64
Elesi
Monday. Alas kwatro pa lang ng hapon ay na sa Ventritrez na si Seulgi at ang lima niyang kaibigan. Wala pa silang isang oras silang nandito pero nakatatlong bucket na sila, libre lahat ni Lisa.
From: Baechu
Hi.
To: Baechu
hi po
From: Baechu
Tagal pa kayo diyan, ‘no?
To: Baechu
yup sowwy taena tipsy na nga ako wala pa akong kain napasabak na agad
From: Baechu
Samahan mo ng rice yang kropek. Haha.
To: Baechu
inubos na ni bansot eh. try ko na lang po dumaan later sa west ha, di ko maiwan si lisa eh
From: Baechu
It’s okay. Bukas na lang tayo magkita. Dito rin matutulog si Jennie eh.
Napabuntong hininga si Seulgi pagkabaling niya kay Lisa. Malungkot lang ito na nakatulala sa bote ng beer.
“Di ko talaga maintindihan kung bakit di niya triny na pagusapan muna namin.” Sabi ni Lisa. “Pwede naman daanin sa usap eh.”
“Tol, sure ka ba na sinabi Jennie na ayaw na niya?” Tanong ni Wendy. “Baka naman kasi ayaw na niya muna.”
“Oo nga, baka pahinga lang ang gusto ni Jennie.” Bumaling si Yeri kay Rosé. “May nasabi ba siya sayo, Sey?”
“Ayokong pumagitna, tol.” Umiling lang si Rosé. “Alis na rin ako mamaya, ayoko iwan si Jennie magisa sa dorm.”
“Dun na daw siya sa West matutulog.” Sabi ni Seulgi.
Napainom na lang si Lisa habang umiiling. “Di ko talaga alam. Di ko alam. Pero sure ako sabi niya ayaw na niya. Hindi ayaw na niya muna. Ayaw. Na. Niya. Tapos na agad. Period.”
“Okay lang yan, tropa.” Pinatong ni Yves ang kamay niya sa balikat ni Lisa. “Wag mo na lang muna masyado isipin.”
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mag break si Jennie at Lisa. Hindi halos makapagkita si Irene at Seulgi dahil parehas silang kailangan ng mga kaibigan nila.
“Di na ba talaga mahal ni Jennie si Lisa?” Ulit ni Seulgi habang nagla-lunch date sila.
“Hindi naman sa hindi na niya mahal.” Sumagot si Irene. “Pero kasi lagi na lang silang di magkatagpo, napagod na rin si Jennie.”
“Eh bakit break agad, ayaw man lang ni Jennie i-try na ayusin muna?” Pagpapatuloy ni Seulgi.
“Hindi naman kasi porket nag sorry na si Lisa, okay na agad ang lahat.”
“Pero hindi lang naman si Lisa yung may pagkukulang sa relationship nila ah.”
“Di ko naman sinabi yun, Seulgi.” Medyo inis na sabi ni Irene. “Para kasing nilalagay mo kay Jennie lahat ng blame, eh hindi naman siya lang ang may kasalanan.”
“Pero siya ang nakipagbreak.” Kunot noo na sagot ni Seulgi.
“Dahil lang siya nakipagbreak, siya na agad ang bad guy? Di ba pwedeng pinili lang ni Jennie yung sarili niya?”
“Pero—”
“Seulgi.” Tinaas ni Irene ang kamay niya. “Pag aawayan ba natin ‘to?”
Pumikit muna si Seulgi at bumuntong hininga. “You’re right. Di dapat natin ‘to pinagaawayan. Ang hirap lang kasi dahil best friend mo si Jennie at best friend ko si Lisa. Syempre magkakampihan tayo, kahit sabihin natin na magkakaibigan naman tayong lahat.”
“I know.” Hinawakan ni Irene ang kamay niya. “Mahirap talaga yung mga ganitong situation. Pero hindi dapat tayo magaway dahil dito, okay?”
“Wag na lang muna natin pag usapan.” Tuman
Comments