42

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Hell week na naman. Galit galit muna, wala munang kitaan ang mga magjowa. Seryosohan muna ang lahat dahil na sa kalagitnaan na ng sem. Hindi afford ni Seulgi na magloko dahil delikado siya sa isang subject.

 

Exams, exers, lab works, papers, at kung ano ano pang requirements ang sabay sabay na binabagsak sa kanila at ramdam nilang lahat na parang nalulunod na sila sa gawain.

 

“Pakabwiset na acads ‘to, sagabal sa paglalandi!” Mariing sabi ni Lisa habang nagha-highlight sila ng notes. “Hindi ko na nakikita girlfriend ko.”

 

“True.” Sabi ni Yves.

 

“True.” Tumango si Wendy.

 

“True.” Nag comment si Seulgi.

 

Tumingin sila lahat kay Seulgi na dilat ang mata. “Charing. Oh di ba nagising naman kayo, bhie?”

 

“Ano na ba talagang meron kayo ni Baechu, ha?” Tumingin sa kanya si Wendy. “Ambahan na lang?”

 

“Wag kang magulo, Wends.” Sabi ni Seulgi. “Busy pa kasi. Next week, shotaan na.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Seulgi, hindi naman natin kailangan pang magkita para sabihin mong itigil na natin kung ano man yung meron tayo,” Nakangiting sabi ni Naeun habang kumakain sila ng lunch. “Hindi pa ba sapat yung pag-ghost mo?”

 

“Hindi nga,” Explain ni Seulgi. “Ayokong i-ghost ka, kaya nakipagkita ako para mag explain.”

 

“Akala ko ba casual lang naman tayo?” Natatawang sabi ni Naeun. “Bakit parang nakikipagbreak ka sakin?”

 

“Grabe ‘to, parang wala naman tayong pinagsamahan.”

 

“Look, okay nga lang.” Inikot ikot ni Naeun yung pasta niya habang nagsasalita. “Nag agree naman tayo both na hindi naman seryosohan. Wala na sa akin yun.”

 

“Pero nagenjoy naman ako sa time natin together.” Sabi ni Seulgi. “I hope you didn’t feel na parang ginamit lang kita or something. You're really great. At sana maging friends pa rin tayo.”

 

Tumawa ulit si Naeun. “Parang tanga ‘to. Gusto mo ba mahulog ako sayo? Tama na pagiging sweet at respectful mo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Napabuntong hininga si Seulgi. “Ah gusto mo pala yung bastusan? Edi, tangina mo, Naeun. Tapos na tayo.”

 

Tumawa ng malakas si Naeun. “Napakasira ulo mo talaga kahit kailan.”

 

Tumawa rin si Seulgi. “Oh, di ba tama na sweet at respectful?”

 

“Tangina mo din, Seulgi.” Ang lakas pa rin ng tawa niya. “May naiwan ka pang gamit sa apartment, ako pa pinaglaundry mo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Tuloy pa rin sila sa tawanan nang biglang mapatahimik si Naeun nung nakita niya kung sinong pumasok sa kinakainan nila.

 

“Bakit?” Tanong bigla ni Seulgi at tumalikod siya para sundan ng tingin kung saan nakatitig si Naeun.

 

“Hi, Seulgi.”

“Hi, Irene.”

 

 

 

 

 

 

 

 

“Lagot ka,” Mahinang bulong ni Naeun habang umoorder si Irene. “Selos na yan sa akin, tignan mo.”

 

“Wow, ang ganda ganda mo naman ata.” Sabi ni Seulgi. “Okay lang yan, alam niya namang casual lang tayo.”

 

“So casual lang din kayo?” Tanong sa kanya ni Naeun.

 

“Hindi ko pa alam.”

 

 

 

 

From: Seulgiyah

sunget di man lang nagpaalam

To: Seulgiyah

Busy ka eh.

From: Seulgiyah

selos na yarn?

To: Seulgiyah

Mukha mo.

From: Seulgiyah

busy ka today?

To: Seulgiyah

Wala ka na dun.

From: Seulgiyah

ako hindi ako busy, baka may balak ka

To: Seulgiyah

Kapal mo.

 

 

 

 

Alam naman ni Irene na hindi dapat siya magselos dahil wala namang meron sa kanila ni Seulgi. Bukod sa paghatid sundo sa kanya sa department, at paglalandi sa kanya ni Seulgi tuwing class, at pagla-lunch nila tuwing Monday, at pag momol nila nung birthday ni Seulgi, wala namang ibang nagbago. Tuloy lang ang buhay.

 

Kaya di niya rin magets, bakit iritadong iritado

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
885 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
885 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
885 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹