Chapter 8

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ako makatulog.

 

Nakakainis kasi sabi ko magbebeauty rest ako tonight pero I keep thinking about Karina's long message.

 

Truth be told, hindi ko talaga ineexpect na magiging okay pa kami. Like, tinanggap ko na siya sa sarili ko na it was a short-term friendship.

 

Nevermind yung pagka crush sa kanya, eh. I was mostly sad doon sa thought na hindi namin maitutuloy yung pagiging magkaibigan namin.

 

Inisip ko kasi na she will eventually stop sa pag text and pagrereply at react sa stories ko given nga na hindi ako nagrereply sa kanya.

 

Hindi ko na rin inasahan na magsosorry pa siya sa akin.

 

That's why I was caught off guard with her message kanina.

 

Feeling ko kasi, mali ang inisip ko na baka hindi naman talaga niya pinahalagahan yung nabuo naming friendship over the last two months na magkakilala kami.

 

Maybe I was wrong. Hindi naman siguro siya magbobother na mag apologize nang napakahaba kung wala siyang pakialam sa akin, diba?

 

She even asked kung pwede kong mabigyan ng isa pang chance yung friendship namin.

 

Siguro malaking kawalan talaga ko. Ako na to Karina eh. Char

 

Sabi nga ng Passenger, "You only know you love her when you let her go." Ay chos!

 

But seriously, parang hindi ko yata kaya na hindi replyan yung sinabi niya. Tingin ko rin naman everyone deserves a second chance.

 

Ayoko rin naman i-judge talaga yung buong pagkatao niya dahil sa nangyari. Although nasaktan talaga ako pero I think I can move past naman with what happened.

 

After contemplating for a while, nagreply na rin ako sa kanya.

 

Nawala kasi somehow yung inis ko nung pinaulit ulit kong basahin yung message niya.

 

Me: hi, karina. thank you pala sa pag apologize sa akin. tingin ko kasi i needed that for peace of mind lang din and to move forward sa nangyari.

 

Me: sa totoo lang, up until now kapag naiisip ko yung hindi mo pag sipot that night, how i waited doon sa place for 2 hours, naiinis pa rin ako. and you're right, i was angry. but mostly i think i was more hurt than mad. kasi as time went by, you were becoming one of my closest friends na rin. kaya ayun..

 

Me: gusto ko pala magsorry dahil nung nagtext ka that night saying sorry, i brushed it off lang at sinabi kong it's okay. medyo passive aggressive yun. although kasi, i think gets mo naman bakit hindi rin ako nag open ng pagkainis sayo noong gabing yon. i don't think kasi na i'm in the place na kaya kong magreklamo sayo. we've just known each other lang din kasi. i did not want to seem demanding.

 

Me: but yeah, i think we can move past what happened. pinapalaya na kita sa "unfriend" zone ko. char hehe

 

Ako yung tao na pag magtetext ng mahaba, hindi isang paragraph lang. Kaya putol putol tuloy yung text ko sa kanya.

 

Nakikita ko siyang nagtatype habang nagtatype din ako. Tumitigil siya kapag nakikita niyang parang hindi pa tapos yung sasabihin ko.

 

Karina: I didn't think you'd reply. You don't know kung gaano ako ka relieve na sumagot ka. I'm really really sorry again, Winter. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa nagawa ko but I'll try. I share the same feeling na nagiging one of my closest friends ka na rin kaya nga I really felt bad sa nagawa ko.

 

Karina: And yes, I do understand why you just resorted sa pag sabi na okay lang. Alam ko naman na hindi okay. Sorry I disrespected your time and our friendship T.T

 

Bakit ba favorite na favorite ni Karina gamitin yung crying emoji na TT. Natatawa tuloy ako. Naalala ko yung kanta ng TWICE.

 

I think sincere enough naman na yung naging apology niya and hindi na niya ulit kailangan pang mag apologize but I appreciate na she acknowledged yung fault niya at hindi na nag excuse pa.

 

Tsaka parang ang kapal ko lang din kasi kung hindi ko na patatawarin si Karina. Ang ganda niya eh. Ay char. Di ko na siya crush.

 

Me: hindi mo naman need bumawi. your apology was enough naman na. although hindi naman ako magrereklamo kung ang pambawi mo pala eh bibigyan mo ako ng house and lot kyeme

 

Karina: Uhm, Winter? Pwede ba ako mag call? Nahihirapan ako magtype because of my pasmado hands. Haha. If it's okay lang naman

 

Ay kaya pala parang bumagal yung reply niya. Ang hirap din talagang magtype pag basang basa ang kamay dahil sa pagkapasma.

 

Actually, nung nasa vacation sila ng family niya sa Baguio, may isang night na we opted din to talk na lang through phone call dahil namamawis na raw yung kamay niya at andami niya nang typos dahil dito.

 

Nagtaka tuloy ako kasi malamig sa Baguio so bakit mamamawis. Oh well. Sino ba ako para husgahan ang kamay ng mga pasmadong tao.

 

Inasar ko pa nga siya at sinabing kapag pasmado, selosa.

 

Inisip ko pa nang mga ilang minutes kung ready ba ako sa pa audio call ni Karina pero siguro para masolidify ang pagiging friends ulit namin, pumayag na rin ako.

 

Friendship Version 2.0, here we go.

 

Me: sure sige :D

 

Unlike nung una niya akong tinawagan, mas relaxed ako ngayon at hindi aligaga. Sa one month na hindi namin paguusap at dahil na rin doon sa nangyari, nawala siguro yung effect niya sa akin na lagi akong kinakabahan sa presence niya.

 

Feeling ko parang kaya ko nang kontrolin ang sarili ko.

 

Feeling ko ang powerful ko na.

 

Feeling ko feelingera ako. Echos

 

"Hello?" Narinig ko ang mahinang boses niya. Okay, aaminin ko, namiss ko siya.

 

Nag clear muna ako ng throat dahil parang may na stuck pa sa lalamunan ko sa kinain ko kanina.

 

"Hey" Malumanay kong sagot. Hinhin yan? Pumasok tuloy bigla sa isip ko yung sobrang hinang boses ni Minju. Pinaglihi kaya siya sa mahinang volume ng TV?

 

There was a long pause sa call at parang nagpapakiramdaman pa kami.

 

Narinig ko siyang tumawa, "This is kind of awkward, noh?"

 

Natawa rin ako sa sinabi niya, "Well, it would be weirder actually kung hindi awkward kasi you know.."

 

"Mmm sabagay.. It's been a while na rin kasi."

 

"Yeah.. a month yata, I think." I acted na parang hindi sure sa sinabi kahit alam ko naman na exactly 29 days na.

 

Nagkamustahan kami and napagkwentuhan namin yung magiging online enlistment next week. Katulad ko, she's dreading din na makuha yung mga gusto niyang subjects for next sem.

 

Sasabihin ko sana na need ko nang mag sleep when she suddenly blurted,

 

"Uhm.. I don't know if it's too early para mag ask since kaka bati lang natin pero free ka ba tomorrow? Do you wanna have ice-- iced coffee?"

 

I think she was about to say ice cream pero naisip niya siguro na baka hindi pa ito yung tamang oras para ipaalala sakin ang aming failed ice cream agenda.

 

She sounded cautious din sa pagtatanong.

 

Napa isip ako bigla kung may lakad ba ako bukas. Nasanay na kasi ako na laging umaalis lately.

 

I think wala naman akong plans. Natapos ko na rin kasi yung hanash ko para sa resto ni Mom and si Tita na yung nagdadrive for her gamit yung car ni Mom.

 

Papayag ba ako? Masyado bang maaga para makipag kita ulit sa kanya?

 

Parang sabi ng gut feeling ko eh hindi naman.

 

"Yeah free naman ako. Ikaw ba? Baka hindi mo ulit ako siputin ha." Pagjojoke ko. Sana hindi maging awkward yung atmosphere.

 

I heard her laugh at parang nahihiya siya na sumagot, "Sorry ulit Winter ha. As in. I mean it."

 

Narinig ko naman yung sincerity sa voice niya and I felt bad na parang I made her apologize again. It was supposed to be a light joke lang talaga. Huhu

 

"Uy joke lang, ikaw naman. Okay na yun, Karina. Seryoso."

 

"Are you sure? I can always give you a house and lot para lang mapatawad mo ako."

 

Napalakas ang tawa ko sa sinabi niya kahit napapapikit na ang mata ko sa antok.

 

"No need, Karina. Enough ka na. See you tomorrow?"

 

Okay, medyo hindi ko na masydong naiintindihan ang sinasabi ko. Baka nga slurred na yung words ko.

 

"You sound really sleepy na. Go sleep, Winter. I'll send you the details ng café na lang. Goodnight. See you tomorrow?"

 

Hindi naman na ako nakasagot sa pagka antok. I think I heard my phone beep at nawala na ang call.

 

Hindi ko na talaga kaya at nakatulog ako na nakasuksok ang airpods sa tenga.

 

 

 

 

I woke up late the next day dahil na rin sa pagod at puyat ko kahapon. Wala naman akong ibang plans today bukod sa pakikipag kita ko kay Karina mamayang hapon.

 

I'm not gonna lie, meron pa rin worry at the back of my mind na baka hindi nanaman niya maalala yung lakad namin.

 

Nakaka trauma palang ma stood up!

 

Although sabi naman niya it's not gonna happen again and I believed her. Hindi ko alam pero she sounded like she was so sure na hindi na ulit mangyayari.

 

Pero who knows diba.

 

Basta ngayon, wala na lang akong expectations na iseset.

 

And hindi ako pupunta sa place hangga't hindi siya nagtetext or nagrereply an hour before kami mag kita. Mas okay na yung sigurado!

 

I went down sa kitchen to check if nasa bahay pa si Mommy at mukhang umalis na siya kanina.

 

May iniwan siyang breakfast na may sticky note. I-heat up ko na lang daw sa microwave kasi she had to go sa BGC at ngayon dahil itetest ng Head Chef niya yung mga food sa menu.

 

They will give the food daw sa mga batang palaboy at yung mga matatandang homeless na pagala gala lang.

 

Ang bait talaga ng Mommy ko.

 

Manang mana talaga ako sa pinagmanahan.

 

Nag start na akong kumain ng breakfast nang makareceive ako ng message from Minju sa messenger.

 

Kim Minju: Hi again, Winter :) What did you say nga ulit yung name ng restaurant ni Mom mo?

 

Bakit kaya niya naitanong?

 

Wait, nagkamali ba ako ng sabi ng date sa kanya ng opening? Hala baka pupunta siya today omg!

 

Ngali ngali naman akong nagreply at baka mamaya eh pumunta nga siya. Puro plywood ang maaabutan niya doon.

 

Naka set up na yung kitchen pero yung tables and chairs ay bukas pa yata mailalagay.

 

Me: minjuuu!! hello hehe. It's "Bell'e Buono". italian place siya. bakit mo pala natanong? huy hindi pa ngayon yung opening ha baka pumunta ka na! waaaaaah

 

Kim Minju: Hahaha no I know! It's not that. Natanong ko cause I think my Dad will work there as the Head Chef. Small world!

 

Ay wow ang galing naman. Daddy pala niya yung na-hire ni Mom. Naalala ko na nabanggit nga niya na her Dad is a professional Chef.

 

Siguro Minju's Dad is really good in the kitchen.

 

Tanda ko kasi sabi ni Mom dati hinding hindi siya maghahire ng Chef na walang passion at hindi pasok sa standards niya yung pagluluto.

 

She told me before din kasi na not because technically ay marunong magluto, may puso sa pagluluto. Iba raw yung you can taste yung pagmamahal doon sa dish.

 

Ang daming hanash ni Mommy. Ako kasi basta nasarapan ako okay na.

 

Dedma na kung galit at may sama ng loob yung nagluto. Basta pak ang lasa, approved sakin.

 

Pero it shows yung pagmamahal niya sa kanyang business that even the littlest details ay talagang nagni-nitpick siya.

 

Me: OMG????? WAIT NAKAKA AMAZE HAHAHA

 

Kim Minju: Ikr? Haha. Kung mapadaan ka doon tonight, I'll be there. Pagpapractice-an kong kuhanan ng photos yung mga iluluto na dish mamaya. Pumayag naman daw si Mom mo.

 

Me: I'll try na makadaan tonight kapag nagpasundo si mommy hehe. kaya mo yan! galingan mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
131 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!