Chapter 42

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

“I’m proud of you.”

 

The smile that Karina is giving me right now makes me feel like everything is going to be okay. Yung worries at takot ko, napalitan ng hopefulness.

 

Like I can do anything as long as I don't let anyone hinder me from my own happiness. Tama siya, I'm letting her and the people around us hold me back from doing what I really want.

 

Tinapon ko nang basta basta lang yung dream ko of studying in Korea. Hindi ko kinonsider yung ibang possibilities because I was so adamant on staying.

 

While I know I was happy to make that decision at that moment, there's also nothing wrong sa pag admit na hindi ko na gusto yung choice na yon ngayon.

 

Sa wakas, naamin ko rin sa sarili ko na gusto ko naman talagang mag SNU. Na hindi naman talaga ako masaya sa Diliman.

 

I just hate that Karina had to be hurt first in order for me to finally be true to myself. Siya yung naging receiving end ng pagiging indecisive ko.

 

Kailangan pang makalimutan ko muna yung anniversary namin para makapag come up ako sa realization na ito. Kailangan ma neglect ko muna yung relationship namin.

 

I didn't mean for those to happen. God knows how much I love and care for Karina. Pero nangyari na and all I can do is learn from them and be better.

 

Karina is just so good to me. She’s too good that I feel like I don’t deserve her. Sobrang patient niya sa akin. Kahit pa nasasaktan na siya, she tried to be understanding with what I'm feeling.

 

Everything she told me — relying too much on her and other people, about me holding myself back, and that leaving Diliman is the choice that I want to make — lahat yon totoo. I know that now.

 

Despite the hurt she must be feeling right now dahil sa nangyari — sa pagkalimot ko ng anniversary namin, dahil sa hindi ko pagsasabi sa kanya ng totoo — nandito pa rin siya sa tabi ko.

 

"Are we gonna be okay?" I asked her. We were finally able to calm down after the talk that we had. Lumayo siya sa akin nang kaunti, giving us a bit space from each other.

 

Alam kong it's unfair for her na she had to set aside her anger para makapag usap kami at masabi niya sa akin lahat ng gusto niyang sabihin.

 

"I'm sure we are.. as long as you'll stay true to yourself at wala nang itatago." Tipid na ngumiti siya sa akin.

 

"Ikaw ba, are you okay?" Maingat na tanong ko sa kanya.

 

Tumingin siya sa ibaba, avoiding my gaze, "To be honest.. Hindi pa. I'm still hurt with what happened. With you forgetting our.." She paused, "Just with everything that happened. I feel tired."

 

Gusto ko siyang yakapin ngayon pero alam kong hindi yun ang kailangan niya at this moment. "Sorry ulit sa lahat, Karina.. I mean it. If you need more space that's completely fine."

 

Ngumiti siya nang bahagya, "I know you didn't mean to hurt me or to forget our day. Pero nangyari na and as much as I want to take away the pain I'm feeling right now, I can't. Not yet."

 

I nodded with understanding, "Naiintindihan ko. If you want, ako muna yung uuwi.. you can stay here."

 

Umiling siya, "No, no.. It's okay. I'm uh– I'm staying at Giselle's. You can be here to sort out everything. About leaving Diliman and your transfer to SNU."

 

I smiled at the mention of the school, "Am I really doing this?"

 

Ngumiti siya sakin pabalik, "You are. And you're gonna do great."

 

Napa isip ako kung paano yung mangyayari sa aming dalawa. Are we gonna break up? Hindi naman siguro.

 

Or parang we're putting a halt muna sa aming relationship? Para walang pressure on both our ends? Mahirap ang LDR.

 

Like the intuitive person she is, Karina probably noticed my thoughts. "Hey. We'll figure it out. For now, fix things first. Talk to your adviser and email SNU. Talk to your Dad din."

 

Tumango ako, "Yeah. Patapos na rin yung trimester ko. Enough pretending." We both laughed. Natahimik kami both. Nag gagabi na rin. She needs to go na yata.

 

Tumayo na siya, "Uhm, alis na muna ako.. Will you be okay here?"

 

Napansin ko yung dala dala niyang bag full of clothes. Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil my girlfriend feels the need to stay away for now because of what happened.

 

Sobrang shunga ko. Gusto ko na lang magpa sipa kay Ning bigla.

 

"I will be. I promise aayusin ko na."

 

Sinukbit niya na yung bag sa kanyang balikat then she looked at me, "Don't promise sa akin. Do it for yourself."

 

I nodded. I walked her to the door, pinipigilan ko lang ang sarili ko na hawakan siya. "Can I still text you?" Nahihiya kong tanong.

 

She chuckled, "Sure."

 

I bit my lip. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko pero inalis niya rin agad yung tingin niya. Gustong gusto ko siyang halikan. Pero hindi pwede. Bawal muna. Hindi ko deserve.

 

"Gusto mo sayo muna si Jimny?" I offered.

 

Umiling siya, "No, okay lang. I can manage. You'll be needing it more anyway."

 

Hindi na ako nagpumilit pa. "Okay. Uhm, bye.."

 

She waved pabalik.

 

I was left alone again dito sa condo pero unlike kahapon, I'm feeling so much better. May parang nabunot na malaking tinik sa lalamunan ko.

 

Suddenly parang gusto kong ipaprint yung phrase na "I can do all things through Karina who strengthens me." Charot!

 

Okay, oras na para ayusin ang nagulo kong buhay.

 

Hindi para sa family ko or sa friends.

 

Hindi para kay Karina.

 

Pero para sa sarili ko.

 

 

 

 

 

Una kong ginawa kinabukasan was to meet up with three of my close friends. Si Lia, Ning, at Ryujin.

 

Sila naman talaga yung nakakaalam ng lahat ng dilemmas namin ni Karina before pa lang about sa SNU. Sila yung nakasama ko sa LB at sa kanila ako nag open.

 

Somehow, nahihiya pa rin ako na aminin na mali ako sa aking desisyon, pero sabi nga ni Karina, naamin ko na na ito sa sarili ko so it should be easy to admit it to other people now.

 

And it's not like "others" itong mga kaibigan ko. They're my friends who have been with me through ups and downs. They're basically family. I'm sure they won't tell me a bunch of "I told you so".

 

Hindi ko lang sure kay Ning. Malamang pepestehin nanaman ako non.

 

Nauna na silang tatlo sa apartment ni Ryujin. Bumili pa kasi ako ng food for all of us. Ewan ko pero sort of pambawi ko na lang din.

 

"Winter ang tagal tagal mo! Ano nanaman tong pakulo mo? Bakit may pa meeting ka?" Bungad sa akin ni Ning pag pasok ko ng apartment.

 

Nilapag ko yung food sa harap niya at natahimik bigla si bruha, "Libre ko guys."

 

"Anong meron?" Tanong ni Ryujin.

 

Nakatingin lang sakin si Lia suspiciously. Bakit parang may alam to si teh? Kagabi nag text din siya sa akin, nagtatanong kung okay lang ako.

 

Umupo ako sa tabi nila. Naka indian sit lang kami sa may living area. Huminga muna ako nang malalim, "Decided na akong mag try sa SNU."

 

Napatingin sila lahat sakin. Mukhang dumbfounded ang mga shunga at halos hindi kumukurap. Si Ning may subo subo pang dumplings.

 

"Di nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryujin. Hindi rin siguro niya ineexpect na itutuloy ko dahil nung last time na nag usap kami, pretentious queen pa ako.

 

"Iiwan mo rin ako?!" Eksaheradang sigaw ni Ning.

 

"Oh, wow." Mukhang nagulantang din si Lia.

 

Nakakatawa yung reactions nila and at the same time nakakalungkot kasi sobra ko siguro talagang pinaniwala ang sarili ko at ang mga tao sa paligid ko that they didn't think I'd actually pursue my dream school.

 

I smiled shyly at them, "Oo.. Uhm, hindi naman talaga ako masaya sa Diliman. Sorry guys, ngayon ko lang sinabi."

 

They all softened. "We're happy for you Win.." Ryujin patted my back.

 

Lumapit sakin si Ning at bigla akong niyakap ni gaga, "Teh dapat dati mo pa sinabi! Support ka naman namin!" Naluluha ako. Huhu.

 

"Nahihiya kasi akong aminin na nagkamali ako ng desisyon.."

 

Lia squeezed my hand, "We all make wrong choices, Winter. What's important is you now know kung ano talagang best para sayo. Happy ako for you." 

 

I gave them a group hug, "Thanks mga teh.. Sorry I doubted na maiintidihan niyo." I think narinig ko si Ning na sumisinghot ng sipon niya. Naiiyak siguro.

 

"Kain na tayo gutom na ako!" Nag iwas siya ng tingin sakin. Tumawa lang ako, "Gags umiiyak ka ba?"

 

"Hindi ah. Natalsikan ako ng laway ni Lia." Tumawa lang kami.

 

We started eating muna, hindi pa rin daw kasi sila naglalunch. Sabi ko yung ibang kwento, mamaya ko na lang sasabihin.

 

Curious kasi sila pano ako nag come up sa realization na gusto ko nang ituloy sa SNU.

 

After namin kumain, hindi na sila nagpaligoy ligoy pa. Sabi ko pa nga bibili muna ako sa labas ng dessert for us just to stall pero sabi nila yung chika ko na lang yung pang himagas.

 

"So panong nangyari? Kailan mo pa narealize na di ka masaya? Ano palang sabi ni Karina?" Sunod sunod ang tanong ni Ning at Ryujin. Si Lia ay nakamasid lang. Feeling ko talaga may alam to eh.

 

It took me a while to answer. Alam kong papagalitan nila ako dahil sa nagawa ko pero gusto ko pa rin sabihin sa kanila.

 

Kinwento ko sa kanila yung situation ko sa grad school. Yung pagka wala ko ng interes sa ibang inaaral. Yung puro thunders ang kasama ko.

 

Basically wala talaga akong gana at nag aaral lang ako just for the sake of it. I also told them about my fake pretense of happiness by going to mom's resto.

 

"Tas dahil don ano.." I bit my lip. Jusko po. Baka sabunutan ako ng mga to pag nasabi ko yung about sa pagkalimot ko sa anniv namin ni Karina.

 

Tinaasan ako ng kilay ni Lia, "What?"

 

Ang sakit ng lalamunan ko bigla. "Nakalimutan ko yung ano.."

 

Naka abang pa rin sila sa sasabihin ko. Naiinip na si Ning, "Ano nga? Pota!"

 

"Nakalimutankoyunganniversarynaminnikarina." Mabilis at mahina kong sabi.

 

Para silang tatlong tuod sa harap ko na naka kunot ang noo. Hindi ko magawang tumawa dahil sa kaba.

 

Hinampas ako ni Ning sa braso, “Ayusin mo nga! Pagkakaintindi ko nakalimutan mo yung rosary ni Karina.”

 

“Maka diyos pala si Karina?” Nagtatakang tanong ni Ryujin. Jusko po.

 

“Shut up guys! Winter, what is it? It’s okay, you can tell us.” Buti pa si Lia maayos kausap. Or baka talagang kating kati lang sa chismis.

 

I looked down, “Nalimutan ko yung anniversary namin..”

 

Crickets.

 

Crickets.

 

Crickets.

 

Biglang tumayo si Ning at nag crack ng knuckles niya, “Makakasapak ako ng shunga ngayong araw na to. Winter ang pangalan.” 

 

Napakamot lang si Ryujin ng ulo at pa iling iling na nakatingin sakin. Halatang disappointed sa nangyari.

 

Kahit ako naman ay disappointed sa sarili ko talaga.

 

Si Lia ay parang may biglang narealize, “Ah kaya pala pumunta siya sa condo ni Giselle the other night!” Nanlaki bigla ang mata niya sa sinabi. Halatang nagulat din sa sarili.

 

Napatingin kaming tatlo sa kanya. Okay, ano raw?

 

“Pano mo naman nalaman yan?” Taas kilay kong tanong kay Lia. Nakatingin lang din yung dalawa sa kanya.

 

Na-divert ang attention. Yes!

 

Namula ang mukha niya at hindi makatingin samin, biglang naging interesado sa dala kong chao fan. “N—nakwento lang ni ano, ni Giselle.”

 

Hmmm. Fishy.

 

It’s Ning’s turn para intrigahin siya, “Bakit naman ikekwento ni Giselle sayo yun? Ganon ba kayo ka tight? Tsaka hindi naman basta basta yun magkekwento ng private matter.”

 

Palipat lipat ang tingin ni Ryujin sa aming tatlo. Ang funny ng nangyayari. I almost forgot na ako nga pala ang main topic dito.

 

“Bakit ba ako ang tinatanong niyo! Balik tayo kay Winter who forgot hers and Karina’s anniversary! That’s like, so not okay!” Maarte niyang sabi. Pa irap irap pa. Sus.

 

Nanliit ang mata ni Ning sa kanya, “Sige mamaya ka samin.” Bumaling siya ulit sa akin, “Oh ikaw babae, bakit mo nalimutan anniv niyo ni baby? Explain. You have 2 minutes.”

 

Pinagpawisan ako bigla doon. Nakaka pressure naman.

 

Sa totoo lang, wala naman valid excuse or explanation yung nagawa kong pagkalimot ng anniv namin but I told my friends my lame reason anyway.

 

Yung sobrang pagka occupied ko sa grad school at pagpunta sa resto para lang mapatunayan ko sa sarili ko na masaya naman ako.

 

I told them how the night went through. Yung pag alis ni Karina sa condo at yung pag uusap namin kahapon.

 

Medyo hindi ko kinaya when I was telling them about the talk. Naluha ako. Naalala ko yung itsura niya, how disheveled she was. How her face conveyed nothing but hurt pero she was still mature enough para i-real talk ako.

 

"Grabe ang understanding niya.. Shuta ka, Winter. Naiiyak ako for her. Bumawi ka." Seryosong sabi ni Ning.

 

Nagsalita si Ryujin, "Alam mo teh, mahal na mahal ka niya. Talagang lagi niyang iniisip yung makakabuti sayo. Kahit pa nga nasaktan siya sa nangyari and she had every right na wag kang kausapin muna."

 

Hindi ko na napigilan na umiyak talaga. Napaka iyakin ko talaga when it comes to Karina.

 

Niyakap ako ni Lia, "You know, Giselle always tells me how lucky Karina is to have you. But I think you guys are equally as lucky to have each other. Give her time muna then bumawi ka, okay?"

 

I nodded. Sumabat nanaman si Ning, "Hay nako! Kung ako kay Karina igoghost kita!" Umirap siya sakin. Natawa lang ako. Understandable naman.

 

"Napag usapan niyo na ba pano kayo in terms of LDR?" Lia asked.

 

"Hindi pa. Sabi niya we'll figure it out daw. And willing daw siyang mag let go if kailangan.." Napatingin ako kay Ning. Yun din kasi ang sabi sa kanya ni Win-Win.

 

"Need ko muna ayusin lahat siguro. Yung sa pag transfer ko if pwede pa. Kausapin ko rin parents ko.."

 

Binigyan ako ni Lia ng water, medyo namaos ako sa pag iyak at pag kwento.

 

I looked at them, "Then plano ko sana kahit late na.. ma celebrate namin ni Karina yung anniv. Sort of a surprise sa condo. Kaso baka hindi naman siya matuwa."

 

"Knowing her, for sure she'll appreciate the effort. Gusto mo help ka namin sa pag set up? Ano bang balak mo? And kailan?" Tanong ni Ryujin.

 

Napa isip ako. Siguro after ko makausap lahat ng kailangan ko makausap for my transfer sa SNU. And to give space muna kay Karina ngayon. Alam ko kasing it's still hard for her.

 

Sinabi ko sa kanila yung balak ko na candle-lit dinner sa condo namin. Since wala si Karina for the meantime, makakapag set up ako.

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
131 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!