Chapter 46

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Yun na lahat ng nangyari sa akin. Your turn." sabi ni Seulgi. 

 

"I don't have much to tell but there are things you need to know. Gaya mo, I want to start din with a clean slate. So, I'll be brutally honest." tumingin si Joohyun kay Seulgi para makita ang reaksyon nito.

 

"Go on. I'm all ears, mahal."

 

"When you left, I was so devastated. Kahit na nilinaw mo sa akin noon na wala akong kasalanan dahil wala naman akong choice sa naging decision ko I still blamed myself for what happened. It was hard not to. Noong tinutulak kita palayo naging selfish pa rin ako kasi at the back of my mind kampante akong hindi mo ako kayang iwan pero mali ako dahil sa sobrang sakit na binigay ko sa'yo lumayo ka. I still want to keep you kahit na alam kong durog na durog ka. Ang sabi mo wala akong choice, you're wrong. I had a choice back then. Pinili kong itulak ka palayo imbes na tulungan kang ayusin yung relasyon natin." tumulo yung luha ni Joohyun na agad naman pinunasan ni Seulgi.

 

"Muntik na akong tanggalin sa dean's list dahil bumaba yung grades ko. At yun yung naging wake up call ko para ayusin yung buhay ko. Ilang buwan yung lumipas, nagfocus ako sa sarili ko. Sinubukan kong ma-achieve yung mga goals ko bago maging tayo. Masakit pa rin noon pero di ko pinansin. Hanggang sa di ko namalayan graduation na pala. Isang buong taon kang walang paramdam. Nagtetext ako sa'yo pero wala kang nireplyan kahit isa. Ang sabi nila Joy tawagan ko yung number mo para malaman kung yun pa rin ba yung gamit mo pero di ko sila sinunod. Noon kasi mas kaya kong tanggapin yung idea na hindi mo lang ako nirereplyan kaysa sa idea na pinutol mo na ng tuluyan yung communication between the two of us. Pinili ko yung less painful sa dalawa kasi mas kakayanin ko yun."

 

"I'm sorry." niyakap ni Seulgi si Joohyun.


"Don't be. Sabi mo nga ipagpasalamat natin yung mga bagay kahit hindi pa natin nakikita yung rason para pasalamatan yun. You have your reasons kaya nagawa mo yun."

 

Nagpatuloy si Joohyun sa pagsasalita.


"After graduation, may weird na nangyari. Monthly may nagdedeposit sa account natin. Nadadagdagan yung ipon natin. Tuloy pa rin ako sa pagdedeposit doon kaya namomonitor ko yung pasok ng pera." sabi ni Joohyun na siya namang ikinangiti ni Seulgi.

 

"I know it was you. Alam kong tinuloy mo pa rin yung pagdedeposit."

 

"Hindi ako yun ah." may malokong ngiti sa labi ni Seulgi.

 

Umirap si Joohyun. "Ikaw, ako, si Joy, Wendy, at Mama lang ang may alam ng account natin. Wala ni isa sa kanila ang nagdeposit dun kaya sigurado akong ikaw yun. Yun yung naging rason bakit ako nag-antay sa'yo ng ganun katagal. Alam kong babalik ka. Alam kong isang araw bigla ka na lang lilitaw sa harap ko. It motivated me, mahal. Bago mag board exam, yun ang pinanghawakan ko kaya hindi ako masyadong nalungkot at nakapag focus ako sa pagrereview. You gave me peace of mind kahit na wala kang sinabi, kahit na hindi ka nagpakita. You helped me ace that exam."

 

"Wow. I didn't know na ganun kalaki ang magiging impact nun sa'yo. I did it kasi nagaalala ako baka biglang may gawin sa'yo ang lola mo. Makakatulong sa inyo yung pera. After graduation, tumutulong ako sa negosyo sa La Union nabibigyan ako ni Papa kaya may panghulog ako sa account natin." paliwanag ni Seulgi.

 

"You have Ate Taeyeon to ask naman diba? Pero bakit until last month naghuhulog ka pa rin dun?" nakangiti si Joohyun.

 

"Kasi..." nahiya si Seulgi. "...kasi after ko ma-sort yung problema ko nagplano na akong bumalik kaya tinuloy ko yun para pagbalik ko may ipon na tayo. Tinitignan ko na yung future natin together. Siyempre yun ay kung tatanggapin mo ako."

 

"Yan yung reason nakatagal ako ng 3 years na magantay pero sa loob ng tatlong taon na yun may kailangan kang malaman."


"Ano yun?"

 

"Jooyoung."

 

"Sino si Jooyoung?" namawis yung kamay ni Seulgi sa kaba.

 

"Taga-ward 2E rin siya." matipid na sagot ni Joohyun.

 

"Hyun naman eh. Pabitin pa. Sino siya? Bakit siya kasama sa storytelling natin? Should I be scared?" sunod sunod na tanong ni Seulgi.

 

"Tignan mo 'to nung ikaw nagkekwento tungkol kay Krystal pinatapos kita."

 

"Paputol putol kasi kwento mo." nagpout si Seulgi tsaka sumiksik sa leeg ni Joohyun.

 

"Seulgi, look at me." nilapit ni Joohyun yung mukha niya kay Seulgi. "Jooyoung is a very good friend of mine. Noong una, she confessed na mahal niya ako, nagpaalam siyang manliligaw." nanlaki yung mata ni Seulgi. Natawa naman si Joohyun. "Your eyes are so expressive talaga. Alam ko kung kailan ka nagseselos. You don't have to get jealous okay? Patapusin mo muna kasi ako."

 

"Okay." mahinang sagot ni Seulgi.

 

"The moment na sinabi niyang mahal niya ako I told her I am waiting for you. Noong una persistent siya na manligaw pero nakita niyang wala siyang pag-asa kaya tinigilan na rin niya. Nung tumagal naging mabuting magkaibigan kami."


Bumalik yung ngiti ni Seulgi sa narinig. "kilala niya ako?"

 

"Of course, siya lang nakakakilala sa'yo sa West wing kasi kailangan niyang malaman kung sino ka. I have to set boundaries. Ako na po nagtayo ng bakod mo para di ako malapitan." biro ni Joohyun.

 

"Hehe tataasan ko pa yung bakod na yun simula bukas."

 

"You don't have to. Ito pa lang nagsusumigaw ng taken ako eh." nilabas ni Joohyun yung nakatagong kwintas sa leeg niya.

 

"Ako rin oh. Lagi kong suot 'to." pinakita ni Seulgi yung kakambal na kwintas ng kay Joohyun na nakasabit rin sa leeg niya. 

 

"Kita ko yan kanina nung naghubad ka ng tshirt sa kotse..." lumapit si Joohyun kay Seulgi. "...tsaka nakita ko rin 'to." hinaplos ni Joohyun yung abs na covered ng damit ni Seulgi.

 


"Hyun naman eh. Tapos ka na ba magkwento?" hinalikan ni Seulgi yung kamay ni Joohyun. "...kasi kung oo..." halik sa pisngi. "...mas masaya magkwentuhan sa kwarto." halik sa labi. 


Soft giggles. Nahihilo na si Seulgi. 

 

"Haaay grabe naman po napaka impatient. May kwento pa ako." pagpigil ni Joohyun sa balak ni Seulgi. 

 

Lumayo si Seulgi ng mga ilang pulgada kay Joohyun. "Diyan ka lang. Wag ka susunod dito. Nahihilo ako, Hyun. Hahawak sa abs tapos ayaw makipagkwentuhan sa kwarto. Ano kaya yun?" sabi ni Seulgi na parang batang pinipikon ng kalaro. 

 

Humagalpak si Joohyun ng tawa. "Kang Seulgi, be patient kasi. Okay ito na. Kinwento ko si Jooyoung kasi baka ma-off ka sa friendship namin. Medyo clingy siya kasi she likes to hold my hand, mahilig siya umakbay. Sinabi ko sa'yo para alam mo na agad. Kung hindi okay sa'yo yun I will tell her to stop."

 

"Sure ka bang wala na siyang gusto sa'yo? Kung sure ka naman, Hyun. Wala akong right para pumagitna sa friendship niyo. I...i will probably have to get used to it muna pero yeah, di naman ako diktador na girlfriend para pigilan ka makipag-kaibigan sa iba. Pero kung may gusto pa siya sa'yo tapos ganyan ka niya ituring, she's taking advantage of you. Dun ako magagalit talaga." yung aura ni Seulgi kanina na parang bata biglang nawala at napalitan ng seryosong mukha. 

 

'hot.' napalunok si Joohyun. 

 

"Sure na sure kaya you don't have to worry about it." yumakap si Joohyun kay Seulgi. 
"May kwento pa ako last na."

 

Umakbay si Seulgi sa balikat ni Joohyun at hinahaplos haplos ang ulo ng dalaga habang nagsasalita ito. 

 

"4 months ago nasa La Union ako. Di ko alam kung sabay ba yun sa pag punta mo sa US. Nagkayayaan kaming magkape nila Joy kaso nung papunta na kami sa coffee shop bumalik ako sa transient kasi naiwan ko yung phone ko. Ang usapan namin nila Joy susunod na lang ako sa kanila."

 

Seulgi stopped caressing Joohyun's hair. 

 

"Pagbalik ko namali ako ng pasok ng cafe. Dapat sa El Union Coffee ako pupunta pero di ko alam bakit ako dinala ng mga paa ko sa Sunrise."

 

"Nakarating kang Sunrise?" gulat na tanong ni Seulgi. 

 

"Oo at nagkita kami ni Tita Cherry." sagot ni Joohyun. "Nung nakita ko siya mas nadagdagan yung pag-asa kong makikita na kita ulit pero sinabi sa akin ni Tita na wala ka na sa La Union. I got scared for a bit. After that, madalas na kami magka-chat ni Tita."

 

 

 

"Woooaaah si Mama talaga. Di niya yan sinabi sa akin."

 

"Wala naman kami masyado pinaguusapan minsan nga mga gif lang ng good morning sinesend ni Tita Cherry."natatawang sagot ni Joohyun. "One time, nagkamali ng chat si tita. Sabi sa chat 'Solgeeee, napuntahan mo na ba si Joohyun? Ewan ko ba sa'yong bata ka bakit ang hilig mo sa drama. Wag mo na patagalin yan!' tapos biglang binura ni tita kaso nabasa ko na."

 

"Kailan yan, Hyun? Si Mama talaga! Ibig sabihin alam mong magpapakita na ako sa'yo??"

 

"Last month siya nagchat. Oo, kaya nung nakita kayo ni Wendy sa HR tahimik lang ako."

 

"Kung alam ko lang na alam mo na edi sana last month pa lang pinuntahan na kita. Ilang linggo ko kaya in

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.