Chapter 19

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Two days nang parang balisa si Karina.

 

I think nagsimula 'to nung gabi na manonood sana kami ng food vlogs pero hindi ko siya ma-contact. Akala ko nakatulog na but she texted me 30 mins later saying she was tired at gusto nang magpahinga.

 

I didn't really think much into it kasi baka nga napagod siya that day. We can always watch those vlogs naman anytime.

 

The day after that, parang wala pa rin siya sa mood. Hindi ko alam kung anong nangyari at ayoko rin naman mag assume that something's wrong. Baka kasi meron lang siya. PMS, ganan.

 

What's weird is that napapansin ko siya na parang hindi makatingin sa akin nang derecho. That's when it started bothering me. Ano bang problema niya? May nagawa ba ako?

 

Ang alam ko kasi okay na okay naman kami. Wala naman naging conflicts lately. She even blocked Yeji na rin sa lahat ng soc meds at nagpalit din siya ng number para hindi na siya nito guluhin at all.

 

Gusto kong magtatalon sa tuwa when she told me that. Pero syempre ayoko naman ipahalata na sobra yung saya ko when I found out she cut all of her ties sa ex niya. Tsaka feeling ko naman nahalata niya yung saya ko that night.

 

Kaya nga nagtataka ako what suddenly went wrong.

 

Andami na rin pumapasok sa isip ko. Eto na ba yung kinakatakot ko dati? Yung bigla na lang niya akong idodrop all of a sudden? Honestly, sa tingin ko hindi naman ganon si Karina. Pero baka kasi may nakita siyang mali sa akin bigla.

 

Hindi ko na alam. Nagpapaka self centered lang ba ako para isipin na it's about me? Baka kasi personal matters.

 

Pero hindi ko na matiis yung pag iisip. I got my phone sa nightstand to text her when I saw na naunahan na niya ako. One text from Karina on iMessage. And it's a voice message.

 

Huminga muna ako nang malalim before ito i-play. Ewan ko pero para kasing kinakabahan ako.

 

"Hi baby.. I know I've been acting weird lately and I'm really sorry I just-- I don't--" I heard her sigh. I paused the recording. Parang hindi niya alam ang sasabihin.

 

Her voice sounded soft and vulnerable. I suddenly felt bad sa konting pagka inis na naramdaman ko over the last two days. Baka kasi she's going through something at nahihirapan lang talaga siyang mag open sa akin kaagad.

 

I pressed play again.

 

"Can we-- can we talk tomorrow? I'll tell you everything.."

 

Nanlaki ang mga mata ko. What is it she's gonna tell me this time? Hindi naman na siguro ito tungkol sa ex niya, diba? Sa tingin ko kasi unti unti, we're getting past that Yeji dilemma that we have sa nabubuo naming relationship.

 

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa sasabihin niya or matutuwa kasi finally we're going to talk about what's been bothering her. It's kind a mix of both siguro.

 

Namimiss ko na rin kasi siya. Hindi ko siya nahatid kahapon at kanina 'cause I had to accompany my Mom and Titas sa errands nila.

 

Hindi na ako nag voice note pabalik kasi hindi ako sanay mag send ng ganon. Mas comfortable ako with phone calls and messages. Para kasing nashushungahan ako sa sarili ko kung magsasalita akong mag isa.

 

Although hindi ko naman sinasabi na mukhang ewan si baby ko nung nag send siya ng voice note. Everyday siyang maganda. Hmp!

 

Me: okay baby.. i hope everything is well.

 

Me typing..: gusto mo sabay tayong pumasok bukas? sundo kita.. hehe

 

Wala lang. Gusto ko lang sana siyang sunduin para ma gauge kung okay lang ba talaga siya. Para kasing hindi siya okay doon sa voice message niya. And somehow, gusto ko lang talaga siyang makita first thing in the morning.

 

Wait! May naisip ako. Dinelete ko yung huli kong tinype na message at hindi ito sinend. Parang gusto ko pala siyang i-surprise with breakfast bukas tapos ihatid sa class niya.

 

Wala naman akong pasok sa first class ko kasi nasa Ilocos daw si Sir. Nag iwan na lang siya ng exercise na need i-submit for next meeting.

 

Excited ako! Sana matuwa si Karina sa gagawin ko. Sort of trying to make her feel better na rin.

 

Hindi ako naka receive ng reply dun sa text ko wishing everything is well with her. She probably fell asleep after sending the voice note.

 

Antayin ko na lang siguro bukas yung reply niya kapag nakita na niya yung message. Nag iisip ako ngayon kung anong pwede kong dalhin sa kanya.

 

Aside sa matcha latté, she likes yung mga fruit teas na refreshing. Yun na lang siguro ang bibilhin ko bukas then ipag gagawa ko siya ng sandwich na gusto niya.

 

Saan kaya kami maguusap tomorrow after class? Parang ang hirap kasing mag isip ng set up kung hindi ko naman alam ang paguusapan namin.

 

Baka kasi mamaya dalhin ko siya sa romantic place for dinner tapos yun pala ang sasabihin niya sakin eh ayaw na niya akong makita kahit kailan. Kaloka!

 

Pero alam kong hindi naman yun mangyayari.

 

Siya na lang tatanongin ko bukas kung saan niya gustong mag usap kami.

 

Hindi agad ako nakatulog. Nag browse muna ako ng photos namin dalawa para naman bago ako magsleep, blessed yung utak ko ng cute photos namin ni Karina.

 

Tomorrow is another day!

 

 

 

 

Karina: Morning. Sorry I fell asleep :(

 

Me: it's oki hehe nasa bahay ka pa? kumain ka na?

 

I'm currently preparing a clubhouse sandwich for her. Nagpatulong ako kay Mommy kanina before siya umalis sa bahay.

 

I told her it's for Karina at ngumiti lang naman siya at tumango. Mukhang alam naman na kasi ni Mommy yung thing ko with Karina kaya hindi na niya ako masyadong inaasar.

 

Karina: Yesss. No morning class for me. Nag text yung SA ni Ma'am wala raw pasok.

 

Karina: Haven't eaten yet >.< Maya maya. Wala rin breakfast. You?

 

Uy! Tamang tama. Pareho kaming no classes ngayong umaga tapos hindi pa siya nagaalmusal. At least hindi ako magagahol sa oras. Akala ko kasi late na ako sa pagdadala ng breakfast sa kanya.

 

Pwede na rin siguro kaming mag usap since wala naman kaming gagawin both this morning. 1pm pa ang next class ko. 2pm yata si Karina.

 

Hindi naman na ako masyadong kinakabahan. Parang okay naman yung mga texts ni Karina ngayong umaga at mukhang normal lang naman ang lahat. Maybe she's just gonna open about her family. Nakaaway niya siguro Dad or Mom niya. I don't know. I'll find out later.

 

Me: di pa rin hehe wait lang baby mag prep lang me

 

Ayoko ipahalata na pupuntahan ko siya. Malakas kasing makiramdam si Karina eh. Mahirap na.

 

She didn't reply na sa text ko. I texted her once more na papunta na ako kunware sa campus pero hindi rin siya nagreply. Nakatulog kaya? Napaka antukin naman nito ni Karina.

 

I bought her an iced fruit tea on the way sa kanila. I bought myself a cup of coffee at hindi ko kayang hindi umpisahan ang araw nang walang kape.

 

I was approaching their house when I saw Karina sa labas.

 

May other person din na nandon.

 

I squinted. Sino yon?

 

Oh.

 

Si Yeji.

 

Si Yeji. Si Yeji. Si Yeji nanaman. Parang mas nakikita ko pa siya kaysa sa sarili kong tatay.

 

Nakita ko yung pagtingin nilang dalawa sa paparating kong kotse. Nanlamig yung mga kamay ko bigla. Anong nangyayari?

 

I could feel myself panicking. . I need to stay my cool.

 

I saw Karina approaching me with a worried expression. Si Yeji naman ay nakatayo lang on the same spot having the same expression that she always wears.

 

Nag park ako sa likod ng isang sasakyan sa labas at bumaba ng car. Hindi ko alam paano ako kikilos. Sobrang awkward. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa bahay at mag overthink habang nakahiga.

 

I hate being in situations like this.

 

Yung makasalubong namin si Yeji sa campus paminsan minsan, okay lang. Wala akong pakialam. Kahit pa nga magkaron kami ng same class together, I wouldn't really care.

 

Pero yung ganito. Yung makita ko siya na nasa bahay mismo nila Karina at kaming tatlo lang, it's making me anxious more than anything. I could feel the pounding in my chest.

 

"Winter.." Karina called me.

 

I smiled at her awkwardly, "Hey."

 

"I should go." Narinig kong sabi ni Yeji. Hindi ko siya tinitignan. Naiinis ako sa mukha niya.

 

Karina nodded and Yeji continued before pumasok sa kotse niya, "I meant what I said, Kat."

 

I'm clenching my fist. I hate this feeling. Para akong trespasser sa kanilang dalawa. Ang dami daming pumapasok sa isip ko.

 

Naalala ko bigla na magkababata sila. Na bestfriend ni Karina si Yeji before. Naalala ko nung tinawagan siya ng mom nito.

 

Ganito ba ang mangyayari? Will she always be present in our lives? In Karina's life?

 

Some people aren’t meant to stay in your life forever. But that doesn’t mean you can’t carry a piece of them in your heart.

 

Naalala ko yung sinabi ni Mommy. Pero parang baliktad yung situation ni Karina. She may not feel anything for her ex anymore, but maybe Yeji is meant to stay in her life.

 

Ewan ko na.

 

I'm being bombarded with thoughts right now. Gusto ko biglang tumakbo papunta sa kotse at mag drive paalis dito. Hindi ko kinakaya. Suddenly it's becoming hard to breathe.

 

 "Winter.. Winter!"

 

I came back to my senses. Narinig ko yung ugong ng sasakyan ni Yeji, indicating na umalis na siya. I turned kay Karina.

 

"Y-yeah?" sagot ko. Still trying to recover from another weird encounter with Karina's ex.

 

She held my arm and she looked at me, eyes drowning with worry. "Are you okay?"

 

Hindi, pero pipilitin kong maging okay. Ayokong mag alala pa lalo si Karina sa akin.

 

"Yeah, okay lang." Mahina kong sagot.

 

The atmosphere became tensed. Pareho kaming hindi alam ang sasabihin sa isa't isa. Nagooverreact lang ba ako? Baka naman kasi may pinag usapan lang sila na sobrang importante at kinailangan ni Yeji na pumunta mismo dito.

 

She let go of my arm, "Let's talk inside.. may class ka ba?" tanong niya. Nakita ko yung attempt niya to hold my hand again pero inalis rin niya ito agad. She probably wants to give me space muna.

 

I shook my head, "Uhm, wala. Sige. Okay lang ba pumasok?"

 

Tumango siya and we started walking papasok nang maalala ko yung binili kong pagkain para sa kanya. Kahit naman ganito yung situation ngayon, gusto ko pa rin maka sure na may breakfast siya. Hay.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!