Chapter 47

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Ang gulat ko nang biglang pumasok si Minju sa apartment. Napapadalas ang hindi pagkatok nito ah. At mukhang galit si batchmate.

 

“Uuwi ka sa pinas? Hindi marunong magyaya, Winter?”

 

I looked up at her at itinigil muna saglit ang pag iimpake. “Biglaan lang kaya. Okay na ko this term eh. Bakit? Sama ka?”

 

Grabe, kung makapagtanong naman ako parang nagyayaya lang magpunta sa 7-11 sa may kanto namin dito.

 

Her eyes lit up a bit, “Parang gusto ko. Kailan flight mo? Mag check ako ng ticket. And til when?”

 

Ay! Spontaneous din pala itong si friend. Palibhasa wala na rin inaatupag at break na rin niya. Parang ang saya ngang may kasama pauwi.

 

“Bukas na! For sure mahal makukuha mong tix pero mayaman naman si head chef.” Tinignan ko yung details sa phone ko at binigay ito kay Minju.

 

Nagpatuloy muna ako sa pagaayos ng gamit. Konti lang naman ang dadalhin ko at halos 6 days lang ako sa pinas. Hindi ko kasi pwedeng isagad hanggang pasukan.

 

Mukhang nag-oonline booking si Minju. Focused na focused si teh. "And done!" Ang bilis naman. Iba rin talaga pag mapera. Ang mahal kaya ng last minute booking.

 

"Did you tell our friends na? Si Karina ba susundo sayo sa airport?" Napatigil ako bigla. She just looked at me weirdly.

 

I smiled reluctantly, "Uhm, wala pa akong sinasabihan.." Na guilty ako all of a sudden. Parang feeling ko kasi kailangan kong sabihin pero surprise na lang din siguro?

 

And honestly, hindi ko rin alam kung paano ko pa kakausapin si Karina since we're technically on a break at sabi ni Giselle all-nighter nga raw lately ang best friend niya. Sobrang busy.

 

"What? Why? Are you and Karina not okay..?" Maingat na tanong niya. I haven't really told anyone about what happened. And besides, wala rin akong time lately para ichika.

 

Natapos na rin ako finally sa pagiimpake. Umupo muna ako sa may tabi ni Minju, still thinking kung ioopen ko ba sa kanya yung nangyari.

 

"It's okay if you don't wanna tell me." She smiled, as if telling me na hindi naman siya mangingialam if ayokong mag open.

 

Umiling ako at nginitian siya pabalik. "It's okay. Hindi mo naman siguro ako ichichismis."

 

I started telling her about what happened. Simula nung naging busy kami both ni Karina at halos wala nang time sa isa't isa. Pati na rin yung nangyaring lashing out ko because of Yujin.

 

Nahihiya pa nga akong ikwento sa kanya ito at baka isipin ni Minju napaka isip bata ko for reacting that way.

 

"I don't know much about relationships ha but I think you guys handled it really well.. Having a break was a good call. Kaysa mas lumala pa tapos you'll end up having more fights.."

 

Tumango ako. Ito rin actually ang iniisip ko. Na kung dinedma lang namin ni Karina yung mga nangyayari, baka mas lumala pa ito.

 

"It's good na it turned out okay for you in the end at hindi mo naibagsak yung subject. Mahirap kasi talaga yun.." She scrunched her nose.

 

Oh diba, kahit si Minju nahirapan don. Ibig sabihin mahirap talaga! Tas sinabayan pa nung naging problema namin ni Karina. Buti na lang talaga hindi ako totally bumagsak.

 

I looked away from her, "Pero I still feel bad at nahihiya ako kay Karina gawa nung pagiging parang sobrang OA ko kay Yujin.. Baka inisip niya I don't trust her."

 

"Hey.. Okay lang yun. You were a bit fragile at that moment. And there's nothing wrong with feeling those emotions minsan. Tao ka lang din naman, Winter. I know Karina understands.."

 

Suddenly, I'm glad na sinabi ko ito kay Minju. I really needed those words right now. Alam ko kasing hindi lang niya ito sinasabi dahil friend niya ako.

 

She's someone who's very true to her words. "Thank you, Minju. That means a lot."

 

Okay rin pala na makarinig ng validations na ganito aside sa girlfriend ko. Alam ko naman kasing she always finds a way to understand me so for me to hear others' point of view about this is kind of comforting in some way.

 

"No need to thank me, Win. No matter the circumstances that you both face, alam ko naman na maoovercome niyo lagi." We gave each other a smile.

 

"Ang dami mo nang alam sa ganyan.. Pwede mong ma-apply kay Chaewon pag naging mag jowa kayo." Namula siya nang matindi at hinampas hampas ako.

 

Totoo naman kaya! Nahuhuli ko si Minju na pangiti ngiti kapag nagtetext yung isa. Kala niya di ko napapansin. Harot!

 

Tumayo na siya, di ako nililingon kahit tinatawag ko. "Bakit ka muna nag blush!"

 

"Wag kang tatabi sakin sa plane!" Padabog na sinara niya yung pinto. Natatawa ako. One of these days masisira na talaga yung door ko dahil sa kanya.

 

Namiss ko tuloy si Ning at Lia. Pati na rin si Ryujin. Naexcite ako bigla sa pag uwi ko kahit pa nga hindi ganon katagal.

 

Lia Tuhog Queen

 

Ning: Congrats @Lia and [hindi ko kilala]

 

Lia: Hahahaha don't be mad at Giselle na!

 

Ning: Pinalayas niya ako sa condo niya para makapag chukchak kayo hinding hindi ko siya mapapatawad

 

Lia: WELL DID YOU WANT TO WATCH?!

 

Winter: uy ano to

 

Ning: OMG

 

Lia: OMG

 

Ning: Teh namiss ka namin!!! Official na si Lia at si [hindi ko kilala]

 

Winter: extra maarte nanaman si ning porket nasa pinas ang jowa

 

Winter: congrats teh @Lia!!!

 

Ning: Hihi true. Ikaw na lang kulang dito. Miss ka na namin. Di ka ba makakauwi?
 

Sasabihin ko ba? Parang ang saya nilang isurprise. Balita ko rin kasi may get together sila tomorrow sa condo ni Giselle. Pupunta kaya si Karina?

 

Ugh. Ayoko naman siyang istorbohin porket may one week acad-free break ako. For sure napakarami pa rin niyang inaayos sa thesis at iba niyang subjects.

 

Lia: Oo nga, girl. We really miss you. Even your jowa has been MIA these days. Ang OA niyo sa acads!

 

Winter: syemps para mas mayaman kami kaysa sa inyo in the future

 

Waaaaah. Bumabalik ang kaba ko sa pag uwi. San kaya ako dederecho? Sa condo o sa bahay ni Mommy? Bahala na!

 

Buti pala at sasama si Minju sa pag uwi. At least may makakausap ako hence less overthinking. Shet.

 

Eenjoyin ko na lang din siguro yung maikling break dahil panigurado, bakbakan nanaman yung last two terms sa grad school. Ito raw kasi yung pinaka challenging. Sneak peek lang yung stress nung second term.

 

Pinas, handa ka na ba sa pagbabalik ko? Charot. Kinakabahan talaga ako for some reason. Huhu.

 

 

 

 

 

 

We landed at NAIA ng around 1pm.

 

Hindi naman masyadong nakakapagod yung flight since Minju and I had an ample amount of time to sleep last night.

 

Wala rin naging turbulence kaya safe ang CR sa NAIA from my vomit.

 

"I'm really hungry. Do you wanna head straight sa resto? I think nandon din Dad mo." Ang dami namin kasabay na naglalakad dito. Nabunggo pa nga nung lalake si Minju tapos hindi manlang nag sorry. Sarap sapakin.

 

She looked at me at parang nag isip muna. "Hmm. Sige pero I didn't tell anyone din na uuwi ako. You think our parents will get mad?"

 

"Pag nagalit sila bumalik tayo sa Korea." Kibit balikat kong sabi. For sure mas lamang yung tuwa nila pag nakita na kami.

 

Minju chuckled, "Baliw ka talaga. Let's go na. Ang bagal mong maglakad."

 

Napaka basher na talaga niya!

 

We took a cab at nag lowbatt ang phone ko kaya hindi makapag book ng grab. Hindi rin naman kasi ako nagbobother lately na mag charge ng power bank at dedma nga ako sa phone for the past weeks. Wala raw app si Minju at tinatamad mag download.

 

Teka, san kaya kami? QC or BGC? "San branch kaya sila?" Stressed na tanong ko. Jusko. Suddenly pinagsisisihan ko na pala na hindi ako nagsabi kay Mommy.

 

"What day is it?" Tanong ni Minju.

 

Hindi ko actually alam. Ang tagal kong nag isip kaya si manong driver na ang sumagot, "Thursday po, Ma'am."

 

"QC sila pag Thursdays." Confident na sabi ni Minju. Hiyang hiya naman ako at mas alam pa niya ang scheduling sa Bell'e Buono. Bigay ko na lang kaya sa kanya yung co-ownership?  

 

Binigay ko kay manong yung address nung resto at nag try umidlip pero hindi ko magawa. Ang tapang nung amoy ng taxi sukang suka na ako! Sobrang mahilohin ko pa man din sa byahe pag hindi ako ang nagdadrive.

 

Sunod sunod ang notifs ng phone ni Minju. Yung GC siguro namin. May get together nga pala sila mamaya.

 

Pinakita sakin ni Minju yung messages.

 

Happy T at G's

 

Giselle: What food do you guys like?

 

Yeji: lechon

 

Ning: cat food

 

Ryujin: paella

 

Giselle: Jollibee it is.

 

Giselle: @Katarina will you be able to come? Tama na muna kaka thesis.

 

Karina: Can't, all-nighter again. I'll try humabol

 

Lia: Aww no representative from WinRina nation

 

Natawa ako sa sinabi ni Lia. "Punta tayo gusto mo?" Bumaling ako kay Minju. Binalik ko na yung phone niya at medyo kumirot ang puso ko when I saw Karina's name. Char.

 

"I'm not yet sure. Baka hindi ako pakawalan nila Dad tonight. But I'll let you know." Sabagay, ito pala yung unang uwi niya since she got in sa SNU.

 

Imbis na ako ang makatulog sa byahe, si Minju yung unang bumagsak. Ginising ko siya saglit so she could use my neck pillow.

 

Nabaling ang attention ko sa necklace locket na bigay ni Karina. I opened it at bumungad ang cute na cute na mukha niya. Napangiti ako.

 

Sana kinakaya pa niya yung acads. Kahit naman sobrang talino nun, I know it gets too much for her sometimes din. Naging mabuti rin siguro na we're on a break para makapag focus muna siya sa sarili niya.

 

Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako. Nagising na lang kami ni Minju sa tawag ni manong driver. Jusko, akala ko pa nga eh na-kidnap kami nang maalimpungatan ako.

 

"Ready ka nang gulatin sila?"

 

I laughed in response, "Tara. Patay ako don kay mommy." Pumasok na kami sa loob. Nagulat pa nga yung ibang staff pero sabi namin wag silang maingay. Kinuha muna nila yung maleta naming dalawa para itabi.

 

Pumunta si Minju sa kitchen, ako naman ay dumerecho sa office ng nanay ko. I knocked, I heard a loud "come in". Nakakamiss yung boses ni mommy sa personal.

 

Dahan dahan akong pumasok, nakatingin pa rin si mom sa kanyang laptop at hindi pa ako napapansin. "What is i— Winter?"

 

I smiled unsurely, "Uhm, surprise?"

 

Tumayo agad siya at niyakap ako nang pagka higpit higpit. Inaamoy amoy pa ang buhok ko at yung suot kong jacket, "Am I dreaming? Bakit hindi ka nagsabi?!" Pagpapagalit niya.

 

Natatawa tawa ako na parang ewan, "Biglaan lang po. Tsaka I wanted to surprise you. Mukhang effective naman."

 

Hinampas niya ako nang mahina, "You're so annoying, anak. But I really missed you." Tumingin siya sa likod, "Who's with you pala? Is that Karina?"

 

I shook my head, "No, ma. Si Minju. Sinurprise din si head chef."

 

Natawa si mommy, for sure daw eh tuwang tuwa din ang daddy nito at halos araw araw nag rarant sa kitchen kung gaano na kamiss ang anak.

 

"Galing ka ba sa airport? Where's your girlfriend?" Hindi ako nakasagot agad at parang naeskandalo si mommy sa katahimikan ko, "Don't tell me you broke up?! What did you do?!"

 

My eyes widened, "What? No! Hindi kami maghihiwalay ni Karina noh!" Defensive kong sagot. Ang confident ko lang!

 

At teka, bat naman inisip agad ni mommy na ako agad ang may kasalanan kung nag break man kami?! Nakaka offend ha.

 

Nakahinga siya nang maluwag, "Oh good. You better not. But why didn't she pick you up?"

 

Umupo muna kami. I explained to her our situation sa ngayon, naikwento ko rin kay mommy na muntik na akong bumagsak sa isang subject. Hindi ko na masyadong dinetail out, alam ko naman na she gets the gist.

 

Ganon yun diba? Motherly instincts. Charot.

 

"I'm really proud of the both of you for prioritizing your studies and yourselves first." She gave me a pleased smile.

 

Mabilis niyang binura ang ngiti and she pointed at me, "Basta don't break her heart, anak! Patay ka sa akin."

 

Grabe naman! Buti pala at hindi nalaman ni mommy yung pagkalimot ko sa anniv namin ni Karina. Baka naibitin ako nito nang patiwarik.

 

Niyaya ko siya na kumain sa labas. Parang gusto ko kasi ng pinoy food dahil medyo namiss ko. Tinext rin namin si daddy na game na game naman nang malaman na nandito ako. Kunwareng nagtampo pa dahil hindi ako nagpasundo. Drama king talaga.

 

I said bye to Minju, sabi ko magsabi siya kapag sasama siya mamaya kina Giselle. Parang nakakapressure kasi kung mag isa lang akong eeksena don.

 

 

 

 

 

Hinatid ako ng parents sa condo ni Gi.

 

Gabi na rin kasi nang matapos kaming mag catch up with each other. Sabi ko kay mommy sa bahay na lang muna yung gamit ko at wala nga pala akong susi ng condo namin ni Karina.

 

Nagcheck ako ng GC para makalagap ng updates.

 

Happy T at G's

 

Ning: Otw na me

 

Lia: Ikaw na lang wala teh

 

Ning: Syempre grand entrance. Ako pinakamaganda eh

 

Yuna: Enjoy guys! Super busy atm lang. Huhu

 

Mukhang hindi lahat makakapunta tonight. Busy kasi sa work talaga yung iba. Balita ko last minute lang din si Ryujin at Yeji na nagsabi na makakasama sila.

 

Shet, kinakabahan ako. Kahit alam kong wala naman si Karina. Makakahabol kaya siya? Or nasa campus pa rin?

 

Umakyat na ako papunta sa floor ni Giselle. Dala dala ko yung mga pasalubong ko for them. Konti lang ito at puro beauty products.

 

Naririnig ko yung ingay sa loob. Malamang si Ning nanaman ang nagpapatugtog.

 

Kumatok ako. Hindi ako mapakali. Para akong natatae na hindi ko maintindihan. Sila lang naman to, bakit ba ako kinakabahan?!

 

Bumukas yung pinto, si Lia. May hawak na pera. Akala siguro grad food ako.

 

Kinusot pa ni shunga ang mata nang makita ako, "Winter?!" Pinatahimik ko agad siya. "Wag kang maingay."

 

Parang nagets naman ng very bright kong friend na gusto kong isurprise yung iba kaya she tried her best na itago ako sa likod niya.

 

"Guys may bisita!" Sigaw ni Lia.

 

Sumigaw pabalik si Ning from the kitchen, "Palabasin mo ayoko ng ibang tao!"

 

Nakita ako agad ni Ryujin nang lumabas siya galing sa banyo. Ano ba yan, failed! "Winter?!" Ang lakas ng boses ni gaga. Napatingin sakin lahat.

 

"Winter?!"

 

"Winter?!"

 

"Winter?!"

 

Okay medyo nakakarinding marining nang marinig yung pangalan ko nang paulit ulit. "Hehe surprise!"

 

Si Ning ang unang unang lumapit sa akin. Tinalunan ako ni gaga at niyakap ako nang mahigpit, "Teh miss na miss kita! Bakit ka nandito?!"

 

Hindi na ako makahinga sa yakap niya kaya humiwalay muna ako pero si Ryujin naman ang biglang nanghila sakin para maki hug din, "Bakit hindi ka nagsabi?!"

 

Nang maka recover na ang lahat sa sudden appearance ko, they started asking questions. Kesyo bakit ako umuwi. Bakit hindi alam ni Karina. Bakit ang onti ng pasalubong ko.

 

Bwiset talaga si Ning. Nang peste na agad.

 

"Biglaan lang, hindi ko rin inexpect. Kasama ko si Minju." Hinanap agad ni Yeji ang friend niya pero sabi ko nagpapahinga kasama ang family.

 

We all settled sa mahabang dining table. Ngayon ko lang ito nakita. Siguro nag upgrade na si Giselle bilang nagiging tambayan na ng barkada yung place niya.

 

I told them about SNU and my stay in Korea in general. Giselle spoke up after my little story, "Why didn't you tell Kat?" She sounds curious more than accusing.

 

Naka abang lang ang lahat sa sagot ko. Nagsalita ulit ang best friend ni Karina, "Are you gonna surprise her or is it about the break?"

 

Napatayo bigla sa kinauupuan si Ning, "Anong break?! Break na kayo?! Bakit hindi mo sinabi?"

 

Nag aalalang napatingin sakin yung iba naming kaibigan, "No! We just took a break dahil sa acads.. Yung breather, remember?" Sabi ko kay Ning.

 

Hindi ko na kinwento yung nangyari pero mukhang alam ni Giselle. Sa ibang pagkakataon ko na lang siguro ioopen kina Ning. Quota na ako sa pag recall ng naganap.

 

Basta ang sabi ko sa kanila, it's not a bad "break". More like gusto lang namin both mag focus ang isa't isa sa studies. Nadagdag ko rin na it was causing both of us stress na minsan nagreresult sa argument.

 

Hindi naman na sila nagtanong pa. "Wag nga kayong OA. Si Karina at Winter yan, magbebreak ang lahat pero hindi sila." Sabi ni Ryujin.

 

Tinignan siya ng masama ni Yeji, "So magbebreak tayo?"

 

Ning snorted. Mukhang natakot si Ryujin sa jowa kaya agad itong sumagot, "Hindi yun ang ibig kong sabihin babe!"

 

"Ah basta kami ni babi hindi magbebreak." Pakisabat ni Lia. Ano raw? Babi?

 

Namula si Giselle. Tawang tawa si Ning sa revelation ng call sign nung dalawa, "Babi?! Ang corny niyo pala talagang dalawa!"

 

Nagtawanan lang kami lahat sa table. Grabe, na-miss ko to. Although kulang kami, pero this will do for now. Sana nandito si Karina.

 

Lumapit sakin si Giselle after kumain, "Here's your key. Kat's at your condo. She texted me kanina."

 

I just gave her a nod, "Sige, uuwi na rin ako maya maya. Thanks, Gi.."

 

She looked at me na parang may gustong sabihin. I lifted a brow at her, "What?"

 

"She's really been stressed lately because of her studies. That break was a good call, Winter. Don't worry about it too much. Her love for you isn't gonna fade away." Paano niya nasesense yung isip ko? Siguro talagang si Madam Auring ito nung past life.

 

I appreciate her comforting me in some way. "I know.. Thank you ulit. And for being there for her habang wala ako."

 

Ang alam ko kasi, dito minsan nagsstay si Karina kay Giselle every time it gets too lonely sa condo naming dalawa.

 

"Guys beach tayo sa weekend!" Sigaw ni Ning na parang naka megaphone lagi.  

 

Umagree naman yung iba agad. "Parang ang saya nga. For Winter and Win-Win na rin." Sagot ni Ryujin.

 

Giselle shrugged, "I'm always g naman. Elyu, bet niyo?"

 

"Tara!" Lia chimed.

 

Sabi ni Giselle sila na raw mag jowa ang bahala sa accommodation. Then yung food, marami naman daw local restos don kaya we don't need to worry.

 

Gagamitin na lang siguro yung van nila Win-Win for transpo.

 

In fairness, nakakaexcite. Spontaneous trips are the best nga naman. Pero paano kaya si Karina? Diba sobrang dami niyang ginagawa sa grad school ngayon?

 

Humarap sakin si Giselle, "Tell Kat hahanap ako ng accoms na may wifi. She can bring her classmates din since all of them are working on their thesis."

 

Tumango lang ako. Hindi ko pa rin alam how I'll act with Karina pag nagkita na kami. Magagalit ba siya na hindi ko pinaalam yung pag uwi ko?

 

Nag stay pa ako nang kaunti. Buong gabing naka cling lang sa akin si Ning. Para siya koala na hindi maalis sa tabi ko. Pero okay lang, namiss ko rin talaga siya kahit hindi ako masyadong vocal about it.

 

Nagpaalam na ako ng mga bandang alas nwebe dahil pagod na rin ako at gustong umuwi. Mag update na lang daw ang everyone sa GC regarding the beach trip.

 

Bumalik yung kalabog ng dibdib ko nang makasakay na ako sa grab. Malapit lang yung condo namin kaya quick trip lang ito kaya wala ako masyadong time para mag stall.

 

"Salamat manong, keep the change po." Inabot ko sa kanya yung 500 at bumaba na. I looked up at the building, ang nostalgic.

 

Medyo binagalan kong maglakad. Nagreklamo pa yung tao sa likod ko at para raw akong naglalakad sa buwan. Edi mauna na siya?! Bwiset.

 

Nakarating na ako sa floor namin. Parang anytime mabubutas yung pinto sa pagtitig ko dito. Kinuha ko yung susi pero biglang bumukas yung pinto.

 

Si Tzuyu at yung ibang classmates ni Karina. Including Yujin. Nanlaki ang mata nila and I shushed them quickly.

 

"She's in the study room. Paalis na kami. Good luck!" Sabi ni Somi. They all waved at me except syempre kay Yujin na tumalikod na agad. Sarap itulak.

 

I entered the condo.

 

Gusto ko biglang maiyak. Namiss ko yung amoy nito. Yung couch namin. Yung pictures namin around the living area.

 

Nasa may ref pa rin yung recipes na ginawa ko for Karina. Nothing much has changed since the last time na nandito ako.

 

The door to the study room was left ajar, lumapit ako and I opened it. I think nakatulog si Karina habang nakapatong ang ulo sa may desk.

 

I tapped her back, "Karina.."

 

Umungot siya, "Mmh may deadline." Nag sleep talk ba siya? Ang cute. And at the same time it's worrying because she looks really tired and even in her sleep, acads ang nasa isip.

 

"Hey.. Dun ka sa bed.." I'm now brushing my thumb sa kanyang mukha. May pimple siya near her cheekbone.

 

Hinawakan niya yung kamay ko pero she's still sleeping. I intertwined our fingers, namiss ko siyang hawakan nang ganito. "Karina.." I called softly. Naluluha ako. Sobra ko siyang namiss.

 

No matter how many breaks we take, how far apart we are, she will always be the only one who can make me feel this way.

 

She slowly opened her eyes, confusion obvious sa kanyang mukha. "Winter? Baby?" Napangiti ako sa term of endearment.

 

Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya, "Yes. Si baby mo."

 

She finally recovered from her short sleep at nanlaki ang mata bigla. She sat up at hinakawan agad ang mukha ko, "You're.. you're here?"

 

I nodded in response, pinagmamasdan ko lang yung mukha niya na ang daming sleep marks. She looks exhausted but happy ngayon. Dahil ba sa akin?

 

"When did you get here? Why didn't you tell me?" Lumapit siya sa akin lalo, touching my face as if hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako. Hinahayaan ko lang siya.

 

We both don't really care if we're on a break right now, we wanna feel each other more than anything.

 

"I guess I wanted to surprise you. Tsaka ano, uhm, I wasn't sure how to approach you kasi diba.. we're on a break." Nahihiya kong sabi.

 

Kumunot ang noo niya then she hugged me, "You think too much. We're focusing on ourselves yes, but we won't act all awkward if that's what you're thinking. We didn't break up, Winter."

 

Hindi ko rin alam minsan sa sarili ko. Siguro dala na rin nung nangyaring argument namin. Pumasok pa sa overthinking self ko na baka dumating yung araw na magsawa si Karina o kaya masanay na siya na wala yung presence ko.

 

Tinayo niya kaming dalawa, I looked down at her lips. Okay lang bang halikan siya? Ugh, ito nanaman ako sa pag ooverthink ko.

 

"You can kiss me."

 

Hindi na ako nagdalawang isip pa. I cradled her face between my hands and angled my mouth over her. She pulled me closer and crashed our lips together.

 

Ramdam na ramdam ko yung pagka sabik namin sa isa't isa with our kiss. Hindi nag hold back si Karina at mas pinalalim pa yung halik namin

 

I let out a quiet moan when her tongue entered my mouth, sinalubong ko lang siya, earning a loud whimper from her.

 

Nag hiwalay kami saglit, parehong hinihingal. "Kumain ka na ba?" Natawa ako sa tanong niya. Dun talaga siya concerned after ng make out session namin?

 

I answered anyway, "Yeah.. Galing ako kina Giselle."

 

Binitawan niya ako bigla, "What?! So mas nauna pa nilang malaman na you're here? Sinong una mong sinabihan?" Lumabas siya ng room, padabog dabog.

 

Natawa ako, kahit pagod na pagod siya ang dami pa rin time magpabebe.

 

"Kinakabahan kasi ako kanina na magpakita sayo.. And I thought susunod ka kina Giselle. And busy ka rin naman sa acads kasama nila Tzuyu.." Pag eexplain ko although she still looks like she's not having it. Huhu.

 

Sinaway niya yung kamay ko when I tried to hold her, "Who did you tell first then?"

 

I bit my lip. Jusko po. Para akong nagpapaliwanag sa korte. "Si Minju.." Her face fell so I quickly explained, "Kasama ko rin kasi siyang umuwi kanina.."

 

She turned around at dumere derecho na sa kwarto. I stopped her by circling my arms around her waist, "Baby.." Ngayon ko na lang ulit siya natawag sa endearment namin.

 

"Wag ka nang mag tampo.. It doesn't matter kung sinong una kong sinabihan. Ikaw naman yung reason why I came home in the first place.."

 

Hinarap niya ulit ako, "How long are you staying?"

 

I smiled sadly, "Tuesday night yung flight ko pabalik."

 

She gave me a half-smile, "Ang bilis pala.."

 

"Biglaan lang din.. Di ko inexpect na magiging okay yung grade ko dun sa naibagsak kong exam.." Medyo natahimik kaming dalawa.

 

She cleared , "I'm glad it turned out okay in the end despite what happened."

 

Gusto ko pa sanang pag usapan yung nangyari and yung break namin pero parang pagod na kasi si Karina. I don't wanna keep her up. She needs to rest.

 

"You look really tired.. Gusto mo bang matulog na?"

 

She looks li

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
126 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!