83
Elesi
"Tangina ka, Yves." Umiiling na sabi ni Lisa. "Sabi ko na nga ba ikaw ang unang bibigay."
"Sorry na." Nakangusong sabi ni Yves. "Malambot talaga puso ko pagdating kay Seulgi."
"Oh ano?" Inis pa rin na sabi ni Yeri kay Seulgi nung magkakasama na silang lahat. "Ngayong na goyo na kami ni Yves na pumunta lahat dito, ano na ganap mo?"
"Seulgi, sinasabi ko sayo ngayon pa lang, 2 times ang inis ko sayo." Sabi ni Rosé.
"Guys, makinig na muna tayo." Mahinahong sabi ni Wendy.
"So.." Nahihiyang sabi ni Seulgi. "Gusto ko lang naman na ano.. mag sorry."
Tumingin lang silang lahat kay Seulgi.
"Sobrang.. sobrang move ng ginawa ko." Naka tingin lang si Seulgi sa lapag. "Sorry. Sorry sa pag ghost ko.. Sorry sa pag ignore ng mga messages niyo. Sorry dahil.. nasaktan ko si—si Irene."
"Di ba dapat kay Irene ka mang hingi ng patawad?" Tanong ni Lisa.
"Oo nga.. gusto ko muna mag sorry sa inyo." Sabi ni Seulgi.
"Tapos hindi mo ba ie-explain man lang samin bakit mo yun ginawa?" Dagdag ni Rosé.
"Ie-explain ko sa inyo.." Bumuntong hininga si Seulgi. "After namin mag usap ni Irene. Kailangan siya ang unang makarinig."
"Pero alam mo naman yung mali mong ginawa di ba?" Sabi ni Wendy. "Sinaktan mo si Irene."
"Oo, Wendy. Alam ko." Paiyak na si Seulgi. "Kaya nga.. kaya nga ako nag sosorry. Kasi hihingi din sana ako ng tulong sa inyo."
"We forgive you tropa." Sabi ni Yves. "Basta promise mo na hindi ka na mag gagago ng ganyan."
"Anong forgive?" Sabi ni Yeri. "Tangina mo, Seulgi. Kala mo ganun lang kadali yun? Naging close ko na si Irene kaya di pa kita mapapatawad."
"Naiintindihan ko, Yerim." Medyo nagulat sila dahil di na nila maalala yung last time na tinawag ni Seulgi si Yeri sa buong pangalan niya. "Kaya, gagawin ko ang lahat.. Para mapatawad niyo ako."
"Kahit suntukin kita?" Tanong ni Yeri.
Tumango si Seulgi.
Tumawa naman sila dahil kawawa na yung itsura ni Seulgi. Napangiti na rin si Seulgi at umakma na silang mag group hug.
"Bobo mo kasi." Sabi ni Rosé.
"Sorry talaga, guys. Aayusin ko na yung kay Irene."
Bago sila tuluyang nakapag group hug, biglang umamba si Yeri at sinuntok niya si Seulgi sa bibig.
"Hoy gago!" Nagulat si Wendy at agad niyang hinila si Yeri palayo.
"Sabi niya okay lang?" Sabi ni Yeri.
"Seul, okay ka lang?" Humawak si Lisa sa balikat ni Seulgi.
Nakahawak si Seulgi sa bibig niya. "Aray ko, bhie."
"Gago, Seulgi napuruhan ba
Comments