Chapter 14

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

It's been a week since Karina and I agreed to explore the possibilities of being more than friends.

 

Sobrang hindi ko talaga inexpect na aabot kami kaagad sa ganong level. Hindi ko kinaya! Masyado bang mabilis? Kapag iniisip ko kasi, parang okay lang naman din. Almost 4 months na kaming magkakilala. Tsaka dati pa rin naman talaga, gusto ko na siya.. Kinikilig ako kapag naiisip ko.

 

And it's not like kami kaagad. I think we're.. dating? Tama ba yung term? Ah basta! Ang mahalaga we know each other's intentions. Siguro nandon kami sa getting-to-know-each-other-as-a-possible-jowa phase.

 

It actually saved us both time para manghula lagi kung may meaning ba yung pagfiflirt namin sa isa't isa. I even thought na baka may tendencies si Karina to send mixed signals kaya niya ginagawa yon. Inisip ko rin na baka paasa lang siya.

 

Thankfully, she proved me wrong. Naguilty ako bigla na pinag isipan ko siya ng ganon.

 

Grabe siya. Sobrang smooth lang nung naging paguusap namin sa resto that night. Walang any any, nagka aminan agad. Ang sarap lang sa feeling na wala sa aming bokabularyo ang pagiging pakipot. Naging confident din akong umamin 'cause she made it feel easy.

 

I'm also glad na si Karina na yung nauna sa aming dalawa na mag acknowledge ng feelings. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya matatanong kung ano ba talaga ang pakay niya sakin. Baka kung sa akin kami nag depende, mga next year ko pa masabi.

 

Buti na lang pala nalaman ni Yeji yung sa FN 1 at nagtry siyang mag enlist sa subject. Yung aminan namin, it wouldn't have led to that kung hindi niya inopen sa akin ni Karina yung nangyari sa kanila nung ex niya.

 

Pasalamatan ko kaya si Minju sa pag push niya na mag open ulit ng another section dun sa subject?

 

Thank you sa pag asikaso ng FN 1, Minju. Kung hindi dahil sayo hindi magpeprerog si Yeji. Kung hindi siya nag preorg eh di sana hindi sila magkikita ni Karina. Hindi sana na open ni Karina sa akin yung about sa kanilang dalawa. Tapos hindi sana siya aamin kung hindi yun nangyari.

 

Ang weird naman kung sasabihin ko yan sa kanya. Ano namang pakialam niya? Baka mamaya masampal lang niya ako ng camera. Kung ano ano na lang naiisip ko. Kaloka.

 

Sobrang naappreciate ko na Karina trusted me para sabihin sa akin yung nangyari sa kanila ng ex-partner niya. Medyo naawa ako sa ginawa sa kanya nung isa pero hindi ko ito pinakita kasi I didn't want her to feel na I pity her.

 

I don't.

 

Instead, I pity Yeji. Paano niya yun nagawa kay Karina? Sa kwento kasi niya sakin, parang siya lang talaga yung invested sa relationship nilang dalawa at si Yeji ay puro na lang stress ang binibigay sa kanya. Lagi rin silang nagbebreak.

 

Tapos ngayon parang hahabol habol siya sa baby ko. Pwe! Ako na kaya ang gusto ni Karina. Wag na siyang umepal. Buti nga sa kanya at hindi siya natanggap sa FN 1.

 

Tapos kung makapag request sya kay Karina na magusap sila, parang siya pa yung na agrabyado. Kairita lang.

 

Kilig na kilig ako nung sinabi ni Karina sa akin na hindi niya hahayaan na may umepal sa aming dalawa. I know she once broke my trust, pero confident ako this time na she meant what she said. I saw the look of determination and willingness sa kanya when she said that.

 

"Winter.. Winter!" Narinig kong sigaw ni Karina. Ang sakit sa tenga ha!

 

I turned to her, "Hmm?" Inayos ko yung yung collar ng damit niya, nagusot yata gawa ng seatbelt kanina.

 

Nandito kami ngayon sa Mcdo sa may Katipunan Ave. Tapos na ang aming classes at nag crave kasi bigla si Karina ng oreo mcflurry at cheeseburger daw. Parang gusto ko rin kasi ng shake shake fries.

 

"I asked kung gusto mong i-order kita ng nuggets pero hindi ka sumasagot. Bakit ka natutulala?" she asked habang kumakain ng ice cream niya.

 

Wow. Character development. Nasasabi ko na yung word na "ice cream" without hurting. Charot!

 

Napa isip ako bigla kung gusto ko nga ba ng nuggets. Nabusog na kasi ako sa mga titig kanina sa akin ni Karina habang nagdadrive ako eh. Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. Mapapa doodle ako nang wala sa oras ng "Gorgeous Winter" neto.

 

"No okay lang, busog ako." I chuckled at nagsorry sa pagde-day dream ko, "Uhm.. hindi pa rin kasi ako makapaniwala na.. na ano.." Tumawa ako na parang timang. Jusko! Bakit ba ako nagustuhan nito ni Karina. May pagka weirdo din to eh.

 

She laughed at umiling iling, "What is it?"

 

Nag iwas ako ng tingin sa kanya, "Na gusto mo ako.."

 

She flicked my forehead, "You're so silly. We've been going out for a week na bakit ngayon ka nagiinarte diyan."

 

I sighed at bumaling ulit sa direction niya, unable to look her straight in the eyes, "Yun na nga. Parang ang unreal lang."

 

She lifted my chin para so I could look at her, "Well it is. Kaya wag ka nang magdrama." She laughed at kumagat na ulit sa burger niya. Sinubuan niya pa ako. Aaaaahh! Kilig talaga.

 

"Buti na lang talaga may Tinder." Mahina kong bulong.

 

"Huh? Anong sabi mo?" nakakunot ang noo niya, nagtataka siguro kung anong pinagsasasabi ko under my breath.

 

I sipped my iced coffee, "Wala. Sabi ko buti na lang hindi ka catfisher."

 

Her eyes widened, "Of course not!"

 

I scolded her at parang napapalakas na ang boses niya. We both laughed, I told her na ubusin na ang burger niya. Ang dami niyang chika kaya hindi maubos ubos ang kinakain.

 

Before kami tumayo, naalala ko na may gusto nga pala akong itanong sa kanya. It's been bothering me kasi at ayoko naman itong sarilihin. Gusto ko alam niya yung thoughts ko.

 

"Uhm, Karina?" I looked at her with my soft gaze.

 

She turned sa akin while nagpupunas ng tissue sa bibig, "Hmm? Why?"

 

Nahihiya akong nag iwas ng tingin sa kanya, "Do you.. do you think mabilis yung nangyari sa atin?"

 

"Yung confession?" She asked.

 

I nodded, "Yeah."

 

She bit her lower lip at parang nagisip, "Honestly? I don't think mabilis. We've known each other for a while na rin naman and uhm.." Parang nahiya siya sa susunod na sasabihin niya.

 

"I think gusto na kita dati pa, I just wasn't aware siguro. Like, come on. You're really pretty and so adorable. I really like talking to you and you always make me laugh." She shrugged.

 

"Why? Is it bothering you? Namadali ba kita?" She continued, worry evident on her face.

 

Sumagot ako kaagad, "No! I mean, yes it was bothering me but not for the reason na namadali ako or something. It's more like," I paused, "it's more like iniisip ko na baka napilitan kang iopen yung feelings mo sa akin dahil naikwento mo yung sa inyo ng ex-girlfriend mo."

 

She smiled at hinawakan ang kamay ko on my lap, "Hey," she fiddled with my fingers, "It wasn't like that, okay? I like you, Winter. It felt like the right moment to tell you about what I feel."

 

Okay. Ayos na ako. Yung assurance lang pala talaga ni Karina ang kailangan ko para mapanatag ang loob.

 

Kinikilig akong napayuko at tinignan yung kamay namin, "Okay."

 

She chuckled and intertwined her left hand with my right, "Okay? Are you good na? And besides, we're not rushing. We still have got a lot to learn with each other."

 

"I'm good na," I brushed her hand with my thumb, "No rush."

 

I like this. I like na we're in line with each other's thoughts and feelings. Sobrang naeexcite ako with what's about to come para sa aming dalawa ni Karina.

 

Napatingin kami sa isa't isa when Someone You Loved by Lewis Capaldi played sa speakers ng Mcdo.

 

 

I need somebody to heal


Somebody to know


Somebody to have


Somebody to hold

 

It's easy to say but it's never the same


I guess I kinda liked the way you numbed all the pain

 

 

"Remember when we used to be obsessed sa song na yan? You even tagged me sa facebook," pagreremenisce ko. Ang bilis ng oras, parang kailan lang nangyari yun. Tanda ko lahat ng sasabihin ko nun kay Karina sa texts ay inooverthink ko.

 

She giggled, "Yeah. You even edited your reply doon sa tag ko," tinignan niya ako na parang nang aasar.

 

. Nakita niya pala! Nakakahiya.

 

Pumikit ako at kinuha ko yung kamay ko from her hold at nagtakip ng mukha sa sobrang kahihiyan, "I thought hindi mo napansin na inedit ko!"

 

Tawang tawa si Karina sa kaitsurahan ko. Ang lakas niyang mang asar!

 

"I saw! Nagtaka nga ako bakit biglang nabago yung sinabi mo. Why did you even edit it?" natatawa pa rin siya at tumigil lang nung sinimangutan ko.

 

Umirap ako at hinampas ang leg niya, "Wala."

 

Halatang nagpipigil lang siya na matawa ulit, "Did I make you nervous?"

 

Nakakainis to si Karina! Ang yabang yabang porket alam na kamukha siya ni Mama Mary.

 

"Hindi kaya!" Tinaasan niya ako ng kilay, "Okay fine. Oo na. Wag na nating pag usapan. Halika na ihahatid na kita."

 

Tumayo na ako at hindi ko kinakaya ang kahihiyan na dulot ng ginawa ko. Bakit nga naman kasi may pag edit pa ako ng comment?!

 

Hindi naman na siya nang asar pa at tumayo na rin but I could see yung smug smile niya.

 

Inayos muna namin yung kalat sa table at kami na rin ang nagtapon ng mga basura. Kahit pa nga hindi naman CLAYGO dito sa Mcdo, it's nice pa rin na somehow nakakabawas kami sa ligpitin ng mga servers.

 

I sprayed alcohol sa kamay namin at naglakad na palabas ng mcdo, our pinky fingers intertwined.

 

"May gusto ka pa bang puntahan before I drop you off sa inyo?" Tanong ko while we're walking papunta sa car.

 

"No, may quiz kami tomorrow sa major. I have to study pa. Why? May gusto ka bang daanan?" Pinagbuksan ko siya ng car door which she thanked me for. Opo, chivalry isn't dead after all.

 

I got inside the car and started the engine, "Wala naman. Baka lang may gusto kang bilhin before I drop you off. May quizzes din ako tomorrow."

 

I started driving na papunta kina Karina. Ayaw niyang magpahatid sa akin kanina dahil baka raw sobrang hassle for me but I dismissed her, telling her na gusto kong nakaka sure na safe siya.

 

Kahit naman hindi kami nagde-date, I'd still drop her off sa kanila kapag pwede ako. Even si Lia and Ning ay hinahatid ko sa kanila kapag gabi na masyado. Mahirap na, baka mashunga si Ning tapos madukutan bigla. Lia has a car naman, iniwan ng Dad niya for her pero wala siyang license.

 

We fell into a comfortable silence habang nakikinig lang sa music from my SPotify.

 

My phone chimed at ichecheck ko sana ito pero sinaway ako ni Karina telling me not to text and drive at the same time. Kaya nung nasa stop light kami, tsaka ko na lang ito tinignan.

 

GC KA SOHO

 

Lia: Hey peeps! I already submitted your names na sa org. By next week I think kailangan na nilang malaman what you will be performing para mailista na.

 

Ning: Gora. Actually nagpapraktis na ako ngayon. Dedma sa mga quiz. BWAHAHAHAHA

 

Lia: Ay taray! HAHAHAHAHA. Anong kakantahin mo Ning?

 

Ning: Theme song ng Voltez 5. Di mo keri Lia

 

Lia: What is wrong with you HAHAHAHAHAHA

 

Winter: walangya ka talaga ning hahahahaha kantahin mo na rin yung theme song ng doraemon

 

Ning: Actually ang kakantahin ko is yung theme song niyo ni Karina. Ice Cream by Blackpink

 

Napatawa ako at tumingin sakin si Karina, "Who's that?"

 

Binaba ko na yung phone at malapit nang mag GO. Mamaya pagalitan nanaman ako ni Karina. May pagka bossy din talaga itong isang to. Pero ang cute naman kasi. Hihi

 

"Sila Ning. Puro kashungahan nanaman sinasabi."

 

She chuckled, "Have you told them na? Yung sa atin?" interested na tanong ni Karina.

 

Hindi ko pa nababanggit dun sa dalawa yung about sa amin ni Karina. Actually, wala pa akong napagsasabihan. Napagkasunduan din kasi namin dalawa to stay lowkey lang muna at ayaw namin na may mang asar or mangialam for now. I think she hasn't told her friends yet din.

 

I shook my head, "Hindi pa. Kasi diba sabi natin wag muna. How about you? May napagsabihan ka na?

 

"I haven't told anyone yet. Even si Giselle ay hindi pa alam. Although I think nakakahalata na siya.."

 

I looked at her, ang ganda talaga ng side profile niya, "How?"

 

She giggled lightly, "Well. She always sees my smiling at my phone kapag katext kita.."

 

Napatawa ako. Same kasi sina Ning at Lia kapag kasabay ko silang mag lunch at katext ko si Karina. Napapansin nila na grabe raw yung ngiti ko at minsan ay namumula pa ako.

 

Nakakakilig kasi tuwing sasabihin ni Karina na wag akong magpalipas ng gutom. Tapos minsan babanat siya na sana raw ako yung kasabay niyang kumakain para mas mabusog daw siya. Ang harot harot!

 

"Actually same. Lagi rin akong inaasar nung dalawa."

 

Nakapasok na kami sa subdivision nila. Parang gusto ko biglang bagalan para

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!