Chapter 13

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Maganda ang gising ko ngayong Tuesday morning dahil bukod sa nakapag set ako ng alarm nang tama, nakapaligo din ako. Ang sarap sa feeling na fresh akong papasok sa school.

 

Same kami ng time ng first class ni Karina kaya tinawagan na rin niya ako kahit pa nga nagising naman ako nang maaga. Sabi niya she just wanted to make sure na hindi ako male-late sa class ko.

 

10am pa yung first class so I took my time sa pag aayos ng sarili. Nakapag blush on at lip tint din ako na sobra kong ikinatuwa dahil mukha akong multong pinagsakluban ng langit at lupa kahapon. Chaka.

 

Halos full sched ako kapag Tuesdays and Thursdays at puro major subjects ang classes ko aside sa GE every 4-5:30pm. Yung pinaka break ko is yung one and a half hour vacant before ng FN 1. Medyo chill ako kapag Wednesdays and Friday kasi hanggang 4pm lang.

 

"Morning, 'my" Bati ko kay Mom na nasa kitchen at mukhang nagpeprepare ng breakfast, "Bakit wala ka pa sa resto?"

 

"Morning! Come. I cooked you breakfast." She turned happily sa akin at niyaya ako sa counter. Ang cute ni Mom with her apron on.

 

"They can manage without me naman and hindi pa lunch time. I wanted to prepare you your breakfast just like nung high school ka." Kiniss niya ang noo ko. Minsan sobra sobra ang pagbe-baby niya sa akin. Ang cute lang.

 

"Thanks, Ma. Pagbalot mo nga rin po ako ng sandwich. Wala akong lunch break today," I pouted. I have an hour to spare pa naman kaya okay lang na dito na ako mag breakfast sa bahay. Usually kasi dumadaan lang ako sa Mcdo or Starbucks.

 

"Sure. Should I prepare one for Karina too? Classmate mo ba siya?" She asked, she's become fond na rin doon sa isa.

 

I finished my meal na at tumayo para kuhanin yung sandwich na ginawa ni Mommy. "Hindi po, okay na yan isa." I replied.

 

I checked my Messenger first bago ko paandarin yung car.

 

Business Ad UPeepz

 

Ryujin: Sino ngang may BA 101 this 10am?

 

Winter: meee. nandyan ka na?

 

Chaeryeong: pang 1-2:30 kami ni minju. kaklase niyo yata si hyunjin sa 10am class ng 101

 

Ryujin: Hala parang gusto ko nang mag drop. Ayoko kasama si Hyunjin

 

Hyunjin: ?????? Eh di mag drop ka. 1pm din ako Chae

 

Winter: sabunutan na yan

 

Minju: Hahahahaha!

 

Chaeryeong: si minju laging sa messages lang ni winter nagrereact

 

Winter: alangan naman sa messages mo eh wala naman kwenta sinasabi mo

 

Ryujin: Ingay niyo. See you sa class, Win!

 

Medyo na traffic ako sa Quezon Ave pero kinaya naman ng time ko makarating sa room on time. Tamad na tamad kami ni Ryujin habang nagaantay sa prof namin na hindi naman dumating. May nagsabi lang sa class na sa Thursday na lang yung start ng classes at mag enroll yung mga hindi pa nakakapag enroll.

 

Nagpunta muna kami ni Ryujin sa canteen ng building ng college namin.

 

"May gusto ka ba?" Malumanay niyang tanong. Parang puyat na puyat lang si teh.

 

Nag isip ako kung anong masarap na drinks kapartner ng sandwich ko, kakainin ko na lang din to for breakfast ulit at maaga pa naman, "Parang gusto ko ng soymilk. Sige Vitasoy na lang." Inabot ko sa kanya yung pambayad at tumayo na siya papunta sa counter.

 

Kinuha ko yung phone ko from my pocket at tinext si Karina.

 

Me: wala nanaman akong class lol same lang pala sa LB dito sa diliman? yung first week chill lang

 

Karina: Yes. I guess they're letting everyone settle their enrollment muna. I have a class though pero outline lang ng course. Matatapos na rin. Katamad T_T

 

Me: haha okay lang yan. actually mas boring yung naka tambay lang kami ni ryujin sa canteen. diba mageenroll ka? samahan kita?

 

Sabi niya kasi kagabi mageenroll siya ng umaga after ng first class niya. Hindi na lang daw siya maglalunch if sobrang haba ng pila para hindi sayang ang oras.

 

Hala, sana pala pinagawan ko na siya ng sandwich kay Mommy kanina. Nawala sa isip ko.

 

Karina: Yes, after this I'm going to the OUR na kasama si Giselle. I've seen the line kanina, hindi pa masyadong mahaba.

 

Karina: Nooo it's okay, wag mo na akong samahan. Maiinip ka lang and you have another class ng 11:30 diba.

 

Me: pano ka maglalunch nan? gusto mo bilhan kita dito? i think they have spam sandwich. ano gusto mong drinks?

 

Nakabalik na si Ryujin at halatang nagtaka nang tumayo ako, "San ka pupunta?" tanong niya.

 

I didn't want to look rattled, "May bibilhin lang. Nagpapabili yung kikitain ko na friend later." I said nonchalantly

 

She didn't pry naman kaya dumerecho na ako sa counter. May mga rice meals din pero baka kasi mahirapan si Karina na kainin yon habang naka pila.

 

Karina: You're so sweet :* Fine you can buy me food pero wag ka nang magstay. I'm with Giselle naman. We're otw na sa OUR \(^_^)/

 

Karina: Egg sandwich is okay. Just water is fine po

 

Napatawa ako sa emoji niya. Ang cute! Pano niya naiisip yung mga ganon?

 

Me: okay okay. i'll buy you food na hahaha just use built in emojis on your iPhone like a normal human being!

 

Karina: Never ^_~

 

Binilhan ko na rin si Giselle at baka hindi pa rin siya kumakain. Grabe ang caring ko pala as a person.

 

I returned sa table namin ni Ryujin at mabilis ko lang inubos yung food na dala ko.

 

She looked at me quizzically, "Bakit ka nagmamadali? 11:30 pa naman next class natin."

 

"Ah, eh dadalhin ko pa to sa friend ko sa ano, sa OUR," I rambled.

 

Tumawa siya at pinat yung balikat ko, "Relax teh ako lang to. Go na. Meet ko muna yung friend ko rin. Sabay tayong pumasok mamaya ha. Nahihiya ako eh."

 

Kinuha ko na yung food at bag ko and I said bye to her.

 

Malapit lang naman yung parking kaya nakapag drive din agad ako papunta sa registrar. Andami na rin nagkalat na mga estudyante. Na-miss ko bigla yung UPLB.

 

Compared sa Diliman, mas maliit yung LB at mas madaling lakarin kaya okay lang sa akin dati na hindi ako mag kotse dahil madali lang naman puntahan from room to room unless magkakasunod talaga yung schedule. Sort of exercise na rin.

 

After ko makapag park sa OUR building, nagsend ako ng text kay Karina. Baka kasi nauna pa pala ako kaysa sa kanila.

 

Me: i'm here na. san kayo?

 

Karina: We just got here so sa may dulo kami ng line T___T

 

Me: sige i'll be right there

 

Naglakad na ako papasok ng building habang dala dala yung food nung dalawa. Nakasalubong ko pa si ate na nagpapatulong kahapon kay Minju na mag enlist sa FN 1. Payagan kaya siyang mag prerog nung prof mamaya? Sabi naman ni Minju mabait daw eh.

 

I spotted Karina with Giselle at mukhang tuwang tuwa silang dalawa sa pinapanood na video sa phone. Pampaalis boredom siguro. Parang mas mahaba pa nga ang pila ngayon kaysa sa kahapon eh.

 

I sneaked into their backs at ginulat ko sila, "Hoy!"

 

Umirit si Giselle nang pagka lakas lakas na naka pukaw ng atensyon ng ibang nakapila. Si Karina naman ay hinampas hampas ako dahil nabitawan niya yung phone niya. Buti hindi nabasag.

 

"Winter I swear!" Giselle yelled, nakita niyang nagtitinginan sa kanya yung ibang tao kaya hininaan ang boses. Napahagikgik ako na mas lalo pa niyang ikinainis. "Kat sabihan mo nga 'tong hilaw na jowa mo."

 

Karina's eyes widened, "Gigi! Shut it." She looked at me apologetically.

 

I shrugged, "Kailan kaya mahihinog?"

 

Tumawa si Giselle at si Karina naman ay kinurot ako sa gilid. Ang sakit ha! "Ouch! Joke lang.."

 

Parang nagkunwaring malungkot si Karina at nag pout, "Ay joke lang?"

 

Nakita kong paikot ikot ang mata ni Giselle dahil sa naririnig. Hindi ba siya nahihilo?

 

"You guys are so cringy. Bagay na bagay talaga kayo." She hit both our butts.

 

Nasasanay na kaming dalawa ni Karina sa ganitong usapan lalo na sa texts kaya dedma lang naman sa amin. I guess hinahayaan ko na lang din siya at paminsan minsan ay bumabanat din ako bilang isa akong competitive queen.

 

"Grabe lang yung pang aabuso niyo sakin! Dinalhan ko na nga kayo ng food." I showed them yung paper bag na dala dala ko. Giselle beamed, tamang tama raw dahil hindi pa siya kumakain.

 

I used to be intimidated sa kanya nung kinekwento siya sa akin ni Karina before. Parang ang taray kasi ni Giselle based sa mga kwento ng bestfriend niya. Tapos nung nakita ko siya sa restaurant, grabe lang yung "Queen B" aura that she exudes.  

 

I was wrong. She is intimidating at some point pero she's really easy to get along. Kahit sina Ning at Lia ay nagtatanong kung pwede namin makasama si Giselle at Karina sa next hang out namin, sobrang nag enjoy rin kasi sila nung huli kaming lumabas.

 

Sana hindi na sa bar dahil baka subuan lang ako nang subuan ni Karina ng sisig. Not that I'm complaining, though.

 

Karina gushed at nginitian ako, "You shouldn't have bothered but thanks."

 

Giselle turned to her bestfriend at tinaasan ito ng kilay, "What do you mean she shouldn't have bothered eh hindi ka nga magtigil kanina sa pagbanggit na dadalhan ka ng food ni Winter."

 

Karina looked flushed and she covered her face dahil sa kachismosahan ni Giselle. May pagka Marites na taglay din pala itong isa. Lahat yata ng sinabi ni Karina sa kanya ay nashare niya rin sa akin.

 

I looked at her and gave her a teasing smile, silently reassuring her that it's okay. She recovered na rin naman agad sa kaintrigerahan ng kanyang friend, "Go na, Winter. Baka ma late ka pa. See you sa FN 1 later?"

 

Both of them waved at me habang naglalakad ako palayo, a big smile plastered on my face.

 

 

 

 

Kasama ko si Ning at Lia ngayon sa Sunken Garden para magpalipas ng oras. Lahat kasi kami ay nagaantay ng 4pm for our last class. GE yung kay Ning while yung kay Lia ay major. Pareho pareho kaming maagang dinismiss ng classes namin kanina kaya tumambay muna kami.

 

Nag orientation lang din kasi doon sa 11:30am class ko na BA 141 kaya nakapag lunch pa ako kasama si Minju kanina na vacant din that time.

 

Niyaya niya ako dun sa ROC sa Bahay ng Alumni. Dala dala niya kasi today yung kanyang camera and she wanted to take photos daw at may gustong ipakita sa akin.

 

"Why did you bring your cam pala? Hindi ka ba nahihirapan dalhin? Pwede mo muna ilagay sa car ko then kunin mo na lang after ng FN 1 later." Offer ko sa kanya. Ang hassle kasing maghapon nakasukbit sa kanya yung camera.

 

Parang nagisip pa siya if she should take my offer. "No okay naman ako, it's not really that heavy. And uhm, I brought it kasi I wanted to show you these."

 

She the cam habang kumakain ng banoffee pie at pinalapit niya ako para makita ko nang maayos yung photos.

 

"Wow, these are really nice. I didn't know you took pictures other than food that night?"

 

Pinakita niya sakin yung photos na nacapture niya noong gabi ng opening day sa Bell'e Buono. They're not food photos but yung mga litrato ng customers while dining.

 

She captured yung stolen shots ng mga tao habang nakangiti or tumatawa sila. Meron naman parang sarap na sarap sa food. Ang gaganda! Parang pwedeng gawan ng ad.

 

She shyly smiled and tucked her hair behind her ear, "Thanks. I got bored when you left with your friends so I took some shots. And don't worry, I asked the customers permission naman."

 

I nodded repeatedly habang nagbobrowse ng pa rin ng photos, "These can be used sa pamphlets and other promotional stuff sa social media. I'll tell Mom about this. Okay lang ba?" I asked, looking hopeful na sana pumayag siya.

 

She nodded habang nagsisip ng coffee, "Of course. That's why pinakita ko rin sayo. I'll send you the files over the weekend?"

 

I gave her a thumbs up, "Yes! Thanks Minju. Kainin mo na yan, parang hirap na hirap kang ubusin dahil sa kadaldalan ko."

 

Sabay na kaming bumalik sa building ng college to go to our separate classes after that. At katulad ng ibang subjects ko kanina, orientation lang ulit about sa course outline ang naganap.

 

Worried na worried ako sa Math 2 pero halos puro financial stuff at basic accounting naman yung mga majors ko this sem. Nakakaloka. Sana kayanin ko ang hamon ng mga numbers.

 

"Winter, teh, may naisip ka nang audition piece sa audition ng Jammers?" Tanong ni Ning habang nagdudoodle sa notebook niya. Bakit puro 'Gorgeous Ning' ang sinusulat niya?

 

Lia chimed, "Oh, yeah. That's like 3 weeks away from now. May naisip na ba kayo? Marami rami kayong applicants. I think mga 15."

 

Kinabahan ako bigla. Ano naman magagawa ko dun sa ibang auditionees? Baka nga ako pa ang maging last sa li

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
130 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!