Chapter 11

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

It's the weekend before magpasukan sa Monday. Naeexcite ako na hindi. Para kasing nakakakaba na mag aadjust nanaman ako sa bagong University pero okay lang naman dahil nandito na rin sila Ning at Lia pati na rin yung new friends ko like Minju.

 

At syempre, si Karina.

 

Hays. Naninibago talaga ako sa kanya.

 

After nung opening ng restaurant, nag hang out kami kasama sina Ning, Lia, and Giselle. Nagpunta kami sa ilang lowkey na bar sa may Burgos Circle. Hindi daw kasi natuloy yung lakad ni Giselle that night kaya nagyaya sila.

 

It was just a quick hangout dahil kailangan na rin umuwi ni Ning, pero feeling ko ang haba haba ng gabing yon. Andaming kaganapan. Hindi ko kinakaya.

 

Ganito kasi. Si Karina, grabeng maka cling sa akin. Grabe siyang maka cling to the point na pati si Lia at Ning ay nagsawa nang asarin ako nang asarin.

 

Hindi kasi talaga inaalis ni Karina yung pagkapulupot ng arms niya sa arms ko. Kapag inaalis ko yung pagkakapulupot, naririnig ko yung "tsk" niya.

 

Hindi ko alam kung dahil clingy siya na tao or tipsy lang talaga siya. Basta parang may iba sa kanya lately. She's acting like... ugh, ayokong sabihin pero, she's acting like parang ano.

 

Parang gusto niya ako.

 

I mean, unless sobrang clingy lang talaga siya as a person.

 

Ako kasi, hindi naman ako bumubulong sa tenga ng kaibigan ko kapag may sasabihin. Hindi ko rin naman sinusubuan ng sisig si Ning or si Lia. At hindi ko rin naman nakikitang sinusubuan ni Karina si Giselle ng calamary.

 

Ano bang meron?

 

"Winter, you have to try this. The mayo works well with the sisig." Sabi niya habang naka tutok sa bibig ko yung tinidor.

 

Mapapatingin na lang ako dun sa tatlo naming kasama na pinagmamasdan lang naman kami at ngumingisi nang patago. Hindi ko rin naman sila masisisi at kahit ako ay nagtataka sa inaakto nung isa.

 

"Ah okay sige." Ako naman ay subo lang nang subo. Parang ang hirap kasing tanggihan ng itsura niya. At tsaka halos isungalngal na rin niya yung tinidor sa bibig ko kaya syempre nganganga na lang rin ako.

 

Ang cute land din kasi niya kapag nakikita kong tuwang tuwa pa siya kapag nag aagree ako sa opinion niya na masarap nga yung sisig.

 

Obvious naman na medyo nalalasing na siya. Ang baba ng tolerance niya sa alak. Nakaka dalawang bote pa lang siya ng Smirn Off Mule ay parang ang pungay pungay na ng mata niya.

 

Nung nag CR si Giselle at Karina, hindi na nagpaligoy ligoy pa yung dalawa kong friends at chinika agad ako kung ano bang ganap sa aming dalawa ni Karina.

 

"Teh, anong meron? Bakit grabe maka kapit sayo yun?" Curious na tanong ni Ning habang umiinom ng beer. Si Lia naman ay naka abang lang sa isasagot ko habang pumapapak ng chips.

 

I took a chug muna sa beer ko before sumagot, "Hindi ko rin alam. Baka ganon lang talaga siya kapag natitipsy."

 

Sumabat si Lia, "Girl, parang hindi naman niya pinapatry kay Giselle lahat ng food na magustuhan niya."

 

I sighed. May point si Lia.

 

Kapag ganito si Karina nahihirapan akong pigilan yung kilig ko.

 

Kahit naman kasi sobrang chill ko na lang when it comes to Karina, nandon pa rin sa back of my mind yung fact na I'm attracted to her. Sinantabi ko lang ito dahil nga doon sa nangyari samin at nakipag deal ako sa sarili ko na hanggang friends lang kami.

 

At ngayong nagpapakita siya ng ganito sakin, parang ang hirap naman mag hold back. Dumagdag pa yung fact na ang ganda ganda niya kasi talaga.

 

Mukhang nakita naman nung dalawa yung internal struggle ko and their looks became soft and comforting, "Wag mo na lang munang isipin. Just go with the flow and see how it goes," advice ni Ning.

 

Ay marunong din palang mag seryoso si gaga.

 

Hindi naman na ako nakasagot pa dahil bumalik na yung mag best friend sa table. At expectedly ay kinuha ni Karina yung right arm ko para ipulupot sa kanya.

 

She looked at me worriedly at bumulong sa akin, "You look stressed out. Are you okay?"

 

Oo, Karina! Nasstress ako sayo! Pwede bang mag away na lang ulit tayo tapos hindi magpansinan para wala akong ikinaka stress sa buhay! Charot.

 

Akala mo naman hindi nakinig ng sad songs at nagdadrama sa tabi ng bintana nung mga panahon na hindi kami okay dalawa eh.

 

Okay, sa totoo lang, gusto ko naman yung ginagawa niya na parang hindi.

 

Unang una, sino ba naman kasi ako para hindi magustuhan na subuan ng sisig ng isang Katarina Yu. Baka nga kahit lupa ang imudmod niya sa bibig ko eh kakainin ko pa rin at sasabihin na masarap ito.

 

Kaya lang kasi, bakit ang biglaan ng ganitong hanash niya? Hindi mawala sa isip ko na baka trip trip lang niya na landi landiin ako tapos in the end, kapag hulog na hulog na ako, biglang maisip niya na hindi ako worth it.

 

Nagooverthink lang ba ako?

 

Technically kasi hindi ko naman talaga sure kung gusto niya ako. Nagbabase lang ako sa actions niya lately towards me. Pero para sa akin kasi, lagpas na sa pagka friendly yung pinapakita niya.

 

Tinatanong niya ako kung kumain na ako.

 

Sabi niya mag "date" daw kami doon sa authentic Korean restaurant na nahanap niya.

 

Pinadalhan niya ako ng flowers.

 

Pumayag agad siya na makasama ako sa FN 1 nang ganon ganon lang.

 

She even said na pwede raw kaming mag camping dahil suited for rugged terrain yung kotse ko. Tinanong ko sa kanya kung kasama mga friends namin pero ang sabi niya kaming dalawa lang daw.

 

Hindi naman ako dense na tao para isipin na lahat ng bagay na yan ay dahil lang friendly siya. Ang sa akin lang, what changed?

 

Namiss lang ba niya ako sa one month na hindi kami magkausap?

 

Is it weird kung ioopen ko ito sa kanya this Sunday kapag nagkita kami dun sa alleged "date" daw namin? Ayoko naman mag mukhang assuming at feelingera but at the same time, I don't want to bottle up these thoughts kasi it's bothering me.

 

Bahala na. Papakiramdaman ko na lang siguro muna siya.

 

After that night, wala nang humpay yung pagtetext namin dalawa. We even started texting about our personal lives and interests na dati naman ay hindi namin ginagawa.

 

Katext ko siya tonight about our hobbies.

 

Karina: Are you more of a sports or music person? I don't think I've asked you this before.

 

Yes, Karina, dahil never naman tayo ng usap past our food interests and some facts about our families.

 

Me: hmm i used to play tennis in high school pero more on hobby ko lang siya. i think mas inclined ako musically. ikaw ba?

 

Tanda ko, kaya lang naman ako naging into tennis before ay dahil favorite sport yon ni Mommy. Gusto kong gumaya sa kanya kasi parang ang cool lang pero hindi ko ito tinuloy. Ang bigat ng raketa!

 

Karina: Ohhhh do you sing? Or more on sa instruments?

 

Karina: I play volleyball. Actually, kasali ako sa volleyball team ng University pero nag apply ako na inactivity since fully loaded yung subjects ko last sem.

 

Jusko! Can she be any more perfect? Nagvovolleyball din pala siya. Does that mean part siya ng UPWVT doon sa UAAP? Kaso sabi niya nag lie low muna siya.

 

Me: haha yeah i do sing and nagpi-play din ng instruments mej. pero not as much as nung high school ako

 

Me: ang cool anong position mo? so kasama ka sa UAAP?

 

I like how we can talk about these things ngayon without any filter kasi mas nakikilala ko pa siya. Dati kasi sobrang limited lang kasi ng mga tanungan namin at nacoconscious akong maki sawsaw sa life niya.

 

Buti na lang ngayon ay parang siya pa ang nagiinitiate lagi ng convos na ganito.

 

Karina: I didn't know you can sing and play >.< Sendan mo ko covers pls :(

 

Karina: Middle blocker because of my height lol and yes kasama ako but never pa ako nakapag laro kasi rookie pa lang and ayun nga lie low muna. I might stop na rin. Anyway, I'm serious about the song cover.

 

Hala! May mga covers ako pero hindi ako mahilig mag post. Feeling ko kasi hindi naman ako ganon kagaling kumanta kaya naka private lang lahat ng covers ko sa soundcloud.

 

Ipaparinig ko ba kay Karina? Baka mag ala Coach Lea kasi siya tas bigla akong i-judge.

 

Me: noooo nahihiya ako haha maybe next time?

 

Karina: :((((( i gave up Math 2 for you..

 

Aba Karina, sa pagkakatanda ko eh wala pang 2 seconds nag yes ka na agad sa offer ko na mag FN 1 na lang. Bakit may panunumbat? Hindi ko naman kasalanan na whipped ka pala sa akin. Ay charot lang po!

 

Me: kung alam ko lang na may kapalit eh di sana ako pa mismo ang nag enlist sayo sa Math 2

 

Karina: Okay sige wag na :)

 

AY! Nakakatakot naman yung pa smiley ni Madam! Ano ba yan! Huhu.

 

Me: eto na sige na kainis kaaaa

 

Parang ako naman pala yung whipped.

 

Ang tagal ko pang inalala yung credentials ng soundcloud ko. Matagal ko na kasing hindi nabubuksan yun. Tsk. The things I do for a pretty lady.

 

Sinave ko yung mga song covers ko na nandon at nilagay ito sa phone ko para direct ko na lang maisend kay Karina. Nahirapan pa akong pumili kung ano yung isesend ko sa kanya.  

 

I settled dun sa cover ko ng "Location Unknown" ni Honne. I'm also the one playing the piano sa cover and it sounds pretty decent naman.

 

Sinend ko ito sa kanya at na anxious ako nang bahagya dahil ang tagal niyang mag react. Hindi ko tuloy alam kung nagustuhan niya or sobrang napangitan siya to the point na dinelete niya ako sa contacts niya.

 

Magtetext dapat ako ulit sa kanya to ask what she thinks about it nang mag ring yung phone ko. Nanlaki mata ko kasi bigla akong kinabahan sa sasabihin niya. Baka ma-"It's a no" ako ni Karina.

 

Sinuot ko yung airpods ko at sinagot ko yung tawag niya, "Hello?"

 

"Winter.. grabe. That was beautiful that I had to call and tell it to you nang hindi sa text." Banggit niya sa kabilang linya.

 

. Nanlamig bigla yung kamay ko. I can hear kasi yung softness sa voice niya na parang nahihiya pa siyang sabihin ito sakin.

 

Ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
133 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!