122

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 

“Good morning, engineer!”

 

Ngumiti si Irene. “Bakit pag sayo galing, kinikilig ako? Nung tinatawag akong engineer ng iba kong kamaganak, kebs lang naman.”

 

“Minomomol ka ba ng mga kamaganak mo?”

“Tarantado.”

 

Tumawa ng malakas si Seulgi. “Miss na kita agad! Lungkot ng 1st week ko, di tayo nakapag-spaghetti date.”

 

“Aw, oo nga ‘no? I miss spaghetti dates. Dapat inaya mo na lang si Lisa at Rosé.” Sagot ni Irene.

 

Matagal pa silang nagkwentuhan sa mga naganap sa unang linggo ng 6th and final year ni Seulgi. Si Irene naman ay nakikinig lang dahil wala rin siyang masyadong maik-kwento gawa ng wala naman masyado nangyayari sa kanya sa Davao. Naisip niya munang mag bakasyon ng ilang buwan dun bago magtrabaho sa Manila. Nagpupumilit din kasi ang tatay niya na sa Davao na lang maghanap ng trabaho para hindi na masyadong malayo sa pamilya pero ayaw ni Irene. Bukod kasi sa hindi na siya sanay sa buhay sa Davao, iniisip niya rin na kailangan sa Manila siya magtrabaho para magkita pa rin sila ni Seulgi.

 

Naging sanhi naman ito ng mahabahabang away nung malaman ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

“Ano ba naman yan, Irene!” Inis na sabi ni Seulgi. “Bakit ba sa akin mo binabase yung mga ganyang desisyon?”

 

“Sinasabi ko ngang factor ka lang, hindi naman ikaw ang sole reason kung bakit sa Manila ko gusto magtrabaho!” Sagot ni Irene. “Syempre mas maganda yung opportunities dun kaysa dito sa Davao. Saka kung dito ako mags-stay, malamang never na tayo magkikita!”

 

“Kailan mo pa napagdesisyunan yan? Pinagisipan mo naman ba ng matagal?”

 

Kumunot ang noo ni Irene. “Oo naman, career ko ‘to, Seulgi.”

 

“Baka kasi padalos dalos ka na naman. Basta, isipin mo kasi sarili mo. Wag mo akong isama sa plano mo.”

 

Lalong sumimangot ang mukha ni Irene. “Ano ba, Seulgi. Natatakot ka bang mag-commit sa akin? Ayaw mo bang mag-invest sa relationship natin?”

 

Bago pa makasagot si Seulgi, inunahan na siya ni Irene mag salita. Matagal na rin kasi niya itong kinikimkim. “Ayaw mo na sa iisang place tayo. Ayaw mo na sinasama kita sa mga plano ko sa buhay. Kapag tatanungin kita kung anong gagawin natin after ko grumad, sinasabi mong wag na muna natin isipin. Ano ba? Umaatras ka na ba?”

 

“Irene, hindi naman sa ganun..” Mahinang sagot ni Seulgi.

 

“Kasi kung ayaw mo lang din mag invest satin, sabihin mo na agad. Wag yung iintayin mo na malalim na ako tapos tatakbuhan mo na naman ako.” Bumuntong hininga si Irene. Ayaw niyang nababalik pa yung topic dun pero gusto niya na lang din manigurado.

 

“Teka naman, hindi kita tatakbuhan.” Mariin na sabi ni Seulgi pero wala na sa mood si Irene na makipagtalo pa.

 

“Matutulog na ako.” Matipid niyang sabi. “Saka na natin pagusapan yan.”

 

“Okay..”

 

 

 

 

 

Naging magulo si Irene at Seulgi sa mga sumunod na buwan. Ang mga maliliit na bagay na dati naman ay nadadaan sa usapan ay lumalaki at ang tampuhan nila ay dumadalas. Nag simula nang magtrabaho si Irene sa Makati at lalong dumalas ang pagaaway nila dahil hindi magkatugma ang kanilang mga free schedule.

Nung nagdaan ang sem, tantiya ni Irene na dalawang buwan lang silang okay at ang natirang panahon ay puro away lang. Nitong mga nakaraang linggo, hindi sila masyadong nakakapag usap ng maayos. May mga araw na ‘good morning’ at ‘good night’ na lang ang palitan nila at madalang na rin silang magtawagan sa phone dahil busy sila parehas. Hindi rin magawa ni Seulgi na isipin masyado dahil tambak siya ng gawain sa thesis niya at si Irene din ay naga-adjust pa sa bago niyang trabaho.

 

 

 

“Nakakapagod pag linggo linggo na lang may bangayan,” Napabuntong hininga muna si Seulgi bago siya sumubo ng barbeque. “Di ko na rin alam, Sey.”

 

“Alam mo, Seul, baka naman kasi gawa ng LDR yan.” Nagkibit balikat si Rosé. “Tagal niyo na di nagkikita, ngarag pa lagi sa acads. Sabi mo rin di ba ang dami niyang ganap sa work kasi bago pa lang at ayaw mo nang makadagdag pa.”       

 

“Oo nga ‘no.” Tumitig si Seulgi kay Rosé. “Tingin mo, need lang naming magkita? Yun kaya an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
886 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
886 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹