Chapter 30

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Friday. Last day ng finals week.

 

Technically, tapos na ang sem ko nung Wednesday pa after ng exam sa Finance which my batchmates and I thankfully pulled off.

 

Ang yayabang lang namin after nung exam!

 

Parang 30 minutes pa ang natitira sa time, nakapag pasa na kami nila Ryujin at Chae pati yung boys.

 

Ang powerful sa feeling na nagpasa kami nang maaga tapos yung mga classmates namin na halatang sumasakit na ang ulo eh takang taka na napatingin samin.

 

Tumabi kayo, dadaan ang mga anak ni Einstein. Charot.

 

Sinagad ni Minju yung time yung exam. Hindi lang kasi double checking ang ginagawa niya. Sampung beses yata niyang pinapaulit ulit balikan yung questions.

 

Si Minju.

 

Si Minju na hindi ako matignan sa mata.

 

Si Minju na hindi sumama sa amin sa dinner kahapon.

 

Si Minju na umiiwas sa akin.

 

Naiintindihan ko naman kung bakit. Pero I just feel really bad na she has to go through yung pag iwas na phase dahil sa akin.

 

But I know she's doing what's best for her and I admire her for that.

 

I just hope we can still be friends but of course, choice niya yun. If hindi na siya maging comfortable sa akin, then it is what it is.

 

Buti na lang hindi naman nakakahalata yung iba naming friends. Sabi kasi ni Minju may family thing sila kaya busy busy siya at hindi nakakasama sa eat outs.

 

And speaking of pagiging busy.

 

Yung baby ko, muntik pang hindi magising para sa exam niya kahapon! 

 

Good thing tinawagan ko siya nang mapansin ko na hindi pa rin siya nagtetext 30 minutes before her first exam yesterday morning.

 

And being the best girlfriend that I am, sinundo ko siya para hindi na siya mag commute. Mahirap na, baka ma-late pa si baby for her exam.

 

Salamat naman sa Diyos at naging okay ang lahat kahapon. She thinks she aced her exams daw at worth it ang pagaaral niya nang magdamag.

 

Wala na akong ginagawa ngayong Friday kaya sinamahan ko na lang si Karina sa campus for her last exam for this sem. Inantay ko siya sa may labas.

 

"You didn't have to come. Dapat nagpahinga ka na lang, babe." Sabi niya habang naglalakad kami pabalik sa parking ng building nila.

 

Tapos na ang exams niya sa wakas!

 

I gave her shoulder a squeeze, "It's okay. I wanted to. Wala rin akong ginagawa masyado sa house. Support lang din, baby."

 

Plano ko rin kasing kausapin siya mamayang gabi about dun sa thing with Minju the other night. Inaantay ko lang talagang matapos itong acads niya.

 

I'm confident naman na Karina will understand why I delayed telling her. Still, may konting kaba pa rin sa loob ko kasi baka ma misunderstand niya yung nangyari.

 

Her phone vibrated when we're about to reach the car. Napatigil si Karina at nakita kong napasimangot siya sa nabasa.

 

"What the hell." Galit na sabi niya.

 

Worried akong napatingin sa girlfriend ko, "Anong meron babe?"
 

She showed me the text from her professor yata ito. I'm guessing sa isa niyang major.

 

Binasa ko muna. Ang haba. Sort of a warning message.

 

Okay, gets bakit napa what the hell si Karina.

 

Apparently, hindi raw nakapag pasa ng paper ang girlfriend ko dun sa subject and she will be given a grade of kwatro for not complying sa deadline.

 

At kung gusto raw ni Karina na makapasa at ma-tres sa subject, ipasa niya yung paper ngayong Friday or until Tuesday next week.

 

"Pinasa ko yun sa student assistant niya nung Monday!" Napapahawak si Karina sa ulo niya. Halatang parang sasabog siya sa kainisan anytime.

 

She continued with her outburst, "And I can't have a grade of tres! Ang unfair non! Hindi porket terror prof siya he can do as he pleases. Ni hindi niya muna i-confirm if nagpasa ako or not."

 

Lumapit ako sa kanya and I patted her back, trying to calm her down. "Oo nga. Yun pa yung hinabol mong paper nung Monday diba."

 

"Yes. Can we go sa dept? Pupuntahan ko siya. Sana nandon." Nagmadaling naglakad kami papunta dun sa department kung nasan yung cubicle ng prof niya.

 

Nakarating kami agad kaso ang sabi nung admin, umuwi na raw kaninang umaga si Sir. Yung assistant na lang daw ang kausapin.

 

Tinanong namin nasan yung assistant, hindi rin daw alam.

 

Susmaryosep. Magsara na lang kaya sila!

 

Parang gustong manabunot ni Karina sa nangyayari.

 

I can only imagine yung frustration na nararamdaman niya right now. Ginapang niya yung finals week tapos maka-kwatro siya dahil sa paper na mukhang hindi nairecord nung prof?

 

Ang bull lang.

 

"Hanapin natin yung student assistant, babe. Or baka pwedeng mag text ka rin sa prof mo, sabihin mo nagpasa ka nung Monday." I suggested.

 

Huminga siya nang malalim at pinapakalma ang sarili, "Okay. I'll text him first para may idea siya na nagpasa naman ako."

 

She got her phone from her bag at nagtext dun sa prof.

 

Chinika ko muna yung admin at tinanong kung sino ba yung SA ni Sir. Buti na lang hindi naman masungit si ate at kinuha yung records niya to check.

 

She gave me the name nung assistant pati na rin yung number nito at sinave ko ito agad sa phone ko.

 

"I texted him na. Sana magreply." She said dejectedly.

 

Naiinis ako for Karina. Supposedly dapat tapos na yung sem niya at relaxed na siya tapos biglang ganito.

 

Umupo muna kami sa may harap ng department. Binigay ko sa kanya yung dala dala kong bottled water, "Inom ka muna, baby. Magiging okay rin yan. Kinuha ko yung number nung SA, tawagan natin."

 

Ngumiti lang siya sa akin at kinuha yung tubig, "Thanks, babe. Sorry medyo tensed ako."

 

I put my arm around her waist, "Don't be sorry. Baka nga kung ako ikaw sugurin ko yung prof sa kanila." Pagjojoke ko. Tumawa lang naman siya.

 

"He has a record of being careless na even before. Yung isang friend ni Giselle na naging prof siya, naiwala daw ni Sir yung bluebook." She sighed.

 

Gago pala talaga yung prof na yun eh! Sabi ni Karina parang wala rin daw pake kung nakakapang bagsak ng estudyante kahit hindi naman deserve ma singko.

 

Bakit ba may mga professors na mas mahalaga pa sa kanila na ma uphold yung pagiging "terror" nila kaysa sa kapakanan ng kanilang mga estudyante?

 

Hinawakan ko yung kamay niya, just brushing my thumb on hers. "Tawagan ko yung SA babe. Don't worry, hindi natin hahayaan na ma kwatro ka diyan."

 

Nag try akong mag call pero cannot be reached.

 

I looked at Karina worriedly, "Cannot be reached, babe. Nagreply na ba yung prof?"

 

Chineck niya yung phone niya at binasa yung reply, "He did. He said it's not his fault daw na walang naibigay yung SA sa kanya."

 

I groaned, gusto kong masugot yung professor pati na rin yung student assistant for being so irresponsible.

 

"Hindi mo rin naman kasalanan kung namisplace niya yon." Galit kong sabi. Kahit ako eh nagiging riled up na sa nangyayari. Hindi ito deserve ni Karina.

 

She slumped, "I can't believe this is happening. Ngayon pa na I have to go sa province sa weekend."

 

Nasabi ni Karina na mapapaaga yung alis nila ng family. Sa Sunday na yung byahe nila papunta sa Ilocos.

 

"Hanggang Tuesday pa raw naman diba, babe?" Tanong ko.

 

She nodded, "Oo raw." Tipid niyang sagot.

 

Hinakawan ko yung both hands niya, "Ako bahala, baby. Hahanapin ko yung SA. Don't worry."

 

She looked at me at parang nabuhayan kahit papaano, "Really?" Evident pa rin sa boses niya yung panlulumo sa nangyayari.

 

"Oo naman. Papatulong ako kila Ning. Hahuntingin namin yon." Determined kong sabi. Takot na lang ng mga tao kay Ning!

 

She chuckled, "Thanks, babe.." She gave me a sad smile.

 

Hay. Kawawa naman ang baby ko. If only I could ease her stress.

 

Baka nga mas madagdagan pa ito kapag sinabi ko na yung kay Minju.

 

Ipopostpone ko ba ulit? Parang hindi na maganda kung papatagalin ko pa. Besides, sasabihin ko lang naman yung nangyaring pag uusap.

 

Wala naman akong ginawang masama.

 

I'm sure Karina will understand.

 

Sana lang talaga hindi maapektuhan ng pagiging sobrang stressed at badtrip niya yung magiging reaction niya once maiopen ko na sa kanya yung ganap.

 

"Tara na?" Yaya ko sa kanya.

 

Tumayo na si Karina at lumabas na kami ng building, walking hand in hand.

 

She's unusually quiet, pero gets naman. Hinahayaan ko lang muna si baby na maka get over dun sa nangyari.

 

Pero knowing her, iisipin niya ito hangga't hindi nahahanap yung paper.

 

"Do you wanna have lunch or hatid na kita sa inyo?" I asked. Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan.

 

"I'm not really hungry, babe.. Is it okay na uwi na lang muna tayo? I need to fix my stuff din for Sunday." Sagot niya.

 

I gave her a nod. Nagsalita ulit siya "But we can have coffee tonight.. Sa SB. What do you think?" Nginitian niya ako.

 

Heh. Coffee date with baby. Dun ko na lang din siya kakausapin mamaya. Tamang tama. Hopefully okay okay na siya later at nakapag palamig na ng ulo.

 

"G, babe. I miss having matcha with you." Panglalambing ko. Inabot ko pa yung face niya at hinalikan siya sa pisngi.

 

Tahimik lang din si baby buong car ride. Siguro nagtetake toll na yung pagod niya buong week tapos dumagdag pa yung sa walang kwenta niyang prof.

 

I make sure na kinocomfort ko pa rin siya kahit pa nga nagdadrive ako by holding her hand sa kanyang lap kapag traffic or kapag tuloy tuloy lang yung andar ng car.

 

Nakarating na kami sa kanila.

 

"Winter." She called.

 

I looked at her, "Mmh?"

 

"I love you.." Sagot niya, hindi nag aalis ng tingin sa mata ko.

 

Napa kagat na lang ako ng labi para pigilan yung kilig. Na caught off guard ako don, in fairness.

 

"I love you too, baby.. Wag ka nang masyadong mastress ha? It's gonna be okay. I'll try to contact pa rin yung SA buong araw."

 

Hinawakan ko yung face niya, brushing my thumb sa kanyang pisngi. She leaned into my touch. Hay, inlove na inlove ako kay Karina. Sobra.

 

She nodded at hinalikan yung palm ko, "Thank you for being with me today."

 

"I'd rather have bad times with you babe.. than good times with someone else."

 

Pareho kaming natawa, hinampas lang niya yung braso ko.

 

Okay, masaya na ako na napatawa ko siya kahit papaano.

 

"I'll see you later, okay? Ingat on the way home."

 

We hugged and bid each other bye. May pahabol pang kiss si Karina sa lips which I gladly returned.

 

Sana maging okay ang lahat.

 

 

 

 

NING'S HIPS DON'T LIE

 

Winter: help mga teh!

 

Ning: Ano nanaman Winter sawang sawa na ako sa kakaganyan mo

 

Lia: HAHAHAHAHAHA what is it, Winter?

 

Winter: shuta ka ning ngayon lang naman ako nagsabi hahahaha

 

Ning: eme drama lang hahaha ano yun teh?

 

Winter: namisplace yata ng SA nung prof ni karina yung paper niya. baka ma kwatro siya. help niyo nga akong hanapin yung SA. cannot be reached eh

 

Ning: Hala kawawa naman si baby natin

 

Winter: anong baby natin!!! baby ko lang yun

 

Lia: Anong name? Maybe we can help

 

Winter: lisa manoban graduating student daw

 

Lia: Gaga! Jowa yan ni President Rosie!!!!!

 

Ning: Ay wow kaya pala laging absent sa meeting si Madam puro harot. Ako na lang talaga ang matinong tao sa buong mundo

 

Lia: Pati si Yuna hehe

 

Ning: Susumbong kita sa mama mo sabihin ko mas mahal mo si Yuna

 

Winter: hahahaha bwiset ka ning

 

Winter: and OMG sige thanks lia tawagan ko si madam

 

 

Waaah! Ang saya ko lang. At least mas mapapadali yung pag contact ko dun sa SA at jowa naman pala siya ni ate mo Rosie.

 

Tinawagan ko kaagad yung president namin at sumagot naman siya. Irerelay daw niya kay Lisa, nasa exam lang daw yung isa kaya hindi nakakaagot sa texts and calls.

 

Nakahinga ako nang maluwag. Tumawag agad ako kay Karina.

 

"Babe!" Excited kong sabi.

 

"Baby? Why?" Sagot niya. Nag wait siya saglit at kukuha raw ng earphones. Nagaayos kasi siya ng gamit niya.

 

"Kilala ko na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
130 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!