Chapter 7

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

One week to go before mag open ang new branch ng resto ni Mom sa BGC. Ang hectic lang ng sched ko!

 

Maraming inaasikaso for the opening kaya I asked Lia and Ning to help me out.

 

Ako kasi yung nag volunteer kay Mom na gumawa ng publication materials for the opening. Hobby ko kasi gumawa ng posters, infographs, and other campaign stuff sa photoshop. I’m pretty good at it, if I say so myself.

 

Ay taray naman pala.

 

Anyway, that’s what I have been doing for the past few weeks aside sa pagdadrive ko sa Mommy ko from QC to BGC and vice versa.

 

She has her own car naman but ayoko na kasi siyang mag drive pa pabalik balik so sabi ko I can do it for her.

 

And besides, kasama ko naman yung dalawa kong friend to keep me company. They help me out din in deciding sa final outputs ng pub mats na ginagawa ko.

 

I introduced the both of them with each other last week.

 

Pareho kasi silang nagyayaya na lumabas and I couldn’t make time for the para sa kanilang dalawa individually kaya niyaya ko na lang sila both mag ramen.

 

The two hit it off naman kaagad. I knew magkakasundo itong dalawang to. Pareho silang maarte at maraming hanash na sinasabi.

 

Parang interested din si Ning doon sa Jammers Club nang mabanggit ito ni Lia sa akin while we were having dinner. Sinabihan ko pa siya ng gaya gaya at hindi siya papasa pag nag apply.

 

Inaway niya ako at sinabuyan nung chili powder na nasa table. Kairita! Napa hatsing tuloy ako nang paulit ulit.

 

"Hoy Winter ang kapal mo! Baka nga unang hinga ko pa lang mag standing ovation yung mga judges don sa audition!"


As usual, napakalakas ng boses niya.

 

"Oo naman, Ning. Tatayo talaga sila. Tatayo para umalis ng venue."

 

Tawang tawa naman si Lia sa pag tatalo namin ng batchmate ko. Kinampihan niya si Ning at pinagtulungan nila akong dalawa.

 

Kung hindi ko lang sila both love! Pero syempre hindi ko sasabihin yan sa kanila. For sure magmamaganda lang sila pareho.   

 

I'm glad din na hindi sila nagrereklamo kapag sinasama ko sa lakad namin ni Mom. Actually sila pa nga mismo ang nagsasabi na gusto nilang sumama at buryong buryo na raw sila sa kani kanilang bahay especially si Lia dahil mag isa lang siya.

 

Also, malapit na kasing mag start din ang classes kaya sinusulit na namin yung vacation. We want to be productive as we can sa ibang bagay before we busy ourselves sa acads.

 

We decided na mag enlist ng subjects sa bahay nang sabay sabay. Mag sleep over na lang daw sila sa amin then gigising kami nang maaga for the online registration.

 

Kinakabahan na ako. Baka kasi mahirapan akong makipag agawan ng sched sa ibang students. Sana makuha ko yung subjects at section na gusto ko.

 

“I think that one is better than yung pinakita mo kanina, Win.” Lia pointed at the poster I showed her sa sa laptop while sipping her Iced Coffee.

 

We’re currently at a café here in BGC. Iniwan muna namin si Mom sa place dahil busy rin naman siya doon. I’ll pick her up na lang later kapag tapos na yung pag set up.

 

Nag agree naman si Ning sa opinion ni Lia, “True. It looks more sophisticated and mas bagay sa whole ambiance ng place niyo.”

 

I think so too.

 

The restaurant kasi is Italian and medyo sosyal sosyal ang itsura. Maganda yung place pero hindi na-compromise ang lasa ng food. My Mom made sure of that.

 

Nakaka proud talaga si Mommy!

 

Yung iba kasing establishments puro aesthetic lang ang kayang i-offer pero hindi naman masarap ang pagkain. Siguro sa iba okay lang yun ganon, pero hindi papasa ang mga restaurants na ganon sa akin.

 

Wow. Kala mo naman talaga judge sa Masterchef eh.

 

I made some posters and vouchers for the opening of the resto para ma-post sa Social Media. It will be advertised sa Facebook and Instagram para maraming ma-reach na audience.

 

Hindi naman na kailangan nito pero sabi ko kay Mom, okay rin naman na may mga ganong pakulo. Marami na kasing inclined ngayon sa social media so it's a good avenue para mag promote.

 

“Yeah, okay. Same thoughts. I’m gonna finalize na lang ito then pwede niyo na akong iwan dito. Baka ma-late kayo sa appointment niyo dun sa salon.”

 

Sinasama nila ako sa "beauty day" daw nila pero sabi ko kailangan ko pang ayusin yung pag gawa ng social media accounts for the restaurant. Tsaka need ko pa i-pick up si Mom later kaya nagpaiwan na lang ako sa café.

 

We took some selfies and pictures muna before sila umalis. Adik kasi sa kaka selfie itong dalawa kong kasama. Ako naman pose lang nang pose pag sinasabi nila.

 

Labas ngipin at dimple pag normal pose. Pag sisigaw sila ng "wacky" automatic magpopose ako ng naka peace.

 

Nag CR muna sila para mag retouch. They both hugged me before leaving the cafe. Hindi ko na sila pinagbayad sa kinain nila. I told them it's on me.

 

Nang mag-isa na lang ako, I eyed the whole place. Hindi ko kasi ito nagawa kanina dahil occupied ako sa ginagawa ko at sa dalawa kong friends.

 

The café is nice. Their coffee tastes good pati na rin yung tea nila.

 

Nabaling ang pansin ko sa marami nilang choices of pastries. Natatakam tuloy ulit ako kahit naka dalawang cakes na kami nila Ning and Lia kanina.

 

Agaw pansin yung different types of cakes nila na matcha flavored.

 

I suddenly remembered Karina. She loves matcha.

 

I think it has been almost a month na rin since we last talked.

 

Well technically, since I last replied sa kanya. Yun pa yata yung sabi ko na busy ako and i'll think about it when she asked if we could resched the ice cream date.

 

The freaking ice cream "date". Psh. Naaasiwa pa rin ako kapag naaalala ko.

 

I can still feel the pain. Char.

 

Naiiinis pa rin ako sa ginawa niya sa akin. I mean, may mali ba sa akin? I've been really nice to her naman lagi ever since makilala ko siya and I never stepped out of my boundaries.

 

Bakit kailangan magmukha akong tanga?

 

I thought she was my friend kasi genuinely, I treated her as one.

 

Feeling ko tuloy I'm nothing but a Tinder match to her. Nakaka sad.

 

She has been texting me, though. Almost every day nga yata. Ang hirap mag pigil na hindi siya replyan.

 

Holding back my growing feelings for her then was hard. Pero mas mahirap yata itong tinitiis kong hindi siya sagutin when she seems like she's sorry naman sa nangyari.

 

Pero kasi, kapag naaalala ko yung pagiging mukhang shunga ko dun sa Megamall for two hours, nawawala yung part sa akin na nafifeel bad for ignoring her messages.

 

Mangiyak ngiyak na ako noon. Ang sama lang sa feeling.

 

Like I said, hindi ako mabilis mainis or magalit pero kapag may nangyari talaga na hindi ko nagustuhan at nasaktan ako over it, dinidibdib ko talaga. Katulad nung nangyari sa amin ni Karina.

 

And besides, no one deserves to get stood up.

 

Her text messages consist of the same stuff lang naman palagi.

 

Karina: Good morning, Winter! 😊

 

Karina: Kumain ka na?

 

Karina: Good night, Winter T.T

 

Karina: Can we talk? Galit ka pa rin ba sa akin?

 

If there’s one thing na maipagmamalaki ko sa buong mundo, yun yung fact na hindi ako marupok. Char!

 

No, really. I may be a lot of things but I’m not someone na iseset aside yung feelings ko just because I like the person that hurt me.

 

Growing up, my Mom always told me to never settle for less. To know what I deserve. She has learned it the hard way daw.

 

And I do agree. Hindi naman porket may nararamdaman ako kay Karina, kakausapin ko na siya agad agad even though nasaktan talaga ako sa nangyari.

 

Hindi ako yung someone na magpepretend na okay ako just so bumalik kami ni Karina sa dati. Bahala siya.

 

Baka nga hindi ko na rin naman siya replyan. At least hindi pa naman ganon ka-lalim yung pagkakaroon ko sa kanya ng crush kaya hindi naman ako devastated or anything.

 

Well, I get sad minsan at namimiss ko siya and at times, nangangati ako na magsend sa kanya ng food pictures. Pero nagsstand out pa rin talaga yung pagka asiwa ko dahil sa nangyari.

 

Baka hanggang doon na lang talaga kami. Strangers to friends to strangers again.

 

Wala rin naman kaming pinanghahawakan na malalim na pinagsamahan dahil nagkakilala lang kami through online.

 

I got distracted sa thoughts ko kay Karina dahil kay Ate Girl sa kabilang table na malapit sa akin.

 

Para kasing kanina pa niya kinukuha yung tamang angle sa pag picture sa food niya. Jusko, mainit pa kaya ang kape niya? Parang lumamig na sa sobrang tagal niyang kumuha ng litrato.

 

Parang nafufrustrate na siya kaya natabig niya tuloy yung glass of water na nasa table niya. Narinig ko siyang mag buntong hininga.

 

"Tsk" din siya nang "Tsk"

 

Ang funny lang. Gusto kong matawa pero baka mamaya maisaboy niya sa mukha ko yung kape.

 

Kahit ako ay nasstress na sa nangyayari kaya ako na ang tumawag sa staff para ipaayos yung natapon na tubig sa table niya. Para kasing di na niya alam ang gagawin.

 

Nakita ko pa na kinuha niya yung panyo niya sa bag. Yun yata ang gagamitin niyang pamunas ng natapon.

 

"Sir? Sir! Paki linis naman po noong natapon na water sa table niya." Tinuro ko si Ate na napatingin naman sa akin. Hindi siguro inexpect na tutulungan ko siya.

 

Wait. Parang familiar siya?

 

Nakita ko na ba ito si Ate?

 

And it clicked sa utak ko.

 

Nadoon siya nung nagkaroon ng Business Ad meet-up sa The Podium!

 

Ning mentioned kasi sa akin na may group sa facebook yung mga transferees ng UP Diliman at isinali niya ako don to meet people daw na kagaya namin na bago lang sa University.

 

From there, gumawa ng sari-sariling GC yung mga magkakapareho ng course para mas maging magkakakilala.

 

Active yung GC dahil nagtatanungan kami kung anong subjects ang mga kukuhanin at kung saan kami galing na Universities. Nagtanungan din kung saan apartment or dorm nagsstay around campus.

 

Since almost lahat naman yata ng nasa GC ay nasa Manila na, nagkayayaan mag meet-up last week para lang daw mas makilala namin yung isa't isa at mapag usapan yung process ng online enrollment.

 

Pumunta ako despite my busy schedule that time kasi gusto ko rin silang ma-meet para naman may mga masasamahan na ako sa first sem ko sa UPD at hindi ako parang awkward na shunga na maglalakad mag isa.

 

Iba rin kasi ang magiging subjects ni Lia kahit magkapareho kami ng course dahil nakuha na niya yung ibang subjects na need

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
131 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!