Chapter 5

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Mag iisang linggo na ako na sobrang busy dahil sa maraming bagay.

 

I’ve been helping my Mom with her business. Balak kasi niya na magtayo ng isa pang branch ng kanyang restaurant sa BGC.

 

When she opened up to me about it, full support naman ako. Hindi ko kasi narealize na her business is getting huge na pala talaga.

 

Two months ago kasi, may kumain daw sa resto niya na artista. The celebrity even posted it sa kanyang Instagram kaya nag boom bigla yung sales at dinagsa ng maraming tao.

 

I feel bad na hindi ko manlang napapansin yung success na nangyayari sa business ni Mom dahil sa sobrang pagka busy ko sa acads. Although she always tells me naman to focus on my studies first.

 

Still, gusto kong bumawi.

 

Kaya nung sinabi niya sakin na she’s planning to branch out sa Taguig, I told her agad na I’ll help her in ways na kaya ko.

 

For the past week, tinutulungan ko siyang mag conceptualize and mag plan along with her sisters.

 

I’ve been driving them around din to consult with their accountant as well as sa friend nila from the government na makakatulong with the permits and all.

 

We started looking na rin ng potential location ng restaurant around BGC. Since maraming food establishments ang nakatayo within the area, means maraming competition.

 

I told my Mom naman na she does not need to worry about that since her food is really good and marami na siyang regulars sa place niya.

 

Sa totoo lang, amazed pa rin ako na my Mom owns her own restaurant.

 

And it’s not just a regular restaurant ha. It’s a really good one. Yung tipong the food indorses itself at hindi na kailangan ng maraming marketing strategies para bumenta.

 

I don’t have to be biased para masabi na our food there is really good and above average.

 

Thinking about this, I suddenly pondered kung bakit hindi ko pa naiinvite si Karina sa resto ng Mom ko.

 

Parang gusto ko kasing malaman yung opinion niya about our food because I trust her palate. She really does have taste when it comes to food.

 

I might open about it sa kanya kapag nagkatext or nag kita na ulit kami. Lately kasi, sobrang busy naming dalawa. May times nga na hindi ko siya narereplyan sa sobrang pagka busy ko.

 

Sorry Karina pero nagbago na ako. Hindi na ako nangangatal maka reply sayo. Charot.

 

Minsan kasi sa sobrang pagod ko at nakakatulog na lang ako bigla at hindi ko na halos nachecheck yung phone. Although hindi naman ako nagrereklamo kasi gusto ko rin talagang matulungan si Mom.

 

After ng naging dinner namin ni Karina last week, mas naging madalas na yung pag se-send namin sa isa't isa ng screenshots of different places from Zamato app.

 

We send each other yung links ng restos na lowkey lang pero mataas yung ratings and nilalagay namin sila sa aming list ng mga food-to-try.

 

Yes, may list kami. Di ko keri. Talagang gumawa kami ng google docs for that.

 

May kasabihan tayong "Friends that are passionate about food stay forever." Imbento ko lang yan pero sana kabahan na si Bob Ong. Buhay pa ba yun? Hindi ko actually sure.

 

Pareho kaming naging busy this week dahil pumunta yung family nila sa Baguio para mag vacation, since both her and her brother are on school break.

 

I think nabanggit din niya na dadaan sila sa La Union before sila umuwi dito sa Manila. Buti na lang busy rin ako kasi baka ma-sepanx ako sa kanya.

 

Sa araw araw ng ginawa ng Diyos eh hindi naaalis si Karina sa isip ko. It doesn't matter kung pagod man ako o hindi.

 

Every time na kakain kami ni Mom at ng mga Tita ko sa labas, gusto kong ipakita agad kay Karina yung pictures ng food na kinakain namin.

 

Siguro kasi before, walang nakakarelate sa pagiging foodie ko.

 

Pag sinesendan ko si Ning at yung ibang orgamates ko ng pictures ng food, ang sasabihin lang nila sakin patay gutom daw ako.

 

Well, true naman. Ang sarap kayang kumain. Nagtataka nga sila bakit hindi ako nananaba.

 

Kaya siguro nung nakilala ko si Karina, mas naging enthusiastic na ako sa pagkuha ng food pics kasi there's someone na makaka appreciate.

 

Speaking of Ning, nangako ako sa kanya na lalabas kami bukas. Maya't maya niya kasi ako kinukulit na manood ng sine. Sunduin ko raw siya sa kanila.

 

Grabe dinaig pa ang jowa? Kakaiba rin talaga ang pagiging demanding ng kaibigan ko.

 

Pinagbibigyan ko na lang kasi sa totoo lang kahit annoying si Ning, I consider her as my best friend na rin.

 

Siya yung kasama ko sa dorm buong college life ko sa LB at naging orgmate ko pa siya. Marami rami na rin kaming pinagsamahan.

 

Bago ako magpatay ng ilaw to sleep, I checked my phone muna.

 

Uy, may text si Lia.

 

After nung ambush phone call niya sakin ay hindi na ulit kami nakapag usap.

 

Lia: Didn't I tell you na mag hang out tayo this week? :((((

 

Shucks. Sa sobrang busy ng schedule ko nakalimutan ko na nag promise nga pala ako sa kanya na lalabas kami.

 

Bakit ba ang aarte ng mga kaibigan ko at daig ko pa ang may jowa sa dami ng responsibilidad ko sa kanila? Buti sana kung sila si Karina eh. Char.

 

Me: liyayayayaaa sorry omg busy kasi kami ni mom but i'll make time this friday. free ka ba that day?

 

Lia: Oh okay. I forgive you. Yes free ako. Are you g sa Makati?

 

Ay ang layo naman. Pero matagal tagal na rin nung huli kong gala sa Makati. I think yun pa yung nagpunta ako don para sa Mercato.

 

Iniisip ko sanang magpahinga sa Friday pero ngayon lang din naman kami magkikita ulit ni Lia so hindi na rin naman masama. Tsaka nakapag promise kasi ako sa kanya.

 

Grabe, jampacked ang schedule ko. Una si Ning, ngayon naman si Lia.

 

Karina when kaya? Echos.

 

Me: erkay makati it is. dun na lang tayo mag meet. see ya liyaya ahahaha


Lia: Can't wait <3

 

 

 

 

"Grabehan lang Winter, akala ko mabubulok na ako sa labas ng 7/11!" Eksaheradang reklamo ni Ning. 10 minutes lang naman ako na-late ah.

 

"Alam mo teh magpasalamat ka pa at sinundo kita. Ang traffic kaya?!" Inis kong sabi habang sumisingit sa kalsada para makabalik sa main road.

 

Eto kasing si Ning, sabi ko dun na lang sa daan mag antay para sasakay na lang siya at hindi ko na kailangan pang mag park. Ang sikip kasi ng parking sa 7/11. Never pa yata akong nakakita ng 7/11 na may maluwag na parking space.

 

Pero dahil hobby ng friend ko na mag maganda maya't maya, doon siya nag antay sa loob ng convenience store. May batang hamog daw kasi sa labas na hinihingi yung slurpee niya.

 

"Hay nako! 'Teh' nang 'Teh' yung bata at hindi ako tinitigilan kakakalabit! Kung di lang ako nakapag pigil baka nabukulan ko yon. Teh teh kin na lang yan teh." Panggagaya niya dun sa bata.

 

Tawang tawa naman ako kay bruha at parang nastress talaga siya. Binigyan na lang daw niya ng limang piso para umalis na.

 

Naalala ko tuloy yung first meeting namin ni Karina. Akala ko rin batang hamog siya dahil sa pagkalabit niya.

 

Nang makarating na kami ni Ning sa Trinoma, nag dinner muna kami. Last full show kasi yung panonoorin namin na horror.

 

Hindi ako mahilig sa mga nakakatakot na palabas pero napa payag naman ako ni Ning. Sabi niya kasi practice daw ito para pag niyaya ako ni Karina na manood ng horror eh hindi ako magmukhang duwag.

 

Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Karina dati na mahilig siyang mag binge watch ng horror movies.

 

Kainis to si Ning. Alam na alam kung paano ako makukuha.

 

"May gagawin ka ba sa Friday? Parang gusto kong mag ayos na ng list of subjects na kukunin natin next sem. Sabay na tayo."

 

Okay, maganda yung suggestion niya. Gusto ko na rin mag browse ng list ng subjects to take next sem para alam ko kung ilang units ang kukuhanin.

 

Feeling ko kasi kailangan kong mag overload sa unang semester ko sa Diliman para hindi ako ma delay sa pag graduate.

 

May ibang subjects kasi ako sa LB na hindi na credit sa Diliman.

 

"Gusto ko nga rin. Pero wag sa Friday, may lakad ako."

 

"Ay! Ano yan may lakad nanaman kayo ni Karina? Pano ka natitiis non?"

 

Sinimangutan ko naman siya agad at dinefend ang sarili ko. Hindi kaya ako tinitiis ni Karina! She likes hanging out with me, naalala kong sabi niya. Hihi.

 

"Shunga! Hindi si Karina. Yung friend ko nung high school na sa UPD rin nag aaral. Gusto ko rin mag tanong sa kanya about sa pag transfer ko." Pagpapaliwanag ko kay Ning.

 

Napatingin naman siya sakin na parang nanliliit ang mata, "Teh pansin ko lang ang dami mong chikababes."

 

Bakit ba lahat na lang ng madikitan kong babae, akala ni Ning jowa ko? Palibhasa never pa siya nagkakajowa all her life.

 

"Alam mo halatang halata na NBSB ka." Patawa tawa kong asar.

 

"Hoy—" Hindi naman niya naituloy pa yung sasabihin niya dahil tumayo na ako kaagad. Karindi nanaman si Ning!

 

"Tara na para makakuha tayo ng magandang seats."

 

 

 

 

Hindi ko na kaya. Gusto ko nang lumabas ng sinehan. Naiihi ako na natatae sa pinapanood namin. Nakakatakot!

 

Samantalang si Ning mulat na mulat sa tabi ko and sobrang focused sa movie. Paano niya nagagawa to without covering her eyes?!

 

Iritang irita siya sakin kapag nahahampas ko siya kapag may nakakagulat na eksena. Pulang pula na raw ang braso niya at malapit na raw siyang magka pasa.

 

Kulang na lang kasi magdala ako ng payong sa loob para mailagay ko sa harap ng mata ko at wala akong makita sa screen.

 

Nakita ko na may payong yung tao sa harap namin ni Ning. Nakawin ko kaya? Nakakatempt.

 

Nagtatakang napatingin naman sa akin ang kaibigan ko at parang napansin niya na hindi ako mapakali.

 

"Winter umayos ka nga. Para kang gaga diyan." Tinawanan niya ako at sinaway ko siya, telling her to let me be at mag focus na lang sa mga demonyong nagpaparamdam dun sa movie.

 

Naramdaman ko naman ang vibration ng phone ko. Baka si Lia nanaman to, reminding me about our lakad on Friday.

 

Mga nakaka lima na kasi siyang reminder sakin. Ginawa akong ulyanin ni girl. Kaloka.

 

Karina: Do you want ube or strawberry jam? Or both?

 

Ay shet. Si Karina. Hihi. Nagtatanong kaya siya kung anong gusto ko para ibigay niya sakin or nagreresell siya? Online seller na ba siya?

 

Me: reseller ka na niyan, karina?

 

Narinig ko na parang nagpaparinig yung nasa likod ko na seat about sa maliwanag kong screen. Akala niya yata may pake ako.

 

Karina: -__- Suddenly ayaw ko na palang bilhan ka ng pasalubong.

 

Me: hehe joke lang. sundot kulangot gusto ko

 

Karina: Bye

 

Mukhang narinig ni Ning yung malakas na paghagikgik ko kaya tinignan niya ako ng masama at sinabing nasisilaw siya sa phone ko.

 

Nag excuse na lang ako para pumunta ng CR. Ayoko na rin kasi talagang manood tsaka gusto kong kiligin nang walang nakikitang multo sa screen.

 

Ililibre ko na lang si Ning mamaya ng milk tea para hindi na ko sumbatan sa hindi ko pagfofocus sa movie. Natatakot kasi talaga ako.

 

Sobrang thoughtful lang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
128 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!