Chapter 17

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Almost two months into the semester at nagbabadya na ang midterm exams.

 

Sobrang busy namin for the past few weeks dahil dumadami na ang quizzes, activities, at requirements ng mga subjects lalo na sa major.

 

Hindi na nga kami natuloy ni Karina sa pinagusapan naming out-of-Manila date. Niresched na lang namin ito before matapos ang sem para naman ma enjoy namin without any worries sa acads. Eating out na lang muna ang ginagawa namin dahil kahit si baby ay busy.

 

Kahit sina Ning at batchmates ko ay halos wala nang time at lahat ay nagsstart na rin magreview for the Midterms. Paminsan minsan ay nag gu-group study kami para lang hindi tamarin mag aral mag isa.

 

Sa totoo lang, I do better kapag may group studies. Pag kasi mag isa lang ako, ang tendency ko is antukin at ipagpa bukas na lang ang pagrereview. Same with Karina -- she does group studies din with her circle of friends including Giselle and Yuna.

 

After ng auditions na nangyari weeks ago, smooth sailing pa rin naman ang aming arrangement ni Karina. Hindi nga nawawala halos yung sweetness namin with each other. Although lately, talagang hirap kami na makahanap ng time to harot but we always make sure to text and call each other.

 

Studies first! Running for laude nga pala siya. Grabe. Nakakaproud!

 

Kung kaming lahat ay busy, ibahin natin si Lia. Ang daming time ni bakla na lumandi! One time, nakita ko sila ni Yuna sa Maginhawa nung bibili ako ng take out ramen for Karina. They didn't see me pero kitang kita ko kung pano mag fake laugh ang friend ko sa kung ano mang sinasabi ng kasama niya.

 

Nakwento ni Lia na they just reconnected at kinikilala pa lang ulit ang isa't isa. Wala rin naman daw indication from Yuna na gusto rin siya nito kaya okay lang na friends muna sila.

 

Friends daw, eh halos hindi na nga umattend ng GA ng org si bruha dahil sa pag harot. Usong uso na talaga ngayon ang walang label.

 

Buti pa kami ni Karina.. ay, wala rin pala kaming label. Pero exclusive naman kaya kami!

 

So far, it's been really fun being a member of Jammer's Club. Marami kaming natututunan sa mga workshops na kino-conduct nila at least once a week. They also don't pressure us na maging sobrang active agad sa org dahil nga baby members pa lang kami.

 

Everyone is friendly at nakaka get along kami ni Ning sa kanila nang maayos. Nachika pa ni Ms. Rosie na they might choose one of the new members na mag perform with The Juans sa upcoming UP Fair on February.

 

Hindi naman ako naexcite. Sobrang na excite lang. Sila lang naman kasi ang favorite OPM band ko! Pero hindi naman ako umaasa na mapili don at maraming magaling sa batch namin.

 

Nadistract ako bigla sa ingay ni Ryujin.

 

"Ayoko nang magreview." She groaned, sumubsob na sa lamesa sa sobrang pagod. Halos 4 hours na kami dito sa library.

 

Nakita ko yung paghikab ni Minju at Chae. Antok na antok na rin talaga ako. Hindi pa nakakatulong yung sobrang kalamigan dito.

 

"Same, but guys we have to do well sa Midterms. Para hindi na tayo naghahabol ng grades sa next exams." Sabi ni Minju. Siya yung parang Principal namin ng batch. Baka kung wala siya, matulog lang kami maghapon.

 

Marami naman na akong nareview sa bahay and tingin ko naman ay papasa na ako but wala naman mawawala kung magrerefresh ako ng topics nang paulit ulit with them.

 

Hyunjin sat up at nag clap ng kamay nang malakas, napatingin samin yung ibang estudyante. Ano ba itong lalakeng to, aware ba siya na nasa library kami?!

 

"Okay! Magtanungan tayo guys para hindi tayo antukin." Sabi niya at naupo na ulit. Yun lang naman pala ang sasabihin may pag palakpak pa si shunga.

 

We all agreed at nag ayos nang upo. May prize daw kasi ang pinakamaraming masasagot. Ililibre ng everyone ng fishballs at gulaman.

 

Inumpisahan ni Hyunjin na magtanong, "First question! The total value of final goods and services produced within a nation's borders in a given year is known as the nation's..?"

 

Alam ko yung sagot pero I pretended na nagiisip lang din just like the others. Para kasing napaka competitive ni Chae at Ryujin. Ang saya panoorin.

 

Sabay silang nagtaas ng kamay.

 

"Ako!"

 

"Nauna ako!"

 

Hanep. Ang ingay ng mga hitad. Nakikita ko yung pag simangot ng ibang tao sa mga katabi namin na tables.

 

"Si Chae nauna." Turo ni Hyunjin.

 

Ngumisi si Chae kay Ryujin at tumayo na parang Miss Universe para sumagot, "Nation's Girl Group: Girl's Generation."

 

Hagalpakan kami sa buong table. Lukaret talaga si bruha! Tawang tawa ako. Akala ko naman alam na alam talaga niya yung sagot sa tanong.

 

Sinaway na kami nung librarian kaya tumayo na kami para lumabas. Isang tanong pa lang napagalitan na kami, paano pa kaya yung susunod.

 

We decided na tumambay na lang muna sa Sunken para freely makapag ingay. Si Chae kasi, parang nanghihina kapag hindi tumatalak.

 

Tinuloy na nila ang pagtatanungan. Lahat halos ng questions ay alam ko na yung sagot kaya feeling ko ready na ako sa hamon ng BA 101. Chineck ko na lang muna yung phone ko to see if may text si Karina.

 

Karina: Done with the review?

 

Me: not yet nagtatanungan pa sila huhu one more hour. san ka?

 

Karina: Sa class pa rin. Hinayaan lang kami ng prof to review for his period ZzZz I'm sleepy

 

Me: hahahaha then why are you texting instead na mag aral :p

 

Karina: Becaaaaause I miss you. Bawal ba? Eh di wag

 

Me: okay

 

Me: JOKE

 

Me: huy.. joke lang :(((

 

Me: baby kwahhhh

 

Karina: Whatever -.- Anyways. I feel like I haven't seen you in a long time kahit nagkita tayo kahapon haha so clingy. Take me out to dinner tonight T.T

 

Ay ay ay! Nagpapalambing nanaman. My favorite Karina is Pabebe Karina.

 

Me: yes madam. i'm craving ramen again. tara ba sa caution hot?

 

Karina: YESSSS UGH ALAM NA ALAM MO PAANO AKO KUKUNIN

 

Me: hahahahaha baby natututo ka na ng mga ganyang linyahan!

 

Karina: Gawa niyo ni Ning >.<

 

Napapadalas kasi yung pag sama sama nila sa amin nina Ning lately. Talagang pinipilit ni Lia na pasamahin ko yung friends ni Karina tuwing magla-lunch kaming tatlo. Game lang naman sina Giselle at Yuna.

 

Ang saya lang din na nakakaclose ko yung friends ni Karina at ganon din siya sa akin. I guess mas nakikita namin yung ugali ng isa't isa with other people.

 

Natapos na rin kaagad ang review session namin at kami na lang ni Minju ang natira. Inaantay niya yung sundo niya while ako naman ay inaantay si Ning para magpunta sa tambayan ng org while I'm wating for Karina.

 

"Saan subject ka nahirapan mag review?" tanong ko sa kanya, cutting our silence.

 

Nagisip siya at sumagot, "Okay naman ako sa Majors. I guess it helps na gusto ko rin yung course talaga. Mas stressed pa nga ako sa GE."

 

Natawa ako. Minsan talaga mas demanding ang pang GE courses kaysa sa major.

 

"Oo nga eh. Buti na move yung food festival activity sa FN 1. Parang okay nga rin siya na end ng sem na lang gawin."

 

She nodded, "Yeah. Matrabaho din masyado. How about you? Saan ka pala hirap?"

 

"Sa Finance. You know.. numbers." I scrunched my nose.

 

She smiled, "That's actually my favorite subject ngayon.."

 

Tinignan ko siya nang masama. Paano at bakit?! Pero sabagay, si Karina nga gustong gusto kapag gumagawa ng assignments niya that includes computations eh. Puro kasi ganon ang subjects niya bilang comsci siya.

 

"Eh kung itulak kaya kita."

 

Tumawa siya at may kinuha sa bag na makapal na papel, "Here. Tapos na akong mag aral diyan. You can use my reviewer."

 

Ay grabe. Ang bait talaga nito ni Minju. Ang tagal ko nang gustong gumawa ng reviewer for my Finance subject pero hindi ko masimulan. Nakaka asiwa!

 

I browsed her files, sobrang organized. "Shucks. Thanks, Minju. Mag all-nighter ako for this tonight." Nag bow down ako sa kanya ng pabiro at hinampas niya ako nang mahina.

 

"Baliw. Okay lang." Naupo na ulit ako nang maayos at tinago yung mga notes inside my bag.

 

Tumingin siya sakin, "Uhm, Winter? Pwede magtanong?"

 

I looked back at her, "Sure. Ano yun?"

 

"Kayo ba ni Karina?" she asked carefully.

 

Nagulat ako sa tanong niya. Sobrang obvious ba namin ni Karina kapag magkasama? Well, actually oo obvious nga kami. Kaya hindi na rin ako magtataka kung pati yung iba kong batchmates ay nakakahalata.

 

Paano rin naman kasi silang hindi makakahalata eh ubo nang ubo si Ryujin kapag makikita si Karina sa labas ng building na nag aantay sa akin. Ipapa DOTS ko na talaga ang babaeng yon.

 

Minju continued, "Sorry for asking. You can refuse to answer naman. Napapansin ko lang kasi na sobrang close niyo.."

 

Nginitian ko siya to ease her worry, "No okay lang. We're not girlfriends but yeah, we're dating.." nahihiya kong sagot.

 

She nodded and gave me a squeeze in the arm, "Okay. Good luck, Winter. Sorry I asked.. Na curious lang ako."

 

"Okay lang ano ka ba. Ikaw ba? May jowa ka noh?"

 

She chuckled shyly, "Wala. Studies muna."

 

"Weh? Kahit crush?" panunukso ko.

 

She paused, "There's one sana kaso may jowa na yata."

 

Before ko pa matanong kung sino, tumawag na kay Minju yung susundo sa kanya. We said bye to each other at nagpasalamat ulit ako sa ayuda niyang notes.

 

Ning came not long after at dumerecho kami sa tambayan. Puro new members yung naabutan namin at busy rin sila sa kanya kanyang pagrereview.

 

"Grabe teh nalolosyang na ako sa pag aaral. Pwede bang kumanta na lang ulit ng Reflection? Mas madali pa yon." Reklamo ni Ning habang nagreretouch.

 

"Baliw. Kunware ka pa tapos ikaw naman highest pag nagkataon."

 

Naalala ko sa LB dati, sobrang OA ni Ning magreklamo na mahirap daw yung exam at halos mangamote siya. Pero nung lumabas na results, nasa top 3 si gaga.

 

Ngumuso siya at nagpacute, "Oh well. Nakakadagdag yon ng personality. Hashtag lowkey." Natawa siya sa sarili niya.

 

"Teh manahimik ka. San ka after?" Tanong ko kay Ning. Nagtext si Karina na patapos na ang classes nila at mag meet na lang daw kami sa engineering maya maya.

 

"Uuwi na, san pa ba. May lakad pa kayo ni Karina?"

 

Tumango ako habang nakatingin sa phone, "Oo. Dinner lang."

 

She looked at me maliciously, "Ano na bang ganap niyo teh? Kayo na ba?"

 

Binitawan ko na yung phone at tumingin sa kanya, "Hindi pa. Ganon pa rin. MU ganon."

 

"Uso pa pala yan? Bakit ba hindi mo pa tanongin officially? Okay naman kayo ah." Mukhang genuinely invested naman si gaga sa lovelife ko.

 

I sighed, "Oo nga. Nag aantay lang ako ng timing. May out of town date kami sa Tagaytay yata before or after the sem ends.. Baka don ko siya tanungin."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!