111

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Tuesday. 6:09 am. Namumula ang mata ni Irene dahil nag all-nighter na naman siya. Inis na inis siya sa isa niyang kagrupo na hindi nag pasa ng part niya sa paper.

 

"Morning." Bati ni Joy na pahikab hikab pa.

 

"Anong isusulat ko kung walang RND, ha?" Iritadong sagot ni Irene. "San ko bubunutin yung conclusion? Sa pwet ko?"

 

"Ha?"

 

"Punyeta yung groupmate ko, Joy." Pagcomplain ni Irene. "Iniwan kami sa ere. Ako sumalo ng part niya kasi pagkapasa ng isa kong groupmate ng intro niya, nag offline na siya. Gusto kong manakal."

 

"Dapat sinakal mo si Sana." Tumawa si Joy. "Malalim naman matulog yun, di niya pansin."

 

"Gaga, wala si Sana, di umuwi." Sagot ni Irene.

 

"Ha?" Takang tanong ni Joy. "Nagkita kami ni Dahyun kagabi, nabanggit niya na ang aga nga daw matulog ni Sana."

 

"Oh? Well, wala siya."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tuwang tuwa si Seulgi habang bitbit ang mga dala niyang halaman. Buong weekend siyang nagpanic sa plano niyang dinner bago niya naisipan na wag nang mag plano. Bahala na. Hahanap na lang siya ng tamang tiyempo.

 

Para sa dinner nila, ni-reserve niya yung buong booth ng paborito nilang restaurant at kinausap na rin niya ang manager para handaan sila ng pagkain na wala sa menu: steak. Napabyahe din siya para bumili ng wine na gusto nila dating tikman ni Irene nung hilig pa nilang mag 1-on-1 (para naman daw medyo classy) pero laging nauuwi lang din sa Emperador.

 

Nagpagawa din siya ng custom na carrot cake para kay Irene at isang maliit na chocolate cake para sa kanya. Dahil di niya naman talaga gusto yung lasa ng carrot cake. 

 

Simple lang. Dinner. Usap. 

 

Pagod na si Seulgi sa komplikado. Gusto na niyang sumaya kasama si Irene.

 

Yun ay kung tatanggapin pa rin siya nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

7 pm. On the dot. Na sa restaurant na si Seulgi at excited na naghihintay. Di niya pwedeng sunduin si Irene dahil malalaman agad nito na wala sila Wendy kaya napagusapan nilang magkita na lang dun.

 

Medyo di mapakali si Seulgi at panay ang tingin niya sa relo niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

10:31 pm. Naalimpungatan si Irene sa biglang pagbukas ng ilaw sa kwarto niya.

 

"Dito ka pala?" Gulat na sabi ni Sana.

 

"Nakatulog ako.." Pumikit pikit pa si Irene bago siya biglang napabalikwas. "Wait, ano oras na?"

 

"Past 10."

 

", may dinner pala kami." Agad niyang chineck ang phone niya. May ilang text si Seulgi. Minabuti na lang niyang tawagan ito.

 

"Wow, may pantawag. Iba din." Bati agad ni Seulgi pagkasagot niya.

 

"Sira. Huy Seulgi.. sorry nakatulog ako!" Nahihiyang sabi ni Irene. "Di na ako nakapag text. Natuloy kayo?"

 

"Ah, G lang." Tumawa si Seulgi. "Wala naman kami masyadong ganap, kain lang. Kumain ka na pala?"

 

"Hindi nga, kakagising ko lang kasー"

 

"Dalhan kita ng food, dami namin tira kanina." Sabi ni Seulgi. "Wait mo ako, 5 minutes."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Seulgi, bakit ang dami naman nito?" Gulat na sabi ni Irene habang isa isang nilalabas ni Seulgi yung mga pagkain.

 

"Ayaw mo?" Nangaasar ang tono niya. "Pero di mo maalis tingin mo sa steak?"

 

"Saan kayo kumain? Bakit may steak?" Nakatitig lang si Irene sa nilalabas ni Seulgi. 

 

"Secret." Umupo na si Seulgi sa tabi ni Irene. "Samahan kita kumain."

 

"Takaw mo naman."

 

Sa totoo lang, hindi pa talaga kumakain si Seulgi. Matagal siyang nag hintay sa restaurant bago niya naisipan na ipa-takeout na lang ang lahat. Halos tumalon nga ang puso niya nung biglang tumawag si Irene.

 

 

Sulit naman ang pag hihintay ni Seulgi dahil mas intimate ang ganito, na dun sila sa kitchen ng apartment nila Irene kumakain, parehas silang komportable, at walan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
904 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
904 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
904 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
904 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹