Chapter 25

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Exam season nanaman.

 

Unlike nung midterms, mas madugo yung topics ngayon lalo na sa Finance kahit pa nga nagaadvance reading ako.

 

After ng naging.. memorable outing namin 3 weeks ago, lahat kami ay nagpaka busy na sa acads. As for Ning, muntik ngang mabalian ng balakang si gaga! Akala ko nung gabing yon pinepeste lang niya ako.

 

Hindi na tuloy nakapag pay back si baby.. Hmp.

 

Win-Win brought my friend sa nearest hospital that night para ma first aid. Buti na lang hindi malala.

 

Jusko naman kasi si shunga, nagsasasayaw daw ng Tala habang kumakanta. Tapos bare footed pa siya kaya nadulas sa kalikutan. Ayun, ospital ang inabot.

 

The time na nakabalik ako sa room, tulog na si Karina. Hindi ko na siya ginising at tinabihan ko na lang after kong titigan to admire her beauty.

 

What happened between us that night.. it was really magical. Hulog na hulog na talaga ako sa kanya at alam kong ganon din siya sa akin.

 

It was the second best night of my life. Yung first siguro yung gabi na naging kami. Kinikilig pa rin ako kapag naiisip kong girlfriend ko na siya.

 

Parang it's way too good to be true. Hindi na yata mawawala yung ganitong effect niya sa akin. Kahit siguro one year.. two years.. three years.. and many more years.

 

Pero sa totoo lang, I really do see Karina in my future. Hindi lang yung future na pang isang taon or dalawang taon. Yung future na siya talaga yung makakasama ko for a long long time.

 

Maaga pa ba para isipin ko yun? Wala naman akong pake. Yun kasi yung nafifeel ko talaga para sa kanya.

 

Lately, kahit sobrang busy namin, hindi namin hinahayaan na hindi ma update yung isa't isa sa whereabouts at mga ginagawa namin.

 

Hindi man kami nakakapag kita everyday kahit pa nga pareho kami ng school, we always make sure na hindi lilipas ang araw na we don't hear each other's voices.

 

Katulad ngayong gabi.

 

Kakauwi ko lang from my review session kasama yung batchmates ko. Exams na kasi namin starting tomorrow.

 

I called Karina kaagad nang makahiga na ako.

 

"I thought okay ka na sa Finance?" Tanong niya.

 

Napa buntong hininga na lang ako, akala ko rin kasi. "Oo nga, babe. Medyo nakakalito lang kasi talaga yung topics for this exam."

 

"It's good that Minju is helping you guys with the subject." She coughed. Nung weekend pa siya inuubo at sinisipon. Naulanan daw kasi sila ni Giselle on the way to class last Friday.

 

Nakakapanibago na hindi na niya masyadong pinagseselosan yung batchmate ko. To be honest, natatawa lang ako before kapag nakikita ko yung little jealous moments niya.

 

After kasi nung nangyaring outing, Jaehyun has been trying to get close kay Minju. Although reluctant yung friend ko kasi kakagaling lang yata sa breakup nung lalake.

 

I asked Karina about it and she said he seems serious naman with courting my batchmate and matagal na raw break si Jae and yung ex niya. Nung night pa na sinundo ko si Karina sa bar kasama sila.

 

"Sa true lang, babe. Siguro kung hindi kami tinutulungan ni Minju, nangamote na ako," I laughed, "Ikaw ba? Marami ka rin exams this week right?"

 

Narinig ko naman siyang suminga. Kawawa naman ang baby ko. Huhu

 

"I do. I'm not really worried. Na aral ko naman na but I do a bit of scanning pa rin ng notes ko just in case." Naks. Ang talino talaga ng girlfriend ko. Partida puro numbers pa subjects niya.

 

"Ang yabang mo, baby." Panunukso ko. She's not. She's just really smart.

 

I heard her scoff, "You know I'm not. Anyway, how's Ning pala? Fully recovered na?"

 

"Hay nako. Ayun, kumekembot kembot na. Nagpapasikat sa org. She escaped death daw." I rolled my eyes.

 

Tumawa siya, "That's Ning for you. But I'm glad she's okay." She paused. "Uhm, babe?"

 

Kumunot ang noo ko, bakit parang kinakabahan siya?

 

"Y-yes baby? Bakit?" Sagot ko.

 

"Diba we decided to postpone the Tagaytay trip muna?" I nodded, kahit hindi niya ako nakikita. She continued, "I reserved that resto you've been wanting to try for our – for our monthsary."

 

Hala, ang baby ko. Sobrang sweet. Gusto ko bigla siyang puntahan sa kanila to kiss her kahit pa nga mahawa ako ng ubo't sipon. Dedma!

 

Alam kasi ni Karina na sobrang dami kong ginagawa lately. Siya yung mas hindi masyadong busy sa aming dalawa bilang pinagpala nga siya ng Panginoong Diyos sa Math skills.

 

Na suggest ko last week na ituloy namin yung Tagaytay trip for our first month of being together but it's just not feasible ngayon dahil sa exams and requirements kaya we decided na gawin na lang ito sa December.

 

"Babe?" Tanong niya nung hindi agad ako nakasagot.

 

"Ay, sorry baby. Medyo kinailangan kong mag moment sandali sa sobrang kilig." I heard her laugh sa kabilang linya.

 

I chewed on my bottom lip, "You're so sweet baby.. Thanks for doing that. Excited na ako. Can I pay for our meals?"

 

"No." Mabilis niyang sagot.

 

Umangal ako, "Babe naman! Ikaw na nga nag book. Libre mo na lang ako ng ice cream.." Nakangiti kong sabi.

 

She chuckled, "Sa BLK 513?"

 

I pouted, "Okay lang, basta sisiputin mo ako.."

 

We planned out yung mangyayari sa celeb namin. Buti na lang Friday this week. Isa lang ang exam ko that day and free na ako after. Same with Karina.

 

Napagusapan namin na wag nang magbigay ng gifts sa isa't isa. Intimate dinner date is fine. But I'm planning on having flowers delivered sa kanilang bahay that day.

 

I told her to drink her meds and at magpahinga. Nagreview pa ako nang kaunti at natulog na rin. Sana mapull off ko lahat ng exams. Keri!

 

 

 

 

Wednesday afternoon at kakatapos lang ng exam namin sa isang major.

 

Hindi naman sa pagmamayabang pero nadalian lang ako. One of my favorite subjects kasi yon this sem.

 

Kahapon ako medyo nahirapan sa ibang majors pero nalimutan ko rin naman yung stress ko nung nag exam sa FN 1. Bukod na the best talagang mag bigay ng questions si Ma'am Joy, I got to see my girlfriend pa.

 

Although umuwi rin kami agad. Hindi ako pumayag na hindi siya ihatid kahit pa nga nagpupumilit siyang mag grab or jeep na lang.

 

Sabi ko na lang hindi ko siya sisiputin sa monthsary date namin kapag hindi siya pumayag. Nag pout lang at pumayag na rin in the end.

 

Cute talaga ng bebe ko.

 

"Ang hirap ng 151! Nalugaw utak ako!" Pagrarant ni Chaeryeong habang naglalakad kami papunta sa Iskomai sa Area 2 at nag crave daw ang mga hitad sa dumplings.

 

Hindi ako nag react. Nakangisi lang ako.

 

Tinignan ako ni Ryujin nang masama, "Ay ang yabang ni Winter oh! Porket favorite subject niya yon."

 

"True. Pero mas favorite mo pa rin si roomie Yeji." I blurted na patawa tawa. Hinampas niya ako ng dala dala niyang bag.

 

"Hindi kaya! Ang issue mo!" Napaka pabebe rin talaga nito eh. Bagay na bagay kaming magkaibigan.

 

Natawa si Minju nang mahina, "It's obvious you like her, Ryu." Sabi nito.

 

Ang lakas asarin nila Chae at ng boys si Ryujin kay Yeji after nung swimming. May pa LQ pa kasi silang naganap at may eksenang walk out pa.

 

Bukod kay Ning at Lia, si Ryujin lang yung nakaka alam sa friends ko ng about kay Yeji at Karina. Actually, hindi na rin naman kasi big deal para sabihin ko pa sa kanila.

 

I also don't wanna make it weird. Baka kasi pag nakasama nanaman namin ulit yung ex ni jowa, bigyan lang nila ako ng worried glances at akalain pang uncomfy ako sa presence nito.

 

It's done and over with.

 

"Eh ikaw Minju? Bet mo ba si Jaehyun?" Ganting tanong ni Ryujin.

 

Namula lang yung isa, "I — I don't know. Aral muna." Nag iwas siya ng tingin. Ayan, asar pa more, Minju.

 

"Buti pa ako, walang love life." Sabi ni Chae.

 

Kumunot ang noo ni Minju, "Ako rin naman ah."

 

Exam season pero puro kalandian ang pinaguusapan ng mga to! Buti pa ako, settled na kay baby ko. Hihi. Even si Lia at Yuna ay official na.

 

My phone rang. Speaking of the devil.

"Ano nanaman Lia?" Bungad ko.

 

"What do you mean ano nanaman? Ngayon lang ako tumawag sayo!" Tumawa lang ako. Actually.

 

"Charot lang. Ano yun?" Naupo na kami ng friends ko sa table. Sabi ko kay Ryujin i-order na lang ako ng kahit ano.

 

"Di ka raw ma-contact ni Kyungsoo. Tignan mo messenger. May something sa Jammers." Ay. Naka off kasi yung phone ko kanina habang nageexam baka kaya hindi ako matawagan.

 

Sabi ko kay Lia ichecheck ko rin agad at nag bye na ako. Ang bango ng siomai. Nagutom ako bigla.

 

Chineck ko yung message ni Kyungsoo.

 

Do Kyungsoo: Hi, Winter! Sorry kung ngayon lang nag message, medyo biglaan kasi. May event sa Friday, need mag perform ng Jammers. Kayo ni Doyoung yung vinolunteer ng members bilang kayo yung nanalo sa contest last time. Please coordinate kay Ms. Rosie :)

 

Nanlaki mata ko. Ano raw? Bakit naman ngayon lang sinabi? At exam season ngayon. Sana manlang tinanong muna kami kung okay lang samin.

 

Para kasing nag decide na lang sila agad without consulting us first.

 

Eto lang din yung hindi okay sa org, lagi na lang yung baby members yung alay sa mga ganito. Kesyo mga graduating students daw kasi yung iba at sobrang busy.

 

Busy rin naman kaya ako kahit third year pa lang!

 

Ang hirap din naman tumanggi kasi alam kong mataas yung expectations nila sakin. Nachika kasi ng ibang members na ako yung highest score nung audition. Next "ace member" daw ako, according kay Mumshie Rosie.

 

"Huy teh bat parang nadistract ka?" Tanong ni Chae. Nagstart na silang kumain. Natulala ako bigla.

 

"Yung org kasi, pinagpeperform kami ni Doyoung sa Friday." Worried kong sabi.

 

"Oh? Ayaw mo nun?" Takang tanong ni Ryujin.

 

I pinched the bridge of my nose, nakaka stress! "Eh andaming exams tapos gahol sa oras. Monthsary pa namin ni Karina yon."

 

"Ask them first kung anong oras. Baka naman maaga ganapin. I think Karina won't mind. But if you think hassle, try mo tumanggi." Suggestion ni Minju. Very guidance counselor ang peg.

 

Kokontakin ko na lang siguro mamaya si Ms. Rosie. Try ko rin tanongin yung girlfriend ko about it.

 

Ano ba yan, may exams na ngang iniintindi, pati ba naman yung pag kanta. Although part naman talaga to ng pagiging member ng Jammers, nakakastress pa rin kasi biglaan.

 

Pwede bang bumalik na lang sa time three weeks ago na wala kaming ibang ginawa ni Karina kundi mag momol. Charot.

 

Maaga akong natapos sa last exam ko today kaya I decided na antayin si Karina sa labas ng building nila. Hanggang 4pm pa kasi yung exam niya.

 

Tumambay muna ako sa may hagdan. I saw Yeji walking down kaya binati ko siya.

 

"Uy." I smiled.

 

Nginitian niya ako pabalik, mukhang kakagaling lang sa exam dahil pen and wallet lang yung dala dala niya.

 

"Hey. Waiting for Kat?" She asked. Nasanay na rin akong tinatawag nila si Karina ng Kat. Ganon din siguro yung friends niya kapag tinatawag ko siyang Karina.

 

Tumango ako, "Oo. Maaga natapos class. San ka?" Ang taray. Frenny frenny na talaga kami nito ni Yeji eh. Small talk here, small talk there.

 

"Uhm, sabay kaming uuwi ni Ryujin. Mag grocery daw kami para sa apartment." Medyo nahiya siya sa sinabi.

 

Tumawa lang ako nang mahina at nang asar, "Yieeee."

 

"Shut up. I'll get going. Ingat!" She waved.

 

If you told me a month ago na mag gogrocery together si Ryujin at Yeji together, I would have laughed at your face. Pero ganon nga siguro talaga, hindi natin masasabi ang panahon.

 

I saw my girlfriend papalabas ng building kasama si Jaehyun. She spotted me right away din and nginitian ako. Sinalubong ko siya, "Akin na bag mo babe." I didn't wait for her to answer at kinuha na ito sa kanya.

 

"Hi Jae." I greeted her friend.

 

"Hey Winter. Uhm, where's Minju?" Bakit naman sakin hinahanap ni Jaehyun si Minju. Nanay ba ako non? Chos.

 

"May exam pa yun kasama ni Chae until 4:30. Sa building namin." Parang nabuhayan si koya at nagmadaling nagpaalam samin ni Karina. Ang cute lang.

 

Dati kasi akala ko mayabang siya. Sobrang gwapo din kasi. Mukhang chickboy. Mabait naman pala at gentleman.

 

Karina kissed me on the forehead, "Hi baby." She used her pabebe voice.

 

"How was exam?" Bumaba na kami sa stairs at naglakad papuntang parking. Naka akbay siya sakin.

 

She shrugged, "It was okay. I feel like pasado naman. Ikaw? Kamusta exams mo?"

 

"I did well naman, I think. I'm just dreading sa Finance on Friday." I sighed. Then naalala ko yung ganap that day.

 

"May kekwento pala ako babe." Banggit ko nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan.

 

She turned sa akin, "Hmm? What is it?"

 

I the engine, "May performance daw kami ni Doyoung sa Friday. Kanina lang sinabi. Eh diba busy na nga sa acads. Tsaka babe monthsary natin yun." I pouted. I told her na parang final na yung decision at ininform lang ako.

 

"Anong oras daw ba yun baby? Tumanggi ka na lang. Ano ka ba. You're really stressed out because of exams."

 

Lumingon ako sa kanya saglit, para kasing inis yung tono niya. Siguro she thinks it's ridiculous din na hindi muna ako tinanong ng org kung okay lang ba sakin.

 

I contemplated, "I want to. Pero nahihiya kasi ako, babe. They have high expectations sakin."

 

Sumimangot siya, "Expectations? You just joined the org. They can't put pressure on you like that. And it's not like wala kang excuse, pagod ka sa acads. Wala kang time mag practice for that."

 

Napapatingin tingin na ako sa kanya. She sounds like she's getting upset na. Pero tama naman si Karina eh. Ako lang 'tong parang gusto lang din magpa impress kaya hindi ako makatanggi.

 

Nahihiya rin ako kay Rosie talaga.

 

"Hayaan mo na baby.." Hinawakan ko yung left hand niya, to calm her down. I smiled at her, "And don't' worry, I won't be late sa reservation natin that day."

 

She gave me a small smile kahit parang inis pa rin with the situation. "Alright. But try mo pa rin tumanggi? I just don't want you to stress yourself out more."

 

Ang sweet and thoughtful talaga niya kahit kailan. "I'll try, baby.. If hindi ako makapagsabi, okay lang naman. I can manage."

 

She didn't answer na after that. She just nodded. Ayaw na rin sigurong ipilit when I kind of decided naman na rin na ituloy yung performance.

 

Ewan ko ba naman sa sarili ko. Alam kong naiinis ako at ayaw kong ituloy pero baka kasi kung ano pang masabi nila. New member pa lang din naman ako.

 

Kausapin ko na lang si Doyoung para makapag practice kami sa time na pwede sakin.

 

Nainis kaya si baby? Feeling ko naman hindi. Baka frustra

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo 11 streak #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo 11 streak #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
114 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!