90

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

"Parang di ka naman nangitim!" Bati ni Joy paguwi ni Irene sa West.

 

"Nag beach ka ba talaga?" Udyok ni Sana. "Baka naman buong weekend lang kayo na sa kwarto ni purple girl."

 

"Mga siraulo!" Natatawang sabi ni Irene. "Walang nangyari! Pakachismosa niyo talaga."

 

"Kasi naman, bakla!" Sabi ni Joy. "Di man lang nag message sa gc! Busy lang?"

 

"Nagenjoy lang kasi ako." Sabi ni Irene. "Sinulit lang yung weekend."

 

"Ah. Oki. Gets." Kumindat si Sana.

 

Binato lang ni Irene ng medyas si Sana.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

To: Baechu

Irene, pwede ba tayong magusap ulit?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng Hell Week, inaya ni Seulgi si Wendy na mag lugaw date.

 

Tumatango lang si Seulgi sa music niya habang nakaupo sa kotse niya at nag iintay na lumabas si Wendy sa building.

 

"Seul!" Kumaway si Wendy nung lumabas na siya. "Wait lang, tol. May meeting pa kami."

 

Nag thumbs up lang si Seulgi.

 

Habang nag iintay, nag masid masid lang siya sa mga taong dumadaan. Dahil alas kwatro ng hapon, maraming tao ang nag lalabasan sa mga lecture hall.

 

Lumabas si Seulgi para ayusin yung side mirror niya dahil may nakatabig. May mga nakita naman siyang kakilala kaya nakipag kwentuhan muna siya sa mga ito.

 

Papasok na sana ulit si Seulgi sa sasakyan niya nang bigla siyang may makitang pamilyar na mga mata.

 

"Hi." Nahihiyang bati ni Seulgi.

 

Tumingin lang si Irene sa kanya. “Hello.”

 

"Seulgi, sorry tropa dami kasi ebas nun—" Natigilan bigla si Wendy nung makita niya si Irene. "Uy! Hi, Irene!"

 

"Hi, Wendy." Ngumiti si Irene.

 

"San ka? Palabas ka? Daan ka na namin." Aya ni Wendy.

 

"Hindi na," Sagot ni Irene. "Kikitain ko pa si.. si Jooyoung."

 

"Ah." Awkward na ngumiti si Wendy. "Sige."

 

"Ingat ka." Sabi ni Seulgi bago siya sumakay sa kotse.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Oh, ano pre, iyak ka na?" Pang aasar ni Wendy habang palabas sila sa campus.

 

"Hindi, tanga." Tumawa si Seulgi. "Ano, lugaw trip?"

 

"Lomi naman, tol." Sagot ni Wendy. "So ano, wala na sayo kung may Irene and Joji? Naka move on ka na kay Baechu?"

 

"Gags, hindi." Sabi ni Seulgi. "Ang sakit sakit nga eh, kahit pa sabi ni Jennie na misunderstanding lang. Na hindi naman totoo. Eh lagi naman silang magkasama tapos di na rin masyadong nagpapakita si Irene.. Edi ganun na nga rin. Pero syempre, wala naman na tayo magagawa."

 

"Tanga ka kasi, sabi mo makikipag usap ka?" Tumigil na ang sasakyan at lumabas na sila.

 

"Oo nga. triny ko naman." Pumasok na sila sa lomihan.  “Nung nag text din ako di naman siya nagreply. So hindi na ako namilit pa. Baka nakulitan na sakin. Hintayin ko na lang talaga."

 

"Mahal mo pa ba?" Tumingin si Wendy sa kanya.

 

"Oo naman." Tumango si Seulgi. "Di naman yun nawala. Ang tanong lang ngayon, napatawad na ba niya ako?"

 

"Eh pano kung na forgive ka niya tapos si Joji na piliin niya, g lang?" Hinipan ni Wendy yung mainit na lomi.

 

"Kung dun siya sasaya." Hinipan din ni Seulgi yung lomi niya. "G lang. Yun lang ang mahalaga."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"So isasama mo ba si Jooyoung sa dinner mamaya?" Tanong ni Jennie habang naglalakad sila papunta sa West.

 

"May iba siyang lakad

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
882 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
882 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
882 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹