Chapter 20

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Tinatamad akong bumangon for my Monday class pero may quiz kami sa major kaya kailangan kong pumasok.

 

I woke up early at kumain with my mom at nag drive na papunta sa campus nang labag sa aking loob.

 

Wala rin akong gana sagutin yun GC namin nila Ryujin na walang humpay sa pagnotif pero nahihiya akong hindi sagutin yung special mention ni Minju.

 

Business Ad UPeepz

 

Ryujin: Guys hindi ako nag aral pakopya please

 

Chaeryeong: i got you ryu

 

Win-Win: Chae the last time I tried to copy your answers, bumagsak ako

 

Hyunjin: Hahahaha okay noted wag mangopya kay Chae

 

Minju: @Winter Did you study? You weren't responding dito sa GC nung weekend

 

Ryujin: Oo nga Winter. Tutok na tutok lang sa pag-aaral teh? Di nakakareply? Hahaha

 

Chaeryeong: busy yan kay karina

 

Naramdaman ko yung kirot ng puso ko nang mabasa ko yung pangalan niya. Hay. Oo busy ako kay Karina. Busy sa pag iyak sa naudlot naming lovelife.

 

Winter: di ako nakapag aral huhu pakopya minju

 

Minju: Hmm okay sige

 

Chaeryeong: ay wow! hoy minju nakikita na namin yang tunay na kulay mo. may favoritism ka.

 

Chenle: Kaya nga. Tinanong ko sayo last time yung sagot sa number 10 sabi mo lang "Don't be dumb"

 

Ryujin: HAHAHAHAAHA witty din si minju pala

 

Tinago ko na yung phone ko at pumasok na sa loob ng sasakyan. Antok na antok pa ako at in fairness sa mata ko, sobrang sakit! Kaya naman hindi ako nakapaglagay ng contacts at sinuot ko na lang yung specs ko.

 

Para din hindi masyadong pansinin yung swollen eyes.

 

Gusto ko lang ulit humiga at magmukmok sa tabi ng bintana like how I did noong weekend. I tried watching food vlogs to make myself feel better pero naaalala ko lang si Karina kapag nanonood ako.

 

Gaano kabilis nagsimula

 

Gano'n katulin nawala

 

Maaari ba tayong bumalik sa umpisa

 

Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa?

 

I turned off the radio. Nananadya ba itong Q Radio?! Oo na! Mabilis nang nagsimula! Matulin nawala! Sana masaya yung DJ na nagpatugtog nito ngayong umaga!

 

Kairita!

 

Kanina pagbaba ko sa kitchen, napansin ni Mommy yung namumugto kong mata. Nag try pa akong itago pero she told me na humarap sa kanya at para daw akong may sakit.

 

So I did. Ayon, hule, parang nakagat ng ipis yung mata ko.

 

She asked why, of course. Nahirapan na akong mag isip ng kasinungalingan kaya I decided to just be honest with her. Hindi rin naman ako sanay na nagla-lie sa kanya.

 

I told her about what happened with me and Karina. Not detail by detail pero I explained the whole gist and yung naging decision ko na i-halt yung pagdedate namin ni Karina.

 

She tried to comfort me at sabi niya na magtiwala lang daw ako sa feelings namin sa isa't isa. Time will tell daw. She even told me that she's proud of my decision to put myself first.

 

She said both Karina and I handled the situation really well at walang namuong grudges sa aming dalawa kaya tiwala daw si Mommy na we will be okay.

 

Medyo gumaan yung loob ko after that. Moms always know what to say talaga.

 

Nakarating na ako sa building ng college at nagpark. 30 minutes early ako at ayoko munang pumasok sa room kaya nagstay muna sa loob ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

 

Nagising ako sa ingay ng pagkatok sa pinto ng kotse. Naalimpungatan ako at napasabi na "Wala akong barya"

 

Narinig ko yung pagtawa nung kumatok. Si Minju pala. Jusko, nakakahiya. Akala ko nanaman kasi may gumagala galang batang hamog nanaman.

 

"Ay sorry," humikab ako at nag ayos ng sarili, "Uhm, ano ginagawa mo dito?"

 

Ngumiti siya sakin, "My dad dropped me off. Nakita kong open yung window mo and naka buka yung bibig mo." Pinipigilan niyang matawa.

 

My eyes widened, "Hala! Nakakahiya," tumawa ako at nagtakip ng mukha, "Tingin mo marami bang nakakita?"

 

Umiling siya, "Thankfully wala naman," she replied, "Male-late ka na. Tara sabay na tayo."

 

"Sige, wait lang." Kinuha ko yung gamit ko at nag punas ng mata. Baka kasi mamaya may muta pala ako.

 

I got out of the car at sinabayan maglakad si Minju papunta sa classroom.

 

"Were you serious na mangongopya ka? Di ka talaga nakapag aral?" tanong niya.

 

Nahihiya akong tumawa, "Ah, oo hindi ako nakapag aral. Yung sa pangongopya joke lang. Pero kung papakopyahin mo ko why not." I joked.

 

"It's fine, ngayon lang naman. Tabi ka na lang sakin later." Malapit na kaming makarating sa room. Sana may chairs na magkatabi para makakopya ako kay Minju.

 

Kahiya hiya man eh hindi talaga ako nakapag aral kaya kinapalan ko na mukha ko. Mabait naman itong si Minju at bayad na lang niya sakin sa pagtuturo ko ng foodtography dati. Char! Naningil pala.

 

Nasa loob na yung batchmates namin when we entered the room. Nagtaka pa sila kung bakit kami dumerecho sa dulong seats. Usually kasi si Minju sa unahan nakaupo at katabi ko naman si Ryujin sa second row.

 

Business Ad UPeepz

 

Ryujin: Hoy Winter bakit kayo nandyan sa dulo? Mangongopya ka noh? Ako rin Minju pls huhuhu

 

Chaeryeong: psh ang dali dali

 

Hyunjin: Ang daya!!

 

May isa pang chair na bakante sa tabi ko at mukhang hindi na nakatiis si Ryujin at lumipat dito. Narinig kong natawa lang naman si Minju at hinayaan na lang yung isa.

 

Ang kapal ko naman kung papaalisin ko si Ryujin eh ako nga mangongopya lang din.

 

Kinuha ko yung bag ko to get my pad paper para sa quiz. Napansin ko yung matcha latté na keychain at napatigil ako para titigan ito.

 

Now is not the time para magdrama pero nafeel ko nanaman yung lungkot bigla. I shook it off at itinago na ulit yung bag ko.

 

Minju must've sensed yung nabagong atmosphere sa akin kaya she asked, "Are you okay? Your nose is getting red."

 

Pinunasan ko yung ilong ko at suminghot singhot kunware, "Ay may sipon lang ako."

 

"Oh okay. Is it just me or ngayon ka lang nag suot ng specs?" curious na tanong niya. Nakisali si Ryujin at tumingin din sakin.

 

"Oo nga noh? Bagay sayo, Winter."

 

Nagpacute ako kunware, "Well."

 

Mukhang naasiwa si Ryujin sa reaction ko at binawi ang sinabi, "Ay joke. Chaka pala."

 

Hinampas ko siya ng yellow pad, "Bagay kaya!"

 

Nagsalita si Minju habang naghahampasan kami ni Ryujin, "Yeah. Bagay naman. You should wear it more often."

 

Masyado nang lumalaki ang ulo ko sa compliments! Pero sige na nga, if they insist, ano pa nga bang magagawa ko kundi magsuot ng salamin lagi.

 

I wonder kung magugustuhan din kaya ni Karina na naka specs ako?

 

Hays! Everything comes back to Karina. Miss na miss ko na siya kahit 2 days pa lang naman kaming hindi naguusap. Normal lang naman siguro to.

 

Dumating na si Ma'am at nag discuss muna nang kaunti before mag proceed sa quiz.

 

Dahil nasa likod naman kami, madali para sa amin ni Ryujin ang maka kopya sa sagot ni Minju. Very smooth lang. Nakakahiya kaya kung mahuli kami.

 

I promised myself na first and last na na mangyayari to. Hindi ako sanay mangopya!

 

May mga dalawang sagot na hindi ko kinopya kay Minju para naman hindi halata masyado. We passed the papers at nagtuloy na for her lecture yung prof.

 

Ryujin and I said our thanks kay Minju na siya namang binrush off lang ito. Libre na lang daw namin siya ng chocolates.

 

Ang hilig niya sa chocolates. Pag itong si Minju nabulok ang ngipin at nabungal.

 

"San kayo?" Chenle asked. Mukhang may lakad silang boys ngayon.

 

Medyo maagang natapos yung 3-hour class namin ngayong Monday. Iniisip ko tuloy kung uuwi na ako or kakain muna.

 

Parang ang tempting mag drama ulit sa kwarto pero gusto ko sana i-try aliwin ang sarili just to take my mind off things.

 

Yayain ko siguro si Ning at Lia mamayang dinner.

 

"Lunch ba tayo? Tinatamad ako umuwi agad sa apartment. Nag aayos yung bago kong roommate." sabi ni Ryujin habang palabas kami ng building.

 

"Parang gusto ko ng pizza. Kayo ba?" suggestion ni Chae. Nagpaalam na yung boys at pupunta daw sila sa SM North para mag bowling at billiards.

 

Minju nodded, "Yeah parang gusto ko nga rin."

 

Nakatingin silang tatlo sa akin, waiting for my answer. Ako kasi yung may kotse. Nakaka pressure naman! Sige na nga. Basta ba hindi sa Caution Hot o sa Krazy Katsu.

 

"Sige tara." Yaya ko sa kanila.

 

We walked papunta sa parking at parang sanay na rin sila sa seating arrangement tuwing sasakay kay Jimny. Si Minju sa passenger, si Ryujin sa likod ni Minju, at si Chae sa likod ko.

 

"Ikaw na lang mag decide which pizza place you're gonna take us, Winter." Sabi ni Minju. Mukhang hindi naman traffic kaya mabilis lang kami makakarating.

 

I nodded, "Sige. May alam ako sa UP Town. Yung Mama Lou's. Masarap don."

 

Actually, isa ito sa mga naka line up na restaurants na pupuntahan namin ni Karina. Napabuntong hininga na lang ako.

 

Usually ganitong oras siya gumigising kapag Monday. Tapos tatawag na yun kaagad sa akin to ask kung kamusta ang class.

 

Kamusta na kaya siya? Feeling ko kasi she's as sad as I am dahil sa nangyari. But ayun nga, it was for the best. Alam kong alam niya rin yun.

 

Nakarating kami at nadaanan pa namin yung café where Karina and I went to nung una namin magkita after kaming magkabati.

 

"Anong masarap dito, Winter?" tanong ni Chae habang nagbobrowse ng menu.

 

"Ako." walang pake kong sagot.

 

Nag cringe si Minju at Ryujin, "Teh kadiri ka. Umayos ka." Sabi ni Ryujin.

 

"Oo nga. Susumbong ka namin kay Karina." Pang aasar ni Chae. Napatigil ako sa paglilipat ng page nung menu.

 

Nagtaka siguro sila sa katahimikan ko nung mabanggit si Karina.

 

"Ay LQ?" narinig kong tanong ni Chae. Nakatingin lang ako sa menu pero wala talaga yung focus ko dito.

 

They were waiting for my answer. I sighed. Wala rin naman reason para hindi ko sabihin yung ganap. Tsaka para na rin maiwasan nila yung pag banggit muna dun sa isa.

 

"We decided to stay as friends na lang muna.." Tipid kong ngiti.

 

Nag gasp si Ryujin, sobrang eksaherada ni gaga. "Di nga? Anyare?"

 

"Uhm, wag na lang muna natin siyang tanungin guys.." banggit ni Minju habang nakatingin sakin. Hulog talaga ng langit to si girl.

 

"Thanks, Minju. Oo nga, baka maiyak ako sige kayo." Pagbibiro ko. Actually totoo naman, baka nga humagulgol nanaman ako kapag kinwento ko pa.

 

Umorder ako ng Spinach and Goat's Cheese pizza na large para sa aming apat. Sila na lang yung pinapili ko kung ano yung for sharing na pasta ang gusto nila.

 

When the food arrived, nag take muna si Minju ng pictures at hinayaan lang naman namin siya. Sanay na rin yung dalawa sa amin ni Minju na mahilig mag picture ng food.

 

I didn't take photos this time, though. Ewan ko ba. Parang may mali kung pipicturan ko ito tapos hindi naman si Karina kasama ko.

 

Ang dramatic pero nasanay talaga ako sa presence niya lalo na kapag kumakain sa labas.

 

"Kamusta pala yung new org mo Wi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
136 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!