Chapter 49

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

“May pasok pa tayo! Hindi weekend ngayon!” Biglang sabi ni Minju after namin matahimik ng ilang minuto. Napatayo siya sa stress.

 

Pinoprocees ko pa rin sa utak ko kung talaga bang nangyari yung mga napanood namin sa IG stories. Pati na rin yung messages ni Karina.

 

Galit ba siya? Siguro naman hindi. Sa pagkakatanda ko ako yung nagtatampo sa aming dalawa. May pasabi sabi pang pupunta ng Korea akala mo naman hindi busy.

 

Kung gusto niya talaga akong suyuin, pumunta siya dito. Hmp. Charot.

 

Hinigit ni Minju ang buhok ko bigla, hindi ko manlang narinig na naglakad siya papunta sa side ko. “Aray! Ano ba!” Pagalit kong sabi. Ang sakit ha!

 

“I said we have classes!” Napatingin ako sa kanya sabay napatawa sa kanyang kaitsurahan. “Why are you laughing at me again?” Mataray na tanong niya.

 

Napatikom ako ng bibig, “Bakit ka may sticker ng soju sa noo?” Hindi ko na napigilan at tumawa na ako lalo.

 

Napahawak siya dito at inalis agad yung nakadikit, “For sure ikaw nag dikit kagabi!”

 

“Hindi ah!” I exclaimed, “For sure ikaw. Kita naman sa video sinong mas mukhang shunga pag lasing..” Bulong ko. Sana hindi niya narinig.

 

Napaupo siya sa tabi ko at nagtakip nanaman ng mukha sa kahihiyan, "Winter I can't believe I said all that! People from SNU follow both of us on IG!"

 

Nawala ang amused na itsura ko, napalitan ng horror. "Shuta oo nga.. Teh ano na lang sasabihin nila Trevor.. Sila Hyewon baka ikinakahiya na tayo sa buong Business School."

 

Tumingin siya sakin, "This is your fault, Winter." Walang kagatol gatol niyang sabi. Aba!

 

I looked at her incredulously, "Kung hindi ka lang nag inarte kagabi about Chaewon eh di sana hindi ka nabudol ng Buy 4 Take 2 na promo! Ikaw may gawa!"

 

"Ikaw!" Tumayo siya.

 

Tumayo rin ako at pinandilatan siya, "Ikaw!"

 

"Ikaw!"

 

"Ik—" Napatingin kami pareho sa phone ko na nagriring. May tumatawag. Sana naman hindi si Karina.

 

Kinuha ni Minju yung phone at tinignan. Napaka chismosa bakit ba siya nangingialam! "It's your girlfriend." She chuckled na parang nang aasar, "Buti nga! Sana awayin ka."

 

She pushed me papalabas ng apartment at maliligo na raw siya. May klase pa kasi kami. Sabi ko sabay kami mamayang pumasok para hindi masyadong nakakahiya.

 

Hindi ko muna sinagot yung call ni Karina at alam kong tatawag naman siya ulit. Nireready ko muna ang sarili ko sa kung anong mapag uusapan namin. Pero parang ayaw ko munang sagutin yung call niya? Text na lang siguro.

 

Ewan ko, medyo may pagtatampo pa rin kasi akong nararamdaman. At lumabas na nga kagabi nung nag inom kami ni Minju. I'm sure Karina's aware of it. She's been being very papansin lately sa pagla-like ng posts and stories ko.

 

Akala naman niya hindi ko alam ang style niya.

 

Me: tumatawag ka?

 

Tamang pabebe lang.

 

Karina: Obviously? Bakit hindi ka sumasagot?

 

Me: kasi diba ayaw mo naman akong kausap.

 

Medyo nagki-cringe ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako ganito! Pero sabi nga ni Ning, okay lang daw mag inarte.

 

So inarte, I shall.

 

Karina: Mahal ko.. you know that's not true.. T___T

 

Aba aba! Tinatawag na niya akong "Mahal ko". Ginagamit niya yan usually kapag naglalambing or sinusuyo ako.  

 

Muntik na akong bumigay. Buti na lang napansin kong there's only 20 minutes left to go before the class starts. . Hindi ko na afford maligo. Hindi ko na rin afford mag reply muna sa girlfriend ko at mag inarte. Mamaya na lang siguro.

 

Me: i have a class pa..

 

Naghilamos ako nang mabilis at nagpalit ng undies. I also brushed my teeth. Grabe, I reek of soju smell kaya halos buhusan ko ng pabango ang aking buong pagkatao.

 

Kumatok ako sa pinto ni Minju. "Teh bilisan mo! Male-late na tayo!"

 

Wala pang isang minuto na nag aantay ako dito sa labas ng pinto niya ay lumabas na sa Minju. Nagkatinginan kami, giving each other a once over.

 

Pareho kaming naka scarf at naka sunglasses, balot na balot din kaming dalawa at mukhang anytime eh mang hoholdap kami sa kaitsurahan namin. Para kaming mga hidden spies na ewan.

 

"Let's not make eye contact with anyone on the way sa building.." She suggested.

 

Natatawang naaawa ako sa aming dalawa kasi malamang, lahat ng mga kakilala namin sa SNU ay napanood yung pagkakalat na ginawa namin kagabi. Sobrang nakakahiya. Ang hinhin pa man din ng image ni Minju. Kahit ako.. Chos.

 

I nodded at bumaba na kami sa apartment. Nakasalubong pa namin si Sungchan sa hagdan na tumawa pagkakitang pagkakita pa lang sa amin.

 

May sinabi siya in Korean na hindi ko naman naintindihan. Pero based sa reaction ni Minju, parang nang aasar yung lalaki. Sumigaw ako, "Pakyu!" Pag ganitong may hangover ako walang pwedeng mang alaska sakin.

 

Nagtaka si koya at tumingin kay Minju, silently asking what I meant.

 

Hinampas ako ni Minju, "Winter!" Hinarap niya si Sungchan at nag thumbs up, "It means you're handsome!" Ang plastik ng ngiti niya dun sa isa.

 

Hinila niya na ako pababa ng apartment complex.

 

Nakarating kami sa classroom but not without people looking at us weirdly dahil sa sobrang extra ng suot namin. Ewan ko rin ba naman at may pag undercover pa kaming nalalaman.

 

"Minju." Napatingin kami pareho ng kasama ko. Si Chaewon. Kaklase nga pala namin siya dito. Parang namulang parang kamatis ang aking butihing batchmate.

 

"Usap tayo after ng class." Sabi ni Chaewon at umalis na para umupo sa vacant seat sa may harap ng lecture hall.

 

Tinignan ko si Minju, "Patay ka." Patawa tawa kong sabi. "Winter mas cute ako kay ate diba." I mocked her tone doon sa video.

 

Sinamaan niya ako ng tingin and she smirked, "S— siguro ayaw mo na akong kausap Karina." Pang aasar niya pabalik. Nawala ang tawa ko bigla.

 

Bumulong ako, "Ikaw may gawa."

 

Bumulong siya pabalik, "Ikaw."

 

"Ikaw."

 

"Ikaw."

 

"The Kims at the back, care to share what you're gossiping about?" Napalunok si Minju nang tawagin kami nung prof. Ang sungit talaga nito ni Sir!

 

Buti na lang matalino itong si friend at may nasagot siya. Sabi niya we're discussing about the topic at mukhang na impress pa si Sir sa mga pang eeme ni Minju about shares and stocks.

 

Tama naman nga ako dun sa sinabi ko nung lasing kami kagabi nang ipagmalaki kong Laude siya.

 

I checked my phone when the prof asked for a 5-minute break.

 

Karina: B = bakit pa ako hahanap ng iba

 

Karina: A = asa baby ko na ang lahat

 

Karina: B = buti na lang love niya rin ako

 

Karina: Y = yes na yes!

 

Jusko po. Ano nanaman kaya ang trip nito? Okay lang ba siya? Siguro hindi siya busy. Ano na bang ganap sa acads ni Karina? Break niya ba kaya andami niyang time mag lambing?  

 

yukatarina liked your post!

 

yukatarina liked your post!

 

yukatarina commented on your post: the one in black suit is my gf btw.

 

hwangyejjj replied on yukatarina's comment: Sabi niya wag mo na siyang kakausapin kahit kailan lol zzzz

 

"Win, samahan mo nga ako later. Let's meet my cousin. She's visiting Korea." Sabi ni Minju. I just shrugged at pumayag naman ako kaagad basta walang involved na alak. Mukhang sa isang café lang naman yata ang meet up.

 

Baka kasi kapag nag soju nanaman, sa national news na ang bagsak namin.

 

 

 

 

 

Hala ka.

 

Pinsan ni Minju si ate girl from Diliman?! Kailan pa?

 

Wait, natangahan ako sa thoughts ko. Malamang since birth.

 

"Winter this is Miyeon. Mimi, this is Winter, she graduated from UPD as well." Pagpapakilala ni Minju saming dalawa. Naka smirk lang yung pinsan niya sa akin at halatang amused sa gulat na itsura ko.

 

"So.. we meet again, Winter." Nakipag shake hands siya. Hindi maalis ang mapanuksong ngiti. Kinamayan ko na lang din at alangan namang dedmahin ko lang.

 

Minju squinted her eyes sa aming dalawa, "You guys know each other?"

 

Naupo na muna kami. Sa akin tumabi si Miyeon habang nasa harap ko naman si Minju. Kung nandito lang si Karina baka hindi ako makalabas ng buhay.

 

Sumagot yung pinsan niya, "I was a fan of hers back in college. The cover contest thingy sa Jammers Club ba yun?" Napatingin siya sa akin to confirm. Medyo nakaka intimidate yung beauty niya.

 

I could only nod in response. Medyo naiilang ako sa kanyang presence.

 

"Oh.. Yeah she's a member nga." Sagot ni Minju.

 

All of us ordered iced coffee at cake. Libre daw ito ni Miyeon. Sino ba naman ako para tumanggi sa libre, diba? Charot.

 

Siguro kung nandito si baby sasabihin non bibilhin niya yung buong coffee shop for me. Napangiti ako sa inisip ko. Mamayang gabi pag uwi, ititigil ko na ang pag kunwareng pag iinarte at makikipag bati na sa kanya.

 

"So Winter.. What are you taking up sa SNU? I didn't know na super smart ka rin pala. Talented na in music, tapos you're also brainy." She complimented. I blushed a little dahil hindi ako sanay makatanggap ng straightforward compliments kahit kanino.

 

Nagpasalamat lang ako and shinare ko yung major na tine-take up ko. Even Minju is conversing about the hardships sa aming university.

 

Tinanong ko si Miyeon kung bakit siya nasa Korea and she said she's been solo travelling for quite some time now. Masaya raw kasing mag explore mag isa all around the globe. Nabanggit niya rin yung kanyang saariling business kaya raw hawak niya ang oras niya.

 

She's her own boss, ika nga. Buti na lang ako, si Karina ang boss ko. Ay!

 

"You wanna join my solo travels, Winter?" She asked teasingly. Halatang nagtataka si Minju bakit parang may something sa tono ng pinsan.

 

I laughed awkwardly, "Eh di hindi na solo yon."

 

Both of them laughed, "Oo nga naman. You're witty as well pala." May pag hampas pa ito sa braso ko. Naalala ko bigla yung babaeng kausap ni Chaewon kagabi na walang humpay sa pag hampas ng braso niya.

 

Siya pala talaga ang dahilang bakit kami nalasing ni Minju. Okay, sige. Siya na lang ang sisisihin ko from now on.

 

Sign of flirting siguro ang pag hampas ng braso.. Jusko po. Patay talaga ako kay Karina nito.

 

Speaking of travels! Si Karina lang ang sasamahan ko sa mga magiging travels ko in the future at wala nang iba pa. Hmp. Kahit pa nga nagtatampo ako sa baby ko, walang moment na nawala siya sa isip at puso ko.

 

Shet, ang cheesy. Napangiti yata ako nang matagal kasi tinanong ni Miyeon what I'm smiling about.  

 

"Uhm, wala. Naalala ko lang yung girlfriend ko." Tipid na ngumiti ako sa kanya. I emphasized the word 'girlfriend' talaga. Minju could only chuckle dahil parang nanlugmok ang itsura ng pinsan niya when I mentioned having a partner.

 

"Oh, that pretty girl? Kayo pa rin pala."

 

Yung batchmate ko ang sumagot for me this time, "Yup. They're going strong, actually. How many years na nga kayo ni Karina? Almost three, right?"

 

Ngumiti ako kay Minju, as if thanking her sa pagmamalaki sa relationship namin ng girlfriend ko. Obvious naman kasi na medyo flirty si Miyeon sa akin kanina pa. Napansin siguro ni Minju na medyo naiilang ako sa kanyang pinsan.

 

Nag stay pa kami saglit sa coffee shop at umuwi na rin. Miyeon asked the staff to take a photo of us para daw remembrance. She'll be leaving the city tomorrow at pupunta yata sa Jeju Island.

 

Minju and I said good bye to her at naglakad na papauwi ng apartment.

 

"You were so stiff." Tumawa siya nang mahina.

 

I groaned loudly, "Pinsan mo pala yun!"

 

"I didn't know you guys know each other! Let alone the fact na parang she has the hots for you." Humagikgik nanaman si batchamate. Ang ingay ingay niya lately ha.

 

"Well hindi ko naman talaga siya kilala. I met her sa campus like, twice. Tapos kasama ko pa si Karina so.."

 

Naalala ko bigla yung una kong na-meet yung pinsan ni Minju. Ito pa yung kasama ko si Karina papunta sa FN1 class tapos nagpa picture si Miyeon sakin. Ginawa pang photographer ang jowa ko. Naaasiwa ako pag naaalala ko. Bawal gawin photographer ang baby ko noh.

 

Yung pangalawa naman was nung nasa CR kami. Karina was so possessive sa akin at minomol ako sa harap ni teh. Kaloka rin talaga minsan si baby. Pero ang hot non. Hihi.

 

Ah basta, ayoko nang pag usapan si Miyeon. "Kamusta pala yung usap niyo ni Chaewon kanina?" Pagbabago ko ng topic.

 

She looks flustered all of a sudden.

 

"Nag explain siya teh. Friend niya lang daw yung girl from last night." She tucked her hair behind her ear. Ang harot harot na talaga nito.

 

Tinusok tusok ko yung gilid niya, "So okay na kayo?"

 

"Siguro. Not sure. But at least she didn't find the IG story weird.."

 

Nawala na ang bitterness sa boses niya unlike kagabi. Parang gusto ko na rin makausap agad si Karina pag uwi ko. Mukhang hindi naman busy at nakakapag send nga nung acronyms na BABY sa message kanina.

 

Heh. Winter's tampo era: done!

 

Mabilis na nag hot shower ako pagkauwi ng apartment. Marami pa kasi akong gagawin at balak kong mag all-nighter tonight para matapos yung requirements and makapag review.

 

So far ay kinakaya ko naman ang hamon ng acads although may times din na gusto ko nang punitin lahat ng reviewers at ihampas sa mukha ni Yanyan ang feasibility studies na ginagawa ko.

 

I decided to text my girlfriend muna dahil hindi ko pa rin nasasagot yung messages niya from this morning. Panay pa rin naman ang lambing niya kanina. Kinikilig ako.

 

I unlocked my phone.

 

Uy. May text nanaman from her. For sure nagpapacute nanaman ang baby ko.

 

Karina: So you didn't have time to message me back all day pero marami kang time to mingle with Miyeon? ^_^

 

My eyes widened. Ano raw? As far as I can remember eh ngayon ko pa lang sana ikekwento yung ganap namin ni Minju tonight about meeting her cousin.

 

May telepathy ba itong si Karina?

 

I checked my IG kaagad and tama nga ang hinala ko, pinost ni Miyeon yung photo naming tatlo at tinag kaming dalawa ni Minju.

 

Karina must have seen it first before ko ito makita bilang stalker of the year nga siya. Huhu.

 

Shuta talaga. Tapos na nga ang tampo era ko pero mukhang si Karina naman ang kailangan kong suyuin! Anu ba. Napapakamot na lang ako ng ulo.

 

What goes around comes back around.

 

Me: nagpasama si minju kanina to meet with her cousin and hindi ko alam na si miyeon pala yun... D:

 

Karina: Okay. Go na. Baka busy ka pa.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!