Chapter 37

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Kinabukasan after ng trip namin sa Tagaytay, nag decide ako na pumunta na kaagad sa LB kasama si Ryujin.

 

Bukod sa baka maunahan nga kami sa unit, eh gusto ko rin talagang maalis muna yung pansin ko sa nangyari sa amin ni Karina at makapag isip.

 

Baka kasi kapag nasa QC ako at malapit sa kanya, hindi ko mapigilan na hindi siya puntahan bilang may tinataglay akong karupukan para sa aking jowa.

 

Ayoko sanang umalis nang hindi nakakapag paalam personally but I also don't want to disturb the space that we gave each other.

 

Kailangan namin both.

 

At isa pa, ayoko rin mag usap kami habang may sama ako ng loob.

 

Kahit naman whipped ako kay Karina, pag galit ako, galit talaga ako. Charot!

 

Pero ayun nga, I think it would be good kung hindi na lang muna namin kakausapin ang isa't isa for the mean time. Gusto ko rin kasing bigyan ng chance yung sarili ko para intindihin yung part niya.

 

Alam ko naman na hindi niya gagawin ang mga bagay bagay dahil naisipan niya lang basta at wala siyang dahilan. Hindi siya ganon.

 

I know my girlfriend is better than that.

 

Ang sa akin lang, talagang walang excuse na sinend niya yung application form at pinangunahan ako. Dun talaga ako pinaka nagalit.

 

May mali din naman ako. Hindi ko rin naman na-communicate talaga nang maayos sa kanya yung about sa SNU. Same with her.

 

Hindi ako aware na ganon pala yung effect sa kanya ng decision ko. I probably put a lot of pressure on her part.

 

Miscommunication talaga ang nangyari sa amin about the SNU thing and we need to talk things out para maiwasan ulit yung ganong pangyayare.

 

Lagi ko rin naman kasing dinidismiss yung idea kapag nagtatanong siya and we never had a proper discussion about it.

 

Kung tutuusin, ang naging "proper" talk namin about the issue was yung sa Tagaytay na. Parang dun kami both nag reveal ng real sentiments about it.

 

Still, gusto ko pa rin ng time bago kami mag usap ulit. Naiinis pa rin talaga ako.

 

"Winter, okay lang dumaan muna tayo sa apartment namin ni Yeji?" Nahihiyang tanong ni Ryujin.

 

Nandito siya sa amin kanina pang umaga para magdala ng gamit niya at para na rin mailagay na sa kotse. Mga pa hapon pa yung alis namin papuntang Los Baños.

 

Nagtaka ako kung bakit need niya pa dumaan don, "Sure. Pero bakit? May nalimutan ka ba?"

 

Namula si bruha, "Uhm.. magpapaalam sana ako kay Yeji. Tulog pa kasi siya nung umalis ako kaninang umaga."

 

Napangiti ako na nabitter na ewan.

 

Naalala ko kasi si Karina bigla.

 

Anuba! Eh di sana all makakapag paalam in person.

 

"Sige go lang. Alis na lang tayo nang mas maaga." Pinagpatuloy ko na yung pag iimpake. Napatigil ako nung abutin ko yung Harry Potter lamp na bigay ni Karina nung pasko.

 

"Ikaw ba? Hindi mo ba dadaanan muna yung jowa mo?"

 

Tipid na ngumiti lang ako sa kanya, "Tinext ko na kagabi."

 

Lumapit siya sa akin at inakbayan pa ako, "Anong ganap? Warla kayo?" Chismosa talaga!

 

I shrugged her arm off sa aking shoulder, "Gusto mo nanaman ng chika! Basta. Kwento ko na lang next life."

 

Narinig ko yung mahina niyang pagtawa, "Tampo si baby."

 

Sinamaan ko lang siya ng tingin, "Hindi kita idadaan kay Yeji mamaya. Nang magtampo rin sayo yung 'babe' mo."

 

Nanlaki ang mata niya, "Huy joke lang! Eto naman. Magagalit yun pag hindi ako nagpaalam." Kinikilig na sabi niya. Harot.

 

I rolled my eyes. Eh di sige.

 

Sabi ko kay Ryujin magluto muna siya ng noodles for the both of us bilang wala siyang dulot at hindi naman niya ako tinutulungan mag impake.

 

Chineck ko yung GC namin nila Ning at kanina pa chat nang chat yung dalawa.

 

SINGLE LIADY

 

Ning: @Lia teh ayos ba GC name?

 

Lia: Pakyu Ning sana magbreak kayo ni Win-Win

 

Ning: Hahahahaha all the single ladies all the single ladies! Now put yo hands up!

 

Lia: Sasabihin ko sa boyfriend mo napatae ka sa UPCAT

 

Ning: Teh kahit sabihin mo yon baka mas mainlove pa sakin si beybeh ko hahaha

 

Lia: Bakit? May kink siya sa jebs?

 

Ning: KADIRI KA! Nasan ba si Tagaytay girl di nagchachat nasabugan na yata ng bulkan @Winter

 

Winter: punta na kami LB today ni ryujin mga teh

 

Lia: As in now na?! I thought magdidinner pa tayo tomorrow!

 

Ning: Wala na akong kakilalang Winter simula ngayong araw

 

Winter: ang OA ha hahaha di kami ok ni karina. kwento ko lang pag dinalaw niyo ako sa LB

 

Ni-lock ko na yung phone ko. For sure andami nanaman hanash nung dalawa.

 

I went down para kumain. Simula yata kagabi hindi pa ako kumakain nang matino. Napansin nga rin ni Mommy na medyo matamlay daw ako.

 

Sabi ko pagod lang.

 

Wala rin ako sa mood pa na ikwento sa kanya yung nangyari sa amin ni Karina. Nagpaalam na lang ako last night sa kanya and I told her na I'll be going na sa LB ngayon.

 

She'll try daw na puntahan ako if hindi siya busy. At eto pa, isasama niya raw si Dad.

 

Aba aba aba!

 

Kailan pa sila naging close ulit?!

 

Sabi ko they don't have to at malaki naman na ako pero gusto lang din daw ni Mommy na makita yung food scene sa lugar. Hindi pa rin naman daw sure.

 

"Nagluto ako ng pancit canton teh. Kaso original lang nandito. Bakit puro original?" Reklamo ni Ryujin. Mukhang hindi na ako naantay at nag umpisa nang kumain.

 

"Favorite flavor ko yan." I shrugged at kumain na rin. Gutom na gutom lang ako! Parang gusto kong yakapin bigla si Ryujin dahil nag boil din siya ng egg ka-partner ng canton.

 

"Si Yeji din. Ang weird niyo." She fake gagged. Sumbong ko kaya siya don.

 

Oh well. I guess pareho kami ng taste ni Yeji pati sa pancit canton. Char.

 

Inirapan ko siya, "Masarap kaya."

 

Parehong tumunog ang phone namin. Baka yung GC ng batchmates.

 

Business Ad UPeepz

 

Chae: congrats @Minju!!!

 

Hyunjin: Anong meron? Buntis siya?

 

Chae: tanga mo talaga hyunjin! HAHAHAHAHA

 

Win-Win: Congrats, Minju!

 

Chenle: Dazurb mo yan!

 

Minju: Thanks, guys. Hehe. I'm not pregnant, Jin. Lol

 

Ah. Yung sa SNU.

 

"Anong meron?" Pagtataka ni Ryujin.

 

Pinagpatuloy ko lang ang pag kain ko, "Yung sa SNU. For sure they're considering Minju. Dumating na yung results."

 

I'd know. Nakatanggap ako ng letter eh.

 

Nag send din ako ng congrats kay Minju. Nag PM siya sa akin after.

 

Minju: Did you end up applying? Thanks pala!

 

Hindi ko muna sineen.

 

Ano namang sasabihin ko sa kanya? Hindi ako nag apply Minju pero nakapasa ako. Amazing diba? Hindi mo keri!

 

"Ay wow. Well, expected naman at magaling siya. Kahit ikaw teh, kung tinuloy mo yun for sure makakapasa ka rin."

 

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Ryujin. Parang gusto ko rin naman ng may makakausap about it at siya makakasama ko for two weeks kaya wala naman sigurong masama.

 

I bit my lip, "Uhm.. actually natanggap din ako."

 

Parang na eskandalo si gaga sa sinabi ko, "Di nga?! Nagpasa ka pala? Hala congrats! Teka share ko rin sa GC." Pinigilan ko siya nang akmang magtatype siya sa kanyang phone.

 

"Wag mo na ishare. Uhm.. Di ako yung nagpasa ng application. Si Karina."

 

Napa 'ohhhh' siya, probably realizing na yun ang dahilan bakit di kami okay nung isa. "Kaya ba kayo magkaaway? Gawa non?"

 

Tumango lang ako, "Oo."

 

"Bakit daw hindi niya sinabi?" Nakakunot ang noo niya.

 

Napa buntong hininga nanaman ako, "Alam niya kasing baka hindi ako pumayag. I always tell her na sure na ako sa Diliman."

 

"Oo sabi mo nga samin. Eh bakit pinasa pa rin niya kahit sabi mo pala sa Diliman ka na?"

 

"Si Karina kasi ano.." Napangiti ako nang hindi sinasadya with the mere mention of her name, "She's very intuitive. She probably saw through me at nafeel talaga niya na I was considering."

 

"And she felt bad na hindi ka magtatry because of her." Tinuloy niya yung gusto kong sabihin.

 

"Parang ganon." Sabi ko.

 

Tumango lang si Ryujin, "That's understandable naman.. Although off pa rin na pinasa niya without asking you first. Basically miscommunication lang din sa inyong dalawa.."

 

Hindi na ako sumagot.

 

Na-sense niya siguro na ayaw ko nang pag usapan kaya kinuha na niya yung plate ko at nag volunteer mag hugas. Alis na raw kami after niya.

 

Pumunta muna kami sa apartment nila.

 

Ewan ko ba naman at bumaba baba pa ako sa sasakyan at sumama sa loob. Para tuloy akong shunga na pinapanood silang mag yakapan!

 

Hindi naman na awkward sa akin si Yeji. Dati kasi hiyang hiya pa siyang magpakita ng emosyon towards Ryujin when people are around.

 

Ngayon medyo comfy na siya at nasasanay sa akin. Hindi ko lang sure kapag ibang tao.

 

Yeji laughed at my scowl, "What? Hindi ka ba na-hug ni Kat?"

 

Nagtunog baboy si Ryujin at binulungan yung roommate niya. Chinika pa yata na magkaaway kami ni Karina.

 

Her smile faded, "Oh, sorry!"

 

"Okay lang. Oh sya tara na! Parang isang taon di magkikita!" Pa-joke kong sabi.

 

Bumulong si Ryujin pero narinig ko rin naman, "Inggitera."

 

 

 

 

Gabi na nang makarating kami sa Los Baños.

 

Grabe yung traffic sa may pa Alabang parang gusto ko nang paliparin si Jimny kanina!

 

At hindi lang yon, yung traffic pa sa may pansol dahil napakarami nang galing Manila ang gustong mag outing at mag swimming dito.

 

Feeling jetlagged ang peg ko kaya pinatulog muna ako ni Ryujin pag dating namin sa unit.

 

In fairness naman, hindi ganon kasikip. May mini living area at kitchen tapos may isang room na may bunk bed.

 

Tamang tama lang sa aming dalawa.

 

"Ako na mag ayos ng ibang gamit natin. Matulog ka na lang muna." Nagpasalamat ako sa kanya at sinara niya yung pinto ng room to let me rest. Nilatag ko yung sheets ko sa itaas.

 

Akala ko makakatulog ako kaagad dahil sa pagod pero mulat na mulat ang mga mata ko.

 

Binalikan ko yung messages namin kagabi ni Karina before ako pumunta sa LB this day. Hindi ako sanay na sobrang dry ng texts namin.

 

Yun yung huli naming paguusap. Tiis tiis muna.

 

Me: hi. i just thought i'd let you know. aalis na kami pa LB tomorrow..

 

Karina: Hey. Take care.. Text me when you need anything?

 

Me: will do

 

Itetext ko ba siya na nakarating na kami? Okay lang naman siguro. Gusto ko pa rin naman siyang i-update kahit papaano. Hindi naman ako ganon ka harsh.

 

Me: LB na..

 

Hindi ko pa masend. Binura ko muna. Lalagyan ko ba ng smiley? Kaso baka isipin niya passive aggressive.

 

Napakamot ako sa ulo at nag type ulit.

 

Me: hi, karina. LB na kami. just wanted to let you know.

 

Sent.

 

Okay na siguro yan.

 

Nagulat ako at nagreply siya kaagad. Inaantay kaya niya akong mag text kaya ambilis niyang magreply?

 

Karina: Late na yata. Are you tired? Mag rest ka na ha -.-

 

Lumalambot na kumikirot ang puso ko dahil parang ingat na ingat din siyang mag text sa akin. Parang anytime bibigay ako pero kapag naaalala ko talaga yung application letter.. ugh!

 

Me: opo..

 

Ay erase erase! Bawal magpaka soft. Inaantok na yata ako kaya ganito.

 

Me: sige ikaw rin. goodnight!

 

Sent.

 

Ni-lock ko na yung phone at nagtakip na ng unan sa mukha.

 

Ayoko nang tignan pero sinilip ko pa rin. Na curious kasi ako. Pero tingin ko "Okay" lang ang nireply niya.

 

Karina: I'm sorry I put us in this position. Good night, Winter.

 

Ang babaw talaga ng luha ko pagdating kay Karina.

 

Simpleng text niya na ganyan naiiyak na ako. Ang bigat lang din sa loob na siguro sinisisi niya yung sarili niya sa nangyari.

 

Itutulog ko na lang talaga muna. Kailangan ko rin mag focus sa data gathering. Sabi rin naman ni Karina I should take my time.

 

So I'll do just that.

 

 

 

 

The following days ay very busy dahil puspusin na ang pagde-data gathering namin ni Ryujin.

 

Hindi talaga kami nagsasayang ng oras at wala kami masyadong breaks dahil pareho naman kaming gustong matapos agad yung need namin ma accomplish.

 

May mga binigay na guides sa amin si Miss Kang kung ilan ang target namin and what questions we should ask sa aming respondents.

 

Madali lang naman pero yung pakikipag usap sa iba't ibang klase ng tao yung mahirap.

 

May mga madali lang i-approach at very friendly pero meron din naman sobrang sungit at kailangan pang pilitin bago mag participate sa interview.

 

May isa pa nga akala yata mag aalok ako ng Bible study.

 

"Hello po.." Nahihiya kong bati kay Madam sa isang mini resto. Yung itsura pa lang ng make up niya sa kilay alam kong mataray na.

 

Tinignan niya ako at nanliit pa ang mata, "Sino ka?"

 

Napalunok ako. "Hi po, I'm Winter from UP Diliman.."

 

"Ha? Amber?" Napakamot na lang ako sa batok at lumapit kay Mumshie.

 

"Winter po." Nilakasan ko ang boses ko para mas marinig niya.

 

"Aba bakit mo ako sinisigawan?!" Nakikita kong natatawa na si Ryujin sa may labas.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
134 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!