96

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

“Kaya niyo na yan ha.” Sabi ni Seulgi bago siya tumingin sa relo niya. “Tambay muna kami sa McDo ni Tokwa.”

 

“Sige,” Sabi ni Nayeon. “Hiwahiwalay tayo para mabilis.”

 

Si Seulgi at Dahyun, bilang driver, ay wala nang gagawin. Kasama nila sa McDo si Jennie, Joy, Sana, Rosé, at Yeri na mga tinatamad mamalengke. Si Irene, Jooyoung, Nayeon, Jisoo, Jeongyeon, at Wendy, mamamalengke sa Puregold. Pinasunod ni Seulgi si Lisa at Yves para bumili ng alak. Naglapag muna sila ng ambag bago nag hiwahiwalay.

 

 

 

 

“Oh ano, Joy?” Asar ni Seulgi pagkaupo nila. “Suntukan na ba kayo ni Wendy pagdating Batangas?”

 

“Wala kang masasagap na balita sa akin.” Sabi ni Joy. “Bahala kayo mag assume.”

 

“WEH.” Sabi ni Yeri habang natatawa. “Bakit sabi mo sa akin—”

 

“Wag kang maingay, bansot.” Tinapalan ni Joy ng bibig si Yeri. Tumawa naman si Seulgi at Rosé.

 

“Bansot na rin tawag sayo oh, payag ka dun!” Pagaasar ni Rosé.

 

“Paano ako papalag, eh damulag naman yan!” Sabi ni Yeri habang nagpupunas ng bibig.

 

“Hoy, may dala ba kayong mga tent?” Tanong ni Dahyun.

 

“Magrerent kami ng malaki.” Sabi ni Seulgi. “Kami apat tabi nila Yves, Sey, Yeri. Pero may dala rin akong maliit, just in case. Joy, may dala si Wendy na maliit, para sa inyo daw. Yieee!”

 

“Ayoko tumabi, bahala siyang matulog sa buhangin.” Sabi ni Joy. “Si Jisoo, magrerent daw ng maliit, dun ako tatabi.”

 

“Sana, share kayo nila Nayeon, ‘no?” Tanong ni Rosé.

 

Tumango siya. “Pakapalan na lang ng mukha pag may mangyari man.” Sabi ni Sana habang umiiling si Dahyun.

 

"Kami ni Lalisa, may sarili ding tent." Sabi ni Jennie.

 

"Si Irene kaya?" Tanong ni Yeri.

 

“Wala daw dala.” Sabi ni Joy. “Seulgi, sama mo na lang sa maliit mo.”

 

“Asa.” Sabi ni Seulgi. “Si Joji na lang itatabi ko.”

 

Tumawa silang lahat.

 

 

 

 

 

 

 

From: Lalisabog

pre libre daw ni joji alak nagpapalakas ata sa tropahan

To: Lalisabog

isang case na agad ng fundador bilhin mo. HAHA

From: Lalisabog

ayun na nga B1 haha yung fundador blue pa pinili ko! hahahahah salamat sa paayuda napasubo siya ih

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng isang oras, na sa daan na ulit sila. Tawa pa rin ng tawa si Seulgi, Yves, at Lisa.

 

“Baka naman mamatay tayo diyan sa binili niyong alak ha.” Sabi ni Jennie.

 

“Hindi, classmate.” Umiling si Seulgi. “Ultra smooth kaya yun! Swabe lang, tanong mo pa kay Wendy.”

 

“Tang ina, binabalak niyo talaga ako, pre.” Sabi ni Wendy.

 

“Bakit, what happened? Nabasag ka diyan?” Bumaling si Jennie kay Wendy.

 

“Sabihin na lang natin na, there’s no fun in Fundador.” Sabi ni Rosé habang napabuntong hininga na lang si Wendy.

 

“Pero walang hang over yan.” Sabi ni Yeri. “Proven and tested.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating nila sa resort, nagtalo pa muna sila sa size at bilang ng tent na irerent. Pero di rin nagtagal, naibaba na nila ang lahat ng gamit at nagsimula nang mag set up.

 

“Putangina, bansot!” Gigil na sabi ni Seulgi. “Tumulong ka muna, picture ka agad eh!”

 

“Saglit lang kasi.” Sabi ni Yeri habang umiikot ikot. “Hey, wassup! Greenwich Meridian mag ingay!”

 

“WOOOHHH!”

 

“Set up na kami ng ihaw.” Sabi ni Jeongyeon. Sumunod na si Dahyun at Nayeon.

 

“Magluto na rin tayo ng rice.” Inaya ni Irene si Wendy.

 

“Maghiwa kayo ng gulay.” Utos ni Jisoo kay Sana at Jennie.

 

“Oh kayo?” Tumuro si Joy sa mga natira. “Galaw naman!”

 

Binuhat ni Jooyoung yung tubig at nagayos sa mahabang table. Nahiya bigla.

 

“Hoy, mga tanga!” Sabi ni Yeri pero nakaupo lang din siya. “Nakakahiya kay Jooyoung, mag ayos din kayo!”

 

“Yves, hugasan mo ‘tong mga baso.” Utos ni Lisa.

 

“Kuha ka na rin yelo.” Dagdag ni Seulgi.

 

“Dalian mo ha.” Sabi ni Rosé.

 

Pagbalik ni Yves, binuksan nila ang coke at kumuha ng isang bote ng Fundador.

 

 

 

 

“Putangina, ang aga aga pa!” Pagali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
884 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
884 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
884 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
884 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹