Chapter 36

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Day 2 in Tagaytay.

 

Camping day na namin ng baby ko!

 

Mamayang 12noon pa naman yung check out namin sa hotel kaya nagpapahinga and nag stay lang muna kami sa room.

 

Kahapon kasi, after namin mag Sky Ranch, bumalik na rin kami kaagad sa hotel at grabe yung pagod namin. Naubos talaga yung energy naming dalawa.

 

Parang 10pm pa lang nga ay tulog na kami pareho. Grabe naman kasi yung ganap before kami pumunta dun sa place. Pareho kaming nanlambot.

 

Hindi pa nakatulong yung pagkalula naming dalawa dun sa ferris wheel. Masuka suka si Karina pagbaba.

 

Wag na wag na raw namin uulitin sumakay sa ganon kung hindi ay ibebreak niya raw ako. Aba! Ako ba nag imbento ng ferris wheel?! Bakit parang kasalanan ko?

 

Basta isa lang ang aking masasabi: mas masaya yung ride ko kahapon sa hotel kaysa sa rides sa Sky Ranch. 100/10. Charot!

 

“We can buy pasalubong na after natin mag check out later. Para hindi na tayo bibili tomorrow.” Banggit ni Karina habang nagboblower ng kanyang long hair.

 

Nakahilata pa rin ako sa kama at tamad na tamad pang kumilos, “Sige, babe. Bili rin tayo ng pwede natin maluto while camping.”

 

She nodded her head, “Sure. We can opt for just korean noodles that you like. And spam and eggs siguro.”

 

“Mmh, sige. Ay babe ano pala yung sinasabi mong surprise?” I furrowed my brows. Akala ko kasi she was being playful lang at yung "surprise" niya ay magdadala siya ng toy.

 

Ngumiti lang siya sa akin through the mirror, “I’ll tell you about it later. Diba may sasabihin ka rin? And you wanna open up about it under the moonlight or something.” She chuckled.

 

“Babe ang romantic kaya. Wag kang tumawa.” Inirapan ko siya. Curious ako sa pa surpresa ni baby.

 

Knowing her, it’s kind of a big deal dahil hindi naman mahilig mang surpresa si Karina but when she does, kagula gulantang. Charot. Ang OA.

 

I got up from bed para maligo na. Aayusin pa ulit namin yung mga damit namin. Yung mga camping essentials ay naiwan na sa car kahapon para hindi na hassle.

 

Nakapag search si Karina ng isang camping site dito sa Tagaytay na lowkey lang at hindi masyadong pinupuntahan ng tao.

 

May resto sa may ibaba nito and I just have to drive up yung pataas na part para makapag car camping kami. May narerentahan din na tent and most importantly, maayos at malinis yung CR.

 

I took a quick shower. Dito na lang kami mag lunch sa hotel room. Buti nailagay namin sa ref yung leftover food from yesterday galing sa Breakfast at Antonio's. May microwave din dito kaya kebs na.

 

Hindi na kasi naman ito nakain kagabi at talagang ubos na ubos ang lakas namin ni baby para may gawin pang iba bukod sa matulog.

 

“How was your meet up pala with your dad? I don’t think I’ve asked you yet.” Lumingon siya sa direction ko while heating up our food.

 

Ako naman yung nagboblow dry ng hair. “Okay naman, baby. He said siya na bahala if mag stay ako sa LB for a week or two.”

 

Ngumuso siya, “I’ll miss you. When are you gonna start ba with that?”

 

Tinawanan ko yung itsura niya, “Mabilis lang yun, baby. Uuwi uwi naman ako sa QC if ever. Next week namin balak ni Ryujin pero titignan pa namin. Kapag nakakuha na kami ng letter from Ma’am siguro.”

 

Kailangan kasi namin ni Ryujin ng official letter para makapag interview sa mga restos sa area. Just to make it legit at para mas may confidence yung owners to talk with us.

 

Hahanap pa rin kami ng pwedeng apartment or transient around the area.

 

I looked at her, “Ikaw ba babe? Ano nga ulit yung topic mo?”

 

“It’s a boring but very complex study about algorithms.” Napa gag ako. Di ko na agad maintindihan.

 

She laughed sa reaction ko, “But yeah, I’ll spend most of my time sa library ng college. Next week na lang din siguro para hindi kita masyadong mamiss.”

 

“As if. Kahit naman magkasama tayo namimiss mo ako.” Pa joke kong sabi. Hindi naman siya nag disagree. Totoo naman kasi. Heh.

 

Naalala ko bigla yung sinabi ng tatay ko, “Ay babe share ko lang, nabanggit pala ni Dad na may colleague siya sa SNU that can help me raw if ever." I chuckled, "Sabi ko hindi naman ako nag pasa ng application."

 

Napatigil si Karina sa ginagawa niya. She looked at me and smiled, "You don't need connections to get in naman. I'm sure you'll pass. You're that good."

 

Ang taas naman ng confidence masyado ni Karina sa akin. Na touch ako.

 

Although hindi naman sa pagmamayabang pero tama naman siya. Alam ko naman sa sarili ko na may chance talaga. My grades are above average.

 

Siguro yun din yung dahilan bakit hindi ako nag pasa ng application. Alam ko kasi na may pag asa. And I don't want that to affect my decision in staying.

 

Ayoko na ng iba pang options.

 

We got distracted sa ring ng phone ko. Tumatawag si Ryujin.

 

"Teh!" Bungad niya.

 

"Oh? Pinagod ka nanaman ni Yeji?" Narinig ko yung tawa ni Karina.

 

"Shunga! Naghahanap hanap ako ng mapagsstayan sa LB. May nakita ako sa Facebook. Narra Residences. May rooms daw sila for short term stays."

 

Ayun! May napapala rin talaga kay Ryujin minsan. Sinabi ko kasi sa kanya na tatay ko na bahala sa pagsstayan namin.

 

She was really happy about it at todo pagpapasalamat sa akin. Nag open kasi siya sakin na medyo struggling daw yung family nila lately. Malaking tulong daw yung offer ng daddy ko.

 

Kaya siya na nagvolunteer na mag maghanap hanap sa Faceboook ng mga pwedeng tirhan. Sabi ko nga tutulong pa rin ako but she insisted. It's the least she can do daw. Pambawi na rin sa pag help ko kay Miss Kang.

 

"Alam ko yan. Diyan nagaapartment yung orgmate ko sa LB dati. Gora na. Maganda diyan. Ask mo yung details agad baka maunahan pa tayo."

 

She said okay at tatawagan na lang daw niya ulit ako para balitaan. Binaba na niya yung call after.

 

"Was that Ryujin? Come here let's eat na." Naka ready na yung food namin sa table. Umorder din siya ng rice dito sa hotel for the both of us.

 

Umupo ako sa harap ni baby, binigay niya sakin yung utensils. "Oo, babe. Nakahanap daw siya ng apartment complex na pwede yung short term stay."

 

Nilagyan ko muna yung plate niya ng food before ako kumuha for myself. We started eating na.

 

"That's good. Maybe you guys can start na this weekend kapag nakuha niyo yung place. The earlier the better." I gave her a nod. Mas okay nga yun para maaga rin kami matapos.

 

Para naman mahaba haba rin ang bakasyon namin ni Ryujin at may time masimulan yung pag gawa ng draft before mag start ang next sem.

 

Yes naman. Hindi ko na talaga hobby ang mag procrastinate.

 

We finished eating din kaagad. Medyo binibilisan namin at malapit na pala yung check out time. Sabi pa ni Karina okay lang na lumampas kami dahil malakas naman daw siya dun sa receptionist.

 

Ginulo ko yung buhok niya as a revenge. Inis na inis si baby. Buti nga.

 

 

 

 

Malapit nang mag 5pm nang makarating kami ni Karina sa camp site.

 

Napakatagal namin bumili ng mga pasalubong dahil ang dami naming side trips. Maya't maya kami bumababa ng kotse para mag take ng photos.

 

Pag kasi makaka daan kami sa mga places na maganda ang view, parang gustong makatalon ni Karina sa kotse! Panay lang naman ang pag picture ko sa kanya. Ganon rin siya sa akin kahit ayoko naman magpa picture.

 

Ang dami rin namin selfies together at lahat na yata ng poses ay nagawa namin. Kulang na lang ay mag selfie kami with kaldero at tinidor.

 

May one time pa na gusto namin magpa picture together kaso wala naman magtetake ng picture for us kaya nilapitan ko yung matanda na malapit samin. Kinapalan ko na yung face ko.

 

Hinding hindi ko malilimutan yung nangyari.

 

"Hello po.. Pwede pong magpapicture?" Nahihiya kong tanong kay dun sa matanda. Nasa 50s na siguro siya. Naka scarf at amoy na amoy yung pabango niyang mas matapang pa kay Superman.

 

Ngiting ngiti naman si Madam, "Sure sure!" Binigyan ako ng thumbs up ni Karina. Kanina pa kasi kami nahihiya sa mga tao na mag utos.

 

Ibinigay ko yung phone ko dun sa matanda. Takang taka ako nang hinila niya kami ni Karina dun sa may railing at nag pose siya with us. Inutusan niya yung asawa niya na picturan kaming tatlo.

 

Nagkatinginan kami ng girlfriend ko. Pigil na pigil ang tawa namin at nag pose na lang din kami.

 

Umalis na si Mumshie at naiwan kami ni Karina na tawa nang tawa. Lumalaki na butas ng ilong namin pareho dahil sa nangyari.

 

"What did you tell her ba?!" Maluha luhang tanong ni jowa.

 

Inuubo ako kakatawa, "S—sabi ko kung pwedeng— kung pwedeng magpapicture."

 

She snorted, "Akala niya siguro magpapicture with her."

 

Natawa nanaman ako nang malakas, "May point naman nga. Pero sino ba siya para magpapicture tayo sa kanya." Hinahampas na ako ni Karina kakatawa.

 

Jusko.

 

Highlight of the trip talaga si Madam.

 

In the end, nag selfie na lang ulit kami. Sabi ko ipophotoshop ko na lang si Mumshie from the photo na kinuha nung asawa niya.

 

Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko. Siguro mga isang linggo namin pagtatawan ni Karina yung nangyaring yon.

 

Kasi naman, bakit feeling artista si Madam?!

 

"What are you laughing at?" Tanong ni Karina. Tinatry namin ifigure out kung papaano ba mag set up ng tent na nirentahan namin kanina. Ayaw namin magpatulong sa staff bilang independent campers kami.

 

Umiling ako at humagalpak nanaman, "Yung matanda pa rin baby."

 

Binato niya ako ng damo, "Wag mo nang ipaalala! Just focus on the task." Nakikita kong nagpipigil lang din siya.

 

Naiinis na ako dito sa tent, "Babe ang hirap. Magpatulong na lang tayo kay kuya don."

 

Umiling siya, looking determined as ever, "No! Let me do it. Mag search ka sa google then instruct me na lang. You're hopeless."

 

Pinalayas ako ni baby sa kinakaupuan ko. She took over sa pagaassemble at tinutulungan ko na lang siya kapag need niya ng help.

 

Talagang kakaiba ang concentration niya. Lumalabas pa yung dila pag focused na focused.

 

In the meantime, inayos ko na lang yung mga foldable tables and chairs pati na rin yung stove. Nilabas ko rin yung mga food na binili namin sa Korean grocery store.

 

Shin Ramyun. Eggs. Cheese. Sausages. Kimchi. Spam. Banana milk.

 

Nag order rin kami ng rice sa restaurant near the camping site. Gusto ko kasi ng kimchi fried rice.

 

Sinet up ko rin yung likod ng kotse. Nakaopen lang yung pinto sa likod and I kind of connected yung habong namin.

 

"There we go! Gosh, what would you do without me, babe?" Mayabang niyang sabi after niya ma set up yung tent.

 

In fairness, ang galing nga niya. Camper of the year.

 

I gave her a hug at nagtatalon kami sa sobrang tuwa, "May tent na tayo!"

 

Almost 8pm na rin nang makapag settle kami. Ang hirap palang mag camping lalo na pag first timer. Worth it naman at ang ganda nung set up namin.

 

May binili kasi kami na LED lights sa SM North last week, kinabit ko to sa loob ng likod ng car. Napaka instagrammable ng itsura. Yung tipong nakikita sa pinterest.

 

"Ang lamig, baby.." Karina is hugging herself beside me. Ako na nag volunteer na mag luto for the both of us at mahirap na pag nakasunog nanaman siya.

 

Akala namin hindi ganon kalamig dahil summer pero nung gumabi na, nag iba na yung simoy ng hangin. Buti nakapag build kami ng mini bonfire kahit papano to keep us warm.

 

Hinubad ko yung jacket ko, "Suot mo muna to." Inabot ko sa kanya yung org jacket ko from Jammers.

 

"Pano ka?" Parang ayaw pa niyang tanggapin.

 

"Di naman ako masyadong nilalamig gawa nagluluto ako babe. It's okay." Sinuot ko ito sa kanya.

 

Bagay kay baby. May K.W. pa na print sa upper left part. Kinilig ako. Nasa may bandang puso ako ni Karina. Hihi.

 

Natahimik kami bigla. Just basking in each other's presence. The only sound na naririnig namin is yung crickets and yung sizzle ng niluluto kong spam. Natapos ko nang gawin yung kimchi rice.

 

May ibang campers pero malayo sil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!