Chapter 9

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Kinabukasan after ng pagkikita namin ni Karina sa UP Town, nabobother ako.

 

Nabobother ako kasi parang may nalimutan akong itanong sa kanya.

 

Nag run down tuloy ako ng mga napag usapan namin kahapon sa café hanggang sa part na hinatid ko siya sa kanila.

 

Nag hug. Pumili ng food. Kumain. Nag usap about food. Nag usap about subjects. Nakinig ng radio. Nag hug nanaman.

 

Ano bang nakalimutan ko?

 

Natulala ako for a while and bigla kong naalala, I forgot to invite her sa opening ng BGC branch ng Bell’e Buono next week!

 

Well, obviously I wasn't gonna invite her when we weren't okay kaya nawala rin siguro sa isip ko. But everything went well naman na sa aming dalawa at gusto ko rin malaman yung opinion niya sa resto ni Mom.

 

Naisip ko na ito kahapon pa on the way sa UP Town. I think I was gonna mention it to her after namin kumain kaya lang napag usapan namin yung Math 2 kaya it slipped my mind.

 

Wala talagang magandang dulot ang Math sa buhay ng tao. Sure na.

 

Siguro mas okay na sa call ko siya i-invite para naman mas thoughtful yung invitation.

 

Tinext ko muna siya before ko siya tawagan.

 

Me: karina i forgot to ask you something pala yesterday. can i call?

 

Tinatamad din kasi akong mag text dahil nag nagbibihis na ako para i-meet si Ning and Lia maya maya.

 

They’re gonna stay here kasi sa bahay from Saturday night to Monday afternoon for the online enlistment.

 

Balak talaga nilang gawing bahay bakasyunan itong house namin. Parang hindi daw kasi kami nauubusan ng pagkain dito.

 

Karina: o.O What is it? Go call now

 

Bakit ba ang weird ng mga ginagamit na facial expressions ni Karina sa text. May character emojis naman, bakit hindi yun ang gamitin niya. Ang funny lang and at the same time it's cute.

 

“Hey Siri. Call Karina on facetime audio.”

 

Ang convenient talaga nito ni Mareng Siri lalo na kapag nagbibihis ka at hindi mo mahawakan ang phone mo. Nasasagot din niya halos lahat ng inquiries.

 

Hey Siri, paano ba ang magmahal? Palagi bang masasaktan? Umiiyak na lang palagi. Charot

 

Narinig kong nag ring ang aking phone at sumagot din naman agad si Karina.

 

“Hey. What is it that you forgot na tanungin?” She curiously asked sa kabilang linya.

 

“Remember when I told you about yung resto ng Mom ko?”

 

I think nabanggit ko ito sa kanya when we were texting when she was on a vacation in La Union. We were asking each other kung ano yung favorite Italian restaurant sa Manila.

 

“Mmm yes, I think so. It's the Italian resto right? Why haven’t you brought me there pala?”

 

Ay bakit may panunumbat, Karina? Char

 

Actually, balak ko naman talaga siyang dalhin doon after sana nung ice cream thingy namin. Doon sana kami magdidinner. Pero ayun nga, naudlot.

 

Hindi ko na lang ito babanggitin sa kanya ‘cause I don’t want her to feel bad nanaman about what happened. I'm honestly over it.

 

“Nahihiya ako. Ang judger mo kaya when it comes to food." I jokingly said.

 

Narinig ko siyang tumawa nang mahina.

 

“You are din kaya. Mas exagge ka ngang mag comment pag hindi mo gusto yung pagkain eh." Tumawa kami pareho. Totoo kasi yung sinabi niya. "And I doubt your mom’s food will disappoint me. Anyway, anong meron sa resto?”

 

Naupo na ako sa kama after kong magbihis at nilagay na sa tenga ko yung phone dahil hindi ko masyadong maintindihan ang pinagsasasabi ni Karina kapag naka speaker.

 

“Ano kasi, we’re opening up a new branch in BGC. Uhm, I was wondering kung gusto mo magpunta sa opening day? It’s on Wednesday next week. Sa may High Street siya."

 

Nakikita kong nagchachat na sa GC namin ang dalawa kong kaibigan pero hindi ko muna ito inopen. Pagkatapos ko na lang kausapin si Karina tsaka ako magrereply.

 

“Oh wow that’s a huge deal. Congrats to your mom pala." I heard a toilet flush sa kabilang linya. Umiihi ba siya?! "I think I can make it naman on Wednesday since tapos na ang enlistment natin by then. Can I bring Giselle?”

 

Si Giselle yata yung bestfriend niya na nakekwento niya from time to time. Lagi niya itong nababanggit sa akin kapag nag rarant siya about sa kaibigan.

 

Lagi raw kasi siyang pinapagalitan at inaaway nito. I think they’re cute. Parang mag nanay sila at hindi mag besfriends.

 

“Yes, go bring whoever you want. More sales yan for us.” Pagbibiro ko.

 

Sobrang daming dumadating sakin na notifs galing sa GC namin nila Ning. Ano nanaman kayang pinaguusapan ng dalawang yun?

 

Napakaingay kasi nilang dalawa eh. Kahit yata hanash ng mga lamok at langgam pinaguusapan nila kapag magkasama kami.

 

"Sabi ko na nga ba, Winter. Sabi ko na nga ba yan lang ang habol mo sa akin."

 

Ang rare talaga makita yung playful side ni Karina. Minsan lang kasi siya mag joke at bumanat ng mga corny stuff. Usually, tawa lang siya nang tawa sa mga sinasabi ko.

 

"Sabi nga nila diba - practicality is the best policy."

 

Napahagalpak si Karina sa sinabi ko.

 

Feeling ko talaga pwede kong tapatan si Vice Ganda sa pagpapatawa niya pag si Karina ang kausap ko.

 

Makapag apply kaya sa isang comedy bar? May isang fan naman na ako eh. Si Karina.

 

"You're so annoying!"

 

Nag bye na rin kami sa isa't isa at tinatadtad na talaga ako ng chats ng dalawa kong kaibigan.

 

 

GC NA BAWAL ANG PANGET

 

Ning: Magkasama na kami ni Lia

 

Lia: Winter punta ka na

 

Ning: Hello??? @Winter

 

Lia: I’m calling you pero you’re in another call

 

Ning: Ang harot talaga. Sige unahin mo yan kaysa samin

 

Ning: Sino yan? Si Tinder sweetheart or si café cutie?

 

Lia: Ay taray may choices HAHAHAHA

 

Ning: Ang atin pong itugon “Sana All”

 

Winter: ang ingay niyo nanaman?????

 

Ning: Ang tanong, sinong kausap mo at bakit hindi ka nagrereply

 

Winter: kausap ko nanay mo ning tinanong ko kung napulot ka lang ba sa tae ng kalabaw

 

Lia: HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHAHA

 

Ning: Lalasunin na talaga kita one of these days

 

Winter: hays mga napupulot talaga sa jebs ng kalabaw :/

 

Lia: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA

 

Ning: At least never ko naranasan ma stood up

 

Lia: HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAA

 

Winter: sir francis kung manggugulo lang kayo sa live ko pwede na kayong umalis bawal epal dito

 

Lia: HAHAHAHAHAHAHA WHO'S SIR FRANCIS

 

Ning: Tawa ka lang nang tawa Lia pota ka. Winter sunduin mo na kami!

 

Dumerecho na ako sa garahe para kunin ang car ko. Nagpapasundo na nga lang kasi yung dalawang mahilig magmaganda, parang ako pa ang nanghihingi ng favor kung maka sumbat sa group chat.

 

Hindi naman na ako umangal pa dahil may bibilhin din ako sa labas na pens and notebooks. Malapit na kasing mag pasukan. Sasabay na raw sa akin ng bili si Ning at Lia.

 

Ang lakas nila akong asarin about dun sa nangyari samin ni Karina. Naikwento ko kasi ito sa kanila the day after nung nangyari.

 

Napansin kasi nila na parang wala ako sa mood noon at medyo masungit ako sa kanila which is unusual daw sakin kaya wala na akong choice kundi i-open ito sa kanila.

 

They tried comforting me at binilhan nila ako that day ng isang gallon na ice cream. Mas lalo ko tuloy naalala yung nangyari samin ni Karina! Although their efforts were highly appreciated naman.

 

Nalaman din nila na nakasama ko si Minju dahil sa IG story ko. Sino raw yung kasama kong babae. They accused me pa na kaya ko raw sila pinaalis na to go to salon is because may ka date ako.

 

Agad naman akong nag explain na isa si Minju sa transferees din na same ng course sa akin and coincidence lang na nasa same café kami.

 

They eyed me suspiciously pero hindi na rin naman nagdagdag pa ng comments.

 

Winter: i'm here na. naka hazard lang ako sa labas

 

We went straight to National Bookstore after I picked them up to buy school essentials.

 

"Parang gusto kong bumili ng planner." Banggit ni Ning habang tinitignan yung mga sale na planners. Ilang months na rin kasi ay tapos na ang taon kaya siguro nagse-sale sila.

 

Lumapit si Lia para i-check din ang mga ito, "Gusto ko rin kaso I seldom write plans sa planner. Although nakakatuwa lang bumili."

 

Tama naman si Lia. Nakakatuwa lang din na may planner kahit wala kang plano sa buhay. Kahit ako ay nabubudol ng Starbucks tuwing magpapasko at napapacollect ng stickers para magka planner na hindi ko naman susulatan.

 

Inarte lang ganon.

 

"Si Winter ang daming masusulat niyan ni teh. Monday food trip with karina. Tuesday photography class with Minju. Wednesday dinner date nanaman with Karina."

 

Hinampas hampas ko siya. Nakakairita! Hindi kaya!

 

"Hoy Ning tigil tigilan mo nga pang aasar sa akin sa mga yon. I don't like anyone right now." Pagiinarte kong sagot.

 

Sumingit bigla si Lia sa usapan at tumawa, "Winter, remember nung high school? Everyone was like having a major crush on you. Even the girls sa class. But you ended up with someone from other school na sobrang toxic."

 

Nakalimutan ko na alam nga pala ni Lia ang mga hanash ko dati. Sa kanya ako nagkekwento noon ng mga kaharutan ko sa buhay.

 

Wala naman akong magagawa kung maraming nagkaka crush sa akin. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi. Ang ganda ko lang kasi talaga. Chos!

 

"Hay nako. Sobrang immature ko pa non. Iba na ako ngayon. I bloomed into a beautiful butterfly."

 

Napa snort si Ning at sinabing parang uod pa rin naman daw ako. Bwiset!

 

Kumuha ako ng G-tech na 0.3 dahil ito ang best ballpen on earth. Yes, specifically 0.3. Para akong mahihimatay kapag hindi yun ang gamit ko na pen pang sulat.

 

Akala ko tapos na ang usapan about sa akin nang biglang umalingawngaw nanaman ang boses ni Ning, "Teh. Kung papipiliin ka between Karina and Minju. Sino yung mas crushable for you?"

 

Jusko. Namula ako bigla sa tanong. Bakit ba napaka intrimitida nito ni Ningning.

 

"Ang issue mo. Over na ako sa crush ko kay Karina. And bakit ba push na push ka sakin kay Minju? We're just friends. Actually hindi nga kami ganon ka close pa eh."

 

I was gonna say something pa when L

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
138 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!