Chapter 68- ENDING

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Tawagan mo kaya si Seulgi?" suggestion ni Nayeon. 


Di na sumagot pa si Joohyun at agad na dinial ang number ng girlfriend pero nakapatay ang phone nito. 


"Naka-off yung phone niya. Sabi niya di lang daw siya magbubukas ng data." nagpapanic na sabi ni Joohyun. 


"Relax ka lang, I'm sure controlled naman ng government dun yung situation. Try mo na lang mamaya kontakin si Seulgi."

 

 

 

 

 

 

 

 

Consuelo de bobo na lang para kay Joohyun na hanggang alas singko lang ng hapon ang duty niya ng araw na iyon dahil kanina pa siya wala sa tamang wisyo. Halos si Nayeon na ang gumawa ng trabaho niya sa takot nitong magkaroon ng pagkakamali si Joohyun sa pagpapasyente. 


Hinatid pa siya ng kaibigan sa unit at siniguradong mas maayos na ang lagay niya bago ito umalis. Di rin naman nagtagal ay pinuntahan na siya ni Joy para kumustahin.


"Joo, subukan mo na ulit tawagan si Seulgi."


"Kanina ko pa tinatawagan yung number niya pero naka-off talaga yung phone." malungkot na sabi ni Joohyun.


"Bakit naman kasi ngayon pa hindi ma-contact si Kang eh." sabi ni Joy.


"Nagpaalam siya sa'kin kaninang umaga na baka daw hindi siya maka-sagot agad sa mga messages ko kasi magiging busy siya."


"Do you think it has something to do with the news? Baka naghigpit sa ospital doon o baka pinapa-test na lahat ng workers kaya busy siya."


"Sana ganun nga lang. I'm worried."


"Nag-check ako ng travel ban advisory dito sa atin mukhang wala pa namang nilalabas ang government. Sana makauwi na si Seulgi bago pa mag-announce. Tsk tsk timing pa naman sa graduation mo."


"Honestly Joy, least priority ko ngayon kung makaka-attend ba siya ng graduation ko o hindi. Ang gusto ko lang makauwi siya ng safe."

 

 

 

 

Hanggang sa makabalik na si Joy sa sarili nilang unit ay hindi pa rin mapakali si Joohyun. Minuminuto niyang sinisilip ang cellphone, nagaabang ng message mula kay Seulgi.


Para naman siyang nabunutan ng tinik nang mag-flash na sa screen niya ang incoming call prompt.


"Hello, mahal. Sorry ngayon lang ako nakatawag sa'yo."


"Mahal...nag-aalala ako sa'yo diyan. Nagpatest ka na ba? May result na ba? Mag-mask ka na palagi." sunod-sunod na tanong ni Joohyun.


"Sorry, Hyun. Pinagalala kita. Don't worry okay naman ako. Nagpatest ako nung isang araw, negative."


Narinig ni Seulgi ang malakas na pagbuntong-hininga ng girlfriend sa kabilang linya. "Kulit..."


"Hmmm?"


"I'm worried. Umuwi ka na please?"


"Mahal, I tried rebooking na pero simula nung pumutok yung news ang hirap na magpa-rebook. I'm sorry." nag-pause ng saglit si Seulgi bago nagsalita ulit. "pero the good thing is wala pa namang cancellation of flights o kaya travel ban diyan sa atin."


"Sabi nga ni Joy. Will you be okay?"


"Mahal, I will be okay. I will make sure na uuwi akong buong buo. Miss na kita."


Hindi na napigilan ni Joohyun ang pagpatak ng luha niya. Simula nung nalaman niya ang balita kaninang tanghali kinimkim na niya yung lungkot at pag-aalala para sa girlfriend.


"I'll be fine, mahal." malambing na sabi ni Seulgi. Hinayaan lang niyang umiyak ang girlfriend para mailabas nito ang dinadalang mabigat na emosyon.


Matapos ang ilang minutong pag-aantay ay nakapagsalita na si Joohyun. "I know this is too much to ask dahil busy ka diyan pero please update me lagi? I just want to know kung safe ka."


"I will. Don't worry na po ah? Tsaka fully vaccinated naman ako, I will be fine."


"Mahal, mutated yung virus. Di pa natin alam kung effective pa ba yung vaccine natin noon sa bagong strain."


"Mag-iingat ako promise. Namigay sila ng mga mask at disinfectant sa lahat ng employees."


"Mag-promise ka, mahal. Babalikan mo ko."


"I promise. Mahal, video tayo." sabi ni Seulgi. 


Pagka-on ni Joohyun ng video niya ay bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Seulgi. 


"Hyun, babalik ako. Di mo mamamalayan nandiyan na ako sa tabi mo. Nag-promise ako diba? Tutuparin ko yun."


Joohyun sighed. "I'm sorry. Nagiging irrational na ata ako. Sobrang nag-aalala lang talaga ako para sa'yo. Di ata ako matatahimik hangga't wala ka dito."


"Don't say sorry. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon mo baka nga sinundo pa kita kung nasan ka man eh. I'll be okay, hmmm?" pagre-reassure ni Seulgi sa nagaalalang girlfriend. "Ikaw, magingat ka rin po. If you need to wear mask, magsuot ka. Di natin alam kung nakapasok na ba diyan ulit sa atin."


"Magiingat po ako." nakatitig na lang si Joohyun kay Seulgi. 


"Kwentuhan mo naman ako, mahal. Ano pong feeling ng Summa Laude?" pagiiba ni Seulgi ng topic para hindi na mag-isip pa si Joohyun. 


Napangiti si Joohyun. Halata naman niyang pinapakalma siya ni Seulgi at thankful siya doon dahil naguumpisa nang gumaan ang pakiramdam niya. 


"Masaya ako, sobra. Kasi ang lapit lapit ko na sa finish line. Internship at board exam na lang, doktor na talaga ako."


"Sobrang proud ako sa'yo, Hyun. Pinagmamalaki ko dito sa mga kasama ko sa training na napakaswerte ko sa girlfriend ko. Mabait, matalino, magaling magluto, y, di mapapantayan ang sense of humor, minsan nga lang nangangagat." biro ni Seulgi. 


"Hoy! Kailan kita kinagat? Di ako nangangagat 'no." depensa ni Joohyun. 


"Ah talaga ba, mahal? Tanda mo ba yung bite mark ko dito noon?" hinawakan ni Seulgi ang kaliwang balikat. 


"I-isang beses lang yun! Tsaka kasalanan mo naman." nahihiyang sagot ni Joohyun. 


"Hahaha Hyun ang pula mo na naman. Paalala mo nga sa'kin bakit ako nagka-bite mark?" nakangising sabi ni Seulgi. 


"Ayokong pagusapan!" nagtakip ng mukha si Joohyun. 


"hahaha bakit ba ang cute mo? Joke lang po sige change topic na." 


Nagpatuloy lang ang paguusap nilang dalawa hanggang sa antukin na si Joohyun. "Mahal, inaantok na ko pero gusto pa kitang kausap."


"Pahinga ka na. 24-hour duty ka ulit bukas di ba? Usap tayo bukas pag may free time ka. Tawagan mo ko sa messenger anytime."


"Wala kang pasok bukas?" tanong ni Joohyun dahil mukhang maraming free time ang girlfriend niya.


"Ha? Ah ano kasi patapos naman na yung training kaya wala na masyado gagawin."


"hmmm...okay." tipid na sagot ni Joohyun. Di na ulit ito nagsalita dahil nakatulog na. 


"Konting tiis na lang, mahal." bulong ni Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Joohyun! May chika ako sa'yo." bati ni Nayeon pagpasok ni Joohyun sa kwarto. 


"Good morning din sa'yo. Chismis ba yan? Ang aga ah." biro ni Joohyun. 


"Gaga hindi. Yung pinsan ko kasi immigration officer sa NAIA. May chinika sa'kin."


"Oh ano daw?" 


"Yung mga flights daw galing middle east kahapon naka-quarantine muna dun sa airport ng ilang oras tapos may mga sumusundo daw na bus ng gobyerno. Medyo discreet daw pagsundo. Siguro ayaw nila mag-stir ng chaos muna dito sa pinas."


"Tingin mo saang quarantine facility kaya sila dadalhin?"


"Di ako sure. Baka dun sa mga hotels muna siguro."


"In fairness sa gobyerno natin ngayon ah. Alerto na yung mga bagong nakaupo, ang bilis ng response." sagot ni Joohyun.


"Dapat lang. Ayoko na ng repeat ng nakaraan."


"Ay sinabi mo pa ayoko rin. Naalala ko dati sinusundo pa ako ni Seulgi noon kasi walang masakyang jeep. Gabi gabi kaming naglalakad pauwi."


"Grabe naman talagang napaka-sweet ng jowa mo no? Kaya in love na in love ka eh."


"Loka ka pero true. In love na in love nga ako. Sa kaniya kasi hindi effort na matatawag yung mga ginagawa niya for me eh. Mas okay na term yung innate na sa kaniya yung maasikaso. Natural na sa kaniya yung ganun kaya never yun nagreklamo kasi nga ganun talaga personality niya. Unlike sa iba na sa una lang magaling."


"Luh siya. Nag-speech ka na diyan. Mabanggit lang si Seulgi eh." natatawang sabi ni Nayeon. 


"Sorry naman. Ikaw kasi tinitrigger mo pagiging romantic ko." depensa ni Joohyun. 

 

 

 

  Sabay silang magkaibigan na pumunta sa ward para i-check ang pasyenteng kaka-admit lang. Vital signs monitoring at patient assessment ang main tasks ng mga clerks kaya iyon ang inuna nilang gawin.      "Mga doc, nabalitaan niyo na ba ang chismis?" sabi ng isang nurse na nakasalubong nila sa hallway.      "Nurse Kat, chika mo na yan." sagot ni Joohyun.      "Maglalabas na daw ng travel ban ang pinas. Not sure kung kailan effective. Bali-balita lang."     Natahimik si Joohyun sa tabi ni Nayeon dahil hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Sa medical point of view, gusto niyang palakpakan ang current administration dahil sa mabilis na aksyon nito. Ngunit bilang girlfriend ng isang OFW na posibleng ma-stuck sa ibang bansa dahil sa napipintong pagharang sa mga pauwing pinoy, sumasakit ang puso niya. 'Paano na si Seulgi?' tanong niya sa sarili.      "Huy, wag ka munang mag-isip ng nega diyan. Pray lang na wag abutan si Seulgi." komento ni Nayeon.      Medyo kalmado naman na ang isip ni Joohyun ngayon dahil sa paguusap nila ni Seulgi kaya hindi na lang niya masyadong inentertain ang usapin. Nag-focus na lang siya sa nga gawain niya ng araw na iyon.                          Si Seulgi at ang good timing niya. Madalas kung hindi man palagi, napapakalma siya ni Seulgi kahit hindi siya magsabi na may dinadala siyang bigat sa dibdib.         1 new message from My love      My love: good morning, mahal. Focus ka po sa work mo ah? Wag mo kong isipin. I love you!      girlfriend: I love you too! Doing rounds po. Message kita later. Miss you!      Napangiti si Seulgi sa nabasang reply. Alam niyang may kaunting pagaalala pa rin si Joohyun sa sitwasyon nila pero wala siyang magagawa kundi ang magintay, bilangin ang bawat paglubog at paglitaw ng araw hanggang sa payagan na siyang lumabas ng kwartong kinalalagyan niya ngayon.                         A few days after pumutok ng balitang kinagulantang ng buong mundo, naglabas na ang Qatar ng statement at protocol para sa mga papasok at lalabas ng bansa. Sila na ang nagbigay ng inisyatibong ipa-test ng libre ang mga travelers to and from the said country. Papayagan lamang nilang makalabas ng kanilang nasasakupan ang mga mapapatunayang nag-negatibo sa test. Nakasalalay na sa bansang patutunguhan kung magpapatupad ba sila ng mandatory quarantine o hindi.      Mariin din nilang ipinaalala sa lahat ng mga naka-abang na iisang kaso pa lamang ang naitatala mula nang mag-positobo ang isang lokal ng Doha. Masugid din nilang hinahagilap ang mga nakasalamuha ng nasabing pasyente upang mapigilan ang pagkalat ng impeksyon at base sa pinakahuling test na ginawa nila, wala namang nahawa. Kung saan at paano nakuha ng nagpositibo ay hindi pa rin nila matiyak dahil wala namang travel history ito sa mga nakalipas na buwan.      "Hyun, nabasa mo yung sinend kong article? Galing yan sa Doha Daily, sikat na news outlet yan sa Qatar."     "Oo, mahal. Buti na lang talaga na wala pang ibang case bukod dun sa isang nag-positive." sagot ni
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
889 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
341 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.