Chapter 12

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Nag alarm naman ako para sa first day of school. Yung first and only class ko kasi kapag Monday is 9-12nn, so nag alarm ako ng 7 kagabi.

 

7pm nga lang ang nai-set ko at hindi 7am.

 

So to make the story short mga kababayan — hindi ako naligo. Hindi ko afford maligo. Pero nabawasan ba yung ganda ko? Hindi naman din.

 

So anong lesson? Wag maligo.

 

Nagising yata ako ng almost 8:30am na. Grabe lang yung balikwas ko sa kama nung nakita ko yung oras. Para akong si Jackie Chan na nakikipag laban sa villains.

 

Si Karina naman kasi, nakipag rave sa akin at nanood kami ng videos ni Mike Chen kagabi. Tapos tuwing makaka tulog ako, maririnig kong mag-o-on siya ng mic at mag hihysterical "Winter! Winter! Try natin yan!" Oo lang naman ako nang oo kahit hindi ko na alam kung anong sinasabi niya.

 

First day na first day ko sa Diliman tapos malelate agad ako? Naririnig ko na agad yung nakakarinding tawa ni Ningning kapag nalaman niya ito. Ang swerte nila ni Lia kasi wala silang Monday classes.

 

Although sa tingin ko naman hindi pa ganoon ka strict sa oras since first day pa lang and maybe magroroll call lang but still, ayokong nagagahol sa oras.

 

Nakita ko yung isang katerbang texts sa akin ng GC namin at yung PM ni Minju habang nagtotoothbrush ako.

 

Business Ad UPeepz

 

Win-Win: I’m here na sa room lol nauna ako

 

Hyunjin: Bro early bird yarn? Hahaha

 

Chaeryeong: win aminin mo, diyan ka natulog noh? ilabas mo ang tent

 

Ryujin: HAHAHAHAHAHAHAHA NAG CAMPING PALA

 

Minju: It’s almost time. Where’s Winter? Bakit wala pa siya?

 

Chaeryeong: ayiiieee baka nasa puso mo minju

 

Andami nilang chat at hindi na ako nagbother na basahin pa dahil madaling madali na ako. Lalagyan ko na lang ng vitress yung hair ko para mukhang ligo at mabango.

 

Kim Minju: Hey. Where are you? Baka ma late ka.

 

Me: late ako nagising huhu otw naaa. nandyan na ba prof?

 

Kim Minju: Wala pa naman. Go ingat ka! I reserved you a seat :)

 

Me: thanks minju bigyan kita chocolate kapalit

 

I got in my car and started the engine. Hay. Monday pa naman so malamang baka traffic. Sana late yung prof o kaya ay nag alarm din siya ng 7am pero 7pm ang nailagay niya.

 

I’m 10 minutes away from campus when I received a phone call from Karina. Naka connect naman ako sa bluetooth so I answered the phone while driving.

 

“Karina?” Nagtataka kong tanong. Bakit siya napatawag? Sabi niya late siya gigising today.

 

Narinig ko yung parang noises niya habang naguunat. Hala ang cute.

 

“Win….terrr. Morning. Diba may class ka?”

 

I took a right turn at sa wakas ay nakarating na rin ako sa University Avenue. Natatanaw ko na si Oble.

 

“Meron, kaso late na ako. Mali yung set ko ng alarm.” Nag pout ako kahit hindi niya nakikita.

 

“What? Why? You’re so dumb.” Medyo paos paos pa yung boses niya.

 

Maka sabi ng dumb itong si Karina, ang yabang! Porket wala siyang classes ng Monday. Hmp. Pero totoo naman din na ang shunga ko sa nangyari.

 

Ayoko naman talagang magkaron ng subjects kapag Monday pero I had to take this class kasi nag overload nga ako ng units para makahabol.

 

I scoffed, “Oo na ngaaaa shunga na.”

 

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya, “Send me your schedule for this sem. Para alam ko if gigisingin kita nang maaga kapag you get confused nanaman sa alarm.”

 

Umungot ako, “Eehhh. Wag na. Okay lang. Hindi naman na yun mauulit pa." Para akong nageexplain sa nanay ko!

 

Parang nakikita ko yung itsura ng mata ni Karina na umiikot at iniirapan ako, “Isa, Winter."

 

Napa buntong hiniga ako. Lagpas friendship na talaga yung mga ganitong linyahan niya eh! Hay nako, Karina.

 

“Oo na po. Ibibigay na. I’m here na sa parking. Kumain ka na muna." Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tinakbo ang papuntang classroom. I'm 10 minutes late na, I think.

 

“I will. Don’t run, you're gonna hurt yourself. Bye Winter!”

 

Napaka pala utos nito ni Karina. Pero syempre hindi naman ako nagrereklamo. Sige Karina, gusto mo utusan mo akong maglaba at mag sampay. Go lang, baby. Ay

 

Nakarating ako na parang hinihingal na aso sa loob ng classroom. Hindi na nga nakaligo, na haggard pa.

 

Hala bakit nag aalisan na sila kaagad? Grabe kung kailan dumating ako aalis na sila? Nabahuan ba sila sa akin? Inamoy ko tuloy yung damit ko. Okay naman. Amoy baby. Ni Karina.

 

Jusko kailangan ko na talagang itigil yung kakaganito. Masyado akong nagiging comfortable. I like it though..

 

"Winter!" Nakita ko sina Chaeryeong, Ryujin, at Minju na papalapit sa akin.

 

Nginitian ako sila kahit mukha na akong basang sisiw, "Para akong nagmarathon. Wala bang klase? Asan yung boys?"

 

Niyaya na nila ako palabas ng room, "Nauna na. Walang class. Nag roll call lang si Ms. Kang. Nung tinawag yung name mo, si Minju na lang yung nagsabi na on the way ka na."

 

Napatingin ako kay Minju at sinabayan ko siya sa paglalakad. Nag thank you ako sa kanya at ngumiti siya sakin, "Where's my chocolate?" She teased.

 

Napalingon si Chaeryeong sa amin at nanlaki ang mata ng malisyosang mahadera. Ang OA talaga nito!

 

"Ay bakit may chocolate? Valentines na ba? Hindi pa UP Fair hoy!" Hinampas ko siya ng hawak kong folder at hinila ang buhok niya. Napa aray si gaga, buti nga.

 

I turned to Minju at inabot sa kanya yung twix. She smiled at me, "Thanks. Cadbury naman next time?"

 

Aba Minju, hindi ako si Charlie and the Chocolate Factory, pinapaalala ko lang sayo. Tama na ang LaLa sa susunod.

 

Papalabas na kami ng building nang biglang napatigil si Ryujin at parang may naalala bigla. Akala naman namin kung ano. "Huy may jowa yan si Winter. Wag mo yan asarin, Chae."

 

Parang sabay sabay kaming na eskandalo sa sinabi ni Ryujin at nagtanong, "Sino?!"

 

Narinig kong nakitanong rin si Minju. Actually kahit ako ay nagtanong rin. Buti pa siya alam niya na meron, noh? Ako kasi hindi.

 

"Lagi ko kayang nakikita sa stories mo na may girl sitting opposite sayo kapag pinipicturan mo yung food." Tinaasan niya ako ng kilay na parang naghahamon.

 

Nag aabang lang naman sila sa isasagot ko. Parang hindi pa nga kumukurap si Chae kung makatingin sakin. Nag aadik ba to? Parang high si bruha.

 

Si Minju naman ay halatang na curious din sa chika nung isa. Chismosa lang ang datingan niya ngayon habang nginunguya yung twix na ibinigay ko sa kanya. Bawiin ko kaya tapos itapon bigla?

 

I rolled my eyes, "Pag may babae na nahagip sa story, jowa agad? Hindi ba pwedeng nangalay lang yung server saglit tapos nakiupo sa harap ko?"

 

Umalingawngaw yung tawa ni Ryujin na parang out of this world yung sound. Tawang tawa talaga siya kaya hinampas na ni Chae para tumigil. Hindi kasi niya ako matanong ng follow up question dahil sa ingay ng bunganga ni Ryujin.

 

She looked at me na nanliliit ang mata, "Talaga lang ha? Baka naman si Minju yon?"

 

Tinignan siya ni Minju at umiling ito kaagad, "No, it's not. Uhm, curious din ako Winter."

 

"Bakit niyo ba pinoproblema yun. F-friend ko lang yun. Tara na. San muna tayo?" Nagtuloy na ako sa paglalakad bago pa nila gawing talk show venue itong building.

 

Nagdecide kami na kumain muna bago bumalik sa campus mamaya para officially mag enroll sa registrar. Medyo mahaba pa kasi ang pila ngayon at baka gutumin kami habang nag aantay.

 

Eto kasi yun, sabi ni Karina gusto niya raw pag nagsstory ako ng food tapos nahahagip siya sa peripheral. She does the same daw sa akin. Mga trip talaga non sa buhay.

 

Nagsimula ito nung nasa café kami sa UP Town then nung nasa resto siya ni Mommy. Pati na rin yung lunch namin yesterday.

 

Ewan ko pero I like the fact na it's kind of our thing na. Ang lowkey na ewan. Nakaka showbiz. Char. Andami na naming "thing". Matcha, IG story tapos yung.. long hugs. Aaahh!

 

Kinikilig nanaman ako sa thought. Dumagdag pa yung pag call niya sa akin when she wakes up. Tinanong ko siya about dito at parang nagalit pa na kinwestyon ko yun.

 

"I just want to. Bakit ba? I wanna hear your voice first thing in the morning."

 

One of these days tatanongin ko na talaga yan si Karina kung ano bang balak niya sakin. Kung kaya niya ba akong panindigan at ipaglaban. Kung kaya niya bang tahakin ang landas na walang hanggan. Ay, telenovela pala.

 

Pababa na kami ng hagdan. Naisipan kong itext si Karina, para kasing namiss ko siya bigla. Ang clingy.

 

Me: wala kaming class kainis

 

Karina: Why are you naiinis? Haha hindi ba dapat matuwa ka?

 

Me: sayang yung hindi ko paliligo >.<

 

Nahahawan na ako sa mga facial expressions ni Karina sa texts. Jusko. Ganon daw pala yun, kung sino yung lagi mong nakakausap, it's bound na ma adapt mo yung mannerisms nila at way nila to communicate.

 

Karina: You're so dramatic ~_~ Where are you headed?

 

Me: i'm gonna have brunch with my batchmates before pumila sa registrar. krazy katsu kaya? what do you think?

 

Naalala ko na nirecommend niya yun sakin before when I asked her about food places in Maginhawa. Yun pa yung time na grabe ako magpapansin kay Karina. Well, look at me now. Si Karina na yung dapat magpapansin sa akin. Charot!

 

Karina: But I thought tayong dalawa yung pupunta don? T_T

 

Me: hehe sige hindi na don hmm recommend ka

 

Karina: Who are you with ba?

 

Me: ryujin, chae, and minju. recom somethinggg

 

Nakwento ko sa kanya yung nabuong grupo namin along with the boys na nagtransfer din sa UP Diliman. They're kind of my circle of friends na rin kasi dito sa campus na lagi kong makakasama araw araw. Si Ning kasi ay ibang course at si Lia naman ay iba yung subjects.

 

Karina: Minute Burger

 

Napatawa ako nang malakas habang naglalakad kaming apat papuntang parking area. Ano ba to si Karina! Bakit naman Minute Burger? Tawang tawa lang ako. Napatingin tuloy yung tatlo sa akin.

 

"Ayan oh, tignan niyo yang harot na yan. Ang aga aga may kalandian." Pang iintriga ni Chae.

 

Tinago ko na yung phone ko at sumakay sa driver's seat, "Wala kaya! San tayo? Gusto niyo mag Rodic's? Parang ang sarap ng silog."

 

They all agreed dahil hindi pa raw nila natatry dito. Excited ako na sinabi sa kanila na masarap dun sa place at mapapa extra rice sila. Naiisip ko na kaagad yung tapsilog nagugutom na ako. Makapag extra egg kaya?

 

"Ang cool ng car mo, Win. Diba ito yung nag trending na car sa facebook kasi pwedeng ifold yung lahat ng seats?" Banggit ni Ryujin.

 

"Ay! Alam na kung bakit ito car ni Winter." Humagikgik si Chae.

 

Bakit ba puro kabalastugan ang iniisip nitong isang to. Eh ano naman kung nafofold ang seats?! Ang cool kaya. Pwedeng gawing bed kapag naisip kong matulog in between classes.

 

"It's cute nga, Winter. I think it's perfect for camping and hiking." Sabi naman ni Minju. Buti pa itong isa, may sense ang sinasabi.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
129 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!