Chapter 21

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Weeksary na.

 

Weeksary na ng pagbe-"break" namin ni Karina. One week pa lang pero nanghihina na ako without her presence.

 

Itext ko kaya siya at sabihing pakibilis bilis ng pagsesettle nung sa kanila ni Yeji? Charot.

 

Well. Ginusto ko naman to at ako yung nagsuggest that we take a break. That doesn't mean hindi ko siya namimiss.

 

Grabe yung sepanx na nararamdaman ko. Namimiss ko na siyang ihatid. Namimiss ko na siyang kasama sa pag kain. Namimiss ko nang hawakan ang kamay niya.

 

Kahapon sa FN 1, mas nauna siyang pumasok sa akin. Nakita ko na lang siya na nakaupo pa rin sa unahan. Huhu. Dito ka sa tabi ko, baby. Char. Ang drama ko.

 

Lately, binu-busy ko na lang ang sarili ko sa acads at org. Sa sobrang dami ko nang nagawang advanced reading, parang pwede na akong mag proceed next sem at sure na sure na akong papasa sa mga exams ko for the rest of this sem.

 

As for the org, nagpatulong ako kina Ryujin sa pagshushoot sa akin for the cover video. We will be doing it either mamaya or tomorrow, since Saturday naman bukas.

 

Sa bahay yung set up dahil nahiram na ng ibang members na sasali sa contest yung ibang instruments ng org. Buti na lang may piano sa bahay.

 

"Anong kakantahin mo pala, teh?" Tanong ni Ning habang naglalakad kami papunta sa tambayan. Si Lia ay walang humpay pa rin ang pakikipag text sa bebe niya.

 

"Love In The Dark ni Adele." Sagot ko. Hindi siya pasabog na song or anything but I like the emotions the song brings me. Taray.

 

"Ay ang ganda nga non. Pero mas maganda ako." Pagmamagandang sabi ng friend ko. Hindi ba siya napapagod mag inarte. Ako kasi pagod na.

 

Dadaanan namin yung building ng Engineering papunta sa tambayan. Sana hindi ko makita si Karina. Pero sana rin makita ko siya. Ang shunga lang. Mixed emotions, ganon. Bawal ba.

 

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Ning, kahit si Lia ay muntik nang mabitawan ang cellphone.

 

"Ay Winter tignan mo! May kapre! Ayon sa puno! Tingin ka sa taas bilis!"

 

Naweweirduhan talaga ako sa babaeng to minsan. Bago pa ako makatingin sa sinasabi ni Ning, napansin ko na si Karina na papasok sa kotse kasama si Yeji.

 

"Ay nakita." Tumingin sakin si Ning. Tinitignan yata kung anong magiging reaksyon ko sa nakita ko. Kahit si Lia ay nakatitig din sakin. Halatang worried sila.

 

Pinilit kong ngumiti, "Okay lang, ano ba. Sinesettle pa siguro ni Karina yung sa kanila. Looks like she decided to help Yeji."

 

Somehow inexpect ko naman na Karina would end up helping her childhood friend. I knew she'd choose to become the bigger person. Mabuti siyang tao and I don't think hahayaan niya lang basta yung nangyayari dun sa ex niya kahit pa nga wala na sila.

 

Pero hindi ko maiwasan na hindi magselos kahit pa nga alam ko na Karina wouldn't go back with Yeji. This is just me being petty at selosa.

 

Bakit? Ganon din naman siya kay Minju dati. Hmp.

 

Hindi nila kami nakita. Buti naman. I assured my friends na okay lang ako at hindi nila need mag worry. Pero parang gusto kong uminom bigla.

 

We arrived sa tambayan at naupo na lang muna para magpalipas ng oras. Lahat kami ay tinatamad pang umuwi.

 

"Magkano pala yung cash prize, Lia?" Tanong ko. Grabe lang yung org, sobrang alaga nila sa aming new members. Ang daming paganap.

 

She put her phone down at nag isip, "Hmm. I think 10k yung first. Yung second yata 7k or 5k, I'm not sure."

 

"Ay bakit hindi ka sure? Member ka ba talaga? Puro ka kasi pag harot eh." Pagtataray ni Ning sa isa naming friend. True!

 

Hinampas siya nito, "Tse! Hindi ako sure eh! Tanong niyo kay Kyungsoo or Madam Rosie." Sabi niya. 

 

"Akala ko isa lang mananalo? May second pala? Ang taray talaga ng Jammers. Daming budget." Kumunot ang noo ko habang naggugupit ng kuko. Nakahiram ako kay Doyoung ng nail cutter.

 

Proud na ngumiti si Lia, "Diba? Ang daming spons from Alum eh. Tsaka to make the new members feel at home daw."

 

I told them yung plano namin nila Ryujin na mag EK kapag ako yung nakakuha ng cash prize. If hindi naman, sabi ni Chae mag rent na lang ng resort at mag swimming na lang daw kami sa Laguna.

 

May Tita daw siya na may ari ng resort na pwede kaiming maka discount. Ambagan na lang if ever.

 

Game na game naman yung dalawa kong friend at ininvite na ang mga sarili. Sasama daw sila sa ayaw at gusto ko.

 

"Parang gusto kong mag inom.. Friday naman." Sabi ko dun sa dalawa. Ang lamig din kasi. Ang saya lang mag beer habang broken. Ay.

 

"Gusto mo? Okay lang sakin. Sama natin yung batchmates mong girls if you like." Lia suggested.

 

Pumayag din si Ning. May malapit daw na Karaoke Bar sa may Maginahawa. Iuuwi ko muna siguro yung sasakyan at mag grab na lang ako. Mahirap na baka malasing.

 

Business Ad UPeepz Girls Edition

 

Winter: mga siz!

 

Ryujin: Oy

 

Chaeryeong: ???

 

Winter: sama daw kayo sabi nila ning. mag chill inom tas karaoke

 

Ryujin: UY G!!!!

 

Chaeryeong: ay atat na atat lang??? hahahaha g din me. sunod na lang ako later uuwi pa ako

 

Winter: sige sige. ikaw @Minju?

 

Minju: Sure. But uwi din ako kaagad ha. I'll stay for an hour or two lang :)

 

Ryujin: Yown see you!

 

"Sama daw sila." Sabi ko dun sa dalawa. Tumayo na kami at naglakad papunta sa pinag parkan ko kanina.

 

"Kasama si Minju?" Ning asked.

 

Tinignan ko siya, "Oo daw. Pero uuwi din agad."

 

Ngumiti siya sakin, "Ayieeee"

 

I punched her lightly sa braso, "Shunga!"

 

Tumatawa lang naman si Lia habang nakikipagtext sa kanyang phone. Wala talagang ambag minsan itong isang to.

 

Nagsakay na lang sila at uuwi din muna. 7pm na lang daw kami magkita kita.

 

Naexcite ako bigla sa hanash tonight. I think need ko rin mag unwind. Puro na lang kasi ako acads at org. Tapos kapag hindi yun nag pinagkaka abalahan ko, mababaling yung utak ko kay Karina.

 

Tapos kanina nakita ko pa siya kasama si Yeji. Hay.

 

Ikakanta at iiinom ko na lang ito mamaya!

 

 

 

 

Nagtapos ang lahat sa 'di inaasahang

 

Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang

 

Luhaan sugatan 'di mapakinabangan

 

Sana nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam

 

Feel na feel ni Ningning ang pagkanta niya. Akala mo talaga nasa concert si bakla.

 

Mga 8pm na kami nagkita kita at kumain muna sa sari sariling bahay para daw tipid at pulutan na lang ang bibilhin dito sa bar.

 

We're currently at some lowkey chill karaoke place na nagseserve ng alcoholic drinks. Nandito na rin yung batchmates ko.

 

Parang pang limang beer ko na yung iniinom ko. Hindi ko sure. Medyo nangangapal na yung mukha ko at inaantok. Tawa rin ako nang tawa kahit walang dahilan.

 

Ganito ako kapag nalalasing na.

 

"Hoy Winter, hinay hinay lang. Pangalawa pa lang namin pang lima mo na. Broken lang ang peg?" Pang aasar ni Chae. Nginitian ko lang siya.

 

Tinatawanan nila ako sa itsura ko at para daw akong shunga. Ngingiti ngiting mag isa.

 

Pake ba nila. Ang saya kaya mag inom at maging tipsy minsan.

 

"Ako naman ako naman! Akin yang kanta!" sigaw ko. Parang naririndi na nga si Minju eh. At least nabawasan na pagiging magugulatin niya.

 

Binigay sakin ni Ning yung mic at akmang isusungalngal pa ito sakin at ang hapet ko raw sa pag kanta. "Teh ito oh! Saksak mo sa baga mo!"

 

Tawang tawa nanaman sila kay Ning lalo na si Chae na lintik din akong alaskahin.

 

Kinuha ko yung mic at tumayo sa upuan. Private room naman ito kaya walang ibang makakakita sakin. Kung may iba man makakita eh wala rin naman akong pake.

 

Never mind, I'll find someone like you

 

I wish nothing but the best for you, too

 

Don't forget me, I beg

 

I remember you said

 

Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead

 

"Winter kayanin mo!"

 

"Teh tingin ka sa camera! Sabihin mo Hello Karina!"

 

Napa "Hello Karina" naman ako with matching flying kiss pa. Lahat ng sinasabi nila sinusunod ko lang. Baka nga kahit patumblingin nila ako, tumambling ako. Ganon.

 

Nang matapos yung kanta, pawis na pawis ako. Jusko ang init bigla! Naupo ako at inabutan ni Minju ng tissue.

 

She looked at me worriedly, "Okay ka lang ba? Parang lasing na lasing ka na."

 

I nodded enthusiastically, "Oo naman! Kayang kaya pa to, friend!"

 

She flinched sa sinabi ko. Hindi ko lang sure kung bakit.

 

My phone lit up, tinag ako ni Ning dun sa story niya. Shinare ko yung story sa sarili kong Instagram kasi ang galing lang ng pagkanta ko don. Coach Sarah baka naman.

 

Hindi ko na napansin at naisip na yun pala yung video na nag "Hello Karina" ako. Oh well. Dedma. Ang saya maginom!

 

Nagpaalam na si Minju at uuwi raw sila sa province bukas ng umaga. Nag bye na kami sa kanya at nag break muna sa pagkanta.

 

Umorder pa si Ryujin ng isang bucket ng beer at nag cr sila. Ako lang ang naiwan sa room.

 

Nahihilo na ako. Yung mata ko sobrang pungay na rin pero bakit ganon? Ang sarap talaga sa feeling. Ang tagal na rin kasi nung last ako mag inom nang ganito. Usually one or two beers lang okay na. Hindi rin ako mabilis malasing. Ewan ko bat ako ganito ngayon.

 

My phone vibrated at chineck ko ito. Uy, may DM sa Instagram.

 

yukatarina: Hello din, Winter :)

 

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba nakikita ko? Si Karina to diba? Ano nga bang username niya? Nalimutan ko bigla!

 

Ay basta! Nagreply na lang din ako. Nag message siya, eh di malamang rereplyan ko. Hehe. Huhu, medyo nasusuka suka ako.

 

qweenterkim: bskut ang gndsa mpo

 

Ang hirap naman magtype. Bakit parang napakaraming letters ng keyboard? Mga 68. Gusto ko lang naman sabihin na maganda siya.

 

yukatarina: ??? Are you drunk?

 

Hindi kaya ako lasing! Okay na okay ako. Weeeee! Chug chug.

 

qweenterkim: hahhahahahahahahahaha

 

Hindi ko sure bakit ako tumawa. Natatawa kasi ako kahit walang dahilan. So tumawa ako. Gets ba.

 

yukatarina: Be safe sa paguwi please

 

Naalala ko bigla yung nakita ko sila kanina ni Yeji. Uy! Pwedeng topic yon. Okay, sasabihin ko yon kay yukatarina. Si Karina to diba?

 

qweenterkim: nskita kp kayi ni yeij knania sleos ako grrr

 

Ayan! Honesty is the best policy. At sabi nga nila, kapag lasing ka, wala kang filter. At honest ka. Pero bakit ganon? Hindi naman ako lasing ah. Weeee!

 

yukatarina: We were going to meet her Mom. Don't be jealous. Ikaw lang.

 

Inulit ulit kong binasa yung sinabi niya. Para yata akong sasabog sa kakiligan. Sa sobrang likot at pagtatalon ko, nasukahan ko yung floor ng private room.

 

Bwiset na bwiset sa akin sila Ning pagbalik nila ng room at kinailangan naming lumipat. Ambaho daw ng suka ko.

 

Tumatawa tawa lang naman ako na parang hibang. Hindi ko pa rin malimutan yung DM ni Karina. Ako lang daw. Tama yan. Sa kanya lang naman talaga ako.

 

Nakita ni Chae yung pag ngiti ngiti kong mag isa, "Hoy teh, para kang tanga. Anong ngini ngiti ngiti mo?" Tinatawanan lang naman ako ni Ryujin at Lia.

 

Hindi ako nakasagot at nainterrupt kami ng phone ni Ning na nagriring.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
133 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!