Chapter 33

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Yung January parang two days lang.

 

Bakit nga ba ganon?

 

Mag iisang buwan na since mag start ang second sem.

 

Ano pa nga bang ibig sabihin non? First lecture exams nanaman. Ang masaklap nito, Feb Fair week pa next week.

 

Buti na lang may mga mababait na profs na nagsabi na after Fair na yung exams nila. Yung iba walang pakundangan.

 

Ang hirap naman mag puchu ngayong sem kasi puro majors na ang subjects ko pati na rin ng batchmates ko.

 

Compared last sem, mas parang seryoso kami ngayon. Nabawasan yung mga pag labas labas namin at pag iinom pag Friday or weekend.

 

Siguro dahil na rin sa nalalapit na pasahan ng thesis proposal.

 

Before the sem ends kasi, dapat meron na kaming napag decide-an na gagawin for thesis. Either research ba or internship.

 

Actually ito talaga ang pinaka dilemma ko ngayon.

 

Parang ang hirap naman kasing sabihin ko nanaman sa sarili ko na "next time ko na poproblemahin". Mas okay yata kung pag iisipan ko na talaga habang hindi pa ganon kalala yung acad works.

 

For sure kasi, before the sem ends, gahol nanaman sa exams at requirements.

 

"What are you thinking about? Natutulala ka, babe." Sabi ni Karina sa tabi ko.

 

Nandito kami ngayon sa ChoKiss kasama si Ryujin at Yeji.

 

Biglaan lang, though. Nagpang abot lang kami dito at minabuti na lang na mag share kami ng iisang table.

 

Umiling lang ako, "Wala. Iniisip ko lang kung magreresearch ako or intern."

 

Napatingin si Yeji, "Oh, yeah. Kailangan na nga palang mag decide by the end of the sem, right?"

 

"Oo. Kayo ba? Ano sa inyo?" Tanong ni Ryujin sa girlfriend ko at roommate niya.

 

"I'm doing research." Mabilis na sagot ni Karina.

 

"I have to do internship since I'm taking Civil Engineering." Yeji shrugged. Oo nga pala, Engineering siya so required yata yun.

 

"Ikaw ba?" Tanong ko kay batchmate. Parang last time undecided pa rin itong si bakla eh.

 

"Baka research na lang. At least pag ganon data gathering lang then okay na. Nakakatamad mag internship." Sagot niya.

 

Nakikita ko yung pag sulyap sulyap ni Yeji sa labi ng friend ko pag nagsasalita ito. Okay...

 

Karina turned to me, "I thought you wanted to do research din, babe?"

 

"Oo.. Pero parang kinoconsider ko na rin mag internship."

 

Sumabat bigla si Ryujin, "Ay diba magmamasters ka?" Tumango ako. "Hindi ba parang okay mag internship pag ganon? Pwedeng mag offer yung company ng full ride scholarship. Tsaka endorsements yata para mabilis kang matanggap sa grad school."

 

"That's cool. Ang dami palang perks. Kaya pala mag iinternship din si Minju." Comment ng ex ni Karina.

 

Mukhang hindi alam ni Yeji yung sa amin ni Minju. Akala ko sa kanya nag oopen yung batchmate ko pero parang hindi naman yata.

 

"Ah, really?" Curious na tanong ni Karina. Okay? Bakit siya interested bigla kay Minju?

 

Tumango lang si Yeji, "Yeah. She mentioned it to me. She's aiming to do internship sa isang Korean company or basta any kilalang company. I'm not really sure why."

 

"Ah baka gusto rin ng scholarship or endorsement." I shrugged.

 

Medyo nagiging seryoso na yung usapan at nakaka stress na kaya nag change topic na lang kami. Tinanong nila ako about sa upcoming UP Fair.

 

Tutugtog kasi ang Jammers.

 

At bilang isang magaling na member, kasali ako. Opening pa ng set.

 

Pati si Ning ay magpeperform. Di naman magpapahuli si gaga. At The Juans pa ang ka-duet. Taray!

 

"Kailan kayo tutugtog?" Tanong ni Ryujin.

 

Napapansin ko na naghahawakan sila ni Yeji ng kamay under the table. Hindi ko na lang pinansin. Kahit si Karina parang nahahalata yung kaharutan nung dalawa.

 

"Fourth day ng Fair. Thursday next week. One song lang naman ako."

 

Dumating na yung food namin. Vigan Longganisa with Egg lang naman yung samin dalawa ni Karina. Pasta dun sa dalawa naming friends.

 

Umikot ang mata ni Karina, "Yeah but ang OA ng practices niyo for one song."

 

Natawa ako. Bitter si baby kasi natanggihan ko yung pagyaya niya ng dinner date nung isang araw gawa ng practice. I know she doesn't mind though.

 

"We'll be watching, Winter. Thursday din si Ning?" Tanong ni Yeji. Nilagay ni Ryujin yung garlic bread niya sa plate ng kanyang roommie. Sweet.

 

Tumango ako, "Yup. Last set siya since The Juans yung makakasama niya."

 

"Anong we'll be watching sinasabi mo Yeji.. Di mo pa nga ako niyayaya formally." Pagpapabebe ni Ryujin. Jusko talaga! Dapat dito di tinotolerate ni Yeji eh. Ang arte.

 

Karina chuckled. Tinignan lang kasi ni Yeji ng masama yung friend ko. "Who said I'm referring to you?"

 

I snorted. Ay ay ay! Napahiya si batchie ko don.

 

Nagkamot lang ng ulo si Ryujin, "Okay.."

 

"Who are you referring to, then?" Karina asked. Nakisali sa asaran nung dalawa.

 

"You." Napatingin ako bigla kay Yeji. Baka gusto niyang sabunutan ko siya?!

 

Halatang natatawa siya sa itsura ko. Para siguro akong mangangain anytime.

 

Bumulong si Karina na natatawa pa, "Babe she's just kidding."

 

I pouted jokingly. Wala lang naman yun sakin.

 

"So sino nga?" Ungot ni Ryujin sa roommate niya.

 

Yeji just gave her a shy smile, "Who else.."

 

"Ako?" Giddy na sagot ng batchmate ko.

 

"Si Minju." Yeji blurted.

 

Tawang tawa lang kami sa pagdadabog ni Ryujin. Maloko rin pala itong si Yeji. Akmang aalis pa nga sa table si bruha. Hinila lang siya nung isa para pigilan.

 

Kumain na kami nang tahimik after that at parang naiingayan na samin yung nasa katabing table.

 

Naiingayan rin ako sa pag nguya niya pero hindi naman ako nag reklamo.

 

"You want dessert?" Karina asked. Tumango lang ako. She ordered two sets nung "Kiss Suite" para sa aming apat. Parang sort of cake samplers ito.

 

Paglabas namin sa resto, nagpaalam na kami dun sa roommates at dadaan pa raw sila sa apartment para kunin yung notes ni Ryujin.

 

Kunware na lang hindi namin napansin ni Karina yung pinky fingers nung dalawa na maghawak.

 

"May exams ka ba today, babe?" Tanong ko kay Karina. Pabalik na kami sa campus after ng lunch date namin with our friends.

 

"I had one kanina. Then another one mamayang 4pm. How about you?" Tumingin siya sakin.

 

"Meron din mamaya babe. Grabe pahirap na nang pahirap majors." Reklamo ko.

 

She held my hand na nasa gear shift, "You can do it. Last sem ang tataas ng grades mo."

 

Actually. Pareho kami ni Karina na tinapos ang sem last December with flying colors.

 

"Ikaw rin naman kaya. Nahiya yung isa kong dos sa puro uno mo." Pa-joke kong sabi.

 

Ngumisi lang siya, "Well, I took the final exams din naman kasi kahit hindi need." Pareho kaming natawa. "And grades will help a lot sa pagaapply for grad school." She added.

 

Naalala ko bigla na kailangan pa nga palang mag inquire sa Grad School ng UPD.

 

"Diba babe galing ka sa GS admin last time?" Tanong ko.

 

Karina nodded, "Yes, baby. Why?"

 

Tinanong ko kay Karina yung about sa pagpapasa ng application. Kung okay lang bang mag apply nang maaga.

 

"Yeah, I think so. If okay naman grades mo.. I think ihahabol na lang yung grades for senior year if ever. They said mas okay din na nagaapply nang maaga if itutuloy mo naman to graduate school after makagradute ng college." She explained.

 

Napa isip tuloy ako.

 

Sa totoo lang, last week, nagbasa basa ako ng MBA programs ng Diliman. Okay naman. Syempre, UP DIliman pa rin naman yun.

 

Out of curiosity, chineck ko na lang din yung sa SNU. Wala naman sigurong masamang ma curious.

 

As expected, sobrang complex ng School of Business nila sa SNU. Nandon din yung gusto kong major talaga. Ang daming magagandang programs.

 

"Ohh, okay. Mag inquire na din ako after siguro ng sem.." Tumango tango ako. Malapit na kami sa building ni Karina.

 

Natahimik siya bigla.

 

She spoke up nang makapag park na kami, "Baby.. Magpasa ka rin sa SNU ng application if you like. Wala naman mawawala."

 

Napa isip ako bigla. Pwede ko naman ngang gawin yon.

 

Kaya lang, pag ginawa ko kasi yon, mas malilito pa ako sa choices ko. Ayoko ng ganon. Wala rin naman use kung hindi ko naman ipupursue.

 

I shook my head, "Hindi na, babe. Sayang lang effort. Dito na lang sa Diliman talaga. Tsaka mas may chance dito given na galing ako sa mismong college of business."

 

Tinignan niya ako at parang may gusto pang sabihin pero hindi na rin naman siya nagsalita pa. Nag "okay" na lang at bumaba na kami sa sasakyan.

 

Nag CR muna kami bago siya pumasok. May babae pa sa banyo na nakakilala yata sakin. Kinausap ako habang umiihi si Karina. Parang familiar siya.

 

"Winter? Remember me?" Tanong niya.

 

Nanliit ang mata ko na parang kinikilatis yung mukha niya. Mukha siguro akong tanga.

 

Ay! Naalala ko na.

 

"Miyeon, right?"

 

Parang na excite pa siya dahil naalala ko yung name niya, "Yes! Yung member ng Winterifics. Although parang deleted na yung group.."

 

Natawa ako. Oo, Miyeon, deleted na yon ng jowa ko.

 

Lumabas na si Karina sa cubicle at tinaasan lang ako ng kilay. Dumerecho siya sa sink to wash her hands.

 

"Tutugtog kayo next week diba? Don't worry.. manonood ako." She bit her lip. Napapatingin na lang ako kay Karina na parang nagdadabog.

 

"Ah sige.." Sabi ko. Nginitian lang ako ni Miyeon at pumunta rin sa may sink. Parang magaayos ng make up niya.

 

Lumapit si Karina sakin. Yayayain ko na sana siyang lumabas pero hinila niya yung mukha ko, "Wish me luck for my exam."

 

Wala na akong nagawa but to kiss her. Akala ko pa peck lang ang hinihingi ni baby pero lumalim yung halik niya. Tumugon lang naman ako.

 

Naghiwalay lang kami when Miyeon cleared , "Uhh.. Bye, Winter."

 

Karina only scoffed. Ngumiti siya sakin at niyaya na rin ako papalabas ng banyo.

 

Jusko ang baby ko!

 

 

 

 

Buong araw ako may klase ngayong Friday.

 

Sawang sawa na ako sa mukha ng mga batchmates ko! Halos lahat kasi ng subjects ko ay kaklase ko sila.

 

Pero kaming dalawa ni Minju yung magkaklase talaga sa lahat. Literal.

 

Buti na lang nawala naman na yung pagka ilang niya sa akin kahit papano. Or ewan. Baka napipilitan lang siya since wala naman siyang choice at araw araw kami nagkikita sa classes.

 

Still, I'm happy na sumasama sama na ulit siya saming magbabatchmates.

 

Katulad last sem, siya ulit ang taga tutor namin sa Finance.

 

Oo, may Finance nanaman kami. Finance II.

 

Bakit may pa sequel?!

 

Nandito kami ngayon sa Library para mag aral for our First Lecture exam next week. Sa Tuesday na kasi ito. Walang patawad yung Prof at talagang sinabay sa UP Fair.

 

"Okay na tayo sa liquidation?" Tanong ni Minju. Hindi na maipinta ang mukha ni Chaeryeong.

 

Shuta si Ryujin, naghihilik na. Sinampal ko nang mahina yung mukha niya, "Huy teh gising."

 

Naalimpungatan naman agad si gaga.

 

"Okay na, Minju. Thanks ulit ha." Sabi ko.

 

"May pa notes ka ba ulit?" Hopeful na tanong nung boys. Mga asado lang din sa notes ni Minju.

 

Tumawa lang naman si tutor, "Pwede natin ipa-photocopy. Samahan niyo na lang ako mamaya sa may labas."

 

Nag ayos na kami ng mga gamit para makapagpa photocopy na ng notes. Naiwan kami ni Minju at Ryujin na naglalakad sa likod.

 

Isang katerbang libro kasi ang dala ni ateng. Tinulungan na namin siya.

 

"May assignment ka na sa 160?" Tanong ni Minju sakin.

 

Isa pa yang 160 na yan. Business Law. Magkaklase kami ni Minju don at yung iba naming batchmates, ibang section ang nakuha.

 

Malas kami kasi medyo terror ang prof. Yung kina Ryujin ay chill lang daw.

 

Gusto ko naman yung subject at kaya kong mag excel dito kaya lang sabay sabay kasi this week.

 

On top of that, may practice pa yung Jammers halos every night. Ngayong gabi lang ako nakapag paalam at sabi ko mag aaral ako.

 

"Kailan nga ulit deadline nun?" Napahawak na lang ako sa batok. Ngayon pa lang nasstress na ako sa mga need ipasa. Nalilimutan ko na nga yung iba, eh.

 

She laughed, "Later at 11:59pm" Nanlaki ang mata ko.

 

Ano raw?

 

Wala akong kaalam alam!

 

Napansin niya siguro yung gulat at pagka stress ko.

 

"You can just copy mine. I don't mind. Pinahiram mo naman ako ng notes sa 152 last time." She offered.

 

Hindi na ako nahiya pa, "Sige!"

 

"Wow teh. Sana naman nagpakipot ka muna." Natatawang sabi ni Ryujin.

 

Hinampas ko siya, "Ngayon lang naman kaya!"

 

Naglakad na kami papunta sa labas. Hindi sila kasya lahat sa kotse kaya sumama na lang din ako sa paglalakad.

 

Malapit nang mag 8pm. Nagugutom na ako.

 

Mayaya kaya si Karina?

 

Tinext ko kaagad siya. Late na. Sana wala siyang ginagawa.

 

Me: babe studying ka?

 

Karina: Yes :(

 

Me: uki huhu yayain sana kitang mag dinner

 

Karina: Can't tonight, baby. Daming formulas >.< Pauwi na kayo?

 

Me: yes po magpapa photocopy lang ng notes ni minju. i'm hungry na

 

Karina: Go eat something with them. I told you wag kang mag skip ng meals

 

Me: hehe you're my favorite meal babe

 

Karina: My god hahaha go na!

 

"Guys gusto niyong mag dinner?" Yaya ko sa kanila.

 

"Sa resto niyo?" Excited na tanong ni Hyunjin.

 

Tinawanan lang siya ni Chae, "Shunga malamang hinde!"

 

"Parang gusto ko ng siomai.." Banggit ni Minju.

 

"May siomai sa resto nila Winter?" Tanong ni Chenle.

 

Sana kayanin nila. Epekto talaga ito ng Finance sequel na yan eh.

 

Nag crave ako bigla ng siomai rice.

 

Umagree naman lahat at pagkatapos namin magpa photocopy, naghanap kami agad ng bukas na siomayan.

 

Ang sarap dun sa napuntahan! At ang mura.

 

Siomai na maraming garlic at chili oil.

 

Walang wala yung Bell'e Buono ni Mommy. Charot!

 

Co-owner na pala ako non. Heh.

 

Umuwi na yung boys sa dorm nila. Si Win-Win daw ay pupuntahan si Ning na nagpapractice ngayon sa may auditorium.

 

Susunduin daw niya.

 

Mukhang totoong nagkakamabutihan na talaga sila.

 

Kaya naman pala putok na putok ang blush on at lipstick ni bruha palagi.

 

Kami lang girls ang naiwan at nag volunteer na lang ako na ihatid sila. Malapit lang naman yung apartment ni Ryujin kaya nauna siyang bumaba.

 

Next naman si Chae na malapit lang din yung tinutuluyan niya kina Ryujin.

 

Kami na lang ni Minju ang natira sa sasakyan.

 

"San pala kita pwede ibaba?" I asked. Nakikipag gitgitan ako sa daan.

 

Nag flinch si Minju nang biglang may tumawid. Muntik ko pang madali.

 

"Kahit sa may McDo na lang, mag grab na lang ako."

 

Napakunot ang noo ko, "Sure ka?"

 

She gave me a nod.

 

Okay na lang ako. Alangan naman mag insist ako na ihatid pa siya sa kanila. Parang ayaw niya rin kasi.

 

Yung sa samin ni Minju.. parang wala lang nangyari bigla.

 

For a whole month parang umiiwas pa rin siya sa akin at nitong February na lang ulit kami nagkakasama talaga.

 

Siguro naka "move on" na siya dun sa pagkakaron niya ng liking sa akin. Sana.

 

May one time pa nga na tinanong ko si Karina if it makes her uncomfortable na kaklase ko si Minju sa lahat ng subjects at lagi ko ito nakakasama.

 

Sabi naman ni Karina it can't be helped and as long as hindi naman daw ako pinopormahan nung isa, wala naman problema.

 

I guess over na rin si baby sa pagseselos niya kay Minju.

 

Although I don't think magiging parang magiging friendly talaga siya with my batchmate katulad ng pagiging friendly ko with Yeji.

 

Medyo traffic kaya I made a small talk na rin with Minju, "San mo pala balak mag Master's?"

 

Tumingin siya sa akin nang bahagya, "Uhm.. I'm planning to try sana SNU. Their Business School is amazing.."

 

Napatingin ako bigla sa kanya. Sumakit pa yung leeg ko at nabigla yata. "T—Talaga?"

 

Tu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
129 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!