Chapter 4

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

After a very long time, nakapag jogging ulit ako. Nakakapagod pero ang sarap pala talaga sa feeling. Parang naramdaman ko bigla yung pag labas ng abs ko.

 

Kagabi kasi, nanonood ako ng mga fitness journey sa Youtube. Mga naka dalawang oras din ang panonood ko hanggang sa antokin na ako.

 

Nalaman ko kasi kay Karina na she values her health a lot. Mahilig pala siyang mag jog around Diliman at mag gym minsan.

 

Can she be any more perfect? Char.

 

At dahil gusto ko nanaman maka relate sa kanya, napa alarm ako kagabi ng 5am para makapag jog around sa village namin.

 

Bakit?

 

Para may ma-story ako sa Instagram. Para mag reply si Karina sa story ko.

 

Mission accomplished nanaman ang baklang Winter.

 

@yukatarina: didn’t know you jog din pala? let’s jog together around Diliman next time!!

 

Syempre, Karina, hindi mo talaga alam kasi hindi naman talaga ako nagjojog. Ano ka ba.

 

Worth it naman ang pag gising ko ng 5am para tumakbo dahil niyaya naman niya ako to jog “together” daw.

 

Para yung lang, Karina. Oo naman. Yung pagma-Math 2 nga napapayag mo ako eh. Easy.

 

Grabe, food buddies na, fitness buddies pa. Couple goals. Char.

 

Ganito pala yata talaga kapag may nagugustuhan kang tao. Gusto mo lagi ka niyang napapansin.

 

Inisip ko kasi, kung hindi ko man sasabihin sa kanya yung feelings ko, at least mapapasaya ako ng little interactions namin tulad ng pagrereply niya sa story ko at pagtetext niya sakin about foods that we both like. Para naman hindi ako lagi magmukmok sa pagiging duwag ko.

 

At dahil sa kalandian ko, parang baldado tuloy ako ngayon na nakahiga sa kama. Nabigla yata yung katawan ko.

 

Ika nga nila eh “tiis landi.”

 

Sana maging okay na mamaya yung binti ko na sobrang sakit ngayon. Baka kasi mapansin ni Karina bukas sa dinner namin yung paika-ika kong lakad.

 

Tinanong ko siya kanina kung dederecho na ba siya sa resto or if we’re going to meet somewhere muna. Sabi niya mag-grab na lang daw siya from SM North going to the resto. May kikitain daw siyang friend kaya doon siya manggagaling.

 

Uy. Pwede kong i-suggest na sunduin na lang siya.

 

Napaisip bigla ako ng idadahilan kung bakit “nasa area” lang kunware ako kaya pwede ko siyang sunduin nang maalala ko na nagpapahatid nga pala si Mommy bukas sa Trinoma.

 

Kung sino man ang kumare ng nanay ko na makikipag meet sa kanya bukas, pagpalain sana siya ng Panginoon.

 

Me: sa trinoma ako manggagaling, actually. gusto mo sabay na tayo para hindi ka na mag grab? i’m bringing my car with me :D

 

Karina: Weh gusto mo lang talaga akong sunduin, noh?

 

Ay bakit alam niya? Jusko nahahalata na ba niya yung pagka gusto ko sa kanya?

 

Pero minsan kasi sadyang mapang asar lang itong si Karina eh kaya ang hirap niyang basahin.

 

Me: Pwede ka rin naman mag lakad na lang -.-

 

Ang arte ng reply ko. As if naman hahayaan ko talagang maglakad si Karina. Hehe.

 

Karina: Joke lang po. Init ng ulo??? Okay sabay na lang tayo tomorrow. See you!
 

Lately yung mga texts namin ni Karina sobrang wala nang filter. We’re comfy na talaga to talk with each other. Hindi na rin ako nahihiya na maunang mag text sa kanya if may gusto akong ipakita na food recoms.

 

I love the fact na marami akong nalalaman about her as days go by. Kaya inisip ko rin na mas okay ‘to kaysa madaliin ko yung pag pursue sa kanya, if ipupursue ko man.

 

Siguro mga after 50 years. 

 

All I know right now is I’m contented kung ano kami ni Karina ngayon. She has really become one of my closest friends. Hindi ko akalain na makakahanap ako ng katulad niya sa Tinder.

 

Mai-search nga sinong creator ng app na yon. Bibigyan ko ng buko pie na mainit.

 

 

 

 

“Winter what the hell?! Why did you not tell me na magtatransfer ka na sa Diliman?” Nagtatampong sabi ni Lia, yung highschool friend ko na naging kaclose ko nung junior and senior high.

 

Bigla na lang may tumawag kanina sa cellphone ko na unsaved number. Usually hindi ako sumasagot ng unknown calls pero inisip ko baka yung sa UPD registrar.

 

Laking gulat ko naman na sigaw ang bumungad sakin.

 

“Why would I? Hindi ba sa US ka nag-aaral?” Pagtataka kong tanong.

 

Ang alam ko kasi may possibility na sa ibang bansa na siya mag stay. Yun ang sabi niya sakin before kami gumraduate dati.

 

Nawalan na kasi kami ng communication after that since lumipad na sila ng family niya sa papuntang US. Hindi na rin naman siya nagparamdam so akala ko dun na talaga sila titira ng family niya for good at doon na siya mag aaral.

 

“No. I went home last year and naiwan sila Dad sa US. I decided to come back here. If sinasagot mo sana yung messeages ko then you’d know!”

 

Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko yung pag ikot ng mga mata niya. May pagka maarte kasi ‘tong si Lia at spoiled siya.

 

“Ay ganon ba? I lost my phone nung freshman ako. Di na ako nag bother padaanan ka ng text blast kasi nga akala ko nasa US ka na! Sayang load.” Pagbibiro kong banggit.

 

Pero totoo naman kasi, bakit ako magsesend ng text sa taong alam kong nasa America na. Duh.

 

“Sino palang nagsabi sayo na lilipat na ako sa Diliman?” Taka kong tanong.

 

“Nakakainis ka! Eh di sana nai-tour kita sa UPD if I had known. I study there as well.”

 

Sasabihin ko sana okay lang na hindi niya ako nai-tour kasi si Karina na yung gumawa for me pero baka mas magtampo pa. Tsaka baka marami pang itanong about Karina.

 

Hindi ko rin kasi talaga alam na sa UP Diliman siya. At least may madadagdag sa kakilala ko from my new university.

 

“Si Yuqi. I asked her kasi I know she’s also from UPLB like you. Turns out you’re transferring na pala. We need to catch up soon ha!”

 

Nag agree na rin ako na makipag catch up sa kanya para tumigil na sa pag kuda. Ang sakit pa rin kasi talaga ng binti ko at nagugutom na ako.

 

We said bye to each other and pinag promise pa niya ako na I’ll pick her up sa kanila next week to have lunch together.

 

Gusto niya raw kasi akong isali sa org niya sa Diliman. Yung UP Jammers Circle Club yata or something. She knows kasi na I’m into singing and music in general.

 

Hindi ko pa balak mag org sa unang sem ko sa Diliman kasi baka maging sagabal sa acads ko pero I’m considering na rin naman since nandon naman si Lia to guide me sa org.

 

Napa search tuloy ako bigla sa social media ng pages nung Club.

 

They perform occasionally sa campus at nakapag perform pa nga sila sa UP Fair. Parang ang saya lang.

 

Interesting.

 

Mag ask pa ako kay Lia about it pag nagkita kami.

 

Tumayo naman na ako at nag bihis kasi magdidinner ako sa resto ni Mom tonight. Matagal na rin nung huli kong kain doon.

 

Uuwi na lang ako kaagad mamaya para makapag pahinga. Feeling ko kasi need ko ulit i-ready yung sarili ko para sa pagkikita namin ni Karina bukas.

 

Sa tingin ko naman hindi na kasing awkward katulad nung una naming pagkikita kaya naeexcite na ako. Gusto ko rin kasi talang ma-try yung food doon sa place kasi trending siya lately.

 

Pero syempre, mas excited akong makasama si Karina. Lande!

 

 

 

 

Maaga akong nagising ngayong Wednesday. Mukhang tanga lang kasi yung napanaginipan ko.

 

Dun sa panaginip ko, allergic ako.

 

Allergic ako sa Honda Civic na sasakyan. Jusko.

 

Pag nakakakita raw ako ng Civic ay hindi tumitigil yung pag hatsing at pagtulo ng sipon ko.

 

Binilhan daw ako ni Karina ng anti-histamine para dito pero ang sabi ko sa kanya sa panaginip ko, “Ikaw lang ang makakagamot sakin.”

 

Sobrang weird lang. Bakit ako nananaginip ng ganon?

 

Hindi na rin naman ako nakatulog at baka managinip nanaman ako ng kung ano ano kaya minabuti ko na lang na bumaba sa kusina para magluto.

 

Like my Mom, hobby ko rin to cook ng anything na matripan ko.

 

Hindi ko lang ito nagagawa sa LB dahil naka dorm ako at wala akong sariling apartment doon. Nabubuhay ako dati sa pagbili bili lang ng eggdesal sa umaga bago ako pumasok sa klase.

 

Ngayong nandito na ulit ako sa bahay at kumpleto ang gamit sa kitchen, makakapag luto na ulit ako ng kung ano ano.

 

Inisip kong ipag bake si mommy ng garlic bread this morning since favorite niya yon. Yung sobrang cheesy na garlic bread. Dedma daw siya if babaho ang hininga niya dahil sa garlic.

 

Nag brew din ako ng coffee for the both of us at nag ready ng orange juice in case ayaw ni Mom ng coffee.

 

Halos 9am nang magising si Mommy at bumaba sa kitchen. I think it’s her day off from the restaurant and yung Tita ko yung nandon si manage everything for today. Siya kasi yung inasign ng mom ko na maging manager ng resto niya.

 

Nagulat si Mommy na gising na ako at may naka hain na garlic bread and scrambled eggs sa lamesa. Hindi siguro siya sanay na may nagluluto for her sa umaga.

 

Nalungkot ako sa thought pero agad ko rin naman inalis sa isip ko kasi I know that my mom does not need any man or anyone para mapasaya siya. Sabi niya kasi sakin, basta okay ako, okay na rin siya. She’s happy din sa ginagawa niya ngayon sa business.

 

She’s a strong and independent woman na kayang kaya mag thrive on her own. Yun din yung reason bakit successful yung restaurant na itinayo niya.

 

I don’t really tell her this all the time pero I’m really proud of her.

 

“Morning, Mommy. Kain na tayo?” Nakangiti kong sambit habang naglalakad siya papunta sa kitchen counter.

 

“Who are you and

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!