Chapter 25

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Good morning po, tita." bati ni Seulgi sa nanay ni Joohyun.

 

"Seulgi, pasok ka. Di pa tapos si Joohyun mag-ayos. Mauna na ako ah wag kayong papagabi ni Joohyun may pasok pa kayo bukas."

 


"Opo, tita. Nandito na po kami before 5pm."

 


Naupo lang si Seulgi sa sofa nila Joohyun.

 

1 new message from <3 Soon
<3 Soon: Good morning, Hyun. Nandito na ko. Pinapasok ako ni Tita.


Soon to be girlfriend: bakit ang aga mo? :(


<3 Soon: haha excited eh. Sige lang take your time antayin kita. Dito lang ako sa baba.

 

Di na nagreply si Joohyun dahil nagmamadali na siyang mag-ayos. After 30 mins bumaba siya sa sala at naabutan si Seulgi at Yeri na naglalaro sa mga phone nila.


"Good morning, kulit. Nagbreakfast ka na?" umupo si Joohyun sa armrest ng couch nila at umakbay kay Seulgi. Binaba ni Seulgi ang phone niya at humarap kay Joohyun.


"Sabi ko na eh. Dapat di na lang ako bumaba para makipaglaro sa'yo, ate Seulgi. Iiwan mo na naman ako sa game." sabi ni Yeri pero di siya pinansin ni Seulgi. 

 


"Magandang umaga, miss marilag. Bakit po ang ganda?" manghang bati ni Seulgi.


Naka denim mini skirt na pinartneran ng manipis na red knit top si Joohyun. Naka-half ponytail ang buhok nito gamit ang medium sized black ribbon. May nakasabit din sa kaniyang small black sling bag.


Tumayo si Seulgi to take a good look kay Joohyun. Napatayo na rin si Joohyun mula sa pagkakaupo. Hinila siya ng bahagya ni Seulgi para mabawasan ang distansya nila.


"Ang cute mo." pinisil ng konti ni Seulgi ang pisngi ni Joohyun. "Ngayon lang kita nakitang ganyan ayos ng buhok, Hyun. Bagay sa'yo."


"Buong araw mo ba ako papakiligin kasi kung oo, di na ako magdadala ng blush on." natatawang tanong ni Joohyun. Wala ng point para itago niya pa yung pamumula ng cheeks niya sa kilig kasi kitang kita na ni Seulgi.

 

"Hahaha ayaw mo ba? Cute naman talaga eh. Ready ka na?"


"Let's go, baby." asar ni Joohyun.


"Aaaah gumaganyan ka ah. Tara na, baby. Galit na yung gr@b driver ang tagal mo."


Nanlaki ang mga mata ni Joohyun. "Seulgi! Bakit di mo sinabing nagbook ka na ng grab? Nakakahiya kay kuya."


"Tara na, Hyun. Yeri, anong gusto mong pasalubong?" tanong ni Seulgi.


"Pizza!" sigaw ni Yeri habang nakatanaw sa papalayong kausap.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Lagot ka, Hyun ang tagal mo kasi."


"Magso-sorry na lang ako kay kuya." mahinang sabi ni Joohyun.

 

Paglapit nila sa tinted na kotse ay binuksan ni Seulgi ng bahagya ang pinto ng shotgun seat. "Sa harap ka, Hyun." bulong ni Seulgi.

 

"Bakit sa harap?" bulong ni Joohyun.

 

"Di ba magsosorry ka kay kuya di ka niya gaano maririnig pag nasa likod ka." bulong ni Seulgi.

 

Bumuntong-hininga si Joohyun. "Sige." binuksan na niya ng tuluyan ang pinto. "Kuya, pasensya na...po..." walang driver.


"Kulit! Wala si kuya." sabi ni Joohyun.

 

"Naku yari na. Nainip na ata. Teka silipin ko. Sakay ka na diyan, Hyun."

 

Sumakay si Joohyun at pinanood si Seulgi maglakad papuntang kabilang side ng kotse na lilinga-linga para hanapin ang driver.

 


Binuksan ni Seulgi ang pinto ng driver's seat. "Hyun, di ko makita si kuya." pumasok si Seulgi at umupo sa driver's seat.


"Anong ginaga..." huminto si Joohyun sa pag sasalita at tumitig ng masama sa kausap. "Nakakainis kaaaaaa!" sumandal si Joohyun at di na nagsalita. Nakasimangot.

 

"HAHAHA Hyun! Joke lang." sabi ni Seulgi pagtapos niya tumawa ng malakas.


"Nakakainis ka nagready pa naman ako ng sasabihin ko ikaw lang pala driver." Nakasimangot pa rin si Joohyun. Sa paghahanda niya ng sasabihin sa driver kuno ay di na niya napansing private car ang sinakyan niya at ni isang bahid ng logo ng gr@b ay wala siyang nakita. 


"Hyun, joke lang yun." hinawakan niya ang kamay ni Joohyun pero hindi pa rin siya pinansin. "Hyun, sorry na." inirapan siya ng kausap at tsaka tumingin sa kabilang direksyon. Pinigil ni Seulgi ang tawa dahil kahit na naiinis sa kaniya si Joohyun ay hindi naman nito binibitawan ang kamay niya.


Nag-adjust siya ng kaunti para maabot ang seatbelt ni Joohyun. " Buckle up, miss." nag-lean forward si Seulgi para mahila ang seatbelt. Sinadya niyang ilapit ang mukha sa may tenga ni Joohyun at tsaka bumulong. "Sorry na po. Tingin ka na sa'kin hmmm?" tumayo ang mga balahibo ni Joohyun sa katawan. Seulgi is extra flirty today. 'Kakayin ko kaya?' tanong ni Joohyun sa sarili.


Haharap na sana siya kay Seulgi kaso naisip niya ang balak gawin ng kasama kaya inangat niya ang isang kamay para itulak ang mukha ni Seulgi.

 

"Ah ah Hyun!" sabi ni Seulgi in a muffled voice dahil nakatakip pa rin ang bibig niya ng kamay ni Joohyun.

 

"Alam ko na yan, kulit. Di ubra sa'kin yan." natatawang sagot ni Joohyun.


"Sayang naman." malungkot na sabi ni Seulgi.


Inayos ni Seulgi ang kanilang seatbelt bago nagsalita ulit. 


"Ready ka na po ba? Let's go!" inistart ni Seulgi yung kotse at shinift sa reverse ang gear. Kaliwang kamay sa manibela habang ang kanan naman ay inilagay niya sa likuran ng sandalan ni Joohyun. Seulgi turned her body slightly and looked over her right shoulder to see the back view. Tinignan niya ng saglit si Joohyun at tsaka kinindatan. "Okay ba? Kinilig ka ba?"

 

Soft giggles. Kahit di na magplay ng music si Seulgi sapat na ang mga pigil na tawa ni Joohyun.


"Dapat ba akong kiligin? Hahaha wala namang nakaharang na kahit ano sa harap natin bakit ka umaatras?" natatawang tanong ni Joohyun.


"Ano ba yan, Hyun. Di mo naman sinuportahan pagpapa-cute ko sa'yo eh. Excited pa naman akong gawin yun." reklamo ni Seulgi.


"Effective sana yan kung kailangan mo talagang mag-reverse, soon eh." natatawa pa rin si Joohyun.

 

'Bakit ang cute mo, Seulgi? Kahit wala kang gawin kinikilig na ako and you're still trying your best to impress me?' Joohyun thought to herself.


"Marunong ka palang magdrive? Tsaka kanino 'tong kotse?" tanong ni Joohyun. 

 

"Marunong ako no. Kay Papa 'to. Umuwi siya eh kaya hiniram ko. Ayaw siyempre kitang pag-commute sa date natin." 


"Sure ka ah? Buo tayong makakauwi?" 

 

"Oo naman. Gusto mo iuwi na kita ngayon eh. Ang linis pa naman ng kwarto ko bagong palit bedsheet." biro ni Seulgi. 

 

"Alam mo ikaw..." di na naituloy ni Joohyun ang sasabihin dahil narinig niyang kumalam ang sikmura ni Seulgi. 

 

 

 

Tahimik lang itong nagda-drive. Smooth naman so far ang ride nila. Maingat na driver si Seulgi at hindi nakakahilo magpatakbo. 


"Di ka nagbreakfast no? May dala akong gimbap. Gusto mo?" alok ni Joohyun. 

 

"Talaga? Sige mamaya pag nag red light, Hyun. Medyo gutom na nga ako."

 

Napangiti lang si Joohyun dahil naririnig pa rin niya ang kumakalam na sikmura ni Seulgi. Nag-apply siya ng sanitizer sa kamay at tsaka kumuha ng isang slice ng gimbap. 

 

"Baby, aaaaaah." sabi ni Joohyun habang nakaabang ang hawak niyang gimbap sa bibig ni Seulgi. 

 

Mabilis na sinubo ni Seulgi yung biyayang nakaabang. "Hyun, ang sherewp talaga ng gawa mo. Penge pa. Hehe" 


"Ubusin mo muna yang nasa bibig mo. Mukha kang squirrel."

 

Nagpatuloy lang sa pagkain si Seulgi hanggang sa maubos na niya ang kalahati ng baon nila. Nagbukas ng tubig si Joohyun, nilagyan ng straw at tsaka itinapat ulit kay Seulgi para makainom

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.