Chapter 53

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter


 

 

 

"Anong ginagawa mo dito, Seulgi." tanong ni Tita Eula. Hindi welcoming yung tono ng tita ni Joohyun kaya medyo nag-alangan si Seulgi.

 

 

"Papunta po kami ng La Union nila Hyun. Nakita po kayo ng mga kaibigan ko kaya ko nalaman na nandito po kayo."

 

 

Tahimik lang si Tita Eula at mas piniling ayusin ang mga panindang pasalubong kaya nagsalita na lang si Seulgi ulit. "Tita, pwede po ba namin kayong makausap ni Joohyun?"

 

 

"Para saan? Hindi ko naman na kayo ginulo pa pagtapos ng nangyari."

 

 

"Tita, matagal na po yun. Gusto lang po namin kayong kumustahin. At tsaka po hinahanap pa rin kayo ni Ate Tiffany."

 

 

Napatingin si Tita Eula kay Seulgi pagkarinig ng pangalan ng anak. Nakita naman ni Seulgi sa mga mata ng kausap ang pangungulila nito kaya agad niyang dinugtungan ang sinabi. "Matagal na po kayong hinahanap nila Ate Tiffany kasi po ikakasal na sila ni Ate Taeyeon. Gusto po nila nandun kayo."

 

 

"Ikakasal na ang anak ko?" tanong ni Tita Eula na halatang nanginginig ang boses at may luhang nangbabadyang tumulo.

 

 

"Opo. Tita, sana po payagan niyo po kami ni Joohyun na mabisita ka. Hindi naman po kami galit sa inyo. We just want to talk po. Pwede ko po bang makuha ang number o address niyo para mapuntahan namin kayo bago kami bumalik ng Maynila?" 

 

 

Dahil siguro sa pananabik na mabalik ang komunikasyon sa anak hindi na nakapag-isip ng maayos si Tita Eula kaya dali-dali itong kumuha ng papel at ballpen. Ilang saglit pa ay naglalakad na si Seulgi pabalik sa bus na hawak ang maliit na papel kung saan nakasulat ang cellphone number at address ng tita ni Joohyun. 

 

 

 

Pagdating ni Seulgi sa pwesto nila ni Joohyun nakita niyang tulog pa rin ang girlfriend kaya tahimik lang siyang umupo at inakbayan ang dalagang katabi. Nagising si Joohyun sa pag-galaw na yun ni Seulgi. 

 

 

"Mahal?" tanong ng naalimpungatang si Joohyun. "Saan na tayo?" dugtong niya. 

 

 

"Last stop over, mahal. Sleep ka pa. Gisingin kita pagmalapit na tayo." sagot ni Seulgi. Excited siyang sabihin sa girlfriend na nakita na niya ang tita nito kaya lang minabuti na lang niyang sabihin ito mamaya para hindi maistorbo ang tulog nito. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Pagbaba nila ng bus halata sa mukha ni Joohyun ang excitement. 

 

 

"Happy yan?" biro ni Seulgi sa girlfriend. 

 

 

"Sobra! Ang tagal ko rin hindi nakapag-beach!" sagot ni Joohyun habang nag-iinat mula sa matagal na pagkakaupo sa bus. 

 

 

"Tara? Check in muna tayo bago pumunta sa bahay. Naghahanda pa lang daw sila Mama ng tanghalian eh." aya ni Seulgi kay Joohyun. Nakasunod naman sila Lisa, Rose, Joy, at Wendy sa dalawa. 

 

 

Mga nakailang hakbang na sila nang biglang may maalala si Lisa. "Tol, san si Byul?" tanong nito kay Seulgi. 

 

 

"Ha? Ewan ko nauna akong bumaba diba?" sagot ni Seulgi. "Tropa, san si Byul?" pinasa ni Seulgi yung tanong kay Wendy. 

 

 

Nanlaki yung mata ni Wendy. "Hala! Naiwan sa bus, tropa!" nagpapanic na sagot ni Wendy. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagtapos nila mag check in sa kani-kaniyang kwarto tsaka pa lang dumating si Byul. 

 

 

"Galing galing niyo rin talaga eh, no? Di niyo man lang ako ginising na bababa na pala." reklamo ni Byul sa mga kasama. 

 

 

"Tropa, tinawag kita nung pababa na. Akala ko gising ka kasi nakabukas naman mata mo. Tulog ka pala non?" natatawang sagot ni Wendy. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa bahay nila Seulgi para mananghalian. Napilitan silang mag-check in sa hotel dahil hindi sila kakasya lahat sa kwarto ni Seulgi. Gusto sana ni Joohyun na magstay na lang sa bahay nila Seulgi para naman maka-bonding niya ang parents ng girlfriend pero nagpumilit si Seulgi na sa hotel na lang din sila dahil monthsary naman nila kaya ang ending, lahat sila ay nagbook ng room. 

 

 

Tatlong rooms ang na-book nila. Isa para kay Seulgi at Joohyun, isa para kay Wendy at Joy, at magkakasama naman sa iisang room si Roseanne, Lisa, at Byul. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Joohyun!" masayang bati ni Tita Cherry sa girlfriend ng anak. Agad niya itong nilapitan at niyakap. "Sa wakas, nak. Nakarating ka na rin dito." dugtong pa niya. 

 

 

"Hi, Tita! Kumusta po?" bati ni Joohyun with the same enthusiasm habang yumayakap kay Tita Cherry. 

 

 

"Okay naman ako. Halika na kayo sa loob at lalamig ang pagkain." aya niya sa grupo nila Seulgi. 

 

 

"Mama, salamat na lang sa lahat. Mas mahal mo na si Hyun kesa sa akin." malungkot na sabi ni Seulgi. 

 

 

"Solgeh, napaka-drama mo talagang bata ka hindi ko alam kanino ka nagmana. Hala pasok na." sagot ng nanay niya habang tinatapik sa pisngi si Seulgi. 

 

 

Tawang tawa si Joohyun sa maikling banter ni Seulgi at ng nanay nito pero pinigilan niya dahil sa hiya. Pagkaupo nila sa may dining table hinawakan niya ang kamay ni Seulgi. "Quits lang, mahal. Parang mas love ka na nga rin ni Mama eh. May secret kayong di sinasabi sa akin." nakangiting sabi ni Joohyun. 

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pinagmamasdan lang silang dalawa ng mga magulang ni Seulgi. Masaya ang mga ito na nakatagpo ang anak nila ng kagaya ni Joohyun. 

 

 

Tuloy lang sa kwentuhan habang kumakain ang pamilya at mga kaibigan ni Seulgi. Sarap na sarap si Wendy sa luto ni Tita Cherry kaya hindi siya halos nagsasalita dahil busy siya sa pagkain. 

 

 

"Love, hinay-hinay sa pagkain mamaya aantukin ka na niyan." paalala ni Joy. 

 

 

 

 

 

 

 


Habang abala ang lahat sa paghihimay ng hipong nakahain, kumuha si Tita Cherry ng ilang piraso at ipagbabalat sana niya ang anak dahil alam niyang tatamarin na naman ito kumain pero bago pa siya magumpisa nakita na niya si Joohyun na tahimik na nilalagyan ang pinggan ni Seulgi ng nabalatan ng hipon. 

 


Napangiti na lang si Tita Cherry at iniligay sa pinggan ni Joohyun yung para sana kay Seulgi.

 


"Ma? Ako anak mo. Remind ko lang." reklamo niya.


 

 

 

 

 

 

 


Pagtapos ng pananghalian nagpaalam ang mga kaibigan nila Joohyun na babalik muna sa hotel para makapagpahinga saglit habang naiwan naman ang dalawa para makakwentuhan ang magulang ni Seulgi. 

 


"Joohyun, inaalagaan ka bang mabuti ng anak ko? Sabihin mo lang kung pinapabayaan ka ah? Akong bahala." biro ng tatay ni Seulgi. 

 

 

"Tito, hindi po ako pinapabayaan. Maalaga po si Seulgi." nahihiyang sagot ni Joohyun. 

 

 

"Mana ako sa'yo, Pa. Tatak Kang diba?" proud na sabi ni Seulgi. 

 

 

"Very good, anak. Mahalin mo ng buo ang taong nagmamahal sa'yo. Walang magiging problema." payo ng tatay ni Seulgi. 

 

 

Tumango si Seulgi sa sinabi ng kaniyang tatay. "Pa, Ma, may good news po kami ni Joohyun sa inyo."

 

 

"Ano yun, nak?! Magkaka-apo na ba kami?" malokong tanong ni Tita Cherry. 

 

 

Halos mabilaukan si Seulgi sa tanong ng nanay niya kaya hindi agad siya nakapag-salita. Si Joohyun naman ay pilit na pinipigil ang pagtawa. "Hindi po, Tita. Nagka-offer po kasi si Seulgi sa training center na magturo part-time. Ako naman po nagrereview para makapagtake ng exam to qualify sa med school." sagot ni Joohyun. 

 

 

"Solgeh, anak ko!" tumayo si Tita Cherry para yakapin si Seulgi. "Anak, sobrang proud si Mama. Dati puro ka lang baril baril sa selpon mo. Ngayon akalain mo yun magtuturo ka na." bakas ang tuwa sa mukha ni Tita Cherry. Binaling niya ang tingin kay Joohyun na nasa tabi ni Seulgi. "Naku ito namang isa kong anak napakatalino talaga. Joohyun, pag may kailangan ka sa pag-aaral magsabi ka lang sa akin ah? Ang Mama ang bahala." niyakap niya ng mahigpit si Joohyun. 

 

 

Yung puso ni Seulgi parang gustong kumawala dahil sa nakikitang pakikitungo ng girlfriend at pamilya sa isa't isa.

 


'Lord, thank you po sa lahat lahat.' tahimik na dasal ni Seulgi. 

 

 

Ilang oras pang namalagi sila Seulgi sa bahay bago siya nag-ayang bumalik sa hotel.

 

 

"Ma, Pa, balik na po kami sa hotel. Dadaan naman po kami ulit dito bukas ng umaga." niyakap niya ang ina. "I love you, Ma." pagtapos ay lumapit rin siya sa tatay para magpaalam. 

 

 

"Tita Cherry, thank you po. Una na po kami." paalam ni Joohyun. Nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin ng nanay ni Seulgi. "Nak, kung kailangan mo ng tulong sa pag-aaral wag kang mahihiyang magsabi sa amin ah? Naku ipagmamalaki ko sa mga kumare ko dito na may anak akong magdo-doktor."

 


"Opo, Tita. Salamat po." nakangiting sabi ni Joohyun.

 

 

Overwhelmed pa rin si Joohyun sa suportang natatanggap mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi niya inaasahan na sa pag-abot ng pangarap niya ay marami siyang magiging katuwang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang naglalakad pabalik ng hotel, naalala ni Seulgi na may kailangan pala siyang sabihin kay Joohyun. 

 

 

"Hyun?" 

 

 

"hmmm?" sagot ni Joohyun.

 

 

"Alam na ba ni Ate Tiffany kung nasaan si Tita Eula?" 

 


"Hindi ako sure pero ang sabi niya sa akin nung nakausap ko siya hinahanap pa rin nila. Ang akala kasi ni Ate Tiffany nagstay lang si Tita sa probinsya nila ayun pala umalis na daw."

 


"Yan nga rin ang sabi sa akin ni Ate Taeyeon eh. Malungkot daw si Ate Tiffany kasi gusto niya nandun talaga si Tita Eula sa kasal nila."

 


"Oo nga eh. Kahit na ceremony lang ang gagawin nila Ate at hindi legal na kasal siyempre gusto pa rin naman niyang nandun si Tita Eula. At least makumpleto man lang ulit pamilya nila. Bakit mo pala biglang natanong?" takang tanong ni Joohyun. 

 


"Kasi kanina sa last stop over nakita namin si Tita Eula."

 


"Mahal?! Nakausap mo? Anong sabi? Saan daw siya nags-stay? Bakit daw siya umalis sa kanila?" sunod-sunod na tanong ni Joohyun. 

 


"Relax ka lang, Hyun. Nakausap ko siya pero sandali lang kasi maiiwan ako ng bus pag nagtagal ako. Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo."

 


"Mahal naman sana ginising mo pa rin ako. Diba kakausapin natin siya?" 

 

 

"Opo. Alam ko yun, mahal. Kaya nga kinuha ko yung phone number at address niya. Balak ko sana puntahan natin bago tayo bumalik sa manila."

 


Medyo kumalma si Joohyun sa paliwanag ni Seulgi. "Thank you. I really want to talk to Tita Eula. Pano mo pala siya na-convince na ibigay address niya?" 

 

 

"Ang sabi ko ikakasal na si Ate Tiffany. Siguro namiss niya talaga anak niya kaya nabigay niya yung address niya without thinking." sagot ni Seulgi. Hawak-kamay pa rin silang naglalakad pabalik sa hotel. 

 

 

"We have to tell Ate." sabi ni Joohyun. 

 

​​​​​​

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Late na nagkita kita ang grupo nila Seulgi at inabot na sila ng malalaking alon kaya imbes na magswimming ay napagkasunduan na lang nilang mag-inom habang nagbo-bonfire. Nakapalibot sila dito habang pinapanood ang paglubog ng araw. 

 

 

"Mahal, isang bote lang. Promise." paalam ni Seulgi. 

 

 

Ngumiti at tumango si Joohyun with an understanding look on her face. 

 

 

"You're the best, baby!" masayang sagot ni Seulgi. Niyakap niya si Joohyun at akmang hahalik pero lumingon bigla palayo ang girlfriend niya kaya naudlot yung move niya. 

 

 

"Ang arte mo." natatawang sagot ni Joohyun. "Isa lang ah?" 

 

 

"Isa lang po." bulong ni Seulgi.

 

 

"Ano na? Maglalandian lang ba kayo? Lugi naman, 'tol. Ako lang single oh." reklamo ni Byul. Kanina niya pa kasi napapansin sila Seulgi at Wendy na hindi magkamayaw sa mga girlfriend nila. Pati si Lisa na inaasahan niyang makakausap niya ay busy rin kay Roseanne. 

 

 

 

"Sorry, 'tol. Sige na di na muna ako lalandi." sabi ni Seulgi. 

 

 

"Maglaro na lang tayo. Modified truth or dare." nakangising suggestion ni Byul. 

 

 

"Pano yan? Mukhang puro kalokohan yan, 'tol." nagaalangang tanong ni Lisa. 

 

 

"Exciting nga eh!" sabat ni Wendy. 

 

 

Tahimik lang sila Joohyun, Joy, at Roseanne. Nagaantay mag-explain si Byul. 

 

 

"Ganito yan makinig kayo. Everyone gets a chance to ask a question. Kahit sino sa group natin pwede tanungin. Now, dun sa receiver ng question if you're not comfortable to answer you have other options. Either you drink or fulfill a dare."

 

 

"Saan banda yung 'modified' dun?" Seulgi asked impatiently. 

 

 

"Kapag nasagot yung question or nagawa yung dare. Magsho-shot yung nagtanong ng question o kaya bibigyan siya ng bagong dare. In short, siya yung sasalo ng parusa. So be very careful sa pagpili ng question o ng ipapagawa niyo. Siyempre bawal yung mga life threatening dares ah." paliwanag ni Byul. 

 

 

"Hmmm...mukhang masaya 'tong game na 'to ah?" naexcite na si Seulgi pagkarinig niya ng twist ng game ni Byul. Humarap siya kay Joohyun. "Don't worry, Hyun. Di ako papayag na malasing."

 

 

"We can ask anything?" pag-confirm ni Joy. 

 

 

"Yes! Kasi pwede naman tumangging sumagot sa tanong eh. Are we good? Agree ba lahat?" tanong ni Byul. 

 

 

Lahat naman sila ay tumango at nag-umpisa na nga ang laro. 

 

 

"Sige ako na mauuna. Hmmm..." inikot ni Byul ang tingin niya sa mga kaibigan habang namimili kung sino ang tatanungin. 

 

 

 

"Seul, 'tol." nakangising tawag ni Byul. "Classmate, game lang ah?" paalam ni Byul kay Joohyun. Tumango lang si Joohyun. Laro lang naman ito at alam niyang kahit i-bring up pa yung past nila ni Seulgi eh secured siya sa relasyon nila.

 

 

"Tol, nung school event na inaya ka ni Sunmi ng date tapos tinanggihan mo siya nakita ko binulungan ka eh. Ano yung binulong sa'yo?" ang laki ng ngisi ni Byul nire-ready na niya yung tequila shot para kay Seulgi. 

 

 

"Wala na bang mas hihirap diyan, 'tol? Alam naman na ni Hyun ang sagot diyan pero sige para sa'yo, Byul." tumingin si Seulgi kay Joohyun. Nginitian lang siya nito pabalik at itinaas ang kanang kamay habang naka-OKAY sign. Seulgi took it as a yes kaya nagsalita na siya ulit. "Ang sabi ni Sunmi 'Seulgi, if you don't want to go on a date with me, maybe we could go na lang sa house and spend time there. I live alone, just so you know.' Ayan yung eksaktong sinabi niya."

 

 

Sabay sabay na napa-nganga si Wendy, Lisa, at Byul. Di makapaniwala sa narinig habang kalma lang si Joohyun. Si Joy naman ay nagulat din sa sagot ni Seulgi. 

 

 

"Tol? Seulgi?! Totoo?!" sunod sunod na tanong ni Lisa. 

 

 

"Wow, tropa. Sunmi as in campus crush, gustong i-date ng lahat Sunmi?!" napatingin si Wendy kay Joohyun. "ay sorry, Joohyun. Shocked lang."

 

 

"Gustong i-date ng lahat?! So gusto mong i-date si Sunmi noon?" tanong ni Joy kay Wendy. 

 

 

"ha?" narealize ni Wendy na delikado yung sinabi niya. "Hindi ah! Ikaw lang gusto ko i-date, lalab." panic na sagot ni Wendy. 

 

 

Joy giggled. "Joke lang, love. Tinign

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
869 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
310 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
869 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
869 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.