Comment ni Irene. 

 

"Sige, ma'am. Sayo lang po luluhod." 

"Wag ka ngang kadiri."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene, tulungan mo nga ako magbuhat, ganda mo ah.” Pagco-complain ni Seulgi.

 

“Ito na nga,” Kinuha ni Irene ang isang box mula sa kamay ni Seulgi. “Para saan pa yang mga biceps mo kung di mo rin kaya mag buhat ng box?”

 

“Hmm?” Mapangasar na naman ang tono ni Seulgi.

 

“Tantanan mo ‘ko.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Niligpit na nila ang mga gamit at niready ang mga rekados. “Ano gagawin dito?” Turo ni Seulgi sa mga gulay.

 

“Balatan mo, tapos hiwain mo.” Utos ni Irene.

 

“Yes, ma’am.”

 

 

 

 

 

 

 

Nagpatugtog muna si Seulgi bago siya nagsimulang mag trabaho.

 

“Ganda niyan ah,” Napapatango si Irene sa beat. “Ano title?”

 

“Good Day. By Surfaces.” Ngumiti si Seulgi. “Kasi it’s a good day. Buo na araw ko kasi kasama kita eh.”

 

“Dami mo alam, mag gayat ka na nga.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene bakit mo binuksan yung cheese, pang pasta natin yan mamaya!” Sigaw ni Seulgi.

 

“Mas masarap yung Caldereta pag may cheese, ano ka ba.” Pagkahalo ni Irene ay tinaas niya yung sandok sa may bibig ni Seulgi. “Tikman mo.”

 

Hinipan muna ni Irene yung sandok at sumubo si Seulgi. “Grabe, ang sarap nga.”

 

“Di ba.”

 

Yumakap si Seulgi bigla kay Irene galing sa likod. “Pwede ka na asawahin ha.”

 

“Wag kang magulo.” Pero nakangiti rin si Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kumain sila ng lunch habang nanonood ng Brooklyn Nine Nine.

 

“Alam mo ba na yung artista na nagp-play ng Rosa, bi talaga in real life?” Tanong ni Irene bago siya sumubo ng kanin.

 

“Oo naman. Alam mo ba na yan yung kapatid ni Gloria sa Modern Family?” Balik ni Seulgi sa kanya.

 

“Weh?” Nanlaki mata ni Irene. “Hala, kailangan ko balikan ulit Modern Family.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos nila kumain, nag jack-en-poy sila para malaman sino ang maghuhugas ng pinggan.

 

“Ano ba yan,” Nakapout si Seulgi dahil siya ang natalo. “Daya mo.”

 

“Lagi kasi bato yung pinipili mo.” Natatawang sabi ni Irene

 

Naghugas si Seulgi habang sumasabay sa pinapatugtog niya. Flaming Hot Cheetos by Clairo.

 

“I wanna be the one you think abouuuut at night..” Kanta ni Seulgi.

 

Ikaw lang naman talaga iniisip ko sa gabi. Isip ni Irene. At sa umaga. At sa tanghali. At sa hapon.

 

“Irene, ano trip natin after?” Biglang sabi ni Seulgi at naalimpungatan si Irene sa mga iniisip niya. “Ayoko naman mabore ka.”

 

“Ano ba gagawin mo dapat kung di ako pumunta dito?” Tanong ni Irene.

 

“Maga-acads.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
887 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
887 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹