Chapter 22

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Kahapon after ng FN 1, nagpaalam si Karina kaagad kasi they'll be visiting her Lola daw. Hindi naman niya kailangan magpaalam pero sige na nga.

 

At eto pa.

 

Before siya umalis, bumulong siya sa akin. Ang hilig lang niyang magbubulong.

 

"Usap tayo after our class on Thursday."

 

Hindi siya nagtatanong kung pwede ba kaming mag usap. Nagsasabi siya na magusap kami. Yan ang gusto ko, may conviction. Yung inuutusan ako. Charot.

 

Tumango lang naman ako at nagpaalam na sa kanya. Tinanong ako ni Minju kung okay na raw ba kami ni Karina dahil bumalik na yung isa sa upuan niya.

 

"I think we're getting there naman na. Though I don't fully know yet. Mag usap pa kami."

 

She nodded and smiled, "That's good, Winter."

 

Parang ang bagal tuloy ng oras. Wednesday pa lang pero feeling ko isang buwan na ang nakalipas. Gusto ko na kasing mag Thursday agad.

 

Nag check na lang muna ako ng balita about sa contest. Nandito na rin naman ako sa tambayan kasama ni Ning. Nandito rin yung old members.

 

Nagsalita si Ate mo Rosie sa harap, "Hello guys! Nandito ba lahat ng new members na sumali sa cover contest?"

 

Sumagot si Yeri, "Wala pa si Doyoung, sis. Baka nagpe-pray pa."

 

Nagtawanan yung mga members. Kahit kami ni Ning ay napahagikgik. Para talagang magpakapatid itong si Ning at Yeri.

 

"Ay kaya pala umaariba ang likes at shares!" sigaw nung isang member sa likod. Jaemin yata name niya.

 

Actually sobrang galing talaga ni Doyoung. Kung straight ako, baka nagka crush ako sa kanya. Ang swerte ng Jammers doon sa batchamte ko sa org. Kaya if manalo man siya, deserved. Ganda ng rendition niya ng When We Were Young.

 

"Okay okay, settle down, Jammers. I'll be announcing yung updates galing sa socmed officers natin." Nakatingin siya sa phone at dun yata babasahin yung updates.

 

Naka abang lang naman ang lahat sa announcement ni President. Yung isa nakanganga pa at parang anytime papasukan ng langaw ang bunganga.

 

"Okay.. So far, si Doyoung pa rin ang nangunguna and pangalawa pa rin si Winter. Very close lang yung gap nila, though. A hundred reacts lang yata yung difference."  Nagpalakpakan at hiyawan yung members. Nangantyaw na agad ng libre.

 

Mga PG talaga. Eh di sana pinang boodle fight na lang yung pera at hindi na nagpa contest. Mga echosera. Pang EK or resort ko yon, wag sila!

 

Nagpatuloy yung pag aannounce ng updates at nabanggit din ni President Rosie na si Yeri yung third.

 

Umepal si Ning at nagsalita nang malakas sa harap ng iba naming orgmates, "Kung ako kasali baka ako na first, ako pa second. Tapos ako na rin yung third."

 

Tawang tawa yung members sa kanya. Clown talaga ito si Ning dito sa org. Ang kapal ng mukha!

 

Natapos na ang kumosyon at umalis na kami ni Ning. Mag isaw daw ulit kami at dun na lang antayin si Lia. Wala na kasi kaming klase at nagyaya yung dalawa na mag advanced review mamaya sa bahay.

 

Kutob daw kasi nila isa na ako sa mananalo dun sa contest kahit pa nga sa Friday pa yung ending ng pag react dun sa cover posts ng contestants.

 

Para daw kapag nag EK or resort kami, di na mamroblema if may quizzes man next week. Buti na lang kahit loka loka yung dalawa, pare pareho kaming grade conscious. Mga takot din ma-delay sa UP.

 

"Kamusta pala kayo ni Karina?" tanong ni Ning. Nakaupo kami sa Mang Larry's at nagaantay maluto yung mga pinaihaw namin.

 

Napa isip ako bigla. Kamusta na nga ba kami?

 

It took me a while to answer, "One week din kami hindi nag usap talaga. I think she's settling stuff with Yeji."

 

She hummed, "Oo nga pala. Pero mukhang nasesettle naman na. Worried na worried sayo nung naginom tayo eh." Pang aasar niya.

 

Hindi ko napigilang mapangiti, "Ganon lang talaga siya. Actually we've been interacting each other after that. Weird ba? Kasi diba two weeks pa lang tapos technically we're still on a 'break'"

 

Uminom siya sa softdrinks niya bago sumagot, "Hindi siya weird to be honest. I mean, I think it's Karina's way of showing na everything is being settled na? Tsaka nahihirapan din sigurong mag pigil yung tao. Ganda mo eh. Daming fans." Sabi niya with matching irap.

 

Hinampas ko siya. Kainis talaga to.

 

I sighed, "Kahit ako nga nagpipigil din. Namimiss ko din talaga siya. Pero syempre kailangan muna niyang i-settle yung kay Yeji.. but a little harutan won't hurt." Pagbibiro ko.

 

Tumawa siya, "Ang landi mo teh! Pero yun naman pala eh. Tingin ko naman babalik din agad kayo sa dati. But this time, without baggages na. Karina seems serious naman sayo." She shrugged.

 

Minsan lang maging matinong kausap ito si Ning. Nilulubos lubos ko na.

 

Inasar asar niya na ako dahil sa sinabi ko raw kay Karina dati na "I guess this is goodbye". Tinanong pa ako ni gaga kung masarap daw bang kainin ang sariling words.

 

Dedma! Oo masarap.

 

Nung time kasi na yon, it was my way of comforting myself. Kasi hindi ko rin naman talaga sure kung magiging okay pa kami ni Karina. Pero mukhang everything is going well naman.

 

Nakita namin si Lia na naglalakad papunta sa amin. Kasama si Yuna. Kumuha ako ng chairs for both of them.

 

"Hey ladies!" masayang bati ng bebe ni Lia. Sila na kaya?

 

"Hi girl! Kamusta?" tanong ni Ning. Umupo na yung dalawa. Hindi na raw sila oorder at kakakain lang sa Chokiss.

 

Nginitian siya ni Yuna, "Been busy with acads. But I'm all good," nawala ang ngiti niya nang bumaling sakin, "You!"

 

Napahawak ako sa dibdib ko, "Ay. Bakit?" nagtataka kong tanong. May atraso ba ako sa kanya? Patawa tawa lang si Lia sa tabi.

 

She rolled her eyes, "Ano tong nababalitaan ko kay Giselle that Kat is settling things with Yeji?" nakataas ang kilay niya habang inaantay ang sagot ko.

 

Namula ako at hinawakan ang batok. Bakit parang kasalanan ko?!

 

"Oo.. hayaan niyo na lang si Karina. Wag niyo nang pagalitan.." Pakiusap ko.

 

She sighed, "Oh well. Giselle said naman na Kat's different now. She knows what to do na raw.. But!" sigaw niya, nakakagulat naman itong si Yuna, "If she tries to ruin your chance with Kat again I'll make kalbo her."

 

Natatawa kami ni Ning sa pagka conyo ni Yuna. Kahit si Lia ay halatang nagpipigil lang matawa sa jowa niya. Pero na touch naman ako at mukhang botong boto sa akin yung friend ni Karina.

 

"Kayo na ba?" binaling ko yung topic sa kanila. Maiba lang.

 

Parehong namula ang dalawang bruha at nag iwas ng tingin sa isa't isa, "We're just friends.." Sagot ni Yuna.

 

Nakita ko yung pagkalungkot sa mukha ni Lia. Anong meron? May drama? Akala ko mutual feelings nila. Baka di pa ready si Yuna..

 

Nakita ni Yuna yung pagmumukmok nung isa at nagpahabol siya, "For now."

 

Biglang parang shunga si Lia na ngumiti. Labas pa ngipin. Aba'y malandi talaga.

 

Umubo si Ning, "Parang gusto kong ipa ihaw si Lia kay Mang Larry."

 

 

 

 

Grabehan lang lahat ng subjects ko ngayong Thursday. Parang nag usap usap yung mga prof na pahirapan ako sa araw na ito.

 

Sunod sunod yung long quizzes ko! Buti na lang talaga nakapag aral na ako. Nakatulong din yung review session namin kahapon nila Ning.

 

3pm pa lang pero para na akong pinagsakluban ng langit at lupa.

 

Bukod sa puro quizzes, lahat pa eh sagad na sagad ang oras ng lecture. Palapit nang palapit na rin kasi ang prelims.

 

Wala tuloy akong energy na pumunta sa tambayan ngayong vacant ko. Nandito lang ako sa kotse ko at nagpapahinga. Balita ko pangalawa pa rin ako sa contest. Malayo layo na rin yung gap ko kay Yeri.

 

Nagplano na tuloy sa GC yung batchmates ko. Mukhang tuloy kami sa swimming this weekend.

 

Business Ad UPeepz

 

Hyunjin: Congrats na agad Winter! Swimming na ituuuu

 

Chenle: Yun oh

 

Ryujin: Basta guys ambagan tayo dun sa kulang ha

 

Chae: free na raw yung resort sabi ni tita hihi

 

Winter: nice!! thanks chae. food and transpo na lang yung 7k if ever

 

Win-Win: Thanks Winter! Pwede kong hiramin yung family van namin

 

Ryujin: All set! Usap usap na lang tayo sa Friday ulit. Sabihan mo na rin sila Ning @Winter

 

Winter: alrighty bring ko na lang yung car ko kung hindi kakasya sa van

 

Gusto ko sanang matulog pero iniisip ko yung usap na mangyayari sa amin ni Karina mamaya. About san kaya? Excited na ulit akong makita at makausap siya.

 

So far, wala naman indication na may hindi magandang nangyayari dun sa pagaayos niya yung sa kanila ni Yeji.

 

Yayayain ko ba sila nila Giselle sa swimming? Naiimagine ko na kaagad yung wet look ni Karina habang nagsiswimming tapos yung hubog ng katawan niya...

 

Aaaahhh! Ayokong mag isip ng ganon sa kanya. Feeling ko nagkakasala ako.

 

Pinatay ko na yung aircon ng car. Sayang sa gas. Malapit na rin naman mag time kaya binuksan ko na lang muna yung bintana. Naglaro muna ako ng temple run pampalipas oras.

 

"Hi Ate, pa autograph po." Rinig kong sabi ni Karina. Na dead ako sa temple run!

 

Buti na lang malakas siya sa akin.  

 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bigla bigla ka nanaman sumusulpot."

 

She pouted, "Okay alis na ako.."

 

Ang arte arte nanaman. Gantong ganto yung gusto ko eh. Ganda na may onting kaartehan.

 

"Joke lang! Anong oras na? Time na ba?" I asked. She looked at her watch.

 

Bakit ganon, kahit wala naman siyang ginagawa, ang ganda ganda pa rin talaga niya. Pati yung pagchecheck niya ng time ang ganda niya. Hindi ko magawang alisin yung tingin ko sa kanya.

 

"It's 3:45 na. Punta na ako sa room. How about you?" Tinignan niya ako. Parang naconscious pa siya kasi I was already looking at her.

 

I smiled, "Sabay na ako."

 

We were walking papasok ng building nang may nag Hi bigla sa akin na babae. Baka fan nanaman. Ang hirap talagang maging sikat. Need ko na yata ng manager. Char.

 

"Hi.." nahihiya niyang bati. "I really like your cover. I hope you win." She smiled.

 

Nginitian ko lang siya pabalik, "Thank you."

 

Hindi nanaman maipinta ang mukha ni Karina. Parang naiinip siya na ewan. Mas nag init pa yata ang ulo nang utusan siya ni Ate na kuhanan kami ng picture.

 

"Okay lang po bang picturan mo kami ni Winter?" Pakiusap ni Miyeon. Nagpakilala siya samin. Ang ganda niya kaya medyo nahihiya rin ako. Parang upperclass din siya.

 

Ika nga nila eh pretty girls make your knees weak.

 

Karina pursed her lips, "Sure."

 

We posed for the photo. Akala ko tapos na nang akbayan ako ni Miyeon. Isa pa raw. Para akong tuod sa kinakatayuan ko at ngumiti na lang rin at nag peace para matapos na.

 

She said thanks to me and kay Karina at naglakad na papalabas ng building. Kinuha pa niya yung Instagram ko para itag daw ako. Member din daw siya ng Winterifics. Jusko!

 

Nagpatuloy na kam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
128 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!