99

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Bumalik si Yeri at tumabi kay Sana. Wala tuloy choice si Irene kundi umusog pa lapit kay Seulgi para makatanggap ng shot. 

 

"Picture muna kayo, dali." Sabi ni Lisa na nag labas ng film camera.

 

"Ayusin mo ha." Sabi ni Seulgi habang nakangiti.

 

"Shet." Sabi ni Lisa habang nakatingin silang tatlo ni Rosé at Yves sa camera. "Tol pag si Irene talaga katabi mo, umaayos itsura mo."

 

"Parang kumu-cute ka." Tumango si Rosé.

 

"Ulul, lagi naman akong cute." Sabi ni Seulgi. 

 

 

 

"Lalisa!" Tawag ni Jennie galing sa tent nila.

 

"Yes po, asawa ko!" Tumayo na si Lisa.

 

"Last shot na muna." Nagpaabot si Seulgi kay Sana ng shot.

 

"Putang ina, ang taas naman nito." Napabuntong hininga muna si Lisa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tuloy ang kwentuhan nilang mga natira. 

 

"Baechu, okay ka pa?" 

 

“Oo, okay pa.” Sa totoo lang, ayaw pa ni Irene bumalik sa tent nila ni Jooyoung. Di pa siya ready na harapin kung ano yung nangyari kung sakaling gising na yung isa. Madalas din na itapon niya yung shot sa baba o kaya ihalo yung alak sa coke para di siya agad malasing. Nababahala din kasi si Irene kay Yeri na parang may dinadamdam.

 

“Lakas naman pala.” Sabi ni Rosé.

 

Biglag tumayo si Sana at pasuray suray na pumunta sa tent nila. “Putangina mo Yeri.. gago ka..”

 

Inalalayan naman siya ni Seulgi papasok sa loob. Pagbalik niya sa table, umalis na naman si Yeri.

 

“Yves, samahan mo nga muna si Yerms, may pinoproblema ata.” Utos ni Seulgi. “Mag iihaw ako ng hotdog.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naiwan si Rosé at Irene na nag iinom.

 

“So, ano nang ganap sa inyo ni Jisoo, ha?” Sabi ni Irene habang nag aabot ng shot.

 

“Pati ba naman ikaw, Irene?” Tumawa si Rosé.

 

“Kasi naman, ang labo mo eh.” Sabi ni Irene. “Parang nagpapakita na nga sayo ng motibo si Jisoo, ayaw mo naman ata.”

 

“Di naman sa ayaw ko..” Nakatitig lang si Rosé sa baso. “Kaso.. ewan. Parang, ang gulo ko rin. Alam mo, hinihintay ko pa rin siguro si Suzy. Pero alam ko na rin naman na wala nang pag asa. Wala lang. Nagbabakasakaling babalik.”

 

“Mahal mo pa ba si Suzy?” Tanong ni Irene.

 

“Di ko na rin alam eh.” Tumawa si Rosé. “Di na siguro mawawala yun? Pero alam ko naman na katangahan ko lang na magabang. Wala rin naman akong ginagawa para magkabalikan kami. Di ko rin kasi sure kung gusto ko nga bang magkabalikan kami.”

 

Nagbuhos ng panibagong shot si Irene. “Kaya ayaw mong simulan yung kay Jisoo?”

 

“Oo.” Tinanggap ni Rosé yung panibagong shot. “Pinagalitan na nga ako ni Seulgi eh. Pano daw ako makaka move on kung panay abang ako kay Suzy.”

 

Tumango lang si Irene. "Totoo naman. Dapat siguro alam mo kung kelan ka na dapat tumigil mag hintay."

 

“Sige.” Bumuntong hininga si Rosé at inubos na yung shot niya. “Sige, tama na. Ayoko na mag intay sa wala. Go ko na yung kay Jisoo.”

 

"Teka, siguraduhin mo muna ha!" Tumawa si Irene. "Baka naman di pala kayo talo sa dulo, masira pa ang friendship niyo."

 

"Oo nga, uunti untiin ko lang." Sagot ni Rosé. "Saktong landi lang siguro, testing muna."

 

"Ganun?" Tumawa si Irene. "Pwede ba yun?"

 

"Oo naman! Single naman siya, single naman ako." Nagkibit balikat si Rosé. "Gumugusto din naman siya eh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
887 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
887 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹