81
Elesi
Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Seulgi.
Nung una, naiintindihan pa ni Irene. Ang huling sabi ni Seulgi paguwi niya sa pinas ay pagod siya at magpapahinga lang muna. Busy din naman si Irene sa midyear dahil sunod sunod ang exams niya. Nung tatlong araw na ang lumipas at wala pa ring text si Seulgi, hinayaan lang ni Irene ang lahat ng ito. Inaasar pa nga niya si Seulgi kay Tzuyu, na baka nagkabalikan na sila. Nung umabot ng limang araw, medyo nag worry na si Irene. Pero kita niya naman na active ang status niya sa messenger kaya inisip na lang niya na baka nag alone time lang. Pero nung pang pitong araw, napuno na si Irene.
To: Seulgiyah
Seulgi, ano ‘to? Baka naman pwede mo akong replyan. Hello, ako ‘to, si Irene. Ang girlfriend mo.
Dalawang lingo nang hindi nagpaparamdam si Seulgi.
Kahit sa mga kaibigan niya, hindi nagrereply si Seulgi. Walang text, tawag, chat, wala. Pinacontact na ni Irene si Lisa sa nanay ni Seulgi para siguraduhin na okay pa ito.
“Sabi ni tita, buhay pa daw si Seulgi.” Sabi ni Lisa nung magkausap sila sa phone ni Irene. “Kaso lagi daw nakakulong sa kwarto niya. Di rin nila makausap nang ayos. Paminsan kasi may ganyang trip si Seulgi eh. Pero..”
“Pero ano?” Iritang tanong ni Irene.
“Bespren, ayokong mag assume tayo ha.” Mahinahong sabi ni Lisa. “Pero kasi.. ano.. May ganyan siyang—ano.. phase. Nung.. nung fresh pa yung—yung sa kanila ni Tzuyu.”
“Ah.” Sabi na lang ni Irene. “Okay.”
“Irene..”
“Oo, Lisa. Gets ko. Thank you.”
To: Seulgiyah
May nangyari ba? Sa inyo ni Tzuyu? Nung na sa Hong Kong kayo?
Tatlong lingo nang walang paramdam si Seulgi.
Tapos na ang midyear. Umuwi si Irene sa Davao. Pagkatapos ng dalawang linggo, pasukan na naman. Sirang sira ang bakasyon niya dahil hindi pa rin siya kinakausap ni Seulgi. Kahit na ganun, araw araw pa rin siyang nagaabang sa phone niya. May mga gabi na nagtetext siya, kapag mas matimbang na yung pangungulila niya kaysa sa inis. Pero wala pa rin.
Isang buwan nang walang paramdam si Seulgi.
To: Seulgiyah
Tanginamp seulgi kunf ayaw mo na sabihin mo lanh
To: Seulgiyah
Hindi ying pinagmumukha mo skong tanga
Gigil na gigil si Irene habang tinatadtad si Seulgi ng text. Wala na siyang pakialam kahit na lasing siya, basta ang alam niya lang, galit siya. Tinatawanan lang siya ng mga kababata niya dahil ngayon lang nila nakita si Irene na ganun ka-affected sa love life. Never naman daw kasi siyang naglasing nung di sila okay ni Bogum.
“Baka naman malow
Comments