Chapter 2

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

D-1 na ng pagkikita namin ni Karina at parang gusto ko nang mag backout. Hindi ko yata siya kayang harapin.

 

Ano kaya ang magandang dahilan? LBM? Pigsa sa pwet? Nakagat ng kambing? Hindi ko na alam.

 

May ganon ba? Nakakagat ng kambing? Para akong pinangungunahan ng hiya.

 

Pano naman kasi, si Ning tinataranta ako!

 

Akalain mo yun, napa payag niya akong mag practice kuno kahapon para sa magiging pagkikita namin ni Karina.

 

Mukha akong tanga! Kung ano anong nasabi ko. To think na hindi ko pa siya kaharap ha. Jusmiyo.

 

“H-hi K-katrina.”

 

Natawa naman si Ning sa pagkakamali ko.

 

“Hoy Winter anong Katrina?! Ayusin mo nga yang sarili mo. Wag kang bubulol bulol mukha kang shunga.”

 

Tawang tawa talaga si bruha sa pagkabalisa ko samantalang ako ay lugmok na lugmok na.

 

For sure, walang kakaba kaba sa part ni Karina yung pagmimeet namin.

 

Another day lang para sa kanya. Baka nga natutulog lang yun ngayon nang mahimbing habang heto ako, parang magkaka aneurysm sa stress.

 

“Wag ko na lang kaya siyang i-meet? Baka ipahiya ko lang yung sarili ko at sabihin pa niya na ang galing ko sa texts pero sa personal para akong manok na may sore throat.”

 

Pagrarant ko sa kaibigan ko. Nakakapanghina.

 

Hi Karina lang naman yung gusto kong sabihin pero bakit parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa UPCAT.

 

Pinanlakihan naman ako ng mata ni Ningning,

 

“Ano ka ba! Yung tao na nga yung nagyaya mismo na samahan ka tapos hindi mo sisiputin? Mas panget na impression yun. Sige ka iisipin non matandang mabaho ka.”

 

May point siya. Bahala na. Kung mapahiya eh di mapahiya.

 

Hindi na lang ako magpaparamdam sa kanya kahit kailan pag may nangyari na hindi maganda.

 

Sa ngayon, magpapractice pa rin ako. “Oo na! Eto na seryoso na”

 

Umubo ubo ako at nag clear pa ng throat.

 

“Hi, Karena”

 

Hindi na tumigil si Ning sa pagtawa hanggang makauwi kami ng dorm. Bwiset talaga.

 

 

 

 

 

D-day na at naka ready na ako. Plaid blouse, check. Pekpek shorts, check. Vans mules, check.

 

Okay, maganda at mabango naman na ako. Sa tingin ko naman eh hindi ako mukhang sasakay sa Mio.

 

Ang problema lang, hindi ako mapa jebs ngayon sa dorm.

 

Usually kasi kapag aalis ako nang maaga, maglalabas muna ako ng sama ng loob sa banyo para hindi ko na ito problemahin sa buong araw na nasa labas ako.

 

Ang hirap lang kasi talagang abutan ng tawag ng kalikasan pag nasa labas ka lalo na kapag namamahay ang pwet mo.

 

Hinayaan ko na lang at sa palagay ko ay hindi naman siguro ako aabutan sa labas. Baka kasi ma-late na rin ako.

 

Ang usapan kasi namin ni Karina, 10am kami magmimeet sa UP Diliman dun mismo sa may hagdan malapit kay Oble.

 

Hindi ko saulo ang campus nila kaya dun na lang niya ako pinapaderecho.

 

Ang thoughtful niya lang. Kinilig nanaman ang mababaw kong puso.

 

Alas otso na ng umaga at sasakay pa ako ng bus papunta sa Cubao. From there, baka mag grab na lang ako para hindi ako ma-late.

 

Ayoko naman na first impression sakin ni Karina is someone na hindi nagvavalue ng oras ng iba.

 

Bumili muna ako ng Lety’s Buko Pie para dalhin sa kanya.

 

Nabanggit kasi niya na mahilig siya sa buko pie nung unang week na magkausap kami.

 

Hindi ko na lang sinabi sa kanya na dadalhan ko siya nito para may surprise factor.

 

Maka surprise naman ako, kala mo jowa. Pero sana matuwa siya. Mainit init pa yung buko pie nung bilhin ko.

 

Nakasakay na rin ako sa bus at dahil Thursday pa lang naman, wala masyadong traffic sa EDSA kaya nakarating din agad ako sa Cubao ng mga 9:30am.

 

Nang makasakay na ako sa grab, nagtext na ako sa kanya na on the way na ako pa campus.

 

Me: hi karina! otw na pala ako pa UPD. naka grab ako so baka in 20 mins nandon na me. take your time pala ha. okay lang ako mag wait :D

 

Akmang ilalagay ko pa lang ang phone ko sa bag nang mag vibrate ito, indicating na nagreply siya.

 

Ako lang to, Karina. Di mo need mangatal sa pagtatype. Charot.

 

Karina: Morning, Winter! Otw na rin ako. See you in a while. Naka black jeans and white sweater pala ako, just in case hindi mo ako makita agad :p

 

Shet, umuulan. Wala akong payong. Sabihin ko na lang kay Manong Grab sa may bubong ako ibaba.

 

Teka, parang natatae ata ako sa kaba. Hindi maganda to.

 

Binaba ako ni Manong sa may silong na area kaya hindi naman nagulo ang hair ko dahil sa ulan.

 

Kung nagulo man, sana may dalang suklay si Karina. Manghihiram na lang ako.

 

Me: nandito na ako sa may gitna. naka plaid ak--

 

Napatigil ako sa pagtetext nang may biglang kumalabit sa likod ko nang paulit ulit.

 

Sasawayin ko sana kasi akala ko mga batang hamog na nanghihingi ng barya nang bigla akong humarap sa kanya.

 

Sa loob ng 19 years of existence ko, ngayon lang ako natulala dahil sa magandang babae.

 

Marami naman akong nakilalang magaganda pero hindi naman naging ganito ang effect nila sa akin.

 

Para akong nakakita ng santo. Susmaryosep.

 

Nakikita kong bumubuka ang bibig ni Karina na tila may sinasabi.

 

Hindi ko siya marinig.

 

Hindi ko alam pero parang na-stuck ang paligid ko at siya lang ang nakikita ko ngayon. Nag slow motion ang lahat.

 

Hindi ko napigilan ang bunganga ko at bigla na lang nag blurt out,

 

“Hindi ka panot.”

 

“Huh?” Nagtatakang tanong ni Karina sakin.

 

Bumalik ako sa pagkatino at hiyang hiya na nasabi ko yun sa kanya. Jusko.

 

Ano bang katangahan nanaman ang sumapi sakin. Baka kung ano na lang isipin ni Karina.

 

Baka akalain pa nito, isa ako dun sa mga taong lalapit randomly sayo para mag recruit sa Church nila at magsasabi ng kung ano anong random na bagay. Kaloka lang.

 

“Uhm, I mean, Hi Karina.” Nabawi ko naman agad at sa awa ng panginoon ay hindi naman ako nautal na parang manok.

 

Binigyan ko rin siya ng napaka sweet na smile para lumabas yung dimple ko. Nakita ko rin yung pag ngiti niya sakin.

 

Lord, ang ganda niya talaga. Pano ko ba maisusurvive ang araw na to.

 

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko yung hug niya. Hala. Mas lalo akong nanigas sa kaba. Bakit may pa-hug?

 

Binawi naman niya agad bago ko pa siya ma hug.

 

Nanghinayang ako na hindi ko manlang siya nayakap pabalik. Baka sabihin suplada ako. Kapal ko lang kung ganon.

 

“It’s nice to finally meet you, Winter. Let’s go na?”

 

Nakangiting sabi ni Karina. Pinayungan pa niya ako since mas matangkad siya sakin nang kaunti.

 

“Wait, buko pie pala for you. Hehe”

 

Inabot ko sa kanya yung mainit init na box ng Lety’s.

 

Nagulat naman siya, di siguro ineexpect na magdadala ako ng something for her.

 

Bibiruin ko sana na may bayad yon pero napatingin ako sa nunal niya sa may baba at nadistract ako.

 

“Wow, you did not have to. Pero thank you. Itatago ko to kay Mommy, favorite din niya to eh.” Natawa naman niyang sabi.

 

Naglakad na kami papunta sa registrar. Thankfully, hindi naman kami naging awkward.

 

Akala ko kasi hindi ako makakarecover sa pagka tuliro.

 

She made sure na makipag small talk here and there. Nasense niya siguro na nahihiya hiya pa ako sa kanya. Ang bait niya lang.

 

“Dito na yung registrar. I can wait for you here sa labas. I’ll just sit here while waiting. You can go in na to pass the requirements.”

 

Turo ni Karina dun sa pinto sa may gilid. Nagpaalam naman ako at nagsabing babalik din kaagad pagkatapos.

 

Wala naman masyadong tao sa loob at mabilis ko lang naibigay yung requirements.

 

They’ll email me and Ning na lang daw next week regarding our transfer.

 

Nag tour si Karina saglit sakin sa UPD. Marami rin kaming napuntahan.

 

At this point, nawala na yung awkwardness ko sa kanya at natitignan ko na siya nang derecho sa mata.

 

Although hindi pa rin talaga ako nakaka get over sa ganda niya.

 

Grabe kasi, parang may kaharap akong kpop idol. Nakakapag joke na rin ako at tawang tawa naman siya sa mga pinagsasasabe ko.

 

“Akala ko nakuha mo lang sa Pinterest mga pictures mo at matandang panot ka talaga sa totoong buhay.”

 

Malakas ang tawa niya nang sabihin ko ito at kunwareng na-offend pa.

 

May pa hawak pa siya kunware sa may dibdib niya. Napatingin tuloy ako doon nang hindi sinasadya.

 

Ayoko na lang magcomment.

 

Pagkatapos ng mini tour namin, niyaya ko siya dun sa restos na nirecommend niya sakin last week nung magkatext kami.

 

“Gusto mo bang mag lunch? I’ll treat you na lang since sinamahan mo naman ako.” Pacute kong suggestion.

 

She turned sakin and smiled at me na parang nahihiya rin, “Sure. Medyo gutom na rin ako. Tsaka gusto pa rin kasi kitang maka sama since first meeting natin to.”

 

Muntik ko na akong matapilok sa sinabi niya. Gusto niya raw akong makasama pa.

 

Ano be yen. Sigi ne nga, Karina. If you i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
130 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!