Chapter 16

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Audition day na. Waaaaaaaaaaah!

 

Para akong mahihimatay na ewan. Hindi ako makapag focus masyado sa classes ko this Friday sa sobrang kaba. Andami ko nang naiisip na bad scenarios.

 

Pano kapag pumiyok ako? Pano kapag on the way sa stage ay sumubsob ako bigla tapos nag black out? Pano kapag habang tumutugtog ako ng piano, biglang nabungi yung piano keys?

 

Ang pinaka inaalala ko: paano kapag habang nagpeperform, naalala ko na idol ni Ning si Jessica Soho? Jusko! Baka bigla akong humagalpak sa stage.

 

Grabe yung pagooverthink ko. It's just going to be a 5-minute performance pero yung kaba na nararamdaman ko parang pang five years.

 

Tanggapin pa rin kaya ako sa UPLB kapag nag decide akong mag transfer back kung mapahiya man ako sa audition mamaya?

 

Hays. Buti na lang todo assurance si Karina sa akin kagabi pag uwi namin. Andami niya lang words of encouragement na sobrang nakaka uplift ng spirits.

 

"You're going to slay them all, baby."

 

"Have you heard yourself? I'd give you a recording contract if I could."

 

"Everyone is going to fall in love with your voice."

 

At yung pinaka kinakiligan ko to the point na habang sa pag jebs ko eh ngiting ngiti ako:

 

"If you get nervous in the middle of your performance, just find me in the audience and look me in the eyes. I'm gonna be cheering you all the way."

 

Kaya naman before ako matulog kagabi, sobrang confident ko sa magiging audition ko today. Pero ngayong 4 hours to go na lang ang inaantay, bumabalik na ulit yung pagpapanic ko.

 

Hindi pa nakakatulong itong si Ning na doble ang kanerbyosan kaysa sa akin.

 

"Teh. Pag pumiyok ako mamaya, gawan mo ng paraan na ipalabas sa mga tao na never ako nag exist. Kunware engkanto ako na nagkatawang tao lang at bumalik na ulit sa kaharian ko."

 

Kung ano ano nanaman pinagsasasabi ng babaeng to! Pati naman pagiging engkanto, pinatos na.

 

Nakatambay kami ngayon sa may sunken garden habang inaantay si Lia. Bibigyan niya kasi kami ng personal briefing for the audition later. Perks.

 

Alam naman na namin at umattend kami ng orientation last week pero gusto lang namin ma-feel yung presence ni Lia somehow bilang member siya ng Jammers Club.

 

"Teh ang OA mo nanaman." Pairap kong sabi kay Ning.

 

Tinignan niya ako at sinimangutan, "Wow ha. Porket may Karina na nagcocomfort sayo."

 

Nahalata ni Ning yung pagkakilig ko dahil nag mala ngiting aso ako ng banggitin niya si Karina at nag act siya na parang nasusuka.

 

"Meron ka rin naman ah." Sabi kong pabiro.

 

Nagtaka siya, "Sino?"

 

"Mga lamanlupa." Tinulak niya ako at halos gumulong ako sa damuhan sa lakas ng pagkaka push niya sa akin. Bwiset! Nag ayos agad ako ng pwesto at pinag tinginan ako ng mga lalake sa malapit samin.

 

Inggit yan? Eh di gumulong din sila!

 

Naramdaman ko yung pag vibrate ng phone ko. Sunod sunod. Malamang yung GC ito.

 

Business Ad UPeepz

 

Chaeryeong: winterbelle anong oras pwede pumunta mamaya sa auditorium?

 

Hyunjin: Excited na ako!

 

Chaeryeong: ay bawal ka don kuya

 

Ryujin: HAHAHAHAHA pinalabas bigla ng guard

 

Chenle: Di ako makakapunta uuwi ako sa Laguna tonight huhu

 

Hyunjin: Sayang bro. Videohan ko na lang si Winter. Dedma sayo Chae

 

Minju: Sabay sabay na tayo later. I think 8pm yung start.

 

Winter: wag na kaya kayong pumunta mga beh

 

Ryujin: Wag ka nang kabahan gags ang galing mo kaya

 

Minju: Yeah. We'll be supporting you Winter :)

 

Win-Win: Sagot ko na snacks ng everyone while watching para may energy tayo to cheer on Winter

 

Chaeryeong: yown pwedeng ma-redeem as cash na lang win?

 

Ryujin: HAHAHAHAHA shuta ka chae!

 

Ito pa ang isang kinaka kaba ko. Manonood yung mga friends ko pati na rin si Karina at Giselle. Sabi ni Karina gusto rin daw manood nila Yuna dahil na chika niya sa mga friends niya yung audition ko.

 

Imbis na mamotivate akong galingan dahil maraming manonood sakin, mas lalo pa akong nahiya. Bahala na.

 

Minsan kasi, kapag nasa stage na, doon ako sinasapian ng confidence. Baliktad nga eh. Kabang kaba ako prior pero pag actual na, confident na ako. Sana ganon din ang mangyari mamaya.

 

"Hey girls!" sigaw ni Lia habang papalapit sa amin. Awrang awra siya today. Kailangan yata ay smart casual yung suot ng members ng org mamaya para sa event.

 

Ning and I looked at her with worried eyes, "Lia pwede pa bang mag back out?" tanong ni Ning na hindi tumitigil sa pagvovocalization.

 

"Ning you should let your voice rest na. Baka mapaos ka for later. And no, no backing out!" she exclaimed pointedly.

 

Humarap ako sa kanya, "Sabi sa orientation nandon naman na daw ang needed instruments para sa mga gustong mag play right?"

 

She nodded, "Yes. Sarili mo na lang ang need mong dalhin. Also, mamaya pa magbubunutan kung sinong mauunang mag perform."

 

Umalingawngaw ang maarteng sigaw ni Ning, "Ayokong mauna! Lia gawan mo ng paraan na last ako!" demand niya.

 

Lia hit her lightly, "Baliw. Mag relax ka nga! Ang galing mo kaya! Both of you are really good. Be confident lalo na pag nasa stage kayo."

 

I sighed, "Okay lang naman na may dalang chord sheet at lyrics mamaya right?"

 

"Yeah okay lang. Pero guys tip lang, I think mas may edge kapag saulo yung lyrics."

 

Sa araw araw na pagpapractice at pagkanta ko sa banyo ng "UR" ni Taeyeon, nasaulo ko naman na yung lyrics niya. Kahit yung meaning nung buong song ay alam ko rin para naman kapag kinanta ko ito, may emotions.

 

Nag baka sakali lang ako na baka okay lang magdala ng kodigo just in case malimutan ko. Buti na lang talaga friend namin si Lia dahil nabibigyan niya kami ng tips from time to time.

 

Tumayo na si Ning at pinagpag ang shorts niya, mamaya na raw siya magpapalit ng dress.

 

"Tara meryenda na muna tayo. Parang gusto ko ng inihaw," sabi ni Ning habang nagaayos ng gamit.

 

Tumayo na rin ako, ayoko nang ma-stress for later. Sabi nga ni Lia, we should reserve all our energy later.

 

"G. Tara sa Mang Larry's." Suggestion ko. Nag crave din ako bigla sa isaw.

 

Naglakad lang kami papunta sa Mang Larry's. Meron kasing malapit na stall nito near Sunken Garden.

 

Lahat kami ay tapos na ang classes. Kamusta kaya si Karina? Last text namin was kanina pang tanghali. Ang dami niya raw kasing quizzes today. Buti na lang advanced siyang mag review at ang talino niya rin kasi talaga kaya kahit lumabas siya kagabi, keri niya na daw yung mga quiz.

 

Kagabi, after kong makauwi, tumawag ulit si Karina. Nag sorry ulit siya for the hassle that she caused and she thanked me for being understanding. Napag usapan din namin yung friends niya.

 

"But seriously, thanks for being cool with them. I could tell they really like you." Karina said sa other line. Medyo raspy na yung voice niya. Ang hot.

 

I chuckled shyly, "I like them too. They seem nice. Tsaka baby, ang ganda ni Yuna. Model ba siya?"

 

Narinig ko yung mahina niyang pagtawa, "Yeah, she does modelling. Why? Crush mo na ba siya?"

 

"Hmm. Oo sana kaso mas type ko yung friend niya." Playful kong sagot earning a loud laugh from her.

 

"Her friend Kat, right?"

 

I deadpanned, "Ay hindi. Yung Haechan."

 

"Winter, you're gay!" She shouted.

 

Pareho kaming tawa nanaman nang tawa kagabi. Tuwing maguusap kami nito ni Karina, hindi nawawala yung playfulness namin sa isa't isa. We really get each other's humor din.

 

Hindi ko pa naman gagawin pero napapa isip na ako kung paano ko paplanuhin yung pag ask ko kay Karina to be official. I'm more excited than nervous, sa totoo lang. Wala naman kasi kaming nakikitang problema with each other.

 

Yung pinaka matatawag ko na na "conflict" is si Yeji which isn't really a problem naman since Karina doesn't want to do anything with her na. Hindi ko rin naman hahayaan na maging cause siya ng hindi namin pagiging okay nung isa as long as naaassure naman ako ni Karina.

 

I'm thinking na baka sa end na ng sem or sa mismong sembreak na. Just to give us more time to get to know each other a lot better before we jump into a relationship. Hindi rin naman ako nagmamadali. I like what we have right now.

 

"Winter, ano sayo?" tanong ni Ning habang pumipili ng ipapa ihaw niya.

 

May mga tables at chairs sa tabi ng stall kaya dito muna kami naupo ni Lia habang si Ning na lang ang oorder para saming lahat.

 

"Just buy kahit ano Ning basta kasya for the three of us. Bili ka rin softdrinks." Lia said while scrolling through her phone.

 

Lia turned sa akin, "Winter. Do you remember yung kinekwento ko sayo nung high school? Yung crush ko from Ateneo."

 

Hindi maganda ang memory ko kaya hindi ko na maalala yung sinsasabi ni Lia. Yung inaral ko nga sa major nung isang gabi para sa quiz, hindi ko na halos matandaan eh.

 

"Hindi. Pero tanda ko lang may crush kang lalake non." Pagrecall ko.

 

She scowled at me, "What? Winter I'm gay!"

 

Nagtinginan sa amin yung ibang customers na nasa paligid. Jusko naman kasi itong si Lia, may announcement si bakla. Lumapit si Ning at naki osyoso rin.

 

"Hoy ano yan? So ako lang ang straight satin? Maging bakla na rin kaya ako para in?" Nag pamewang siya at nag wink sa aming dalawa ni Lia. Nag strut pa. Ang hilig umeksena nito.

 

Hinila ko siya paupo sa chair at sobrang eksena na ang ginagawa ng grupo namin sa mga kumakain ng isaw. Gusto lang naman nilang kumain, bakit may kailangan silang mawitness na pag come out at pag rampa.

 

"Umupo ka nga!"

 

Natatawa lang si Lia sa aming friend, "Anyways. As I was saying nga, Winter. Bakit hindi mo alam? Sobrang occupied mo kasi dun sa chaka mong ex!"

 

Tawang tawa si Ning habang kinekwento ni Lia yung history ko with my ex-girlfriend. Ang daming kwento ni Lia akala mo siya yung mismong nakipag relasyon at parang alam ang lahat.

 

"Winter ganon pala mga gusto mo! Kung ako kay Karina, maooffend ako!"

 

Bwiset talaga 'tong babaeng 'to!

 

Tinusok tusok ko siya ng stick, "Wag mo ngang kinokompara si Karina don!" umirap ako, "Anyway. Ano yung about sa girl crush mo Lia?"

 

Magsasalita sana si Ning pero tinakpan ko na ang bibig niya. Hindi na kasi natuloy tuloy yung ikekwento ni Lia dahil sa pag singit at kaingayan niya.

 

"Ayun. I saw her yesterday dito sa campus. I had no idea she's studying in UPD pala. I lost contact with her na rin kasi when I migrated sa US." Sabi ni Lia habang sumusubo ng isaw.

 

Uy, nagiging invested ako bigla sa kwento niya. Para kasing may laman eh. Patawa tawa lang lagi itong friend namin pero humaharot na pala.

 

"Tapos?" tanong ni Ning at akmang tatakpan ko ulit ang bibig niya pero naiwas niya ang sarili agad, "Winter isa pang takip sa bibig ko bubusalan ko yang bunganga mo." Humarap na ulit kami kay Lia.

 

Lia continued her story, "Hindi ko kaagad siya nakilala. Parang familiar lang siya nung una then nung natitigan ko pa siya, it all clicked." Namumula na si Lia at this point.

 

Crush na crush nga siguro niya si girl. Hindi ko talaga matandaan yung sinasabi niyang kinwento daw niya sa akin ito nung high school.

 

"Anong itsura? Tsaka anong name? San mo nakita?" Ning asked impatiently.

 

Tumawa si Lia, "Teka isa isa lang! Well, maganda siya. Like, as in. She's really tall din. I saw her sa AS kahapon."

 

"Anong name? Maisearch nga." kinuha ko ang phone ko sa bulsa at niready ang facebook. Pati si Ning ay naka ready na rin ang search bar.

 

Parang nahihiyang nag iwas ng tingin si Lia samin, "Yuna Shin."

 

Napatigil ako sa pag nguya ng isaw. Wait. Yuna Shin? Possible kaya na yun yung friend ni Karina? Matangkad daw eh. Tapos maganda. Hala!

 

Nauna na si Ning na isearch yung sinasabi ni Lia at tinanong niya ito if it's the girl she's talking about. Naki tingin din ako sa phone ni Ning. And lo and behold, siya nga yung friend ni Karina.

 

"Yes. That's her." Lia confirmed.

 

Hindi ko pinahalata yung pagka excited ko. Hindi ko muna sasabihin kay Lia na friend ni Karina yung crush niya at hahayaan ko na lang siyang masurprise mamaya. Mukhang makakapunta raw si Giselle at Yuna mamaya sa audition.

 

Lia, do your best, and Winter will do the rest. Itataguyod ko ang love life mo.

 

"Ang ganda nga sis!" Ning exclaimed while si Lia ay hindi pa rin nawawala ang pamumula. Grabe rin palang kiligin itong friend namin. Tumitingin pa lang sa picture yan ha!

 

Naglakad na kami ni Ning pabalik ng kotse para kunin yung gamit namin. Halos 5:30 na kasi kaya kailangan na namin magbihis at magpunta sa venue ng mga 6pm.

 

Nagpaalam na si Lia para maunang pumunta sa auditorium. Magfa-final touches pa raw sila ng orgmates niya para mamaya to make sure na walang magiging aberya.

 

She wished us luck for tonight.

 

Muling bumalik yung kaba ko.

 

Karina: Group meetings are done! Kamusta? Are you excited for later?

 

Me: opposite of excited huhu i'm nervous more than anything

 

Karina: Well, I'll be more surprised if hindi ka kinakabahan. But you'll do well, okay? Marami kaming nandon to support you and Ning <3

 

Me: thank you po :(((

 

Karina: I got ya :* Mag ayos ka na. I'll see you later. Let's meet outside before ka magpunta sa backstage? I'll give you something for good luck ;)

 

Ay! Ano kaya yun? Good luck kiss kaya? Charot! Wala pa kami sa ganong stage.

 

Pero shucks, na-ease kahit papano yung nararamdaman kong kaba. Baka nga kahit huminga lang si Karina sa harap ko mamaya, bumalik na agad yung confidence ko.

 

"Pwede bang diyan na lang ako magpalit sa loob ng car? Wala naman tao tsaka tinted naman." Tanong ni Ning. Mukhang kahit siya eh namumutla na sa takot.

 

"Go lang. Pero baka sa CR ako magpalit since magdedress ako." Lumabas ako ng car para hayaan magbihis muna si Ning.

 

Ning is going to wear leather pants. Good luck sa kanya kung makapag bihis siya ng maayos sa loob ng sasakyan pero flexible naman daw siya.

 

I'm going to wear a pink spaghetti-strapped dress, matching it with simple sandals. Almost similar sa suot ni Taeyeon when she performed UR in one of her shows yata.

 

I think it will be fitting for the ballad feel of the song. Naka pony tail din ako, ayoko kasing sumabit sabit yung hair ko while playing the piano.

 

After getting ourselves ready, I drove both of us papunta sa venue. May kaunting briefing ulit na mangyayari at magbubunutan na sa order ng performance. Pareho kaming tahimik ng friend ko sa loob ng sasakyan. Ramdam ko yung kaba naming dalawa.

 

We arrived sa auditorium on and at kasama na namin sa may harapan ng stage yung iba rin contestants. Actually hindi nga parang competition yung feels. We all just want to get in sa org kaya supportive kami with each other.

 

"Okay guys. Alam niyo naman na ang gagawin but para lang wala talagang malito sa mangyayari we will give another briefing." Nagsasalita yung President nila sa harap namin. Si Ms. Rosie. She's super nice at hindi niya ever pina feel sa aming applicants na we're only underdogs.

 

Even yung ibang members nila ay mababait at wala naman nakaka intimidate sa kanila bukod kay Ms. Jennie. Mukhang ang taray kasi ng itsura niya pero okay naman siya. She even gave us some advice noong nag orientation kami.

 

"So ayun, first of all, this isn't a competition. Don't treat it as one. Hindi niyo kalaban ang isa't isa. Just do your best and if we think you're good enough for the org, you'll pass." Pagpapatuloy ni Ms. Rosie.

 

Nagsalita naman next yung isang member ng committee na sobrang galing kumanta, Kyungsoo yata yung name niya.

 

"That's right. And kung magkamali man kayo ng lyrics or chords, that's okay, wag kayong titigil sa pag perform. Although gawin niyo na lang yung best niyo para hindi mangyari yun."

 

We all nodded. Mukhang okay naman na yung sa reminders and all kaya nag start na kaming mag bunutan. Jusko. Sana naman wag akong mauna. Ayoko rin naman yung pinaka last at baka masyado nang late to the point na bored na ang mga tao.

 

Nagkatinginan kami ni Ning at sabay namin binuksan yung papel na nabunot namin.

 

Pang 5th si Ning. Ako naman ay 7th.

 

Okay, gusto ko yung nabunot kong number. Sa pang gitna. At least hindi ako yung pinaka una. Mukhang natuwa rin si Ning sa nabunot niya at pareho kaming nakahinga hinga.

 

Nagpunta muna kaming lahat sa waiting area sa may backstage para doon mag antay. Wala naman nang need pang gawin except to wait ng 8pm. Chineck ko muna yung phone ko para makita yung messages.

 

Business Ad UPeepz

 

Chaeryeong: waiting kami ni ryujin dito sa mcdo. dito na lang us mag kita kita

 

Minju: I'm near na

 

Win-Win: Otw na rin. Diyan na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh 20 streak #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
128 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!