113

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

"Break na kami."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagkibit balikat na lang si Seulgi. "Oh well. Malamang ikaw may kasalanan."

 

Batok naman ang abot niya sa kasama niya.

 

"Tangina mo!" Sigaw ni Jiu. "Siya ang nang iwan."

 

"Aw, ano gusto mo? Hug?" Pangaasar na sabi ni Seulgi.

 

"Kiss."

"Mamatay ka na."

 

"Hay. 2 weeks pa lang nakakalipas, miss ko na siya. I don't know how you do it." Nakangusong sabi ni Jiu. "Gano ka tagal na nga ang dry season mo? Halos mag iisang taon na?"

 

Tumawa lang si Seulgi. "Parang ganun na nga."

 

"Akala ko ba magbabalikan na kayo ni crush? Ayaw mo ba? Ako na lang poporma sa kanya."

 

Sumama ang tingin ni Seulgi kay Jiu. "Tantanan mo si Irene."

 

"Crush lang naman eh." Ngumiti si Jiu. "Pero seriously, ano na? Kaya mo pa ba?"

 

"Kaya pa. Intay lang."

 

"Bakit sa first ex mo, inintay mo pero panay landi ka naman sa iba?" Dudang tanong ni Jiu.

 

"Pag kwentong love life, alalang alala pero yung utang mo sakin last month, limot mo na agad?" Tumawa si Seulgi.

 

"Di mo naman sinagot." Tumitig lang si Jiu sa kanya. "Ano meron kay crushie?"

 

"Wala na akong ibang nagugustuhan." Nagkibit balikat lang si Seulgi. "Siya lang. Weird nga eh."

 

"Grabe naman this girl, so dedicated." Nangaasar na naman ang tono ni Jiu. "Ako na lang kaya mahalin mo, Seulgi?"

 

"Pass."

 

"Dali na, kahit mga 31% lang." Lumapit si Jiu. "Ako na bahala sa 69."

 

Nagulat naman ang mga tao sa paligid sa sobrang lakas ng tawa ni Seulgi.

 

"Putang ina mo talaga kahit kailan, napakakalat mo!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Huy, galit galit pa rin lahat? Grabe na kayo ah. Tagal na niyan." Comment ni Irene habang nag aacads sila sa favorite nilang coffee shop. 

 

"Ayoko na lang magtalk." Nagbibiro ang tono ni Joy pero halata naman na namamaga ang mata niya kakaiyak kinagabihan lang. "Itong si Sana, break na ata sila ni Dahyun." 

 

"Cool off lang, wag ka ngang ano." Napahawak si Sana sa ulo niya. "Di ko kayang break. Di na ata ako sanay maging single."

 

"Wow, Sana, di ko akalaing lalabas yung mga ganyang salita sa bibig mo." Tumawa si Irene. 

 

"Tangina nga. Si Dahyun lang naman nagpupumilit na ayoko na. Gusto ko naman ilaban pa yung amin. Mali yung iniisip niya sa amin ni Momo." Di pa rin bumibitaw yung hawak ni Sana sa ulo niya. "Basta, walang break up. Actually, walang cool off. Pagkatapos ng exams ko, kakausapin ko na siya."

 

"Tama. Stay strong, girl. Alam mo kung sino ang nanganganib?" Tanong ni Joy. 

 

"Kayo?" 

"True na, sis."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Stay strength, gorl." Hinaplos ni Yeri yung likod ni Wendy. Mugto na naman ang mata nito at matamlay na tumabi kay Lisa. 

 

"Gusto kong mag inom." Malungkot na sabi ni Wendy. 

 

"Wala, di pwede eh. Dami exams." Tumayo si Yves at lumipat sa couch habang nagbabasa sa handouts niya. 

 

“Grabe. Malala na talaga ‘to.” Umiling si Yeri habang natatawa. “Si Wendy nag aaya mag inom? Tapos si Yves humindi dahil sa acads? My goodness.”

 

“Tangina mo, ang dami mong alam, bansot.” Sabat ni Lisa. “Bakit ikaw, lagi kang tambay dito ha? Share mo naman sa group kung bakit.”

 

“Manahimik ka, Lisa.”

 

“Ano meron?” Takang tanong ni Yves.” Yerms, di ka na sa akin nagsh-share ha.”

 

“Paano, sinaniban ka ata ng anghel, tol.” Sagot ni Yeri. “Bakit bigla kang nagpakabait?”

 

“Kasi inistalk niya yung bagong bebe ni Kim Lip. Na sa Honor Roll. Kaya nagtitino yan.” Malumanay na sabi ni Wendy bago siya napangalumbaba. “Wala akong ganang kumain.”

 

“Kahit pancit canton na spicy?” Malambing na pagaalok ni Lisa. Tumingin naman siya kay Yeri. “Pero wag mong lihisin, Yerms. Kwento mo na bakit buong linggo ka dito nakikitulog.”

 

“Ayaw mo na ba akong katabi matulog? Sabihin mo lang.” Ngumuso si Yeri. “Kay Seul na lang ako tatabi. Asan pala yun?”

 

“May acads date sila ni Jisoo.” Sagot ni Yves. “Yerms, ano meron nga sayo?”

 

Di sumagot si Yeri.

 

“Nagtatago yan kay Saeron. Araw araw kasi siyang pinupuntahan sa apar—aray!” Hinimas ni Lisa yung tenga niya dahil bigla siyang piningot ni Yeri.

 

“Wends, hindi ka kakain? Ako na lang kakain ng pancit canton mo.” Tumabi na si Yeri kay Wendy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“BFF naman, pati ba naman ako susungitan mo?” Ngumuso si Seulgi habang nagaaral sila. “Ako nga lang kakampi mo dito.”

 

“Lahat sila ayaw na samin ni Rosé? Kahit si Lisa, suko na?” Malungkot na tanong ni Jisoo.

 

“Hindi naman.” Nagkibit balikat si Seulgi. “Pero hinahayaan lang nila si Sey sa mga desisyon niya sa buhay. Lagi naman kasi nila binebaby yun nakakapikon na nga eh. Ako lang lagi nananampal sa kanya ng katotohanan.”

 

“Bakit parang literal na pananampal y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
888 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
888 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
888 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹