Chapter 3

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Karina: Heyyy sorry ngayon lang ako nag check ng messages. No worries! Tell me lang if you need more help sa pag-transfer ha.

 

Bumungad sakin ang text ni Karina kaninang 1am. Kakauwi lang kaya niya?

 

Gusto ko sanang itanong kaso feeling ko wala pa kami sa ganong stage.

 

Taray. May stages naman pala.

 

May mga texts din from Ning asking kung anong nangyare sa “date” daw namin ni Karina.

 

Mahadera talaga itong babaeng ‘to.

 

Nakatulog ako kanina after kong tulungan si Mommy sa pag-aayos ng room ko.

 

Napagod din siguro ako sa naging lakad namin ni Karina kaya grabe lang yung antok ko.

 

Malapit na kasi akong mag move back ulit dito sa bahay namin sa Quezon City kaya nagaayos ayos na kami ni Mom ng house.

 

She’s not saying it pero I can see kay Mommy na she’s happy that I’m back dito sa bahay.

 

Actually, kailangan ko ulit bumalik sa LB next week para ayusin yung dorm na iiwan namin ni Ning. Maghahakot kami ng gamit para i-uwi na sa QC.

 

Kukunin ko rin yung physical copy ng grades ko for this sem para ibigay sa Diliman.

 

Minadali ko na nga si Kuya sa UPLB registrar na parang medyo may attitude.

 

Binigyan ko na lang siya ng Jollibee para good shot ako sa kanya.

 

Plano ko sanang dalhin yung car ko pa-LB para hindi na kami ma-hassle ni Ning sa mga gamit namin.

 

Nakakatamad din mag commute na maraming bitbit.

 

Iniisip ko kung rereplyan ko si Karina ng ganitong oras.

 

Alas dos na rin kasi ng madaling araw pero hindi na kasi ako makatulog kaya replyan ko na lang din siguro siya. Sana gising pa.

 

Me: oo may ipapahelp sana ako. buhatin mo yung mga gamit ko from LB to QC char hehe

 

Playful kong reply kay Karina.

 

Siguro nawawala na talaga totally yung awkwardness ko sa kanya.

 

Wag lang talaga siyang magsabi ng mga nakakakilig kasi para akong nauulol na aso.

 

Di ko lang sure kung mawawala rin yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

 

Sana phase lang ito.

 

Sana crush ko lang pala talaga siya kasi maganda siya at attracted ako sa beauty niya.

 

Oo. Ganon nga siguro. Ayoko rin kasi yung feeling na nagpa-pine sa isang tao.

 

Kaya sana maka get over na rin agad ako sa pagkakaron ko ng crush sa kanya.

 

Tsaka lilipat na rin ako sa UP Diliman so palagay ko baka kapag nasanay na ako sa presence niya, mawala yung sparks na nararamdaman ko for her.

 

Kung hindi man mawala eh di lilipat na lang siguro ako ng ibang planeta. Charot.

 

Basta hindi na lang ako mag act on my feelings unless ma-feel ko na gusto rin ako ni Karina.

 

Which is malabong mangyare. Asa naman.

 

Naninibago ako sa sarili ko. Hindi kasi ako ganito. Malanding tao ako!

 

May ilan ilan din akong naka fling aka naka momol sa UPLB at most of the time, ako yung mapusok at gumagawa ng first move.

 

Hindi naman sila umaabot sa jowa levels kasi ayoko rin talaga na nagjojowa lang nang kung sino sino na hindi ko naman kakilala masyado.

 

Nakakamiss lang din minsan makipag halikan. Char!

 

Siguro Karina is changing me. Iba siguro talaga siya.

 

Hindi kasi siya yung tipong papatol sa hook ups and flings lang. Para kasing napaka straightforward niyang tao.

 

Tumunog ang phone ko at nagtaka ako nang magreply siya.

 

Bakit hindi pa siya natutulog? Nasa labas pa rin kaya siya? Sinong kasama niya?

 

Karina: Hmm kung ikwa kya ang lift ko? :DDD

 

Ay grabe. Kakasabi ko lang na sana wag na siyang magsabi ng mga nakakakilig na bagay. Eto nanaman siya.

 

Lasing ba siya? Bakit ang dami niyang typos?

 

Tanda ko sabi niya sakin dati hindi siya mahilig mag inom eh.

 

Hindi ko na lang kekwestyunin yung weird niyang spelling sa text. Sino ba naman ako. Charot.

 

Baka antok lang talaga siya kaya ganon.

 

Sana hindi siya maweirduhan kung itatanong ko bakit hindi pa siya natutulog.

 

Me: bakit naman may pa-lifting? member ka ba ng UP Cheerdance squad? jk wahaha bakit gising ka pa ha

 

Parang ang chill chill ko lang mag text pero ang totoo niyan naka limang edit ako ng irereply ko sa kanya.

 

Kasama kaya niya yung lalake na sumundo sa kanya kanina?

 

Kating kati na ako itanong kung sino yun. Pero pinigilan ko yung sarili ko.

 

I don’t want to give her any indications na sobrang curious ako at baka isipin pa niya na may gusto ako sa kanya.

 

Well. Meron naman talaga. Pero sakin na lang yun.

 

Karina: ahAHah kasi d pa aok tulgo

 

Ano raw?! Para akong may kausap na Kokey. Lasing kaya talaga siya?

 

Akmang magrereply pa lang ako sa text niya nang nag ring bigla yung phone ko.

 

Facetime audio from Karina.

 

HUY. TEKA. TEKA LANG. Bakit niya ako tinatawagan? Drunk call ba ito? Sasagutin ko ba?

 

Sa sobrang tagal kong mag isip kung sasagutin ko yung tawag niya, nawala na yung call.

 

Di ko alam kung madidisappoint ako o makakahinga nang maluwag.

 

Karina: ANsewr >:(

 

Hala ano ba yan. Bakit ang cute niya shuta! I-ready niyo na ang spaceship, gusto ko nang pumunta sa Mars.

 

Nag ring ulit yung phone ko and this time, sinagot ko na agad.

 

Hindi naman ako whipped. Medyo lang. Heh. Tsaka nag aalala din ako kaya I answered the call na rin right away.

 

“Karina?” Mahina kong sambit. Baka mabulabog si Mommy sa kabilang kwarto kapag nilakasan ko ang boses ko.

 

Narinig ko yung parang pag sinok ni Karina sa kabilang linya.

 

Bakit naman pati yung pag sinok niya ang cute. Jusko po. Ang lala mo, Winter.

 

Anong love language ni Winter? Sinok po.

 

“Hiiiiiii.”

 

Ang haba nung Hi niya. Tapos parang ang liit ng boses niya na para siyang nagbe-baby talk.

 

Nakakapanibago. Lasing nga siguro ‘to.

 

Iniisip ko kung ibababa ko na lang yung call.

 

Baka kasi mapahiya siya kinabukasan pag naalala niya na kinausap niya ko in her state of drunkness tapos maging awkward siya sakin.

 

“Ang sabi ko hi.” Parang seryoso at pagalit na sabi niya.

 

Nakakatakot naman. Napasagot na lang tuloy ako kaagad.

 

“A-ay. Sorry. Hi din. Uhm, okay ka lang ba? Lasing ka ba? Anong meron?” Worried kong tanong.

 

“Hin. Di. A. ko. La. Sing.” Paputol putol na sagot niya in between her hiccups. Cute.

 

Gusto ko siyang tawanan pero baka mas magalit pa sakin at ako ang mapagbuntonan ng kalasingan.

 

Sasagot sana ako nang bigla siyang nagsalita ulit. Medyo lumalakas yung boses niya.

 

“I’m having ano. Uhm ano nga bang tawag dito? Nalimutan ko haha shucks. Wait! Wine.”

 

Natawa ako sa pagkalito niya. Ang cute niya lang.

 

Sa totoo lang, nagcocontemplate ako.

 

Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin nang ganitong lasing siya.

 

I don’t want to impose at magtanong kung bakit siya nag lasing.

 

Pero siya naman kasi yung tumawag kaya siguro wala naman masama if itanong ko.

 

“Bakit ka ba nagiinom? 2am na ah.”

 

Naririnig ko yung parang malalim na hinga niya. Ang lapit siguro ng mic sa bibig niya. Parang antok na antok na rin yung boses niya eh.

 

“Yung ano kasi, yung ex—”

 

Bago pa man niya maituloy yung sasabihin niya, nawala yung call.

 

Hindi ko alam kung napindot niya or nag low batt na siya. Ang panget naman ng timing.

 

Ex? Ano yung about sa ex niya? Sobrang nacucurious ako.

 

May nangyari kaya with her ex kaya nagpapaka lasing siya?

 

Hindi naman kasi siya mahilig daw mag inom at kung mag inom man daw siya, occasionally lang.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
137 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!