Chapter 40

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

“Finally! Grabe, ang hirap palang mag lipat sa condo. Buti tinulungan tayo nung staff.”

 

Pawis na pawis kami ni Karina after namin makuha lahat ng gamit sa baba.

 

Suddenly pinagsisihan namin tanggihan yung inalok na tulong ng aming friends sa paglilipat ng gamit today sa condo.

 

May pa arte arte pa kasi kami ni baby. Kesyo gusto namin mafeel yung mag move in na kaming dalawa lang without other’s help.

 

Oh edi ito, para kaming makukuba sa sakit ng likod.  

 

“It was satisfying and worth it though, baby.” Sabi ni Karina. Kawawa naman ang baby ko, basang basa ang damit sa pawis.

 

Lumapit ako sa kanya para punasan yung sweat around her face and neck. She jutted her lips, ang cute. “Go get changed na. Baka matuyuan ka ng pawis niyan.”

 

Hinawakan niya yung kamay ko, “Ikaw rin. Let’s get changed together sa room? Nandon na ba yung damit natin sa dresser?” Hinila niya ako papasok ng kwarto.

 

“Yes po. Nailagay ko na kanina.” I replied.

 

Actually, dalawa yung rooms ng condo pero syempre, sa iisang kwarto lang kami magsasama ni Karina.

 

Para naman kaming shunga kung tag isa kami ng room diba. Eh di sana hindi na kami umalis sa sari-sarili naming bahay. Char.

 

Ginawa na lang namin sort of study area yung isang room. Naka set up yung study tables and laptops namin. Dun din nakatambak yung ibang gamit na wala pa kaming mapag lagyan.

 

Pabiro pang sinabi ni Karina na dun daw niya ako papatulugin kapag galit siya sa akin.

 

Nanlaki ang mata ko nang maghubad bigla ng shirt si jowa sa harap ko, “Babe mag warning ka next time!” Tumalikod ako agad to give her some privacy.

 

Ewan ko ba pero kahit ilang beses naman na kami naging intimate ni Karina sa isa’t isa, I still get flustered kapag bigla bigla yung mga ganito niyang galawan.

 

I heard her light laugh, “Winter, get used to it na. Lalo ngayon magkasama na tayo sa condo.” Naramdaman kong papalapit siya sa akin.

 

Tumayo ang balahibo ko when I felt her breath sa may tenga ko. My back is still facing her front.

 

She slowly lifted my shirt. Hindi na ako nakatanggi pa at itinaas ko na lang din yung kamay ko so she could take it off me. “Change into something more comfy..” Bulong niya.

 

Para akong sinisilaban nang maramdaman ko yung kamay niya sa balat ko, caressing around my torso. “B—babe..”

 

“I like that we live together now.. That way, we can do whatever we like.” She whispered.

 

I gulped, “Like?” Hindi pa rin siya tumitigil sa pag haplos sa may tiyan ko.

 

She bit my ear playfully. Para akong sinasapian sa ginagawa ng girlfriend ko. I feel like my whole body is trembling with her touches.

 

“Like.. we can cook together.. we can wash the dishes together.. we can watch movies and cuddle all we want.. and..”

 

“A—and?” Mabilis kong sagot. Parang konti na lang ay magmo-moan na ako sa ginagawa niyang paghalik sa balikat ko all the way up my jaw.

 

“And I can do this..” She cupped me down there. Kasabay ng pag ungol ko ang pag tunog ng doorbell.

 

Agh, bwiset!

 

Bakit ba naka order order pa sa grab food na yan. Huhu.

 

Natatawa lang si Karina sa sobrang pula ng mukha ko. She gave me a peck at sinuot na yung sando niya, “I’ll go get it. Mag bihis ka na then let's eat.”

 

Direk pwede po bang take two? Yung walang dadating na grab food sana.

 

Huminga na lang ako nang pagkalalim lalim para maikalma yung sarili ko.

 

Parang nanlalamig bigla ang aking likod.

 

Ay! Wala nga pala akong damit. Hinubad ni Karina. Tas iniwan niya ako dito sa kwarto. Hmp.

 

“Winter! Kakain na!”

 

Napangiti ako.

 

Nakakakilig pala pag tinatawag ako ni Karina para kumain na. Ito na talaga ang pinapangarap kong domesticity. Charot.

 

Paglabas ko ng room, naka prepare na sa table yung plates and utensils namin pati na rin yung binili naming food for sharing. Nasa kitchen si Karina para kumuha ng baso for the both of us.

 

Nilingon niya ako, “You hungry na, mahal?”

 

Normal bang kinikilig pa rin kapag tinatawag na “mahal” kahit matagal na kayo ng jowa mo?

 

“Nagutom ako dun sa ginawa mo sa room.. Nakakabitin kasi, babe.” Panghihinayang kong sambit.

 

Lumapit siya at umupo na rin sa aming mini dining table, “We all have the time in the world naman, baby.”

 

Nginisian ko siya, “Starting tonight?”

 

Napa iling na lang si baby sa kahayukan ko, “Starting after we eat our dinner. Kaya kumain ka na.” She said pointedly.

 

Tawang tawa si Karina nang bilisan ko ang pag subo. Halos mabilaukan na ako sa ginagawa ko but can she blame me? Ang hot kaya nung ginawa niya kanina sa kwarto. Need ko ng sequel.

 

Natapos na kaming kumain, “Ako na mag huhugas tonight, baby. Upo ka na sa couch. Wait mo ko don.” I wiggled my eyebrows.

 

Karina only bit her lip, “Bilisan mo ha.. I can’t wait to have my dessert.”

 

Shet. Nakaka nginig.

 

Sabi na nga ba dapat nag disposable na lang kami.

 

 

 

 

Hindi pa rin ako makapaniwala that I finally moved in with Karina.

 

It's been a month and everything is going so smoothly. Grabe lang yung harmony naming dalawa together.  

 

Akala ko pa nga mag aadjust pa kami talaga at medyo maiilang sa isa't isa now that we're living under the same roof pero walang ganon na nangyari.

 

Sabi nila mas makikilala mo ang tao kapag nakasama mo na sa bahay and it sometimes ends up in a not so good way dahil lumalabas daw yung kulo.

 

But that's not the case sa amin ni Karina. Kung may mga napapansin man kami sa isa't isa na hindi namin gusto, sinasabi namin kaagad and we don't take offense from it.

 

Katulad ng pagiging burara niya minsan.

 

Yung tipong hindi niya paglalagay sa hamper ng mga maruruming damit. Yung maya't maya niya namimisplace yung remote. Yung hindi niya pag oorganize nang maayos sa hinugasan niyang plates and kitchenware.

 

I opened it up to her kaagad and she immediately asked kung paano niya maiimprove yung sarili to be a not-so-burara person.

 

In my case, pinagalitan niya ako sa madalas kong pag order from grab food kahit may mga stocks naman kami sa bahay. Sayang daw sa pera. She taught me about budgeting.

 

Nagsasaluhan din kami ng tasks like doing the dishes at pag gegeneral cleaning ng buong condo.

 

Isinuko na lang namin sa laundry shop sa baba ng building yung paglalaba dahil pareho kaming shunga sa task at tinatamad. Yung underwear lang namin yung kami ang naglalaba.

 

Natuto na rin si baby magluto kahit yung mga simple breakfast meals like bacon and eggs. Ako usually yung nag luluto sa amin ng mga bonggang dishes katulad ng caldereta at kare-kare. Taray. Nagpaturo kasi ako kay mommy.

 

At syempre, yung favorite part ko since we started living together — going grocery shopping!

 

Nandito kami ni Karina ngayon sa Merkado Supermarket sa UP Town since this is the nearest grocery store sa condo.

 

"Babe we don't need five datu puti soy sauce." Tumawa siya at kinuha yung iba para ibalik sa shelf. "Every two weeks tayo namimili, remember?"

 

I just pouted, "Eh baby nakakatuwa kasing mag stock ng marami. Nakita ko sa tiktok yung mga kakemehan na organizing pantry."

 

Hindi ako pinansin ni baby at dumerecho na sa noodle isle.

 

Hinakot ko agad yung original pancit canton at nilagay sa cart, "Oh, wag mo 'kong pigilan. Anim lang to."

 

Nag gag nang pabiro si Karina, "Why do you even like that flavor? Para kang si Yeji."

 

I turned to her, nanakit pa yung leeg ko sa bilis nang pagkakalingon. "Babe bakit mo naman naalala yung ex mo?"

 

Tinawanan lang ako ni baby, "Because you guys are weird. Get me the chili mansi, baby. And stop being jealous." Sabi niya when she noticed na nakabusangot pa rin ako.

 

Okay, hindi effective ang pag iinarte. Hmp.

 

"Anong gusto mong ketchup?" I asked her.

 

Tinignan niya yung choices, "I like tomato ketchup. Pero kuha ka rin ng banana, I know you like that."

 

Ngumiti ako nang patago.

 

It's those little things that she remembers about me.

 

Kumuha ako ng dalawang anchor butter because I know it's her favorite and she barely eats other brands of butter. Ang arte pero that's how she is.  

 

I noticed her subtle smile nang mapansin niya na nilagay ko yung butter sa cart.

 

It's those little things that I remember about her.

 

We went straight home pagkatapos namin mag grocery. Ako yung nag cover ng grocery expenses namin ngayon then si Karina naman yung magcocover ng next.

 

Nakasabay pa namin sa elevator si Jeno. Dito kasi nagcocondo si mokong. Ang alam ko kasi he landed a job sa university.

 

"Hi Winter.. Hi Karina.." Nahihiyang bati ng orgmate ko. He's still awkward sa amin dahil siguro dun sa nangyaring pagpapacute niya sa jowa ko before. Wala naman na yun samin ng girlfriend ko.

 

Ngumiti lang kami pabalik. He offered na tulungan kami sa mga bitbit namin dahil one floor above lang naman daw siya but we refused. Keri naman kasi.

 

"Is it just me or nakakapagod mag grocery shopping?" Sabi ni Karina. She plopped down sa sofa after namin mag ayos ng pinamili.

 

Sumenyas siya sa akin at pinapaupo ako sa tabi niya. Say no more, baby.

 

"Medyo. Or maybe we lack exercise na. Lagi lang tayong nandito sa condo eh." She cuddled me immediately. Inaamoy amoy pa niya yung leeg ko.

 

"Yeah. Pero sinusulit lang kasi natin 'cause we have classes na next next week." She replied. Binuksan niya yung TV at humiga kami sa sofa nang magkayakap.

 

Ang sarap sa feeling na umuuwi ako sa kanya.

 

Nilingon ko siya, "Tuloy ba yung pa despedida ni Haechan this Friday? Saan nga ulit siya pupunta?" Tanong ko. Hindi na ako masyadong natutuliro sa pag haplos haplos ni Karina ng legs ko kapag ganito yung position namin sa couch. Sanay na rin siguro ako.

 

"Sa Cebu, babe. Dun yata siya magwowork. Big time yung company kaya hindi niya natanggihan.. Although he still has to take the boards." Sagot niya, "He said you can invite your friends pala."

 

"Sige ask ko sila." Ang busy lang din kasi lately ng mga kaibigan ko lately.

 

Yung weekly catch ups namin ni Ryujin naging once every two weeks na. Si Ning naman ay hinahayaan ko lang munang maging busy with Win-Win dahil paalis na next week ang kanyang jowa.

 

Si Lia ay chill lang sa work pero good pay daw. Ang swerte ni bruha. Sana all.

 

Naalala ko bigla yung kwento ni Karina about her best friend, "Kamusta pala si Giselle? Nakausap mo na ulit?"

 

Parang nag isip muna siya before sumagot. "Babe.. I'm not sure about this ha so don't tell a soul because Gi is being so vague but.." She exhaled, "But I have this feeling she likes your friend."

 

Nagtaka ako. Sinong friend? "Si Hyunjin?"

 

"No! Si Lia." Maintrigang sabi ni Karina.

 

Literal na nagulat ako sa sinabi niya. Yung tipong nanlaki ang ilong at mata ko at lahat ng pwedeng manlaki sa akin ay nanlaki. Yung s ko na lang ang hindi.

 

"Ha?" Tumawa pa ako! Akala ko kasi jinojoke time ako ni baby.

 

Hinampas niya nang mahina yung hita ko, "I'm serious! Kapag nagkekwento si Gi she always says 'hypothetically speaking' and it's about her workmate daw but I know her. I can sense her."

 

Bumaling ako sa kanya, "Pano mo nasabi na si Lia? Seryoso ba talaga, baby? Diba straight siya?"

 

Nakakunot ang noo ni Karina, halatang confused din sa nangyayari. "She said something about liking someone unconsciously even before magustuhan yung someone na yun ng another friend.. basta something like that. Ang gulo."

 

Nag isip ako. So by analyzing that "hypothetical" statement, I'd say mas naunang nagustuhan ni Giselle si Lia pero she wasn't aware yet at that time. Mas nauna niyang nagustuhan si Lia before pa magustuhan ito ni Yuna?

 

Karina continued, "When I think about it.. She always mentioned how cute Lia was even before. Dun pa lang sa first time niya kayong mameet sa opening ng resto ni Tita."

 

Hinampas pa niya yung tiyan ko bigla, "And she couldn't stop mentioning how pretty your friend was nung kami na lang ang magkasama! I didn't think much of it kasi ganon naman si Gi when she compliments new friends."

 

Biglang pumasok sa isip ko yung chika niya nung nagkakalabuan yung mag ex, "Tas tanda mo babe galit na galit si Giselle kay Yuna nung nag break sila ni Lia."

 

She clicked her fingers, "Oo! I told you they almost fought right? Giselle was fuming that time. I thought of it as parang disappointed lang siya with our friend's actions." Natatawa ako. Para kaming nag uunfold ng conspiracy theory.

 

"Also, you mentioned nung nasa Mango Tree tayo that you saw Giselle with an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
127 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!