15

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Tatlong araw matapos ang di nila paguusap ni Bogum, nagulat na lang si Irene dahil paglabas niya ng pinto, may flowers sa may welcome mat. Tinignan niya ito at binuksan ang note nung nakita niya ang pangalan niya.

 

 

I’m sorry I’ve been such a jerk.

Can I make it up to you?

Date tayo mamaya after class mo.

I love you, Hon.

-B

 

 

 

Napangiti naman si Irene at tinago niya yung note sa bag niya. Buong umaga siyang excited pagkatapos niyang i-text si Bogum at sabihing natanggap na niya yung bulaklak at magkita na lang sila mamaya. Napakasweet naman ng reply ni Bogum na usually ay ‘okay’ o kaya naman ay ‘sige’ lang.

 

“Bakit ang saya mo ata ngayong umaga, bespren?” Tanong ni Lisa habang nagiintay sila ng prof sa Hum.

 

Dahil may seating arrangement na sila na according to group, napilitan na silang apat mag tabi tabi. Ayaw ni Irene at Jennie sa likod at lalong ayaw ni Seulgi at Lisa sa harap kaya napilitan silang mag compromise at umupo sa gitna. Ang naging order ng seating arrangement nila ay si Jennie, Irene, Lisa, at Seulgi.

 

Nagiging close na si Lisa at Irene dahil lagi silang nagtatawanan habang si Seulgi ay walang magawa kundi mapilitang makinig na lang sa klase. Alam naman niyang hindi sinasadya yun ni Lisa dahil natural na maloko at madaldal lang siya. Minsan pa nga, napapangiti din si Seulgi sa tuwing matatawa nang malakas si Irene pag may sinabing kalokohan si Lisa habang nag iintay sila ng prof.

 

Hindi nila pinagkasunduan, pero sa magkaibang rason, maaga na parehas bumangon at kumilos si Seulgi at Lisa dahil excited sila sa 10 minutes na libreng oras habang nag iintay ng prof. Hindi na sila ulit na-late sa Hum class.

 

 

 

“Wala lang, bespren.” Nakangiting sagot ni Irene. “It’s just a beautiful day. Beautiful morning.”

 

Maganda ka pa sa umaga. Isip ni Seulgi.

 

“Ang cute pala ng carnations.” Sabi ni Irene habang nag roll ng mata si Jennie. “Alam mo yun, bespren?

 

“Yung evap?” Confused na tanong ni Lisa.

 

“Sira!” Hinampas ni Irene si Lisa. “Yung flower. Pink na carnations.”

 

“Ah.” Tumango si Lisa. “Hindi eh. Wow, bakit may nagbigay sayo?”

 

“Secret.” Nakangiting sabi ni Irene.

 

Gusto mo pala ng flowers? Sabi ulit ni Seulgi sa isip niya.

 

“Grabe naman si bespren may secret admirer.” Sabi ni Lisa. “Ano ba meaning ng pink carnations?”

 

“Ay hala, di ko alam.” Sagot ni Irene. “Pero feeling ko, forgiveness, ganun.”

 

“Search ko.” Nagscroll si Lisa sa phone niya. “Ang symbol ng carnations ay..”

 

Natawa bigla si Lisa. “A mother’s love.”

 

Natawa din si Seulgi at lalo na si Jennie. Nakikinig pala silang dalawa.

 

“Totoo ba?” Naglapit yung ulo ni Lisa at Irene dahil sinilip niya kung totoo nga yung sinasabi ni Lisa.

 

“Mama mo pala yan eh.” Tawang tawa si Lisa. “Sana all binibigyan ng flowers ng mama.”

 

“A mother’s love!” Ang lakas pa rin ng tawa ni Jennie. Sinilip siya ni Lisa at medyo napangiti siya nung nakita niya yung maliliit na ngipin ni Jennie. Naisip niya na ang cute cute naman pala ni Jennie pag di siya laging iniirapan nito.

 

Dumating na yung prof nila at medyo nabawasan yung pagka-excite ni Irene nang slight.

 

 

 

 

 

From: Rosenglot

Seul alam mo ba

To: Rosenglot

hindi pa

From: Rosenglot

Gags seryoso to

To: Rosenglot

seryoso nga tall hindi ko pa alam

From: Rosenglot

May nalaman ako

To: Rosenglot

tungkol san

From: Rosenglot

Sayo

To: Rosenglot

girl alam ko na

From: Rosenglot

Legit? Alam mo na nga?

To: Rosenglot

oo sey. matagal ko nang alam. matagal ko nang alam na cute ako

From: Rosenglot

Tangina mo ang hirap mo kausap

To: Rosenglot

joke lang naman haha bat ba ang sungit mo

From: Rosenglot

Eh gago ka eh

To: Rosenglot

sorry

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
893 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
893 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹