Chapter 50

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

"Ouch!"

 

Ang sakit talaga ng kamay ko. Shuta. Napakatigas kasi ng mukha ng lalakeng yon. Malay ko namang hindi pala biro ang manapak.

 

Napapabuntong hininga na lang si Minju sa tabi ko habang inaayos niya yung benda ko sa kamay. "Buti nga sayo. Bakit kasi kailangan manapak, Win?!" Mas diniinan niya yung pagkakapulupot ng bandage.

 

Nananadya talaga to!

 

"Pinagtanggol ko lang naman si Karina!" Pagmumukmok kong sabi. Totoo naman eh!

 

Umiling lang si Minju sa akin at tinawanan ang stressed kong itsura. "Well look what happened. Three days ka na yatang hindi pinapansin ng jowa mo. I think deserved."

 

Hay nako, pati ba naman itong si Minju ay pinuputakte ako. Ang dami ko nang narinig na pagpapagalit kila Ning at Lia this week. Pati na rin kay Giselle. Isama mo pa si mommy na lagi na lang Team Karina ang peg.

 

Ganito kasi yon.

 

Last week, may work dinner si Karina pati yung mga kasama niyang professors and instructors sa Engineering department. Pwede raw mag dala ng plus one kaya syempre, ako agad ang dinala ng baby ko. Hihi.

 

To make the story short, may nasuntok akong katrabaho ni Karina that night. And I think he deserved it. Hindi ko pinagsisisihan. He was being disrespectful kaya!

 

"Ma'am Kat! Welcome. And who's this pretty lady?" Karina's boss greeted us. Well, hindi naman boss yata but she's the head of the department. Department Chairman yata. Si Miss Sooyoung. Ang tangkad niya at sobrang nakaka intimidate. She's really funny too.

 

Karina looked at me at tumingin sa colleagues niya, "This is Winter, everyone. My girlfriend." Proud na proud ang baby ko.

 

After all these years, may butterflies pa rin talaga akong nafi-feel kapag pinapakilala ako ni Karina as her girlfriend.

 

Gusto kong irapan yung isang guy na halatang nagulat sa sinabi ni Karina. Sa panahon ngayon may mga nagugulat pa rin pala kapag nakaka kita ng bakla?! Parang mas nakakagulat nga na may straight pa rin. Charot.

 

Pa shy effect pa ako nang mag "Hi" sa kanila. Syempre pa demure nang kaonti.

 

Dumating na rin yung ibang colleagues ni Karina. "Babe para san ba 'tong dinner niyo?" Tanong ko sa kanya. Sabi niya lang kasi sakin kanina pumunta ako dito after ng work ko sa resto.

 

"Just a sem-ender dinner, baby. Although next week pa naman end ng sem. Ngayon kasi available ang lahat. I think they'll announce din yung best instructor or something." Inaayos niya yung strap ng suot ko. Twisted yata. Naka tingin pa rin samin si koya. Inggit ba siya?

 

I nodded, "Ahh. Sort of like employee of the month ganon." She just hummed in response at umayos na nang pagkakaupo.

 

Dumating si Jeno. Instructor din siya kasama ni Karina sa Engineering. Natatawa ako sa pamumula ni mokong nang makita ako. Lagi ko pa rin kasi siyang inaasar dun sa pagpapa cute na ginawa niya sa jowa ko before.

 

Ang taray, may kasamang girl. Pero in fairness naman dito kay Jeno, gwapo rin pala kapag naka bihis nang maayos. Lagi lang kasi siyang haggard nung college.

 

"Why are you checking Jeno out?" Natatawang bulong ni Karina sakin.

 

I gave her a disgusted look, "Babe kadiri ka naman. Dun ako sa jowa niya nakatingin. Ang ganda ni ate noh?"

 

Tinignan ito ni Karina, looking impressed as well. "She is. Ano kayang pinang gayuma ni Jeno."

 

Humagikgik kami nang patago. Nakakahiya naman kung mag iingay kami dito diba at baka mawalan pa ng trabaho si Karina. Pano na lang ang future namin? Pano na lang ang pambayad namin ng tubig at ilaw. Pano na lang—

 

Okay, ang OA. Pero kaya ko naman siyang sustentuhan kapag nagkataong maging jobless si baby. Pero hindi naman mangyayari yon. Sa sipag ba naman nitong jowa ko. Sobrang random lang ng aking thoughts. Ang tagal kasing mag umpisa ng kainan.

 

"I think everyone's here already. Right?" Miss Sooyoung looked around at chineck if may empty seats pa. They rented yung private area dito sa restaurant for this dinner. Looks like wala naman nang inaantay pa, "I think everyone's here." She added.

 

She smiled at everyone at the table, "First of all, thank you profs and instructors for coming tonight. It was a good semester and walang naging problems sa department, all thanks sa ating masisipag na teachers."

 

We all clapped quietly para sa lahat. Syempre medyo nilakasan ko yung akin to show support for my girlfriend. Totoo naman ang sinabi ni Miss Sooyoung, saludo din talaga ako sa mga teachers.

 

Besides, nakikita ko naman how passionate my girlfriend is sa kanyang job. She really likes teaching and I'm happy she gets to do what she loves after ng struggles sa college and grad school.

 

After ng grad school niya, nag take kaagad siya ng LET and todo support naman ako kay baby kahit pa nga busy rin ako that time sa pag take over sa Makati branch ng Bell'e Buono. I never failed to show her my support especially during those times na nafufrustrate na siya sa review.

 

"Hindi naman lahat masipag." Pa-epal na sabi nung lalake na mukhang mayabang. Nakwento din ni Karina ito sakin dati, kinakainisan daw sa department nila. Toxic daw ito.

 

Tumingin lahat sa kanya at tinaasan siya ng kilay ni Miss Sooyoung, "Joke lang." Pahabol ni koya. Kainis ang face niya. Natawa na lang si Karina sa pagkabusangot ko.

 

"Anyways. Let's all cheers na kaagad for the next sem. Walang magreresign! Hindi ko kayo bibigyan ng recommendation letter if you do so!" They all shared a laugh sa pagjojoke ni Department Chair. Nakakatakot naman palang mag resign dito. Chos.

 

Sa wakas ay nag start na kaming kumain ng dinner. In fairness, masarap yung food. Pero mas masarap pa rin sa restaurant ko. Hala! Oo, restaurant ko. Nakakakilig pa rin isipin.

 

Everyone is engaging sa casual conversation and discussing yung mga ganap sa campus while eating. Nakikinig lang naman ako. Ang active ni Karina sa conversation and grabe, she's really in her element kapag ganitong moments. Lalo na siguro kapag nagtuturo siya sa mga students.

 

Kainis naman kasi si baby, ayaw niyang makita ko siyang nagtuturo. Ibebreak daw niya ako kapag nanood ako sa kanyang lectures! Eh di sige hindi na nga..

 

Miss Sooyoung asked for everyone's attention after kumain. "Okay! We do this every semester and this sem is no exception." Nag cheer ang lahat, alam na yata nila yung iaannounce niya. Niloko ko pa si Karina sabi ko baka siya yung mapili but she dismissed me, saying na mas marami pang mas magaling sa kanya.

 

Nakita ko yung pag smirk nung annoying workmate ni Karina na mayabang. Aba, at mukhang nag eexpect siya. Feelingero talaga.

 

"Our instructor for this sem is..." Nag drum roll kunwari yung isang workmate nila. "I think everyone knows who she is. This person has been very helpful hindi lang sa students but to us faculty members. It's none other than Ma'am Kat Yu."

 

Napatayo ako bigla, "Yes!" Tinawanan naman ako ng workmates ni Karina sa aking pagiging eksaherada. Jusko. Nakakahiya! Mga professionals nga pala itong mga ito.  

 

Karina looks shocked. Medyo pa humble pala itong si baby pero sa totoo lang, hindi naman talaga siya nag eexpect. "W—Wow, thank you all.. It's an honor." Others congratulated her except kay busangot guy na hindi maipinta ang mukha. Naparami na rin yata ang inom niya ng beer dahil namumula siya.

 

"You deserve it. Thanks for choosing our department, Ma'am Kat. The students are very fond of you." Nakangiting sabi ni Miss Sooyoung. Grabe, nakakaproud naman si baby. Deserve na deserve niya to.

 

Nawala naman ang ngiti ng lahat nang lumapit yung isang instructor na lalake na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

 

"Hindi niya deserve yan!"

 

Ay! Ano to? Bakit maya pa Kanye-Taylor na eksena? Very high school drama ang peg ni busangot king.

 

Hinawakan ako ni Karina sa kamay at alam niyang nanggigil ako bigla. Miss Sooyoung spoke up right away, "Sir Johnny, may problema ba? Ma'am Kat deserves it. And I think all your colleagues here agree with that." Nakita ko yung ibang workmates ni Karina na ang sama ng tingin kay Johnny. Yun pala name niya. Naalala ko tuloy si Johnny Bravo.  

 

"Ma'am I've been in the department far longer than her. I think I deserve some recognition too. Wala pang two years yan satin." Uhaw naman pala sa validation.

 

Miss Sooyoung rolled her eyes at him, natawa kami nila Jeno at nung girl na kasama niya. "It's not the length of service but the quality, Sir John. You should feel lucky nasa Dept ka pa. A lot of students have been complaining sa attendance mo. Lagi ka raw absent."

 

Ohhhhh. Pala absent naman pala si koya. Meron naman palang pwedeng award sa kanya: Best in Missing Classes.

 

Halatang parang napapahiya na si Johnny sa lahat, pero hindi pa rin siya tumigil. Wag lang talagang may masabi sabi ito kay Karina dahil susuntukin ko talaga to sa kanyang pagmumukha. Masyadong mabait si Karina to do that.

 

He shrugged nonchalantly, "I still think I deserve it more than someone who can't even respect the bible. I mean, really? A lesbian? What a shame."

 

Ano raw? Bible? Tatayo sana si Jeno pero pinigilan ko siya.

 

Itabi mo, bes.

 

Ako na.

 

I stood up at hindi na ako napigilan ni Karina nang suntukin ko bigla si Johnny sa kanyang matigas na mukha. Shuta. Ang sakit palang manuntok ng lalake. Pero sobrang worth it. "You call yourself an Instructor? Kinakahiya ka ng UP!"

 

"Winter!" Hinila agad ako ni Karina at pinandilatan. "What are you doing?!" Malakas na bulong niya sakin.

 

Sumabat si Miss Sooyoung, "No Ma'am Kat, Winter's right." She turned to Johnny, "You're the one who should be ashamed, Sir John. I don't blame Karina's girlfriend for punching you in the face. My husband would have done more than that."

 

Nagpipigil lang ng tawa yung ibang katrabaho ni Karina pero kitang kita sa mga mukha nila na natuwa sila sa ginawa ko. Binigyan pa nga ako ng thumbs up nung isang girl at kasama nito pati na rin ni Jeno.

 

Kaso nga lang parang hindi natuwa si baby sa ginawa ko. Ewan ko ba! Nag dilim na lang bigla ang paningin ko at hindi ko na napigilan yung sarili ko. That moment nung sinabi niya sa girlfriend ko yun, gusto ko na siyang sipain sa itlog.

 

"Sorry, Ma'am. Winter didn't mean to do that." Hay nako, bakit ba siya ang nagsosorry! Dapat si Johnny. Hindi ko naman siya masusuntok kung hindi niya dinisrespect si Karina.

 

Buti na lang parang chill lang si Miss Sooyoung at wala namang nag call out sakin. Feeling ko nga gusto pa nila na ginawa ko yon. "It's okay, Ma'am Kat." Humarap siya kay Johnny Bravo, "And you, let's talk outside."

 

"Uh oh. Someone's getting fired." Sabi nung isang girl. Tama ka jan ate!

 

The dinner went on at umalis na lang si Johnny. Nag sorry siya samin ni Karina before leaving. Naka move on din naman ang lahat sa nangyari and we all had a good time. Ang kaso nga lang, kinakabahan ako sa baby ko at parang nabadtrip talaga siya sakin! Patay ako dito pag uwi.

 

"We'll talk when we get home." Sabi niya. Nakaka kaba. Huhu. Baby naman.. I did it for you. Charot. Ayoko na tuloy umuwi.

 

Nilalambing ko siya on the way sa parking, para naman hindi niya ako masyadong pagalitan pag uwi. "Baby.. Anong gusto mo pag uwi? Bilhan kita ng ice cream.." Pa-sweet kong sabi.

 

She's ignoring me at patuloy lang ang paglalakad. "Huy babe. Alam ko na.. Gusto mo ng kiss? Gusto mong i- kita? Gusto mong—" Napatigil ako nang makita kong nanlilisik ang mata niya. Naman eh!

 

"Just go drive, Winter." Patay na. Tinawag na ako sa pangalan ko. Napalunok na lang ako at tumango. Namamanhid yung kamay ko dahil sa suntok. For sure bukas sasakit ito.

 

We got home not long after at hindi na nagpaligoy ligoy pa si Karina sa pagpapagalit sa akin, "Winter why did you do that?" Galit ang tono niya pero alam kong love pa rin niya ako. Hihi. "At napapa ngiti ka pa diyan?" Pahabol niya.

 

Napahawak na lang ako sa batok, "Sorry, babe. Eh kasi naman siya! Bakit ka sinasabihan ng ganon? Tsaka sabi naman ni Miss Sooyoung okay lang.." I reasoned out.

 

Okay, mukhang mali yata na nagpapaka defensive ako dahil napahawak si Karina sa noo niya at minassage ito, "Even so.. That wasn't the right way to respond to that."

 

I pouted and she sighed, "Alam mo naman yun, Win.. You work with a lot of different people especially now na mageexpand ka and you want to build that group of resto. Alam mo dapat na you should contain your anger sa mga moments na ganon."

 

May point naman siya. Actually, tama naman talaga si Karina at ang shunga ko sa reaction ko. Mali talaga yon. She's also right na dapat alam ko kung pano mag handle ng situations like that lalo na ngayon that I'm dealing with a lot of people dahil sa career ko.

 

But my stubborn and childish self is telling me na deserve naman talaga ni Johnny!

 

"Oo nga, babe. Sorry na." Paglalambing kong sabi.

 

Umiling siya, "Wag kang mag sorry sakin, hindi ako yung sinapak mo. He apologized satin kanina. Apologize to him for hitting him in the face. Sumama ka sakin sa Dept this week."

 

"No!" Mabilis kong sagot. No way. Hindi ako magsosorry don sa homophobic na lalakeng yon. Asa naman. Never in my life. Hinding hindi. Tapon susi.

 

Akala ni Karina madadaan niya ako sa nakakatakot niyang titig. Hindi noh! "Babe hindi ako magsosorry don. Never. Kasalanan naman niya in the first place. Pinagtanggol lang kaya kita. Bakit ka ba nagagalit diyan.." Stubborn kong sagot.

 

"Still! You should never resort to punching someone in the face! We'll apologize to him!" Pagpupumilit niya.

 

"No!"

 

"Apologize!"

 

"No!"

 

"Winter!"

 

"Nyenye."

 

hung open, "You're so.. Fine! Sleep on the couch!"

 

"Okay lang. Basta hindi ako magsosorry don sa mokong na yon." Pagmamatigas ko. Ayoko talaga noh! Matulog na sa sofa kung matutulog sa sofa. Hmp.

 

"Fine!" Sinara niya yung pinto ng room at narinig kong ni-lock niya ito. "Bahala ka diyan. Maligo ka sa sink!" Sigaw niya from the inside ng aming kwarto.

 

"Ang tigas tigas mo babe!" Sigaw ko pabalik.

 

Buti na lang may mga naitago akong damit sa work room namin. Akala mo baby ha. Ready ako sa mga moments na ganito noh. Heh.

 

Dedma kay Johnny.

 

"Ah basta ayokong magsorry!" Sagot ko kay Minju. Naayos niya na yung benda ko sa kamay. Wala rin naman kasi siyang choice dahil ilang minuto na lang mag sstart na yung meeting namin with the investors.

 

Akalain mo yun, si Minju rin pala ang makakasama ko even after grad school.

 

We're currently business partners sa gusto naming itayo na group of restaurants in Manila. Syempre for us to achieve that, we need to meet with a lot of business people in the food industry and convince them to partner up with us.

 

Maraming naging interested. Kasi ba naman, pareho kaming SNU graduates and may connection sa Bell'e Buono. Owner lang naman ako nung Makati branch na pinapatayo ni mommy at daddy before ako umalis papunta sa Korea. Para sakin daw pala talaga yun.

 

Narinig ko yung malakas na tawa ni Minju, "Just do what your girlfriend says. Sige ka baka maka apekto yun sa work niya sa Diliman."

 

Napa isip ako. "Pag iisipan ko.. Kainis ka talaga."

 

Pumasok si mommy pati na rin si head chef dito sa office, "Girls. Ready na?" Mom asked.

 

Nagkatinginan kami ni Minju and we gave each other a motivating smile, "Let's do this. Para kay Chaewon and Karina. Our sugar babies." I teased.

 

She punched me on the arm lightly, "Baliw ka talaga. Let's go."

 

 

 

 

 

"San tayo teh?"

 

Sinundo ko si Ning at Lia sa work nila after ng meeting kanina. Sobrang draining pero very satisfying yung nangyari. Sabi ko kay Minju mag celebrate kami with friends soon.

 

Tinignan ko si Ning sa passenger seat, "Wala. Kain tayo sa labas. My treat."

 

"Kung ako sayo dumederecho na ako sa Diliman para kausapin si Johnny!" Tinatawanan ako ng dalawang lukaret. Nasabi ko kasi na pangatlong araw na akong dinededma ng jowa ko dahil sa nangyari.

 

"Oo nga mamaya pupuntahan ko sa office nila. Pinagalitan din ako ni mommy. Tama naman daw si Karina.." After ng meeting kanina, nagsumbong ba naman ang magaling na Minju sa nanay ko. Chinika niya na hindi pa rin ako nakikipag bati kay Karina. Napaka sumbungera talaga.

 

"Teh kahit ako di rin ako magsosorry." esang sabi ni Ning. "Pero gets naman si baby, iba pa rin pag sa work. Kailangan makipag plastikan."

 

Nilingon ko siya, "Asan pala jowa mo? Himala nakasama ka."

 

Lately kasi ay busy sila ni Win-Win sa paghahanap ng condo unit. Pinagpaalam daw siya sa parents niya at ang layo din nga naman ng bahay ni Ning sa work nito. Malalaki naman na rin sila at buti na lang hindi ganon ka coservative ang parents ni Ning.

 

Botong boto pa nga sila Tita kay Win-Win dahil ang bait bait naman talaga ni batchmate. Bonus na lang na gwapo ito at hindi pinagkaitan ng yaman.

 

"Nasa office. Hiniram muna sakin nila Mamita ang anak nila. May need daw asikasuhin."

 

Natawa kami ni Lia sa tawag ni Ning sa nanay ni Win-Win, "Teh bakit naman Mamita tawag mo?! Ginawa mong parang lolang manghuhula!"

 

Sinamaan niya kami ng tingin, "Hindi naman siya nagrereklamo! Love na love kaya ako non."

 

"Anong tawag mo sa daddy niya?" Tanong ko.

 

"Papi." Muntik ko nang mailiko yung sasakyan so sobrang pag tawa kay Ning. Jusko po. Bakit naman papi?!

 

Nakarating na kami sa SM North at naghahanap ako ng parking nang tumunog ang phone ni Lia bigla. Aalisin sana niya yung pagkaka-connect ng bluetooth ng kanyang phone sa kotse nang pigilan siya ni Ning, "Sagutin mo na! Patay ka kay Giselle pag di mo nasagot agad! Pabebe pa man din yun."

 

Wala nang nagawa si Lia kundi sagutin ang call.

 

"Babi ko!" Bungad ni Giselle sa kabilang linya. Agad na namula si Lia sa ginawang baby talk ng jowa.

 

"H—Hey, Gi. San ka na?"

 

We heard Giselle's loud gasp, "Gi?! Call me babi!"

 

Puputok na ang ugat namin ni Ningning sa pagpipigil ng tawa. Sobrang cringy palang makarinig ng ganito!

 

Naiilang na tumawa si Lia, "Babi naman.. San ka na?"

 

"That's better. I'm here sa Katipunan. I'm with Kat and Yuna. Quick lunch lang." Halaaa. Ang baby ko!

 

"Tell Winter sa couch pa rin siya tonight!" Narinig kong sigaw ni Karina sa background. Heh. Akala naman niya! Pupunta nga ako sa office nila mamaya at lulunukin ang pride ko.. Ang sakit na ng likod ko sa sofa ha.

 

Ning shouted, "Sabi ni Winter wala raw siyang pake!" Muntik na kong mabilaukan sa iniinom kong tubig. Leche talaga tong si Ning.

 

"Babe hindi totoo yon!"

 

"Don't babe me!"

 

The call ended at nakasimangot samin si Lia, "Ang epal niyong dalawa! Di ko tuloy nakausap si babi.." She pouted. Isa na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
133 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!