Chapter 34

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Change is the only constant thing in the world.

 

Kakabasa ko lang kanina sa Facebook.

 

Shinare nung classmate ko nung elementary. Jejemon pa nga pagkatype niya.

 

Pero in all fairness, narealize ko na it’s a simple quote but it’s so powerful. Too powerful. Everything around me is changing.

 

Hiwalay na si Lia at Yuna.

 

Mag jowa na si Ningning at Win-Win.

 

Finally nagka aminan na ng feelings sina Ryujin at Yeji. "MU" na sila!

 

Isa pang “change” ang significant sa buhay ko ngayon is yung relationship ko with Karina.

 

Yung pagmamahal ko sa kanya.

 

Yes, nagbago. Nagbabago.

 

For the better.

 

I don’t know how it’s possible pero mas minamahal ko yung girlfriend ko day by day.

 

For the past six months that we’ve been together, mas nakikilala pa namin ang isa’t isa.

 

Kung paano kami kapag galit. Kapag naiinis. Kapag wala sa mood. Kapag gustong magpalambing. Kapag malungkot. Kapag masaya.

 

It’s not always rainbows and butterflies naman. There are petty but harmless fights.

 

I guess that's just how relationship works.

 

The important thing is we learn from each other. We learn from our mistakes.

 

Natuto na rin akong mag say no sa Jammers like what Karina has been telling me to do. Si jowa naman ay mas naging cautious na with how the way she handles tensions.

 

Before kasi, she tends to be snappy kapag naiinis or frustrated siyab kahit hindi naman siya sinasadya.

 

Now she takes her time to breathe first para walang mapag buntonan ng kanyang init ng ulo.

 

Siguro ganon nga talaga. Relationship works kapag willing kayong mag adjust at mag compromise sa isa't isa.

 

May isa pang change yung ikinakatuwa ko. Yung mga dating pinagtampuhan kasi namin, pinagtatawanan na lang namin ngayon.

 

Naalala ko pa yung isang fight namin. Last month. Hindi naman talaga siya away. It was a.. well, pagiinarte on my part.

 

I always refuse to call our small arguments "fights". More like.. having normal human emotions. Aka nag inarte ang either sa aming dalawa.

 

 

May regla ako.

 

At kapag may regla ako, talagang minsan, sobrang init ng ulo ko.

 

Katulad ngayon.

 

Nasaktuhan pa na magkasama kami ni Kairna and she won't stop gushing about doon sa naka pair niyang girl na exchange student from Japan sa isang subject.

 

"She's so cute! Hindi siya masyado marunong mag tagalog so I taught her some words. And hindi siya butaw. Ang galing niya sa coding!" Pagmamalaki niya.

 

Derecho lang ang tingin ko habang naglalakad kami papunta sa isang local Japanese food stall near the campus.

 

"Then in return tinuruan niya rin ako ng few Japanese terms! Isn't that cool?" Tumingin siya sakin, trying to get a reaction from me.

 

Nyenyenye.

 

"Babe?"

 

Parang may naalala pa siya ulit at biglang naexcite nanaman, "Ay baby! She also said na when I visit Japan, she can tour me around!"

 

I scowled, "Eh di pumunta ka na ngayon." Mahina kong sabi.

 

"Huh? Did you say something?"

 

Tinignan ko siya, wearing my poker face. "Sabi ko sana siya na lang niyaya mo sa Japanese resto ngayon. Para i-orient ka rin niya sa different kinds of Japanese food using her Japanese language bilang Japanese nga siya." Tuloy tuloy kong sabi.

 

Narinig ko yung subtle laugh niya. "That's so childish babe!"

 

I scoffed, "Whatever."

 

Hindi na niya napigilang tumawa nang malakas, "Are you jealous?"

 

"Psh. Ang galing niya sa coding. Hindi siya butaw." Panggagaya ko sa sinabi ng girlfriend ko kanina. Naglakad ako nang mas mabilis sa kanya.

 

Humahagikgik lang naman siya. Nakakainis!

 

Hinabol niya ako at pinag intertwine yung fingers namin. Hindi naman ako kumawala at hinayaan lang siya.

 

Derecho pa rin ang tingin ko at hindi siya pinapansin.

 

She whispered sa akin, "For the record, I told her I'd bring my girlfriend with me kapag nagpunta ako sa homeland niya."

 

Napatikom ang bibig ko at nagpipigil ng ngiti. Mukha tuloy akong tulig.

 

"You're on your period are you?" Tanong niya.

 

Napatingin ako sa likod ng shorts ko bigla, "May tagos ba?"

 

She chuckled, "Wala. You're just unnecessarily jealous when you have mens." Kibit balikat niyang sabi.

 

Tinignan ko siya nang masama, "Oo na!" Pagpapabebe ko.

 

Nanahimik lang ako when she said she'll treat me mochi ice cream.

 

Narinig mo yon, Japanese girl? Hindi ka naman tinitreat ni Karina ng mochi! Tse!

 

 

Half a year.

 

Sa almost everyday na nakikita at nakakasama ko siya, mas alam kong nasosolidify na sa sarili ko ang magstay dito sa UPD for grad school.

 

I’m not going to lie. I really did consider SNU. It's a prestigious school. Ang ganda ng business programs nila. Hiyang hiya naman ako sa University na yon kung hindi ko sila icoconsider diba. Char.

 

May application form na nga ako na na-fill outan.

 

Tama naman si Ning dati. Yung sinasabi niyang "one percent" daw.

 

In fact, naging tweny pa nga. Thirty. Forty. Fifty. Dala na rin ng pagsasabi ni Karina at ng mga tao sa paligid ko na sundin ko yung dreams ko.

 

Yung kung anong gusto ko. Yung kung saan ako sasaya in the long run.

 

But as time went by.. yung kagustuhan ko to na ituloy.. it decreased back to zero.

 

I’m not pursuing SNU.

 

And that’s final.

 

I’m letting go of a dream. A premature one, sa tingin ko.

 

And hindi ito dahil lang kay Karina.

 

Well, hindi ko rin naman itatanggi na a big chunk of my decision not to push through ay dahil sa girlfriend ko at sa kagustuhan kong hindi siya maiwan dito sa pinas.

 

And if I'm being completely honest, kung wala si Karina sa picture, hindi naman ako maghehesitate ituloy yung pag aaral ko sa SNU.

 

But she's here. And I don't want to dwell sa mga what ifs.

 

It’s also a decision I also made for myself. It made me happy — coming up with that realization.

 

Sabi naman nila kung saan daw ako sasaya, diba? Well, staying will make me happy. Because being close to Karina makes me happy.

 

It's as simple as that.

 

I’m closing that door of opportunity. Tapos na yung dilemma.

 

Parang ang bilis bilis lang kasi talagang magbago ng mga bagay. Two years yung ilalagi ko sa foreign country kung sakali mang matuloy ako.

 

A lot can happen. A lot can change. And I don't want to risk that.

 

Magiging okay pa rin naman ang future ko kahit mag settle ako with Diliman. Oo, wala dito yung gusto kong major, pero it's still a great school.

 

It wasn't really my first choice, but it's the choice I'm making now.

 

I realized that being with my girlfriend.. it’s something na hindi ko kailanman inexpect sa buhay ko. Finding her was a one in a million chance that I'm not willing to let go. 

 

Hindi ako aware na may ganito palang klase ng pagmamahal. Ang corny ko na yata. Simula nang maging kami ni Karina, wagas na yung chesiness ko sa katawan.

 

But what can I say nga ba? Wala eh. It’s the truth. Ibang klase yung love that we have for each other.

 

Sa dinami rami ng tao sa mundo, siguro less than one percent lang yung mahahanap mong someone na tama para sayo. Yung swak na swak.

 

Walang labis. Walang kulang.

 

Healthy.

 

Non-toxic.

 

Non-manipulative.

 

My relationship with Karina — it’s not perfect. Despite us being good for each other, may mga hindi maiiwasang misunderstandings.

 

Pero we always choose to work things out.

 

So ayun.

 

Those are the changes that happened sa akin lately.

 

Ano nga ba ng hindi nagbago?

 

Yung pag iinarte ni Ning. Lalo na ngayon na may jowa na siya!

 

Pero in fairness, I'm really happy for her. But at the same time, pareho kaming malungkot for Lia.

 

I hope everything works out with my friends at sa kanilang mga desisyon sa buhay.

 

Ako kasi decided na.

 

Yas! No more dilemmas sa ngayon.

 

Napag isipan ko na rin yung gagawin ko for thesis.

 

Magreresearch na lang ako.

 

And that’s final.

 

Gusto ko na lang sulitin yung mga natitirang sems ko as a college student sa Diliman without stressing myself kung tutuloy ba ako sa SNU.

 

Matatapos na ang Junior year namin. Research, thesis, and last two sems na lang before gumraduate.

 

Excited ako sa prospect na si Karina yung nasa tabi ko sa mga moments na yun.

 

Suddenly, it's much much easier to breathe.

 

 

 

 

"Winter, sinong thesis adviser kinuha mo?" Tanong ni Ryujin habang nagbobrowse ng mga old dissertations.

 

Kasama ko sila at Minju sa library ng College of Business. Wala kasi kaming prof sa subject namin at nagpapalipas ng oras for our next class.

 

"Si Miss Kang." Sagot ko.

 

Nandito kami ngayon para mag check ng mga lumang thesis ng students dati. Trying to look for inspiration lang and ideas.

 

"Ang daya! Siya yung gusto ko pero wala na raw slots. Ang dami kasing gustong makakuha sa kanya. Mabait kasi." Panghihinayang na sabi niya. Ang drama.

 

Minju butted in, "Yeah I tried din sa kanya. But I got Miss Bae instead. No complaints. She's very meticulous daw sa advisees niya."

 

"Alam niyo ba mag jowa daw yung dalawa." Pag blurt ng isa kong batchmate.

 

Itong si Ryujin may pagka chismosa rin talaga. Pati ba naman mga profs sa college alam niya ang ganap!

 

"Eh kayo ba ni Yeji kailan magiging mag jowa?" Pang aasar ni Minju. Napa hagikgik ako.

 

Nag shrug lang siya, "Di ko alam. Depende naman sa kanya."

 

"Bakit depende sa kanya?" I asked curiously.

 

"Eh diba sabi mo naman dati wag kong biglain.. gusto ko kasi ready na siya talaga para pumasok ulit sa isang relasyon."

 

Tumango lang ako, "Sabagay. And she eased up more nung hindi ka na masyadong demanding."

 

Hinampas niya ako, "Hindi kaya ako demanding!"

 

Narinig namin yung "ssshh!" nung magjowa sa may kabilang table.

 

Nag sorry lang sa kanila si Minju bilang napakabait niyang tao. Kung ako kasi hindi ako magsosorry! SIla nga landian nang landian hindi naman ito motel.

 

Napag usapan namin yung topic proposal na ipapasa namin sa sari sarili naming advisers before the sem ends.

 

Isang buwan na lang rin kasi ay summer break na.

 

Then after that senior year na.

 

"Nakahanap ka na ba ng company for internship?" Tinignan ko si Minju.

 

Nag pagupit siya last month. Short hair. In fairness, bagay sa kanya. Parang gusto ko rin tuloy magpa ikli ng buhok bilang summer naman.

 

She looked back and smiled, "Okay naman na. Nakapag send na ako ng application. Sa Bloomberg."

 

Uy, naimpress ako. Sikat na kompanya yon and I think jackpot si Minju pag nakuha siya. "That's a big company. Matutulungan ka of ever mag apply ka for SNU."

 

Ang taray. Wala nang bitterness on my part kapag sinasabi ko yung name ng school. Talagang nakapag let go na ako. Elsa, tabi. Ako na.

 

She nodded, "Yeah. Did you pass an application? I did last month. Paunang send lang to let them know I'm interested."

 

Ah, oo nga pala. Last month yung pwede mag pasa. Yun yung time na talagang pinag isipan ko nang mabuti at nag come up ako sa realization na wag na ituloy.

 

Dinelete ko yung application form sa laptop ko to make it official.

 

Tumingin sa akin si Ryujin na nagtataka, "Gusto mo rin pala doon?"

 

Umiling lang ako, "Before. Pero ngayon hindi na. Fixed na ako dito sa UPD."

 

"You should've still sent one. Para lang may options." Sagot ni Minju.

 

I scrunched my nose, "Hindi na. Baka mabago pa isip ko pag nakapasa." Pa joke kong sabi.

 

She just shrugged, "Sabagay.."

 

Bumalik na ulit kami sa usapan about research topics. Nagpatulong kami ni Ryujin kay Minju kung ano yung tingin niyang maganda sa list of choices namin.

 

Parang gusto ko mag lean sa research about small businesses. Tas may aspect ng sustainability.

 

Sabi ni Minju, that's a good topic daw pero medyo broad so I need to narrow it down a bit more.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
129 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!