DELETED SCENE #5: FEVER DREAMS

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isa na namang mabigat na Hell Week ang naigapang ni Seulgi. Antok na antok siya habang nagmamaneho pauwi at konti na lang ay babagsak na talaga siya. Sa buong linggo siguro ay hindi pa aabot ng 30 hours ang tulog niya at ngayong tapos na ang exams niya, wala nang makakapigil pa sa pagsasama ni Seulgi at ng kama niya. Nagtext muna siya kay Irene na matutulog lang siya at baka mamayang gabi na sila magdate. Yun ay kung magigising pa siya.

 

Sobrang sakit ng ulo ni Seulgi at nararamdaman niyang bumibigat na ang katawan niya kaya nagmamadali na siyang nagpalit ng damit para makapagpahinga na. Ayaw niya pa namang nagkakasakit dahil ayaw niyang nagpapaalaga. Ni-lock niya ang pinto para siguradong walang iistorbo sa kanya. Buong araw din namang wala si Lisa dahil di pa tapos ang mga exams nito.

 

Naglagay muna si Seulgi ng note sa tapat ng pinto bago niya sinara.

 

walang pwedeng pumasok at manggulo masusuntok ko

 

Wala pa sigurong 1 minute simula nung humiga si Seulgi bago siya nakatulog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naalimpungatan bigla si Seulgi nang may yumakap sa kanya. Mahigpit ang kapit nito habang sumisiksik lalo sa katawan niya.

 

“Bangon na. Alam kong gising ka na.”

 

Ngumiti lang si Seulgi. “Ayoko pa. Cuddle muna tayo, saglit lang.”

 

“Sige na nga. Pero kiss mo muna ako.”

 

Humarap si Seulgi at hinawi ang blonde na buhok ng katapat niya. “Paka-clingy mo ha. Di ba hindi naman tayo mag jowa?”

 

“Hindi nga.” Sagot nito. “Pero ayaw mo ba ako i-kiss?”

 

 

 

 

 

 

 

“Rosé, tinatanong pa ba yan?”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“When kaya, Lord?” Nakangusong sabi ni Lisa pagalis ni Rosé. “Ang daya, magkakasama naman tayo nung first year, pero kayo yung naglandian ni Rosie.”

 

“Gusto mo ba, kayo na lang?” Natatawang tanong ni Seulgi. “Di naman kami exclusive.”

 

"Sus, kilala na kita, Seulie. Gusto mo talaga yan si Rosé, kunyari lang na pakipot muna."

 

“Truth. Saka asa ka pa diyan kay Lisa, tatanda yang dalaga.” Tumawa si Wendy. “Napakatuod eh. Parang takot na takot mangkausap ng babae.”

 

“Grabe ka sakin, ha, porket ikaw may nabingwit na naman.” Sumimangot si Lisa. “Seulie, alam mo ba, may ka-date na naman yang ibang babae kagabi.”

 

“Di na ako nagtataka.” Tumawa na lang si Seulgi. “Alam mo, Lis, magsama na lang kayo ni Yvie.”

 

“Anong meron?” Tanong ni Yves na kakapasok lang sa living room. “I heard my name.”

 

“Sabi ni Seulgi, tatanda daw kayong single ni Lisa.” Pangaasar ni Wendy. “Try niyo naman daw kasi lumabas minsan, inom, ganyan.”

 

“Wendy, you know I don’t drink that much.” Mahinhin na sabi ni Yves. “Saka, I’m too busy with my studies. Ikaw lang naman malakas uminom sa amin eh.”

 

“Kasi naman, ayaw niyo lagi kapag inaaya ko kayo sa Diamond!” Umiling si Wendy. “Tara na. Isang gabi lang. Yvie, pahinga ka muna sa acads mo. Lis, hahanapan kita ng lalandiin. Seulie, kung hindi kayo magiging seryoso ni Rosie, pwede bang akin na lang siya?”

 

“Gaga ka talaga, Wannie!”

 

“Mga mumsh!” Kumatok muna si Yeri at naghintay na may magpapasok sa kanya. “Patambay!”

 

“Yerimie!”

 

“Ano, bakla?” Bati ni Seulgi. “Alam ko na kung bakit ka nandito.”

 

Painosente pa si Yeri. “Ha?”

 

Tinitigan lang siya ni Lisa. “Tinataguan mo na naman si Saeron, ano?”

 

Bumuntong hininga na lang si Yeri. “Girl, ang hirap na talaga. Di ko na alam paano gagalaw.”

 

“Ganda naman kasi.” Ngumiti si Wendy. “Kawawa naman si Saeron, ilang taon mo nang pinapaasa.”

 

“Hoy, Wannie, hindi!” Mariing sabi ni Yeri. “Sabi ko sakanya, friends lang talaga kami. Di ko kayang masuklian yung—“

 

“Pero di ba you told me na nag momol kayo?” Pagsabat ni Yves at napa-“Oooh!” na lang silang lahat.

 

“Once lang yun! Yvie naman, sabi ko secret lang natin yun eh!” Pagmamaktol ni Yeri.

 

“You shouldn’t lead her on kasi, kung wala ka namang balak.” Simpleng sagot ni Yves.

 

“Kinig ka diyan kay mareng Yvie,” Tumango si Seulgi. “Lahat ng life advice niyan, swak.”

 

“True.” Dagdag ni Lisa. "Lahat ng sinabi niya sa akin na dapat gawin, sinunod ko. Mas guminhawa ang buhay ko."

 

“Yerimie, sama ka pala sa Thursday, Diamond tayo.” Pagyaya ni Wendy.

 

Medyo may doubt pa sa mukha ni Yeri kaya mabilis na nagpahabol si Wendy. “Hahanapan natin ng landi si sister Lisa.”

 

“Bet!”

 

“Sama ko ba si Rosie?” Tanong ni Seulgi.

 

“G!” Tumango si Wendy. “Sasama ko rin yung binebebe ko saka friends niya. Para hindi awkward.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hoy, Rosa, saan ka na naman nanggaling, ha?” Mapangasar na agad ang tono ni Jennie pagpasok pa lang ng room ni Rosé.

 

“None of your business.” Tumawa na lang si Rosé.

 

“Tangina, dami mo alam ah!” Binato ni Jennie yung roommate niya ng unan. “Ganyan ba pag panay iyot? Natututo mag English?”

 

“Wag ka magulo.” Binunot ni Rosé yung phone niya. Nagtext si Seulgi. “Jen, Diamond tayo sa Thursday. Inom daw tayo kasama tropa ni Seulgi. Pakilala ko siya sa inyo.”

 

“May single dun?” Tanong ni Jennie.

 

Naparoll naman ng mata si Rosé. “Akala ko ba magseseryoso na kayo ni Jisoo?”

 

Napabuntong hininga si Jennie. “Eh. Ayaw niya naman eh.”

 

“Aguy.” Umupo si Rosé sa tabi ni Jennie. “Nom na lang?”

 

“Nadali mo, tol.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Pre, pahatid na please.” Pagmamakaawa ni Jennie. “Sige na, ayoko maglakad, ang init init!”

 

“Manigas ka.”

 

“’To naman si Irene para naman akong others eh!” Ngumuso si Jennie. “Please, tropa? Kiss na lang kita?”

 

“Di pwede, may susunduin ako.” Sinuot na ni Irene yung shades niya. “Sasawsaw ka pa sa date ko eh.”

 

“Sino ba yan?” Iritadong sabi ni Jennie. “Mas mahalaga pa ba yan sakin?”

 

“Oo.”

“Weh?”

 

Bumuntong hininga si Irene. “Sige na nga, sumakay ka nang bwiset ka.”

 

“Yay! Love you.” Nagmadaling pumasok si Jennie sa passenger seat.

 

 

 

 

 

 

 

“Hoy Jendoggy, talagang ayaw mo na kay Jisoo?” Tanong ni Irene habang binabaybay nila ang campus.

 

Napakamot na lang si Jennie sa ulo niya. “Ang kukulit niyo ha. Siya. Ang may ayaw. Magseryoso kami.”

 

“Bakit daw ba?”

“Feeling ko kasi, gusto niya si Nayeon.” Mahinang sabi ni Jennie. "Eh di gow. Kebs. Marami pa namang isda."

 

"Eh bakit kasi ayaw mo na lang umamin na gusto mo siya talaga?"

 

Tumitig lang si Jennie sa labas. "Ayokong masira ang friendship namin. Mas okay na ganun na lang.. ambahan lang. Para at least light lang. Fun fun lang."

 

"Ang dami mong alam." Tumawa si Irene. "Magsama nga kayo ni Joy. Hanggang ngayon, panay amba lang dun sa nilalandi niya."

 

"Sino?" Lumingon si Jennie. "Yung maliit? Bangayan lang naman sila lagi, sabi mo."

 

"Yun ang love language nila, paki mo ba?" Lumiko na sila pa CSA.

 

“Ikaw naman ang pagusapan natin, Rene. Seryoso ba kayo ng binebebe mo?”

 

Tumawa lang si Irene. “Kailan pa ako nag stick to one?”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Pupunta ka ba?” Tanong ni Seulgi habang naglalakad sila ni Ros

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
869 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
869 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
869 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
869 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹