Chapter 10

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Buongiorno! Ciao! Je t'aime!

 

It's finally Wednesday! Opening day na ng Bell'e Buono. There will be a ribbon cutting ceremony later and my mom asked me to be part of it. Gusto niya raw nandon ako.

 

Kaya naman todo ang pagpapaganda ko today. Ayokong mag mukhang dugyot! Medyo wavy ang aking long hair curtesy of Ning. Si Lia naman ang nag volunteer to do my make up.

 

I'm wearing a cream and white dress suit at I matched it with my heels. Feel ko lang ako ang first lady of USA.

 

Grabe ang gondo ko lang?!

 

I wanted to look my best din kasi 'cause this is such an important day for my Mom and I know her, she will be flaunting me nonstop sa mga guests niya. Telling them my achievements, talents, and yung beauty ko na namana ko raw sa kanya.

 

Umuna na si Mommy sa resto just to oversee everything at walang nakakalimutan i-set up. She's very metikulosa kasi sa details.

 

The ceremony will be happening at 11am later and then after that, the resto will officially be open to the customers.

 

Marami na ang nagpareserve according to Mom. Tuloy tuloy daw ang phone calls na narereceive nung restaurant sa QC prior sa opening ng BGC branch.

 

May nag feature kasi sa amin sa isang article at agad naman itong kumalat sa social media. I think the title of the article was "Authenticity At Its Finest" or basta somewhere along those lines.

 

Aside kasi sa very classic looking ng interior design ng place, everything we serve is authentic na Italian food talaga. My mom and Minju's dad are working with an Italian Chef to make sure na pasok sa standards ng mga Italians yung food.

 

It wouldn't be authentic nga naman kasi kung mismong Italian ay hindi ito gusto.

 

Imagine, Italian resto pero matamis yung spaghetti.

 

Excited na akong makita how successful the opening will be as well as yung days after that.

 

I invited my friends din even yung batchmates ko sa Diliman but they told me na they'll visit kapag hindi na opening day. Marami kasi talagang magiging guests dahil unang araw ng resto at ayaw nilang makisiksik siguro.

 

My invited guests na pupunta mamayang dinner ay sina Lia, Ning, Minju, Karina, and her bestfriend Giselle. The others, I will invite na lang maybe this weekend.

 

"Winter, nagpapaganda ka ba talaga for the opening or para kay Karina yan?" Mapanlokong tanong ni Ning habang nagfa-final touches sa hair ko.

 

Hay nako.

 

Umubo pakunware si Lia at sumabat, "Or kay Minju." Kinindatan pa ako.

 

Naghagikhikan nanaman ang dalawang shunga. Free me from them, please!

 

Heto nanaman sila sa "WinRina" at "WinJu" agenda nila. Nagpustahan pa nga yata ang dalawang hitad kung sino daw ang pupukaw sa aking mata tonight.

 

Bakit ba sobrang invested sila sa love life ko. Palibahasa mga tigang din.

 

"Hoy mga shunga! Manahimik nga kayo. At wag na wag niyo akong aasarin mamaya sa harap nila ha. Umayos kayo for once." Pagbabanta ko, looking at them nang masama.

 

Hinampas ako ni Ning sa balikat, "Ano naman tingin mo samin teh? Hindi naman namin gagawin Tinder yung opening day. Nakakahiya sa Mom mo!"

 

"Yeah. We're just messing with you, sis. Alam naman natin na ako talaga ang gusto mo." Pinalipad niya yung buhok niya.

 

Tumawa ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

 

"Sorry Lia ha pero hindi kita type."

 

Parang na-iskandalo pa siya sa sinabi ko at hinigit ang buhok ko.

 

Kainis! Nagulo tuloy.

 

Hinampas siya ni Ning dahil sinisira daw nito ang masterpiece niya.

 

"I'm done!" Proud na sabi ni Ning habang nakatingin sa wavy hair ko.

 

Nag high five kami, "Okay pwede ka nang magtayo ng parlor."

 

Iniwan ko na muna sila sa kwarto to get themselves ready na rin. Hindi pa kasi sila nagbibihis. Bumaba ako sa kitchen to drink dahil kanina pa ako uhaw na uhaw.

 

Ayaw kasi akong pabababain ni Ning hangga't hindi raw siya tapos sa buhok ko. Wala raw siyang pakialam kung madehydrate ako. Napaka bwiset talaga.

 

I checked my phone to see if nagtext na si Mom pero text message ni Karina ang bumungad sa akin. Okay na siguro yung sim niya at nakapag text na ulit siya sa iMessage.

 

Karina: Have you received them na?

 

May dumating kanina sa bahay na bouquet of flowers galing kay Karina.

 

She sent it for my mom as a congratulatory present. Ayaw naman daw niyang magpaka FC at mismong sa restaurant ito ipadala kaya she asked me na ako na lang ang magbigay.

 

Ang bait niya lang. She hasn't even met my mom yet inisip niya na bilhan ito ng flowers.

 

Nagtaka naman ako dahil dalawang bouquets yung dumating.

 

Isang malaki na full of pink roses and then yung isa ay maliit lang tapos puro daffodils yata yun. Or daisy? Hindi ako sure. Hindi naman ako flower girl para malaman ang different types of flowers.

 

Me: hi karina! yes nareceive ko na. will give it to mom later hehe thank you. bakit pala dalawa yun? i think matutuwa naman na si mommy kahit isa lang

 

Karina: The white and yellow daffodils are for you actually :p

 

Napatigil ako bigla sa pag inom ng juice. Muntik pa akong masamid.

 

Ano raw?

 

What does she mean para sa akin? Bakit? Anong meron?

 

Ano nanaman ang trip nito ni Karina?

 

Teka lang!

 

Me: hala omg that's really nice pero para saan pala?

 

Karina: Those particular flowers have meaning kasi. You can find it sa note na naka attach. Uhm, I hope you don't find it weird, Winter.

 

Weird? Anong weird, Karina? I find it nakakakilig! Nakaka touch! Seryoso.

 

Wait lang. Para akong sasabog.

 

Medyo overwhelmed ako sa pa flowers ni Madam K. Never pa ako nabigyan ng daffodils sa buong buhay ko. Ni hindi ko nga alam ano talagang itsura nito until now.

 

Grabe naman palang bumawi itong si Karina. Feel ko tuloy ang special ko. Special asado.

 

Hindi naman niya kailangan gawin yun eh. Pero still, I appreciate her thoughtfulness. Pero I hope hindi na siya nafifeel bad over dun sa nangyari.

 

Ano kaya yung pwede kong ibigay sa kanya in return sa susunod?

 

Me: :((( nakakainis ka. na pluck mo ang heartstrings ko char. but seriously, thank you, karina. that's really nice and sweet of you

 

Kinuha ko yung bouquet na para sa akin at inamoy amoy ito. Grabe lang yung pagmamaganda ko.

 

Ang bango niya. Pero mas mabango si Karina.

 

Nakita ko yung sinasabi niyang note na naka attach dito.

 

"To new beginnings.

 

- K"

 

Yes po, opo. Ang ganda ganda ko nanaman po. Magtatampo nga ulit ako kay Karina baka next time sunflowers naman ang ibigay. Ay charot!

 

Hay, Karina naman eh. You are making it too hard for me na pigilan yung pagkakaroon ng crush ko for you.

 

Pag ikaw diyan naging crush ko ulit sige ka.

 

Karina: I'm glad you liked them <3 I'll see you later?

 

Me: i LOVED them po. see you

 

Nilagay ko sa flower vase yung daffodils at nilagay ko muna sa may living room. I'll bring it later na lang sa kwarto ko kapag wala na yung friends ko doon.

 

Katakot takot na pang aasar nanaman ang sasapitin ko kapag nalaman nila na binigyan ako ng bulaklak ni Karina.

 

At dahil sa sobrang pagka good mood ko, I brewed coffee for them at dinala ito sa kwarto. Sige na Ning at Lia, sabihin niyo, ano bang gusto niyong almusal. Ipagluluto ko kayo. Char

 

I returned to my room at parang naka ayos naman na yung dalawa. Pak na pak naman ang suot ni Ning akala mo magbaballroom si bakla.

 

"Ning paalala ko lang, kakain tayo doon at hindi magcha-chacha." Narinig kong tumawa si Lia. Kahit siguro siya ay nabonggahan sa suot ng friend namin.

 

Lia is wearing a simple dress lang and flat sandals. She still looks sophisticated, though.

 

Humarap si Ning sa akin at sinimangutan ako, "Wow, Winter. Eh ikaw nga parang magso-SONA eh."

 

Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi niya.

 

"Tsaka malay mo may biglang pumunta na Italian doon edi go sasayawan ko na." Nag shake pa ng hips si shunga.

 

"Paano kapag matandang Italian?" Tanong ni Lia. Nasasanay na rin talaga tong isa na to na makipag sabayan sa biruan namin ni Ning.

 

Ning blew a kiss at nag pamewang, "Yun ang gusto ko. Mabilis mamatay."

 

Walangya talaga itong si Ning.

 

We decided to leave na rin dahil almost 10am na at sa BGC pa ang punta namin.

 

Kinuha ko na yung flowers na bigay ni Karina sa Mommy ko at dinala ito sa likod ng car.

 

"Diba dalawa yan? Nasan na yung isa?" Tanong ni Ning habang sumasakay sa backseat. Lia will be seating sa harap.

 

Kapag talaga chismosa ka, lahat napapansin mo. Tignan mo si Ning. Pakialamera talaga. Kailangan ko tuloy mag isip ng alibi.

 

"Ah oo. Pinagsama ko na. Ano, I compiled na lang sa isang bouquet para hindi na mahirap dalahin." Sobrang walang kwenta ng inimbento kong istorya.

 

Ning and Lia looked like they weren't convinced pero hindi na rin naman sila nagtanong.

 

Nagpalit muna ako into my sneakers dahil ang hirap mag drive kapag naka heels. Ewan ko ba paano ito nagagawa ng iba.

 

We headed straight to BGC at buti na lang ay walang traffic. Wednesday pa lang din kasi at hindi naman rush hour so nakarating kami before 11am.

 

Grabe.

 

Ang daming nasa waiting area! Huhu nakaka proud.

 

Malapit na rin kasi mag start yung ribbon cutting.

 

My mom spotted us at agad akong pumunta sa harap ng restaurant to hug her. I said Hi to her staff and chefs.

 

Pinapunta ko muna si Lia and Ning sa loob para doon mag wait. Ayoko naman isama pa sila sa mga tao sa labas na nag aantay. I told them to go to Mom's mini office muna sa loob ng resto habang hindi pa ito officially open and they can transfer na lang sa table nila mamaya.

 

"Anak you look so good! Thank you for dressing up for the ceremony." My mom complimented me. Ako na to 'my eh.

 

Binigay ko sa kanya yung flowers from Karina.

 

"You didn't have to, Win. Ang dami nang flowers dito oh." Turo niya dun sa may gilid na table kung saan naka lagay yung gifts sa kanya.

 

"It's actually from my friend, Mom. She said congrats daw. Pupunta siya later so ipapakilala kita."

 

I think she wanted to ask more questions about this "friend" but mukhang ready na ang lahat for the ribbon cutting.

 

It looks like wala naman na kasing inaantay pa kaya nag start na rin ang ceremony.


Nagpakilala si mom as the owner and she gave her short but very meaningful speech. She thanked everyone who came din and she thanked all the staff and people behind sa success ng restaurant niya. Kahit sa mga Tita ko ay nagpasalamat siya even sa akin.

 

Parang gusto ko pang maiyak dahil sa sobrang pagka proud ko sa kanya.

 

Grabe si Mommy.

 

She established all this by herself. Nakapag branch out siya which is a very hard and risky thing to do pero she pulled through.

 

I couldn't ask for a better Mother.

 

After niya mag speech at pasalamatan lahat, nag pose kami with the ribbon still intact. The photographer asked us na mag  act na kunware we're about to cut the ribbon.

 

"Let us now cut the ribbon!" Sigaw ni Mommy.

 

I can hear everyone's applause sa paligid namin.

 

I took a candid photo of my mom looking happy and contented.

 

My Dad has no idea what he's missing out on.

 

The cust

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!